♡ Syden's POV ♡
Kahit anong gawin kong pagtulog at kahit paano ako pumwesto sa kama ko, hindi ko magawang makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Pinipigilan kong isipin ang mga problema ngayon pero hindi lang talaga madaling ipagpaliban ang lahat. Ayaw ko muna kasing makaramdam ng lungkot sa mga oras na 'to kaya pinipilit kong matulog pero hindi talaga kayang matulog ng isip ko. Palagi ko na lang kasing naaalala lahat, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan sa tabi ko kaya ngayon eto, hindi ko na alam ang gagawin ko at dapat kong isipin.
Umupo ako sa kama at saka nagmuni-muni muna ng ilang minuto. Minabuti kong bumangon ulit at agad kong tinignan ang orasan. Kaya siguro hindi rin ako makatulog dahil 9:30 pm pa lang, kadalasan kasi ganitong oras nagkwekwentuhan pa kami ni muffin o kaya naman mag-aasaran kami hanggang sa mapikon ako, siya naman tuwang-tuwa kapag napipikon na ako sa kanya...tapos bigla na lang niya akong yayakapin noon.
Nakaka-miss talaga siya. Sana, kahit malayo ka maramdaman mo kung gaano kita kamiss ngayon. Sana, okay ka lang kung nasaan ka man.
Naisipan kong lumabas ng kwarto para puntahan sina Icah. Hindi ko na nga rin sila gaanong nakakausap ngayon dahil busy kaming lahat na ayusin ang grupo kaya hindi ko pa sila nakaka-kwentuhan. Feeling ko naman hindi pa sila tulog at baka naguusap-usap pa sila ngayon kaya magandang i-check ko na para makasigurado ako at maka-kwentuhan sila kahit minsan lang. Sigurado naman ako na pagkatapos ng lahat ng 'to, babalik na ang lahat sa date. Kailangan ko lang talagang magtiwala. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.
Sa kwarto ko nga pala ako natulog ngayon dahil ayaw ko munang matulog sa kwarto ni Dean. Mas lalo ko lang kasi siyang mamimiss kapag doon pa ako natulog lalo na't marami kaming happy memories sa kwarto niya. Naglakad na ako sa hallway papunta sa kwarto nila Icah na hindi naman gaanong malayo sa kwarto ko at hindi na kailangan pang umakyat o bumaba ng ilang floor. May mga estudyante rin akong nakasalubong na naglalakad at parang normal lang naman ang paligid ngayon dahil higit sa lahat, walang namamatay at walang nagpapatayan. Pero parang mas nakakatakot dahil masyadong tahimik at walang gulo.
Pagkarating ko sa harap ng kwarto nila, kumatok ako pero hindi naman bumukas ang pintuan. Naghintay muna ako ng ilang segundo pero walang nangyayari kaya't kumatok ako ng tatlong beses at tinawag ko pa ang pangalan nilang tatlo. Naghintay ulit ako pero wala talaga, baka tulog na sila. Tumalikod na ako doon at minabuti kong umalis na dahil baka nga nagpapahinga na sila, "Sy?" natigilan ako at hinanap ko yung nagsalita at nakita ko silang tatlo. Nagtataka silang nakatingin sa akin, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Icah kaya hinarapan ko silang tatlo.
"Uhmmm, hindi kasi ako makatulog..." napakamot na lang ako ng batok at mapait na napangiti, "K-kaya pupuntahan ko sana kayo, akala ko tulog na kayo eh kaso wala pala talagang tao. Saan kayo galing?" tanong ko sa kanila na tinitignan silang tatlo mula ulo hanggang paa. Nakapantulog sila at medyo magulo pa ang buhok na parang biglaan lang nilang naisipan na lumabas kaya ganon.
Nagkatinginan silang tatlo na parang hindi mapakali hanggang sa nagsalita si Maureen, "A-ahhhh, galing kami sa ano..." tapos tinignan niya si Icah at Hadlee na parang hindi alam ang sasabihin, "Sa rooftop." diretsong sabi ni Hadlee na sinundan naman ni Icah, "Oo sa rooftop. Kasi hindi rin kami makatulog eh kaya naisipan naming tumambay muna doon...pero bumalik din kami agad dahil oras na at hindi na safe." sagot ni Icah kaya kahit naguguluhan ako sa kilos nila, tumango na lang ako.
Parang ang weird nila ngayon.
"Kaya pala. Akala ko nagpapahinga na kayo kaya balak ko sanang bumalik na sa kwarto ko." saad ko.
"But here we are. Since nandito ka pa naman at kami talaga ang pakay mo, sabay-sabay na lang tayong magpa-antok." sambit ni Icah na kinindatan pa ako kaya ayun, pagkabukas nila sa pintuan ng kwarto nila, agad akong hinila ni Maureen sa loob.
Nilibot ko ang paningin sa kwarto nila at may tatlong kama na para sa kanilang tatlo, "Buti naman at pinayagan kayong tatlo dito, kami kasi kundi dalawa, isang tao lang sa isang kwarto?" tanong ko sa kanila. Ang cute nga ng kwarto nila dahil kulay pink, sabagay paborito nilang tatlo 'yon. Para na nga silang triplets eh, dinaig pa kami ni Raven.
"Ah yun ba, kasi daw wala ng iba pang kwarto eh kaya pumayag na rin kaming tatlo." sagot ni Hadlee na umupo sa kama niya.
"Tsaka alam mo naman, mas prefer namin na magkakasama kaming tatlo kaya okay na din 'yon." sabi naman ni Icah na umupo sa sulok ng kama ni Hadlee at sumandal sa pader habang si Maureen nakahiga sa kama niya.
Naisipan ko na rin na umupo sa kama ni Hadlee pero hindi ko ba alam, sa tagal ko sigurong hindi sila nakausap dahil nga nasa kabilang building sila, parang nahihiya ako, "Ikaw ba, Sy?" tanong ni Hadlee na humiga sa kama niya kaya napatingin ako sa kanya, "Kamusta ka naman?" tinignan niya ako kaya ngumiti ako at napayuko, "Okay naman." maiksing sagot ko.
"Miss mo na siya noh?" napatingin naman ako kay Icah na nakangiti sa akin kaya tumango ako, "Palagi siyang nasa tabi ko tapos bigla siyang mawawala, kahit sino naman mamimiss siya." pahayag ko sa kanila, "Don't worry. Babalik din siya. As if namang kaya kang iwanan non." pahayag naman ni Maureen habang nakahiga at nakatingin sa kisame kaya mas napangiti pa ako.
"Trust him, Sy. Babalikan ka niya." -Icah
"Alam ko naman 'yon, guys. Pero syempre hindi ko pa rin naman maiwasan na mag-alala sa kanya. By the way, change topic na lang para naman kahit papaano, makalimot ako sa mga iniisip ko ngayon. Kwentuhan niyo naman ako kung ano yung mga nangyari sa inyo sa Death building." saad ko sa kanila kaya napatingin silang tatlo sa akin.
Bumangon si Maureen at nagbuntong-hininga, "Walang magandang nangyari sa amin sa building na 'yon." sagot niya na ipinagtaka ko, "Bakit naman?"
"Walang pinagbago sa dating Chained School. Laging may naghahabulan para magpatayan, as usual laging may patay."
"At syempre hindi mawawala ang pagtakbo at pagtakas mula sa kalaban." dagdag pa ni Hadlee sa mga sinabi ni Maureen kaya't mas napangiti ako. Parang normal na lang kasi sa amin ang mga ganitong bagay.
Tumayo na nga rin si Maureen sa kama niya at tumabi sa aming tatlo kaya umayos kami ng upo at nagpaikot sa gitna ng kama para mas komportable kaming nagkwekwentuhan. Tuluy-tuloy lang kaming apat sa pagkwekwentuhan hanggang sa nagtatawanan na kami lalo na noong ikwento namin kung paano ba namin natakasan ang mga gustong pumatay sa amin noon. Iyon din ang mga oras na ang buong akala namin, katapusan na namin pero hindi pa pala. May mga bagay lang siguro na akala natin, hindi na natin kaya pero kaya pa pala natin. Ayaw lang nating harapin minsan dahil natatakot tayong matalo. But in every game, manalo man o matalo, ang mahalaga lumaban ka and you should be proud.
Hindi na rin namin namalayan na umabot na rin pala kami ng isang oras na nagkwekwentuhan. Natawa na lang kami ng mapansin kong nakatulog na pala si Maureen sa tabi ko dahil napahiga na lang siya sa balikat ko kaya sinenyasan ko sina Icah at Hadlee na huwag ng mag-ingay dahil baka magising pa siya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama ni Hadlee at binulungan ko na lang sila na aalis na ako lalo na't inaantok na rin kaming lahat. Tumango naman sila at kinawayan ako ni Hadlee kaya ganon rin naman ang ginawa ko sa kanya. Bago isinara ni Icah ang pinto, kinawayan din niya ako, "Sy, goodnight na. Ingat ka ah?" sambit nito kaya natawa ako at tumango. Delikado na rin kasi ngayon kaya kahit sa pagtulog, kailangang mag-ingat.
Pabalik na ako sa kwarto ko dahil inaantok na rin ako at liliko na sana ako pero bigla akong natigilan dahil may napansin ako kaya napatingin ako sa kabilang direksyon, "Roxanne?" mahina kong sabi dahil sa pagtataka. Siya ba talaga 'yon? Nakita ko siyang tumatakbo at parang hindi mapakali. Hindi ko sure kung siya ba 'yon pero mas mabuti na sigurong tignan ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Binilisan ko ang pagtakbo para sundan yung babae at mas bumilis pa ang pagtakbo nito. Nanginginig siya at umiiyak na parang may humahabol sa kanya at gusto niyang magtago. Napag-alaman ko na lang na si Roxanne nga 'yon ng pumasok siya sa kwarto niya. Parang hindi siya okay at mas mabuti sigurong puntahan ko siya ngayon. Tinignan ko muna ang paligid para siguraduhin na walang nakasunod sa akin. Unti-unti akong pumasok sa kwarto niya na buti naman at hindi nai-lock ang pintuan, pumasok ako doon at nabigla na lang ako sa nakita ko kaya natigilan ako.
Dahan-dahan kong sinundan ang mga patak ng dugo na nagkalat sa sahig kaya hindi ko maiwasang kabahan. Sinundan ko 'yon papunta sa cr ng kwarto niya at ng tumingala ako. Parang tumigil ang oras ng makita ko kung anong ginagawa niya, mabilis akong lumapit kay Roxanne para pigilan siya. Agad kong inilayo sa kamay niya ang hawak nitong kutsilyo dahilan para mahulog ito sa sahig lalo na't dumudugo na ang kamay nito at malalim na ang sugat. Halatang gusto niyang maglaslas. "Anong ginagawa mo?!" galit kong tanong sa kanya.
Ang galit na nararamdaman ko ay napalitan ng pag-aalala ng tignan niya ako. Nanginginig siya at umiiyak na parang nabigla din sa nangyari, "Balak mo bang magpakamatay, Roxanne?!" tanong ko pa dito. Hindi ko alam pero halatang wala siyang alam sa nangyayari. Bigla na lang itong umiling hanggang sa tuluyang manginig ang kamay niya, "H-hindi ko alam!" saad nito at mas lalo pa siyang umiyak. Nabigla rin ako dahil ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Agad akong naghanap ng panyo at buti naman ay may nakasabit doon sa loob ng banyo kaya agad kong kinuha 'yon at tinakpan ang sugat nito na tuluy-tuloy pa rin sa pagdurugo.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Tell me!" hindi ko rin maiwasang magtaas ng boses dahil sobrang nag-aalala ako sa kanya. Hindi niya ako sinagot hanggang sa marinig namin ang pabagsak na pagbukas ng pintuan kaya napatingin kami doon.
"Why did you do that?! I told you na hintayin ako pero ang tigas ng ulo mo!!" sigaw ni Clyde kay Roxanne at sa bawat pagsigaw nito, tila laging nagugulat si Roxanne. Aktong lalapitan ni Clyde si Roxanne dahil sa galit nito, pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa akin, "Clyde, calm down. She almost killed herself." saad ko na ipinagtaka niya lalo na't hindi niya pa nakikita yung sugat ni Roxanne.
"What?!" tanong nito kaya ipinakita ko sa kanya ang kamay ni Roxanne na dumudugo at katulad ko, napalitan ng sobrang pag-aalala ang itsura nito. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Roxanne at niyakap siya, "I'm sorry." sambit niya na hinalikan sa noo ni Roxanne.
"I-i couldn't control it, Clyde. I'm sorry." nanginginig na sabi ni Roxanne.
"It's okay. I'm here." hinarapan niya si Roxanne kaya nagkatinginan silang dalawa, "Kailangan nating gamutin ang sugat mo. Just please, stay by my side kapag nangyayari 'to sayo, huwag mo akong takasan, okay?" tumango naman si Roxanne kaya pinaupo siya ni Clyde sa kama.
Pinahiga niya si Roxanne dahil halatang nanghihina ito at ginamot siya ni Clyde. Pagkatapos noon ay tinapalan niya ng panyo ang malalim na sugat ni Roxanne hanggang sa makatulog ng tuluyan si Roxanne. Nakita ko rin na namumutla ito at pinagpapawisan.
"It happened four years ago." saad ni Clyde habang pinupunasan ang pawis ni Roxanne kaya nagtaka ako, "Just like you, she was raped..." this time tinignan ako ni Clyde, "More than ten times." at sa sinabi niyang 'yon ako nabigla at natigilan.
What? More than ten times? Totoo bang narinig ko 'yon mula sa kanya?
What the....
....
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tila maninigas na rin ako sa kinatatayuan ko ng sabihin ni Clyde 'yon.
"Wala pa kaming nabuong grupo noon at hindi pa namin kaibigan si Dean. It was just me and her. Powerful groups conquered the whole academy, wala kaming laban at wala kaming magawa. Lahat ng babae, ginagawang laruan at binababoy nila. Kaming mga lalaking mahihina, tinotorture hanggang sa magmakaawa. Maraming beses siyang binabastos at binababoy. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon because I wasn't able to save Roxanne even once. Every single man who took advantage of her, natatandaan niya pa ang itsura pati ang mga boses nito."
Napalunok na lang ako, "Kaya ba nagkakaganyan siya ngayon?" tanong ko pero umiwas ng tingin si Clyde at napakuyom ang kamay nito na halatang galit na galit pa rin.
"All of those men, nakalimutan na niya except for one. The last one who did the worst thing to her, It was the man he really loved before me. I couldn't even speak of it dahil gusto kong hanggang sa impyerno, magdusa ang lalaking 'yon. He raped her infront of all the students....at wala kaming magawa dahil malakas sila. Lahat kaming nga lalaki nakatali at nakatakip ang bibig." mas lalo pang kumuyon ang kamay nito dahil sa galit at namumula na rin siya.
"What you'll gonna do after this is to slit your throat off." nagtaka na lang ako sa sinabi ni Clyde kaya tinignan niya ako, "Yon ang mga katagang sinabi niya kay Roxanne bago niya iniwan na umiiyak sa sobrang sakit si Roxanne and they left her all naked infront of all. She cried because of all the pains and sufferings. Halos hindi ko na siya mahawakan dahil pakiramdam niya, may gagawin akong hindi maganda. That was the time na na-trauma na siya, palagi niyang naririnig ang boses ng lalaking 'yon. Sa tuwing naririnig niya 'yon, nakakagawa siya ng hindi maganda sa sarili niya, it's either she'll cut her throat off or target her pulse."
"Gusto niya na ba talagang matapos ang paghihirap niya kaya niya nagagawa 'to sa sarili niya?"
Umiling siya sa tanong ko, "No, she couldn't control herself kahit pa anong pigil ang gawin niya. The more na pinipigilan niya, mas mahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya and later she would just realized kung anong ginagawa niya....just like how you've seen her earlier."
Naririnig niya pala ang lalaking 'yon kaya niya 'to nagagawa, "What happened to those guys na gumawa niyan sa kanya?"
"Our sufferings stopped since Dean Carson came, tinapos niya ang lahat ng malalakas na grupo at siya ang umupo sa trono kaya kinatakutan na siya ng lahat. Our wish...was finally granted by him. Tinapos niya lahat ng grupong gumawa noon kay Roxanne at lahat ng grupong nagpahirap sa akin. Dahil sa kanya natapos ang kalbaryo namin ni Roxanne. Nakalimot na si Roxanne pero sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit ito nangyari sa kanya dahil wala na siyang naiinom na gamot." nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Clyde.
"Anong gamot?"
"It is a medicine na nakuha lang namin kay Dean. It was supposed only to stop the pain of the body or mind pero ng subukang inumin ni Roxanne 'yon, as days went by doon siya unti-unting naka-recover at nakalimot kaya binigay na lang 'yon ni Dean sa kanya pero naubos na ang gamot na iniinom ni Roxanne, kaya bumabalik nanaman ang mga alaala niya sa nangyari sa kanya date. Kung nandito lang sana si Dean, baka may naitago pa siya or better kung makakahingi kami ulit sa kanya."
"Pero...bakit naman magkakaroon ng ganong gamot si Dean? M-may sakit ba siya?" hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba dahil doon.
Nagisip-isip muna si Clyde, "Wala naman siyang nababanggit pero ang alam ko, kapag pagod siya doon niya iniinom yung gamot. Just like a pain killer." saad nito kaya kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Naalala ko na lang na noong pumunta ako sa kwarto niya, may nakita akong gamot sa cabinet niya na wala namang label. Nung tinignan ko ulit, wala na, na parang tinago na niya.
Napatingin na lang ulit ako kay Roxanne at napaisip. Kaya siguro nagalit din siya noon dahil nasabihan ko siyang walang alam sa nararamdaman ko when in fact, mas malala pa pala ang nangyari sa kanya. Sa lahat ng paghihirap na binigay nila ni Clyde sa amin ni Raven noon, hindi ko na magawang magalit kasi mas malala pa pala ang naranasan niyo at hindi ko kayo masisisi, kung bakit bakit nagkaganito na kayo ngayon. They bring out the worst in you.
To be continued...