♡ Raven's POV ♡
Kahit papaano, gumaan na rin ng konti ang pakiramdam ko simula ng makausap ko si Syden. Ang tagal kong kinimkim ang sakit at itinago ang totoong nararamdaman ko dahil sa takot na makasakit ako ng iba, although ako na itong nasasaktan. Pero ngayon, ang gaan sa pakiramdam na malamang napatawad na niya ako lalo na ng sabihin niyang naiintindihan na niya ang lahat.
Pagkatapos naming mag-usap ni Syden, sinabi niya sa akin na kailangan ako ni Leigh ngayon. Kahit nag-away kami noong isang araw, ayaw na ayaw kong nakikitang malungkot siya. Naiisip ko pa lang na umiiyak siya at wala ako sa tabi niya, nasasaktan na ako.
Hindi ko man alam kung saan ko siya hahanapin pero kaya kong libutin ang buong building makita ko lang siya. Simula kasi ng mag-away kami, halos tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Kapag pinupuntahan ko naman siya sa kwarto niya, wala siya. Alalang-alala na ako sa'yo, Leigh.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap. Bago pa man ako makaliko, natigilan ako at napatingin sa kabilang direksyon. Pinag-isipan ko pa kung anong direksyon ang dapat kong puntahan. Pagkatapos noon, itinuloy ko na ang paghahanap sa kanya, ni hindi nga ako makaramdam ng pagod kahit na pinagpapawisan ako.
....
Halos mag-iisang oras na marami na akong lugar na napuntahan para lang mahanap siya. Kahit yung mga lugar na madalas naming puntahan, pinuntahan ko na dahil baka nandon siya pero hindi ko pa rin siya mahanap. Ilang beses ko na ring binalikan ang kwarto niya pero wala akong nadatnan.
Napaupo na lang ako sa kama niya at napahilamos ng mukha. Sobrang nag-aalala na ako, baka kung ano ng nangyari sa kanya pero sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Member siya ng Redblades at alam konv matapang siya. Isa rin 'yon sa mga naging dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Sa lahat ng pinagdaanan niya, kinaya niyang maging matatag at malakas.
Nasaan ka na ba?
Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang maliliwanag na bituin. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Naisipan kong umakyat muna sa rooftop kahit alam kong malayo dahil nasa 3rd floor ako. This building is consist of 10 floors kaya kung aakyatin ko 'yon, sobrang taas. But I don't care, kailangan ko muna sigurong makapagisip-isip at mapag-isa. Kailangan ko ng malamig na simoy ng hangin.
Bago pa man ako makaakyat ng rooftop, nadatnan ko ang magulo at tahimik na 10th floor. Ito ang pangalawang beses na pumunta ako dito. Unang beses na pumunta ako dito, magulo at maingay dahil sa naglitawang clubs na hindi naman namin alam. Yung unang beses, 'yon ang hindi ko makakalimutan. Yung pambabastos na ginawa nila sa kapatid ko. Ano ba talagang nangyari sa mga lalaking 'yon? Hindi pa sila patay, dahil hanggang ngayon pinapahirapan pa rin namin sila ng hindi alam ni Syden. Hindi sila nagsasalita kahit anong klasing paghihirap ang ginagawa namin kaya hindi kami titigil hanggat hindi nila sasabihin kung bakit nila 'yon ginawa sa kanya.
Napakuyom na lang ang kamay ko ng maalala ko lahat ng 'yon. Pinakalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ako makapag-pigil at bigla akong bumaba para gantihan nanaman ang mga lalaking 'yon. Umakyat na ako agad sa rooftop pero natigilan ako ng makita kong nakabukas ng konti ang pintuan at nakakagawa pa ito ng ingay dahil sa lakas ng hangin.
Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at binuksan ang pintuan. Mas lumakas na lang ang pagtibok ng puso ko ng makita kong walang tao pero napansin kong may nakatayo sa pinakagitna. Nakaramdam ako ng tuwa ng makilala ko ang likuran niya. Lumabas na ako at isinara ang pintuan. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Nilapitan ko siya at tinapatan ko. Nakita kong humahawi pa ang buhok nito at natatakpan ang itsura dahil sa lakas ng hangin, "The view is much better kung hindi sana nababalutan ng dugo." saad nito na malayo ang tingin habang nakakibit-balikat. Kahit dito sa rooftop, walang ibang maliwanag kundi ang buwan at mga bituin lang. Madilim sa ibang building at iilang kwarto lang ang may ilaw. Karamihan basag ang bintana at kapag tumingin ka sa pinakababa, may mga nakaabang na spikes na kahit tumakas ka palabas ng building, hindi ka makakatakas ng buhay.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa may bakal na nasa harapan ko at maayos ko ring tinignan ang buong campus, "Tingin mo ba makakalabas pa tayo?" tanong nito. Alam ko rin na matagal na siyang umiiyak dahil sobrang namamaga ang mata nito.
"Sa dami ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba tayo susuko? Makakalabas din tayo." saad ko dito at tinignan ko siya kaya napatingin din siya sa akin at pilit na ngumiti.
"How did you know na nandito ako?" tanong niya.
"I didn't know. Nagkataon lang na dito talaga tayo nagkita...kasi kanina pa kita hinahap."
"Bakit naman?"
"I'm really worried, Leigh." sagot ko na nakapag-patahimik sa kanya.
"Well, don't be. Kasi humingi na ako ng tawad sa kapatid mo." saad nito kaya ngumiti naman ako.
"I know, humingi na rin ako ng tawad sa kanya."
"Ang gaan sa pakiramdam no?" muli siyang tumingin sa malayo at sandaling napapikit bago iminulat ang mata niya, "Yung masabi mo sa iba yung totoong nararamdaman mo at yung makahingi ka ng tawad sa kanila." tapos mapait siyang ngumiti.
Maayos ko siyang tinignan, "How about me? Hindi mo ba ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo? I hurt your feelings." tanong ko dito kaya tinignan niya ako.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Can you still forgive me after all what I've done to you and to your sister?" tanong niya sa akin.
Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako nakapagsalita, "You only did that because that's how much you love me, right? Kahit kailan hindi kita sinisi sa lahat ng nangyari, Leigh. So please, ibalik natin sa date ang lahat?" pakiusap ko dito.
Mapait itong ngumiti at nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya, "Alam mo naman kung gaano kita kamahal dba? Nagawa ko lahat ng 'yon kasi natakot akong mawala ka. Pero hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Your sister is right, Sean. Kung talagang mahal kita hindi ko gagawin ang lahat ng 'yon. You might think na nagawa ko lahat 'yon dahil mahal kita? You're wrong, nagawa ko 'yon because of my selfishness not because of love." saad nito at hindi ko maiwasang mas malungkot.
"But I don't care kung 'yon man ang rason mo. What's important is mahal pa rin natin ang isa't isa, right? Kalimutan na natin lahat ng nangyari. Let's start a new life, a new relationship." pahayag ko sa kanya pero umiling siya.
"I really want to, but we can't. Not anymore" natigilan ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala. Ayaw kong magtanong dahil alam kong masasaktan ako sa pwede niyang isagot. Gusto ko na lang isipin na mali ang lahat ng hinala ko.
"What do you mean?" napayuko ito at mas naiyak pa siya. Hinawakan ng isa niyang kamay ang isa kong kamay kaya napatingin ako doon hanggang sa magkatinginan ulit kami.
"Sean, I've decided...we need to break up." saad nito na tuluyang nakapag-pahina sa akin.
Bakit? Bakit niya nasasabi ang lahat ng 'to? Kulang ba yung pinakita kong pagmamahal?
"Y-you're kidding. Tell me you're just kidding?" tanong ko dito na ikinailing pa niya.
"I'm not, Sean."
"Then why?! Hindi mo na ba ako mahal?"
"No! It's not like that. I still love you very, very much at alam mo 'yon."
"Then why? Why is there a need to break up? Tell me, Leigh! Kulang pa ba yung binigay kong pagmamahal sa'yo? Sabihin mo sa akin, j-just don't do this to me!" and with that, I couldn't help but to cry infront of her. Her words really hurts me right now.
"Ikaw na rin naman ang nagsabi dba? Binigyan mo ako ng oras para makapagisip-isip at maintindihan lahat ng sinasabi mo. And here it is. Naiintindihan ko na ang lahat. Yes, we love each other but we can't love each other anymore. They are right. At first I denied it but I realized since we started this relationship, hindi na naging maganda ang relasyon natin sa iba and it's all because of me. Mas pinili kong ilayo ka sa iba because of my selfishness at marami pa akong nasaktan na iba."
"Pwede pa rin naman nating ayusin ang lahat dba? Tell me, Leigh! Anong mali sa akin?!" we are both crying kasabay ng unti-unting pagbagsak ng malakas na ulan.
"Walang mali sa'yo! It's me! Sa ating dalawa, ako ang nagkamali kaya nga I'm trying to make things right- "
"By breaking up with me?!" hindi makapaniwalang tanong ko na nagpatigil sa kanya.
After sa second, tumango siya, "Oo. We're not simply good for each other Sean and so do our relationship. We became selfish and that is the number one reason para itigil na natin 'to. I hope naiintindihan mo ako. Ako ang nagkamali sa ating dalawa and you don't deserve someone like me." seryosong sabi nito habang lumuluha pa rin siya at pareho kaming basang-basa na.
"Paano kung ayaw ko?"
"Huwag na nating pahirapan ang isa't isa. Gusto kong pagsisihan lahat ng nagawa kong kasalanan by having my time all alone. You don't deserve someone like me anymore that's why I'm letting you go. Kung talagang mahal mo ako, you'll do the same to me."
It really hurts. Sobrang sakit isipin na humantong kami sa ganitong posisyon. I promised to make happy memories with her for a long time pero mukhang pati ang pangako ko sa kanya, unti-unting nasisira kung siya mismo bumitaw na. What's the point of fighting for our relationship kung siya mismo, inayawan na niya. I am not blaming her for anything, kaya kong kalimutan ang lahat ng 'yon para lang makapag-umpisa ulit kami.
Seryoso ko siyang tinignan at pinigilan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko. I straightly looked at her without any emotions, "Are you really sure about this, Leigh?" masakit, pero kung ito talaga ang gusto niya hindi ko na siya pipilitin.
Mas naiyak pa ito kaya mas nahihirapan ako at mas nasasaktan dahil sa nangyayari. Diretso niya akong tinignan at tumango siya kaya pakiramdam ko hindi na ako makahinga dahil hindi ko pa rin tanggap, "This will be the end of our relationship. I hope mahanap mo rin yung taong masusuklian yung pagmamahal mo, without being so selfish just like what I did." dagdag pa niya.
Ilang araw ko na ring pinag-iisipan 'to kung itutuloy ko pa ba ang balak ko... but since Leigh broke up with me, I think this is a sign na kailangan ko na talagang ituloy ang balak kong gawin. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para makabawi sa lahat ng naging pagkukulang ko.
Yumuko ako at mapait na ngumiti, "If that's what you want, I won't stop you. I will wait hanggang sa maging handa ka na ulit, Leigh. Just remember na mahal na mahal kita at kahit anong mangyari, hindi ko 'yon makakalimutan." tinignan ko siya na mapait na ngumiti at tumango.
"You won't regret this, Sean Raven. After this, let go and move on. I'm sure you'll be happier pagkatapos ng lahat ng 'to. You'll be free once again." napayuko na lang ako ulit at pilit na ngumiti kahit na deep inside, sobrang nasasaktan pa rin ako. If this is the only way para maging maayos ang lahat, so be it for the both of us.
Kasabay noon ay ang paghina ng malakas na ulan kaya pareho kaming napatingin sa madilim na kalangitan. Tinignan ko siya habang bahagya itong nakangiti at nakatingin pa rin sa taas, "Can I ask you a favor?" tanong ko kaya napatingin ito sa akin, "What is it?"
"Matagal ko na 'tong pinag-isipan. May nagawa rin naman akong hindi maganda sa grupo lalo na sa kapatid ko. They will accept a simple apology but for me, it won't be enough. I am just thinking..since you want time all alone, I'm planning to have my own time too para makabawi kay Syden at sa grupo." napayuko na lang ako para kumuha ng lakas ng loob pero muli akong napatingin kay Leigh ng magsalita siya, "A-anong plano mong gawin?"
Bahagya akong ngumiti at tumingin sa kabilang building na nasa tapat lang namin, "I'm planning to leave...secretly"
Alam kong nabigla siya but I've decided too. Binigyan ko siya ng isang totoong ngiti just to show her that I really want to do this habang nakatingin pa rin ako sa katapat naming building.
"For how long?"
Umiling ako at nagsalita, "I don't know. It depends kung gaano katagal ko siyang mahahanap."
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mo?" saad niya kaya tinignan ko siya, "I'm going to find Dean Carson. Kapag nakabalik na kami dito and the two of us still have the same feelings for each other, we're going to start a new relationship, deal?"
Mas ngumiti pa ako kaya ganon na rin naman ang ginawa niya, "Then promise me to be careful and come back alive." saad nito.
Muli akong napatingin sa katapat naming building. After all what you've done to us, I'm going to find you and fight with you, Dean. If this is the only way para maging maayos ang lahat, I won't hesitate to take whatever kind of risks I am going to face.
Hang on, my twin sister. Ibabalik ko siya dito.
To be continued...