Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 36 - ♥♡ CHAPTER 35 ♡♥

Chapter 36 - ♥♡ CHAPTER 35 ♡♥

♡ Roxanne's POV ♡

I can't blame Bliss Syden kung bakit siya nagkaganon. Umasa kaming lahat na makakabalik si Dean pero even us, hindi namin alam kung bakit hindi nila magawang makabalik. Did something happen? Wala kaming kaide-ideya kung anong nangyari, kung bakit nagkaganon. Basta ang alam ko lang sa ngayon, hindi okay si Syden but she's trying her best to be strong. She doesn't need to prove it...because she's already strong at nakikita ng buong grupo 'yon.

Kinalimutan ko na yung pinag-awayan namin, ang mahalaga maayos namin ang lahat ng kaguluhan at hindi pagkakaintindindihan. I know babalik si Dean because he promised. Alam kong hindi niya kami iiwanan sa ere. Something must have happened kaya hindi niya nagawang makabalik at 'yon ang aalamin namin.

But for now, may kailangan muna akong ayusin. This is another problem na kailangan ng tapusin hanggat maaga pa para hindi na lumala. I need to confront her. May kasalanan din siya kung bakit nangyayari 'to ngayon.

Pagkatapos talikuran ni Syden si Raven, sinamaan din ng tingin ng buong grupo sina Sean at Leigh. There's something happening between the two of them kaya malaki ang pinagbago nila at 'yon ang aayusin ko. Hindi na namin binalak pang sundan si Syden because she wants to be alone. That's why we commanded other members na silip-silipin na lang ang kwarto niya to check if she's okay. Kapag hindi siya okay, they must tell us immediately.

Hinila na ni Leigh si Sean kaya tinalikuran na rin nila kami at umalis na sila kaya napangiti na lang ako ng masama at napailing, "I can't believe this" nakita kong naglakad na ang iba paalis pero si Clyde, halatang hinihintay ako kaya napatingin ako sa kanya.

"You go first" I said to him na ipinagtaka niya. Alam kong hindi pa ako okay na mag-isa pero katulad ng sinabi ko sa kanya, I'll try my best not to be scared anymore. I know I can do this.

"What? I can't leave you. Alam mo naman ang sitwasyon mo nowadays, right?" nag-aalalang tanong nito kaya napangiti ako.

"Dba sabi ko naman sa'yo, kaya ko. But fine, samahan mo na lang ako para hindi ka nag-aalala" I said to him kaya tumango siya.

"But make sure na hindi tayo magtatagal kung anuman 'yang pupuntahan mo, we all need to rest" this time, ako naman ang tumango. We may not look like a little concern sa hindi pagbalik ni Dean but I know, lahat kami malungkot. We didn't bother thinking about it dahil alam namin, na babalik siya.

So what we need to do now is to fix everything para pagbalik niya, wala na siyang proproblemahin pa.

Nag-umpisa na kaming maglakad at kahit hindi alam ni Clyde kung saan kami pupunta, patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin, "So, saan mo ba balak pumunta?" tanong nito sa akin kaya habang naglalakad kami, tinignan ko siya.

"I need to confront someone. I know hindi pwedeng magtagal ang problemang 'to kaya kailangan niyang tapusin ang problemang inumpisahan niya para hindi na lumala pa ang sitwasyon, lalo na sa grupo." and with that, nagtaka si Clyde sa sinabi ko.

"Sino?"

Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng matigilan ako at magkibit-balikat, "Here they are" saad ko kaya natigilan din siya at tinignan niya kung sino ang tinitignan ko.

Nakita kong lumabas si Leigh at Sean sa kwarto ni Leigh, obviously araw-araw hindi sila mapaghiwalay. Laging nasa kwarto ni Leigh si Sean.

Paglabas ni Sean sa kwarto ni Leigh, hinarapan niya si Leigh. And they don't look well. Hindi kalayuan ang distansya namin ni Clyde sa kanilang dalawa kaya naririnig namin ang usapan nila. Good to know na hindi nila kami napapansin.

"Kailangan ba bawat galaw ko, alam mo?!" sigaw ni Sean na ikinagulat din namin . Ano ba talagang nangyayari sa dalawang 'to?

"Oo! Kailangan alam ko kasi ayaw kong nag-aalala sa'yo!"

"Ayaw mong nag-aalala sa akin o baka gusto mo lang, palagi akong nasa tabi mo mula umaga hanggang gabi?! Bawat segundo at bawat oras!!"

"Huwag mong isumbat sa akin 'yan kasi nangako ka!"

"Oo nangako ako pero hayaan mong ako mismo ang tumupad sa pangako ko! Hindi yung sasabihin mo sa akin kung ano yung dapat at hindi ko dapat gawin! Napaka-selfish mo!"

"Hindi ako makasarili okay?! Masama bang hilingin na bawat segundo, gusto ko kasama kita?!"

"Oo nandon na tayo! Gusto ko rin naman magkasama tayo, Leigh! Pero mali na yung nangyayari sa relasyon natin ngayon!"

"Paanong naging mali 'yon?! Ha?!" galit na galit na umiyak si Leigh at itinulak si Sean ng malakas dahilan para mapaatras ito.

"We even forgot everything around us, Leigh! Naiintindindihan mo ba?!" sigaw ni Sean.

"Can't you be a little selfish this time?!"

"Noong kailangan ako ni Syden at kailangan mo ako, sino bang pinili ko ha?!! Mas pinili kita kasi gusto kong maramdaman mo na kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo! But this is too much!!"  unexpectedly, nakita kong lumuha din si Sean. It's obvious na sobrang nasasaktan siya sa nangyayari. It's really hard to choose between the happiness of others or your own happiness.

"Fine, go ahead! Do what you want!" 

"I will give you time to think para maintindihan mo lahat ng sinasabi ko" pagkatapos sabihin ni Sean 'yon, tinalikuran na niya si Leigh at umalis na siya kaya't mas napaiyak pa si Leigh.

Pumasok na ulit si Leigh sa kwarto niya at sinira ang pinto kaya hinarapan ko si Clyde, "Did you see? Kaya pala hindi makakilos ng maayos si Sean dahil kay Leigh. That's why I need to talk to her. Hindi ko hahayaang magtagal 'to"

"All this time, ganito pala ang nangyayari. Does it mean kaya hindi nabibisita ni Sean si Syden, it's because of Leigh?" nakuha rin ni Clyde kung ano ang nasa isip ko kaya tumango ako, "Exactly but I still need to find out..." tinignan ko ang pintuan ng kwarto ni Leigh, "Hintayin mo na lang ako dito, kakausapin ko lang siya" pagkatapos kong sabihin 'yon, nag-umpisa na akong maglakad papalapit sa kwarto ni Leigh.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon sa loob but one thing is for sure, they are also having a hard time fixing their relationship. How did this all happen?  Pagkalapit ko sa tapat ng kwarto niya, I didn't hesitate to knock on the door. Hindi rin naman nagtagal dahil binuksan niya 'yon ng dahan-dahan at ng makita niya ako, alam kong nagtaka siya. Nilagpasan ko siya at pumasok ako sa kwarto niya kahit hindi pa rin siya nagsasalita. Hinarapan ko siya kaya sinara niya yung pinto tapos tinanong ako, "Roxanne, w-what are you doing here?" pinunasan niya ang mukha niyang basang-basa kakaiyak. 

"I'm here to check both of you" sagot ko sa kanya. Hindi ko rin maiwasan na hindi siya tarayan dahil sa nakita ko. 

"W-what do you mean?" tanong nito. Nag-umpisa akong tignan ang buong kwarto niya at napansin ko ang mga picture nila ni Sean Raven na naka-display sa tabi ng kama niya at nakapatong sa lamesa kaya nilapitan ko 'yon. Kinuha ko ang isang frame at maayos itong tinignan.

"Tingin mo ba hindi ko alam?" tinignan ko siya habang hawak ko pa rin ang larawan nilang dalawa, "Lately, nag-iiba ang kilos ninyong dalawa. Minsan na lang sumama si Raven sa grupo at ikaw, umiiwas ka naman sa grupo...lalo na kay Syden. The way look at her..." nakita kong napalunok siya at tila kinakabahan kaya muli ko ng ipinatong yung picture frame sa lamesa at nilapitan siya, "I could see that you are guilty, Gwendolyn. So tell me, what did you do?" mas nilapitan ko pa siya at masama kong tinanong 'yon sa kanya. I really want to scare her right now para lang umamin siya. Although, I knew what she exactly did pero gusto kong marinig 'yon mismo sa kanya.  

Tinignan niya ako at umiling siya, "Wala akong ginawa, Roxanne"

After I heard that, agad dumapo sa magkabilang-pisngi niya ang isa kong kamay. Right, I slapped her two times ng malakas kaya nabigla siya at napahawak don. Her eyes looking at me, halatang nabigla siya pero hindi na ako nakapag-pigil pa, "I gave you one chance to tell me the truth pero nagmamalinis ka pa rin! Tingin mo ba hindi ko alam? Pagkatapos kong marinig ang pinag-awayan niyo kanina?!" 

"W-wala akong alam sa sinasabi mo" with that, nakita kong bumuhos na ang luha nito kaya napangiti ako ng masama.

"Quit acting, Leigh. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason para kamuhian ka" lumapit ako sa kama niya at umupo don habang nakatayo pa rin siya at hinahawakan ang pisngi niyang namumula dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Nagkibit-balikat ako at mataray siyang tinignan, "I know Sean Raven. Kilala ko na siya dati pa, he will never let anything happen to his twin sister but as I could see nowadays, simula ng maging kayo, he almost forgot everything" dahil sa sinabi ko ay napayuko siya, "Did he really forget his twin sister? Or maybe, someone is trying to stop him na lapitan ang kakambal niya?" ilang minuto kong hinintay na magsalita siya pero hindi naman niya ginagawa. 

"Noong hindi pa okay si Syden because of what happened to her, I'm really sure that Sean Raven really wanted to be with his sister, pero bakit hindi niya nagawa? What did you do?" galit kong tanong sa kanya. 

Tumingala siya para tignan ako while she was still crying. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya at naglakad din papalapit sa akin at umupo siya sa tabi ko, "I-i felt afraid" napayuko ito habang patuloy pa rin sa pag-iyak, "I did everything to survive, Roxanne. At alam mo 'yon" tinignan niya ulit ako, "I never felt this before until he came, pinakita niya sa akin ang isang pagmamahal na kahit kailan hindi nabigay sa akin ng iba. Sa kanya ko nakita yung halaga ko. All this time, I feel so useless and worthless pero nung dumating siya, doon ko lang nakita yung halaga ko. Natakot akong mawala siya...that's why I did everything. Selfish na kung selfish pero masama bang hilingin na kahit isang tao man lang, sa akin lang mag-focus? Yung ako lang yung nakikita niya, yung kaya niyang kalimutan ang lahat kasi ako lang? Alam ko mali, Roxanne. But I want to feel those things too without even asking for it" dahil sa sinabi niya, unti-unting nawala ang galit ko. 

"I understand, Leigh. But he did everything according to your will hindi dahil gusto niya. Kinontrol mo siya kaya instead na napapalapit siya sayo, umaayaw na siya. You are telling him kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin, and that's the worst thing you did kaya hindi naging maganda ang tingin ng iba sa inyo- "

"Wala akong pakielam kung anong tingin ng iba, what's important is that he can handle me- "

This time, hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at napasigaw na ako, "Did you see kung anong nangyari kanina?! He badly wanted to talk to his sister but he couldn't even speak for himself dahil inuunahan mo siya! Oo masaya ka, but did you ever ask him kung masaya pa ba siya?!"

"We're trying to fix this"

"Both of you should fix it, hindi yung ikaw lang at yung gusto mo lang ang masusunod. You need to respect his decision, Leigh! Hindi pa ba sapat lahat ng sakripisyo na binibigay niya sa'yo?! He proved to you na kaya niyang iwanan lahat para sa'yo. He loves you that much. Kulang pa ba?"

"Paano kung iwan niya ako?"

May mga tao talagang takot maiwan, but sometimes...sumosobra na yung pagiging selfish sila.

Pinunasan ko ang luha niya gamit ang isa kong kamay at tumayo na ako, naglakad ako palabas pero bago ako tuluyang umalis, hinarap ko siya kaya tinignan niya ako, "Hindi ka niya iiwan kung hindi mo siya binigyan ng rason para iwan ka. Ayusin mo 'to, Leigh"

To be continued...