Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 4 - PART 4

Chapter 4 - PART 4

One Month Later

NAGMAMADALI ang mga hakbang ni Jade para sa kaniyang first subject. Inaral kasi niya ng mabuti ang presentation niya para sa araw na iyon kaya late na siyang nakatulog kagabi.

Sa pagmamadali ay hindi niya napuna ang sasakyan sa driveway kung saan siya halos patakbong naglalakad. At dahil nga nasa likuran niya iyon, napatalon siya sa pagkabigla nang businahan siya ng driver nito.

Tumilapon ang lahat ng dala niyang libro at props. Pero wala na siyang panahon para pag-aksayahan ng oras ang driver kaya nagmamadali niyang pinulot ang nahulog niyang gamit para makahabol sa kaniyang klase. Ngunit iyon nalang ang pagkagulat niya sa sumunod na nangyari.

"Miss, sa susunod huwag kang tatanga-tanga para di ka nakaka-abala!"

Nilingon niya ito, nakita niyang iyon ang driver ng kulay itim na Strada na bumusina ng malakas sa kaniya. Hindi niya nakita ng maayos ang itsura nito dahil may suot itong de-kolor na salamin pero sa hugis ng mukha ay parang pamilyar ito sa kaniya.

"Ano natulala ka nanaman diyan! Tumabi ka nga!" malakas nitong muling hiyaw sa kanya.

Noon siya naiiling na tumalikod saka muling naglakad. Inis siya pero wala siyang oras para sa isang lalaking katulad niyon. Mas importante na maka-abot siya sa kaniyang presentation. Pasasaan ba at tiyak na magkikita rin naman sila, at sa susunod siguradong makakatikim na ito sa kanya. Iyon ay kung hindi niya makalimutan ang itsura nito. Hindi kasi siya matandain sa mukha maliban nalang kung may ibang palatandaan gaya ng nunal o di kaya'y pabango.

Pagkatapos ng klase nila ay agad siyang dumiretso sa library kasama sina Pauline at Rhea. Doon sila madalas maglagi dahil gaya niya mahilig ring magbasa ang dalawa.

"Umiinit talaga ang ulo ko kapag naaalala ko iyong lalaking iyon! Kung sino man siya, humanda siya sa akin kapag nagkita ulit kami!" inis niyang sambit nang maalala ang nangyari sa kaniya kaninang umaga.

"Marami talagang ganoon dito" si Rhea na sinulyapan siya bago itinuloy ang pagbabrowse sa librong nasa harapan nito.

"Kaya nga ayokong magkaroon ng boyfriend na mayaman eh! Siguradong lalaitin din ako ng pamilya nito kung sakali" sagot niya saka tumayo.

Sa kanilang tatlo ay masasabi niyang siya ang huli kung titingnan ang estado ng pamumuhay. Well, si Rhea. Franchiser ng fastfood ang ama nito, habang Bank Manager naman ang mommy ni Pauline at Civil Engineer ang ama nito.

"Saan ka pupunta?" si Pauline.

"Titingnan ko lang yung Harry Potter 3 kung available na, walang bakanteng computer oh" aniyang inginuso ang anim na computer kung saan pwedeng i-check ang availability ng isang libro.