♡ Syden's POV ♡
Lumipas ang tatlong araw na hindi ako naiwang mag-isa sa kwarto ni Dean. Palagi akong pinupuntahan nina Roxanne at Clyde pati na rin ang mga Vipers. Si Raven? Isang beses niya lang ako binisita tapos agad din siyang umalis dahil may gagawin daw siya.
Kinwento na rin sa akin ni Roxanne ang lahat, kung bakit umalis siya. Sa totoo lang ang sakit tanggapin na umalis siya sa tabi ko umaasang magkakausap kami pero hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw, wala akong maalala kung anong nangyari. Oo, narinig kong nagpaalam sa akin si Dean pero bakit parang wala pa rin akong narinig at hinayaan ko siyang umalis ng ganun-ganon na lang?
Tatlong araw lang daw ang ibinigay sa kanya ng council para makabalik...at ngayon ang ikatlong araw. So it means, makakabalik na siya ngayon kasama si Julez. Walang nakakaalam kung gaano ako kasaya na makikita ko ulit siya.
I'm back, muffin.
Napangiti na lang ako dahil sa excitement na nararamdaman ko habang nakaupo ako sa kama niya. Hindi ko ba alam pero ang saya sa pakiramdam na magkikita na ulit kami. Oo tatlong araw siyang nawala pero sobrang miss ko na siya.
Napatingin na lang ako sa pintuan ng bumukas ito at nakita ko si Roxanne, "What is this? Pinapatawag ka sa secret room?" nagtatakang tanong niya na ipinagtaka ko rin naman.
Agad akong tumayo para lumabas at naabutan ko sina Clyde at Phantoms na katapatan si Finn, parang magkakaroon ng away. Nagbago na lang ang seryosong mukha ni Finn ng makita niya ako, "Pinapatawag ka ng president" saad nito sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit? Hanggang sa nakaramdam ako ng tuwa, it may either be my friends or baka si Dean na nakabalik na. Sigurado naman na sa pintuang nakatago doon sa secret room sila dadaan bago makarating dito sa building.
"You can leave now" saad ni Clyde kay Finn na anumang oras parang mag-aaway sila.
Nilapitan ko si Clyde at hinawakan ang braso niya kaya napatingin siya sa akin, "Clyde, it's okay"
"Kung pupunta ka sa secret room, sasama kami. Hindi naman namin hahayaang makasama mo ang lalaking 'yan. Baka ano pang gawin niyan sa'yo" saad ni Roxanne na halatang naiinis rin kay Finn kaya tumango na lang ako.
"If that's what you think, wala akong magagawa" sagot ni Finn sa kanila.
Tinignan ko na lang siya at tinalikuran na niya kami kaya naglakad na rin ako dahilan para sumunod ang grupo. Halata din namang naiinis na siya dahil sa inaasal ng grupo lalo na yung tingin ng mga Vipers. Papunta kaming lahat sa secret room. Nasa unahan si Finn tapos ako, sa likuran ko yung buong grupo na anumang oras handang lumusob kung sakaling may gawing hindi maganda si Finn. Pero sa tingin ko naman, wala siyang gagawin dahil pinapatawag lang naman ako ni Fortune kaya niya ako pinuntahan.
Pagkarating namin doon, may mga taong nasa harapan mismo ng secret room na halatang hinihintay na bumukas ang pintuan. Pero ng mapansin nila kami, napatingin sila sa direksyon namin na ikinagulat ko naman. Yung tuwa na nararamdaman ko, biglang nawala.
"Look who's here? It's nice to see you again..." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, "So well, Bliss Syden. Pagkatapos ng nangyari sa'yo" mapang-inis na sabi nito kaya diretso ko lang siyang tinignan, "Mind your own business, Savannah" seryoso kong sabi. Halata sa mga tingin nito na pinagtatawanan niya ako.
"You look so ruined" at natawa siya.
"Don't mind her" bulong ni Finn kaya pinakalma ko ang sarili ko dahil baka masabunutan ko pa siya.
"So this is Bliss Syden?" napatingin kami sa lalaking kasama ni Savannah. Matangkad ito at naka-salamin. Halatang matalino dahil sa itsura at pananalita nito.
Nilagpasan niya si Savannah at nilapitan ako, "I badly want to meet the girl na usap-usapan ngayon because of what happened. I am Sylvester de Vera, one of the student council officers. Pleased to meet you" saad nito na inilahad ang kamay niya kaya pinilit kong ngumiti, "Nice to meet you too" at nakipag-kamay na rin ako sa kanya pero hindi rin nagtagal 'yon ng bumukas ang pintuan ng secret room kaya sabay-sabay kaming napatingin doon.
Napatingin ako kay Finn at tumango siya na sinasabing kailangan na naming pumasok kaya tinignan ko sila Roxanne, "Be careful" saad niya kaya tumango ako bago pumasok sa loob. Nang makapasok na ako pati na rin yung mga officers, yung dating ayos ng kwarto nag-iba na.
May pabilog na lamesa sa gitna at may anim na upuan ang nakapalibot doon. Hindi pa rin naman nawala yung apat na pulang ilaw sa bawat sulok ng kwarto pero yung book shelf na nakaharang sa sikretong pintuan palabas ng building, wala na. Kaya expose na rin yung pintuan.
"Have a seat" dinig kong sabi ni Fortune. Napansin ko din na ako na lang pala ang nakatayo at nakaupo na silang lahat. Hindi ko alam kung bakit kasama pa ang iba nilang members. Lahat sila nakaupo pero may katabi si Fortune...hindi ko makilala dahil nakatalikod ang upuan nito kaya pagkaupo ko nagsalita siya, "Vice president, would you like to give us some attention here?" saad ni Fortune habang nakakibit-balikat at diretso lang ang tingin.
"I'm sorry, miss president. Look what we have here?" boses ng batang babae ang narinig ko. Isang pamilyar na boses.
Nang iikot niya ang swivel chair na inuupuan niya paharap sa amin, nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya, "Hi, ate!" saad nito na kinawayan pa ako habang may kinakain siyang lollipop.
"M-myrtle?" gulat kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano pero ang sabi niya sa akin dati...
"Ang akala ko ba..."
"Sorry if hindi ko nasabi sa'yo, I am the vice president of the student council" saad nito at wala akong alam na sabihin dahil sa pagkabigla.
Ganito ka-bata, vice president?!
"P-paanong....akala ko ba ikinulong ka nila sa kwartong 'yon?" hindi makapaniwalang-tanong ko.
"Sorry. I lied." saad nito na halatang natutuwa pa sa nangyari dahil sa ngiti niya. I can't believe this.
"Going back to the real topic..." napatingin lahat kami kay Fortune ng magsalita siya, "B-bakit niyo ba ako pinatawag dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko rin maiwasan na hindi mapatingin kay Myrtle dahil hindi ako makapaniwala. Yung ngiti niya habang nakatingin sa akin, nakakatakot. Ang akala kong inosente at nadamay lang, may itinatago rin pala.
"Because of my promise" sagot naman ni Fortune. Kahit naka-maskara siya alam kong nakatingin siya sa akin. Dahil sinusubukan kong iabsorb lahat ng nangyari, hindi ako makapagsalita. Promise?
"I-ibig mo bang sabihin..." in a second, she snapped her fingers na gumawa ng tunog kaya nagtaka ako. Napatingin na lang ako sa pintuan ng pabagsak na bumukas ito at iniluwa noon sina Icah, Maureen at Hadlee. Parang itinulak sila kaya napaupo sila sa sahig.
Napatayo ako at dahan-dahan silang nilapitan. Masyadong unexpected lahat ng nangyayari, "I-icah?" saad ko kaya napatingin sila sa direksyon ko at alam kong ganoon din ang nararamdaman nila.
"Syden?" dahan-dahan silang tumayo at dahil sa gulat, halos magkatitigan na lang kami.
Nang maramdaman ko ang tuwa, bigla kong niyakap si Icah, "Namiss ko kayo!" napaluha ako sa sobrang tuwa hanggang sa maramdaman kong niyakap niya na rin ako.
"Akala ko, hindi na tayo magkikita" sagot naman niya. Nang makita kong nakangiti rin sina Maureen at Hadlee, niyakap ko rin sila isa-isa. Kitang-kita sa mga mata namin ang tuwa.
Hanggang sa humiwalay ako sa pagkakayakap ko para tignan silang tatlo, "Buti naman at okay kayo. Sobrang nag-alala ako sa sitwasyon niyo" nag-aalala kong sabi.
"Pero hindi na ngayon, dahil magkakasama na ulit tayo" masayang sabi ni Hadlee kaya niyakap ko ulit silang tatlo.
"Pero paano kami napunta dito?" tanong ni Maureen kaya dahan-dahan akong lumayo at tinignan sila. Napatingin ako sa direksyon ni Fortune, kaya tinignan din siya nila Icah.
"Thank you, Fortune" saad ko dito. Unti-unti siyang humarap sa amin, "Don't thank me, sumunod ka sa usapan" dagdag pa niya na ipinagtaka ng tatlo kong kaibigan.
"S-sy, anong usapan?" alam kong na-alarma sila sa sinabi ni Fortune pero hindi ko pwedeng sabihin ngayon, sa tamang oras.
"You may leave now" sabi niya sa aming apat, "Yan lang naman ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito, para makita mo na sumusunod ako sa usapan. I hope you'll do the same, Bliss Syden" napalunok na lang ako habang sa akin pa rin ang tingin niya na parang hinihintay ang sagot ko kaya tumango ako, "Of course"
"Good, off you go" at muli siyang tumingin sa harapan niya. Tinignan ko si Finn at tumango siya para sabihing lumabas na kami. Tinignan ko sina Icah at ngumiti ako bago naglakad papalapit sa pintuan. Bumukas din naman 'yon pero may naalala ako kaya natigilan ako dahilan para maunang makalabas sina Icah. Natigilan din naman sila ng mapansin ako, "May problema ba?" tanong ni Maureen.
Humarap ako kay Fortune, "Paano si Dean, nasaan na siya?" tanong ko.
"Bakit sa akin mo siya hinahanap? How would I know?" sagot ni Fortune na parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Unti-unting nawawala yung saya na nararamdaman ko, napapalitan ng bigat. Pabigat ng pabigat. Bakit ganon?
"I gave him the chance, pero kung hindi niya magawang makabalik ngayon, it's his lost not mine. At siya mismo, alam niya 'yon" dagdag pa nito. No, makakabalik siya. Babalikan niya ako. He promised.
"After what happened to you, may gana ka pang humarap sa kanya?" sarcastic na saad ni Savannah na nakangiti ng masama.
"Savannah, stop." pagpipigil ni Finn sa kanya.
"Why? Totoo naman hindi ba? He protected this girl many times but she couldn't even protect herself for him!"
I can't defend myself, kasi may parte sa akin na sinasabing totoo ang mga sinasabi niya.
Tumango ako at dahan-dahang tumalikod. May mga namumuong luha na pinipigilan ko hanggang sa magsalita ulit si Fortune, "Kilala ang boyfriend mo sa buong campus, tapos malalaman nila kung anong nangyari sayo? Such a shame on his part. Kaya siguro pinili na rin niyang iwan ka"
"Hindi niya ako iniwan. Babalik siya. Babalikan niya ako!" sigaw ko na may tumulong luha pero pinunasan ko rin agad 'yon.
"He won't come back. Ever" saad ni Savannah.
"Don't tell her the truth. Mahihirapan siya, she is just moving on right?" saad ni Sylvester na tinignan ako kaya sinamaan ko siya ng tingin lalo na ng ngumisi ito.
"Let's go." saad ni Finn na mahigpit na hinawakan ang kamay ko at hinila papalabas ng secret room.
"Sorry about that, huwag ka na lang makinig sa kanila- "
"Finn, okay lang" putol ko sa pagsasalita niya at inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"May balita na ba kay Dean?" tanong ni Roxanne. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin sila.
"I-i don't care about him" masakit sabihin pero kailangan. Sino nga ba ako para hanapin siya? When in fact, he doesn't deserve me anymore.
Nilagpasan ko silang lahat at alam kong nagkatinginan sila, "Anong klasing sagot 'yan, Syden?" tanong ni Roxanne kaya natigilan ako sa paglalakad at walang ekspresyon siyang hinarap.
"Since umalis siya, parang nakalimot ka na. Could you please show some concern?" naiinis na sabi nito.
"If you really care about him, bakit hindi kayo ang gumawa ng paraan para hanapin siya?" sagot ko. Oo alam kong mali at masakit sa part ko, pero wala na akong mukha na maihaharap sa kanila. They did so much to protect me pero hindi ko 'yon nagawa kahit para sa kanya man lang. Deserve pa rin ba niya ako?
Tinalikuran ko na sila na halatang nabigla sa sinabi ko at alam kong sinundan ako nina Icah.
To be continued....