"YOU have to pay for the book Miss Garcia, alam mo iyon as policy ng library" ang mahinahong tinig ni Mr. Buenrostro, ang Chief Librarian ng SJU. "and also, ipakukumpiska ko ang mga library cards ninyo, bilang parusa sa ginawa ninyong gulo sa loob mismo ng aklatan, you're not allowed to enter the library premises for one month" mariin nitong turan.
"Pero sir wala po akong pera" pagsasabi niya ng totoo. Para sa isang estudyanteng katulad niya hindi biro ang halaga ng librong iyon. "saka siya naman ang may kasalanan kaya napunit 'yung libro" aniyang tinitigan ng matalim ang lalaking kanina ay tinawag ni Mr. Buenrostro sa pangalang Louis Dela Llana.
Nakakaunawa siyang nginitian ng matandang librarian. "Miss Garcia alam mong wala ako nang mangyari ang insidente, so I have to rely on the evidence. I'm sorry" paliwanag pa nito.
Tahimik lang siyang nagyuko ang ulo. Nagngingitngit ang galit niya para sa lalaking ito at ang totoo gusto niyang umiyak. Alam niyang sa kanilang dalawa ay siya ang lumabas na talunan, at hindi niya matanggap ang bagay na iyon.
"Walanghiya kang Aragog ka may araw karin sakin!"
Nakalabas na sila ng opisina ay nanatili parin siyang walang imik. Ngunit sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na siya ng chance para kumprontahin ng mabuti ang lalaki dahil nasa pinakatuktok ng gusaling iyon ang opisina ng Chief Librarian.
"Nakita mo na? Ngayon kailangan ko pa tuloy magbayad ng libro dahil sa kawalanghiyaan mo!" galit na galit niyang dinuro ang binata.
Maluwang itong napangiti saka walang anumang hinawi ang tila napakalambot nitong buhok. At muli nanaman siyang na-capture ng spell dahil sa kagwapuhan ng binata
Ang makakapal nitong kilay na itim na itim bumagay sa mga mata nitong nakakamagneto kung tumitig. Ang napakatangos nitong ilong at red kissable lips! Walang duda at kahit napaka-nakakainis nito ay hinding-hindi niya babawiin na si Louis ang local version ng Hollywood star crush niyang si Adam Sandler. Ang pinagkaiba lang ay moreno si Louis. At angkop ang taas nitong sa tantiya niya ay nasa six feet sa masculine nitong pangangatawan.
Kung hindi lang sa ganitong sitwasyon tayo nagkakilala wala ng hadlang para maging crush kita. Kaso every encounter puro kabwisitan ang ginagawa mo sakin!
"Bakit ba galit na galit ka, dahil pinababayaran sayo 'yung libro?"
Sa narinig ay agad na nagtig-isang linya lang ang mga mata ni Jade. "Alam mo napakayaman mo sa kayabangan!" aniyang dinuro-duro ang dibdib ng binata. Kaya maagap na hinawakan ni Louis ang kaniyang kamay na mabilis niyang binawi dahil sa kakaibang daloy ng kuryenteng hindi niya inasahan.
"Saka pwede ba, hindi ikaw si Jack kaya huwag kang umasta na parang hari ka ng mundo! Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaki dito ikaw pa ang nakilala ko!" kung pwede lang ay gustong-gusto niyang sigawan ang binata. Lalo na nang makita niyang nanatili lang itong nakatitig sa kaniya habang nakangiti.
"Lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka, alam mo ba iyon Miss Garcia?"
Natigilan siya sa narinig. He's not that bad at all, kasi napansin niya ang beauty mo.
Naku binibilog lang niyan ang ulo mo!
"FYI lang, matagal ko ng alam na maganda ako no! Kamukha ko nga si Altagracia eh!" pagtataray niya saka namaywang na inirapan ang lalaki nang makabawi sa narinig.
"Napansin ko nga!" sang-ayon nito sa isang tinig na tila nakikipagkaibigan.
"Kaya huwag ka nang magbait-baitan diyan! Dahil hindi ako nagpapauto, lalo na sa isang kagaya mong kasing pangit ni Aragog! At kahit anong gawin mo hindi mo na mababagong kasalanan mo kung bakit kailangan kong magbayad ng isang napakamahal na libro!"
Noon nag-echo sa paligid ang malakas na tawa ni Louis na lalong nagpasidhi sa galit na nararamdaman niya. "Aragog talaga ah! Bakit mukha ba akong gagamba?"
"Wala na akong time sa isang mayabang na katulad mo! Inubos mo lang ang oras ko! Perwisyo!" galit na galit niyang turan saka ito tinalikuran.
Naiinis siya at gusto niyang magalit ng buong puso sa binata pero hindi niya iyon magawa. Paano'y isang ngiti lang mula rito ay nagagawa siyang pahinuhurin. Ang mundo niya, tumitigil at nagkukulay rosas kapag nakikita niya ang magandang kislap sa mga mata nito at ang pabango nito parang nakadikit na iyon sa ilong niya.
Sa dinami-dami ng gwapong lalaking pwede niyang hangaan, bakit si Louis pa?
NAIILING na bumaba narin si Louis. Babalik na siya sa kaniyang klase bago pa man siya ma-late. Nang madaanan niya ang library ay awtomatiko siyang sumilip sa glass door.
Wala na doon si Jade at ang mga kaibigan nito. Makahulugan siyang napangiti nang maalala ang dalaga. Ang maganda nitong mukha, exotically beautiful. At tama nga itong sabihing kamukha ito ni Altagracia. Lalo na ang mga mata ni Jade na napuna niyang kulay brown. At matatalim man ang mga iyon ay siyang una niyang hinangaan sa dalaga. Pagkatapos ay ang maitim at tuwid na tuwid nitong buhok na hanggang baywang ang haba at madalas ay naka pony tail.
Mestisahin si Jade dahil sa kulay ng balat nitong rosy white. At sa kintab ng kutis ng dalaga lalo na ng mga binti nito ay mapagkakamalan mong naka stockings ito kahit hindi.
At kahit para itong dragon kung magalit, hindi parin niya maitatangging naaaliw siya kapag nakikita at napagmamasdan niya ito. Pakiramdam nga niya, matapos ang nangyari kanina at nakita niya ito ng malapitan, malamang kahit dulo ng buhok nito ay magagawa niyang tukuyin.
Natigilan siya, narating niya ang classroom nila na si Jade ang iniisip.
Ang insidente sa library at driveway ay hindi niya sinadya. At lalong higit nang una silang magkita. Kaya hindi niya maiwasang isiping pagkakataon ang naglalapit sa kanila.
Dragonesa, natawa siya ng wala sa loob.
Well kung para sayo ako si Aragog, ikaw naman ang Hungarian Horntail!
Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang ma-imagine ang pwedeng maging reaksyon ni Jade oras na tawagin niya itong Hungarian Horntail.
"HELLO Louis!"
"Hi" sagot niya sa magandang babaeng bumati sa kanya. May kasama itong dalawa pa at nakaupo sa mahabang wooden bench na nasa corridor ng college building nila.
"Ba't di ka nagrereply sa mga text ko? Nagpalit ka ba ng number?" anitong humimig pa na parang nagtatampo.
Napangiti siya. Sanay na siya ganoong eksena, kaya parang wala ng dating sa kanya. "Nope, medyo busy lang, alam mo na graduating" pagdadahilan niya.
"Okay. But if you need someone, alam mo na" anitong makahulugan pa siyang kinindatan.
"I have to go, I'll see you around" ang naisagot niya sa halip saka naglakad na ng walang lingon-likod. Natigilan lang siya nang makita ang nagbabasa sa loob ng waiting room.
Sa pagkakakita niya kay Jade ay parang may kung anong naguudyok sa kanyang lapitan ito. Makahulugan pa siyang napangiti nang mapunang tila hindi nararamdaman ng dalagang nakatingin siya rito.
Kung sakaling kaibiganin kita, matanggap mo kaya ako kahit parang walang dating sayo ang charm ko?