♡ Raven's POV ♡
Pagkatapos kaming talikuran ni Syden, masama ang tingin ng buong grupo sa amin ni Leigh. Alam kong marami na akong naging pagkukulang kay Syden simula ng maging kami ni Leigh, pero ayaw ko ring iparamdam kay Leigh na hindi siya yung priority ko although I know that all of my actions are already hurting my twin sister slowly. Imbes na ako ang nasa tabi niya because of Dean's absence, ibang tao pa ang sumusuporta at umaalalay sa kanya.
I'm sorry Sy, hindi ko hiniling na maging ganito ang lahat. Sobrang gulo na ng sitwasyon ngayon, mas pinalala ko pa. Ano ba talagang nangyayari?
Habang hawak ni Leigh ang braso ko at masama kaming nakikipag-titigan sa buong grupo, hinila na niya ako papaalis kaya sumunod na rin ako sa kanya. Ano pa nga bang mukha ang maihaharap ko sa buong grupo after all what I've done? Kahit hindi ko siya tanungin, alam ko na papunta kami sa kwarto niya. All this time, gusto niya kasi na bawat oras at segundo na lang, palagi kaming magkasama.
Pagdating namin sa kwarto niya, sinara niya agad ang pinto at hinarapan ako, "I'm really sure na gutom na gutom ka na, so what do you want? Ipagluluto kita" nakangiting sabi nito pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya, "Oh wait, may ipapakita pala ako sa'yo" aktong tatalikuran niya ako ay hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin, "We need to talk" I said to her na ipinagtaka naman niya, "About what?"
Binitawan ko na siya at umupo ako sa kama niya. Napahilamos ako ng mukha at problemado siyang tinignan, "About what's really happening right now" saad ko kaya napangiti ito at agad akong nilapitan. Hinawakan niya ang braso ko bago siya nagsalita, "Huwag mo na munang isipin yung nangyari kanina- "
Hindi ko na siya pinatapos ng marinig ko 'yon, "Leigh, this is not just about what happened earlier. I mean, what's really happening lately" dahil don, unti-unti na rin niyang binitawan ang braso ko at nagtataka siya sa lahat ng sinasabi ko na parang hindi niya pa rin naiintindihan ang totoong problema.
"W-wala naman tayong problema dba? Okay naman tayo" saad nito kaya sandali akong napapikit at nagbuntong-hininga, "Leigh, if you think na wala tayong problema pwes meron, we have a problem between the group at sa mismong relasyon natin"
"A-ano bang problema? Hindi kita maintindihan"
"Hindi mo ba napapansin? Napapalayo na tayo sa grupo at sa mga taong malapit sa atin" sinusubukan ko pa rin na maging kalmado para hindi niya isiping nagagalit ako dahil ang gusto ko lang talaga, magkaliwanagan kami at maayos namin ang problemang 'to. Dahil sa sinabi ko, hindi siya nakapagsalita at nanatili lang na nakatitig sa akin kaya muli akong napahawak sa ulo ko at kumuha nanaman ng lakas ng loob bago nagsalita.
"Maybe they are right" napatingin ako sa bintana at kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nagtaka siya sa sinabi ko dahil sa tono ng boses nito, "What do you mean?"
"Since we started this relationship, we almost forgot everything" tinignan ko siya and I knew...na hindi ko nagawa ang isang bagay na pinaka-iniiwasan ko. Nagalit ko siya.
"So you regret everything?" galit na tanong nito kahit na hindi siya nagtataas ng boses kaya umiling ako, "No! I didn't say something like that- "
"Kakasabi mo lang dba? You do agree with them!" napatayo na siya at nagtaas na ng boses habang nakaupo pa rin ako at nagpipigil sa galit.
"I am just saying na baka nga tama sila- "
"That's it! Mas papansinin mo pa ba yung sinasabi ng iba ha?!"
This time, kahit ayaw ko napatayo na ako but still trying to keep my voice down, "I just want to say na baka nga tama sila, na mali yung nagiging way ng relasyon natin"
"Wrong in what way, Sean Raven?! Ha?! Tell me!" I didn't want this to happen pero napaiyak ko na siya. Napatalikod na lang ako at napahawak ang isa kong kamay sa ulo ko, habang ang isa ay sa baywang ko.
"I-i don't know. I need to talk to them" hinarapan ko ulit siya pero ng marinig niya ang sinabi ko, nag-iba nanaman ang itsura. Just like how she was before, na kapag hindi ko sinunod, pagsisisihan ko. At first, I accepted this attitude of hers. Kasi alam ko sa sarili ko that I can handle her because of how much I really love her.
"You're not going to talk to them" seryoso ngunit may mga babala ang boses niya habang lumuluha pa rin.
"W-what? Bakit hindi?! We're going to fix everything!" sa puntong 'to, medyo nilakasan ko na ang boses ko dahil hindi ko na talaga siya maintindihan.
"We're not going to fix anything dahil wala tayong dapat ayusin!"
"Kung wala tayong dapat ayusin, bakit napalayo tayo sa grupo?!" nagkatitigan kami ng ilang segundo habang hinihintay ko ang sasabihin niya pero nagmamatigas pa rin siya.
"Wala kang kakausapin ni isa sa kanila. Baka sila yung may problema sa atin, that way sila dapat ang makipag-ayos" sagot nito na hindi ko naman nagustuhan.
"Fine, let's just say na problemado lang talaga tayong lahat ngayon dahil hindi pa rin nakakabalik si Dean...then just let me talk to my sister this time" parang nabigla siya sa sinabi ko dahil sa kung paano niya ako tignan kaya agad itong umiling, "You can't"
"Bakit nanaman?!" this time, napasigaw na talaga ako na ikinabigla niya. I couldn't just stop myself anymore dahil ilang beses ko ng tinatago ang galit at sama ng loob na nararamdaman ko para sa sarili ko.
"Did you see kung paano ka niya talikuran kanina?! She is still not okay! Kaya hindi mo pa siya pwedeng kausapin- "
"Hindi ko pa siya pwedeng kausapin o ayaw mo lang na kausapin ko siya?! My god, Leigh! Ano ba talagang problema mo kay Syden?! Bakit ayaw na ayaw mong nilalapitan ko siya?! Simula ng mangyari sa kanya 'yon, napapansin ko na nilalayo mo ako sa kanya! What the hell is wrong with you?!" I already lost my temper and I know, this would turn out even worse.
"Wala kang kakausapin ni isa sa kanila" walang buhay na sabi nito kaya nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ako makapaniwala, "Then why?!"
"Or else you'll regret your decision" dagdag pa niya. This happened again. Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin sa tuwing gusto kong kausapin si Syden. Dahil ayaw ko namang iparamdam sa kanya na kaya ko siyang iwanan, sinunod ko ang lahat ng gusto niya kahit ako na yung nasasaktan knowing na kailangan ako ni Syden pero pinili kong talikuran siya para lang kay Leigh, just to prove that I would do anything for her.
Ilang segundo akong natahimik and I know na hindi pwedeng palagi na lang ganito ang sitwasyon namin kaya agad akong lumabas sa kwarto niya dahilan para sumigaw siya at sundan ako palabas, "You're not going anywhere, Sean!"
Paglabas ko, dahil sa sinabi niya ay natigilan ako at hinarapan ko siya, "Kailangan ba bawat galaw ko, alam mo?!" sigaw ko. I'm really really sorry kung masasaktan kita. Sa ating dalawa, ako palagi ang nagpaparaya at sumusunod sa lahat ng gusto mo, this time can I be selfish kahit para lang kay Syden?
"Oo! Kailangan alam ko kasi ayaw kong nag-aalala sa'yo!"
"Ayaw mong nag-aalala sa akin o baka gusto mo lang, palagi akong nasa tabi mo mula umaga hanggang gabi?! Bawat segundo at bawat oras!!" every words I say, alam kong sinasaksak ng paunti-unti si Leigh because she's crying again because of me.
"Huwag mong isumbat sa akin 'yan kasi nangako ka!"
"Oo nangako ako pero hayaan mong ako mismo ang tumupad sa pangako ko! Hindi yung sasabihin mo sa akin kung ano yung dapat at hindi ko dapat gawin! Napaka-selfish mo!"
"Hindi ako makasarili okay?! Masama bang hilingin na bawat segundo, gusto ko kasama kita?!"
"Oo nandon na tayo! Gusto ko rin naman magkasama tayo, Leigh! Pero mali na yung nangyayari sa relasyon natin ngayon!"
"Paanong naging mali 'yon?! Ha?!" galit na galit na umiyak si Leigh at itinulak ako kaya napaatras ako. I could see pain in her eyes na kahit minsan, hindi ko hiniling na mangyari kapag ako na yung kasama niya.
"We even forgot everything around us, Leigh! Naiintindindihan mo ba?!" sigaw ko.
"Can't you be a little selfish this time?!"
"Noong kailangan ako ni Syden at kailangan mo ako, sino bang pinili ko ha?!! Mas pinili kita kasi gusto kong maramdaman mo na kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo! But this is too much!!" unexpectedly, sa sobrang sakit hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha na ako. Yes, I am a man pero may pakiramdam din ako. Nasasaktan din ako. Pwede bang kahit minsan, ako naman ang intindihin mo?
"Fine, go ahead! Do what you want!"
"I will give you time to think para maintindihan mo lahat ng sinasabi ko" pagkatapos kong sabihin 'yon, tinalikuran ko na si Leigh kahit masakit sa akin na gawin 'yon although alam ko rin na mas lalo siyang nasaktan sa ginawa ko.
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad pabalik sa kwarto ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit at hirap, pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap ilabas lahat ng nararamdaman ko? Bakit hindi ko magawang kalimutan ang sakit? Yes, I did everything to prove that I am worthy to be loved. Pero bakit kulang pa rin lahat ng pinapakita ko although I gave everything? Maybe they are right, I gave my best...but my best wasn't good enough.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at natigilan ako ng makita ko si Dave na karoom-mate ko, hawak niya ang mga gamit niya na madalas niyang gamitin. Nang makita niya ako, natigilan siya, "A-are you planning to leave?" tanong ko. This pain, is becoming even worse.
Naglakad ito at nilagpasan ako. Alam kong galit pa rin sila dahil sa ginawa ko kay Dean bago siya umalis and I can't blame them dahil alam kong nagkamali ako.
"Dave, can we talk?" tanong ko kaya natigilan siya at hinarapan ako habang masama ang tingin niya sa akin.
"Mag-usap na lang tayo kapag may pakielam ka na sa nararamdaman ng iba. Dean Carson gave everything you need, he made you stronger and even protected your sister pero kaisa-isang hiling niya bago siya umalis, hindi mo nagawa and you even treated him just like that. Hindi niya nagawang makabalik, masaya ka na?" pagkatapos non ay tinalikuran na niya ako at umalis siya. Nakita kong bumukas ang katapat naming kwarto at bumungad sa akin sina Dustin at Oliver. Masama din ang tingin nila sa akin at sinara din nila agad ang pinto pagkapasok ni Dave sa kwarto nila.
I wanted to tell them the truth, kung bakit ko nagawa lahat ng 'yon but I tried my best not to. I need to do this alone kahit hindi ko sigurado kung kaya ko ba. Kailangan kong malagpasan 'to. Kailangan ba talagang tiisin ang sakit para lang maipakitang malakas ka at kaya mo?
Napayuko na lang ako at umupo sa kama ko all alone.
Pero ang sakit pa rin isipin na kung sino yung mga taong alam mong unang iintindi at makikinig sa'yo, sila pa ang pinaka-unang tatalikod sa'yo...when you need them the most.
Maybe, I really deserve all of this because of all what I've done. Tama rin naman ang mga sinabi nila. Who am I to complain?
I wish someone would notice how I really feel without even saying what I really feel.
To be continued...