Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 35 - ♥♡ CHAPTER 34 ♡♥

Chapter 35 - ♥♡ CHAPTER 34 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

Sa mga oras na 'to, hindi ko maramdaman ang pagod. Halos isang oras na akong naghihintay pero bakit ganon? Hindi pa siya lumalabas mula sa secret room.

Pagkatapos ng misunderstanding namin ni Roxanne kanina, hindi na ako nagdalawang-isip at nagmadali akong pumunta sa secret room. Naghanap ako ng magandang pwesto kung saan ko siya pwedeng makita agad pagkalabas niya sa secret room.

Nakatayo ako buong oras at hindi ko maramdaman ang pagod o antok habang nakatingin ako sa pintuan ng secret room. Paulit-ulit kong tinitignan ang suot kong relo at alam kong mag-iisang oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Patagal ng patagal, kinakabahan na ako. Bakit sobrang tagal naman ata?

It's already 11:58 pm. Sino bang hindi kakabahan? This is the third and also the last day na pwede pa siyang makabalik. Sa loob ng dalawang minuto, kapag wala pa siya. Baka hindi na siya papasukin pa ng officers. Kahit sino naman, kakabahan at naiiyak na ako.

Hindi ba bago ka umalis nangako ka sa akin na babalik ka? Tuparin mo yung pangako mo sa akin, Dean Carson. Miss na miss na kita. I'm sure matutuwa ka pagbalik mo dahil medyo okay na ako. Ikaw na lang ang kulang para makalimutan ko lahat ng nangyari. Para tuluyan na akong gumaling. Kung nandito ka, for sure gugustuhin mong marinig lahat ng sinasabi ko ngayon...so please, bago matapos ang oras...bumalik na kayo, bumalik ka na. 

One minute, isang minuto ang lumipas. Nagbabaka-sakali ako na gagalaw ang pintuan...na sa pagbukas nito, ikaw agad ang makikita ko.

.....

.....

One last minute, alam ko magkikita na ulit tayo. Hindi ko mapigilang maiyak kaya agad ko ring pinunasan 'yon, alam kong mamaya ngingiti na rin ako. Ilang segundo na lang....

10....

9...

8...

7...

6...

Pagpatak ng alas-dose, hindi na pinto ng secret room ang bubungad sa akin kundi ikaw. Tama ako dba?

5...

4...

3...

2...

1.5

Lumabas ka na, please.

1...

.....

....

.....

Until....

It's already 12:00 am.

Pwede ka pa namang humabol, muffin. Sigurado akong makakabalik ka pa dba? You promised. Kahit kailan naman hindi mo sinira yung mga pangako mo sa akin. I trust you and I believe in you. Hihintayin kita.

Tama ako dba?

12:06 am...

12:14 am....

12:33 am....

12:45 am....

12:54 am....

Muli kong tinignan ang relo ko, nasaan ka na ba?

1:02 am....

1:11 am...

1:30 am....

1:48 am...

2:00 am....

2:18 am...

Bakit ang tagal?

Yung mga luha na akala ko, tears of joy...mali pala. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. Paulit-ulit kong sinasabi na bubukas ang pinto at ikaw ang sasalubong sa akin.

Kailangan kong kumalma. 

Bubukas ang pinto at ikaw ang sasalubong sa akin.

Hinga lang ng malalim. 

B-bubukas ang pinto at ikaw ang sasalubong sa akin...

Isa pa,

B-bubukas ang p-pinto at....

Pero bakit ganon? Bakit walang sumalubong sa akin?

Bakit pabigat ng pabigat? Bakit pasakit ng pasakit? Nasaan ka na?

Nangako ka dba?

Sa mga oras na 'to, hindi ko na mapigilang hindi maiyak. Akala ko masasamahan ang mga luhang 'to ng may ngiti sa labi ko dahil sa pagkikita namin, pero hindi pala. Umiiyak ako...pero walang kasamang ngiti sa labi ko. Hindi ko inialis ang tingin ko sa pinto, umaasang magkikita ulit tayo. Pero kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na babalik ka, ikaw mismo hindi ka bumalik at bakit hindi ka bumabalik?

Inialis ko na ang tingin sa pinto at napasandal ng tuluyan sa pader habang umiiyak. Napatakip ako ng bibig dahil gustung-gusto ko ng umiyak ng malakas pero alam kong hindi dapat.

Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon habang patuloy na umiiyak. Hindi ko alam pero parang masisiraan na ako ng ulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala siya.

What did you do to me, Dean Carson? Kahit buhay ako at humihinga, your presense is still my everything. Para akong patay dahil wala ka. You are my life. How can I live without you? Nasaan ka?

"S-sy?" napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Raven kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko kahit na alam kong mapapansin niya dahil na rin namamaga na ang mata ko kakaiyak. Kahit na ganon, pinilit ko pa ring ngumiti, "R-Raven, anong ginagawa mo dito?"

"Just like the group, minabuti naming hindi na muna matulog dahil hinihintay namin si Dean. So, where is he?" biglang sumaya ito at halatang hinahanap siya kaya dahil don, muli akong naiyak habang nakatingin sa kanya kaya napansin niya ako at nagtaka siya.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito kaya umiling ako, "H-he can't come back anymore" with that, my tears bursted out in pain. Sobrang sakit. Noong una nagtaka siya sa sinabi ko, pero alam kong unti-unti na rin niyang naiintindihan ang sinasabi ko, "W-what do you mean he can't come back? Wala pa ba siya?" hindi makapaniwalang tanong nito at alam kong masasaktan din siya. Muli niyang hinanap si Dean sa paligid, pero wala din siyang nakita.

It really hurts, badly. At bawat segundo, pahirap ng pahirap.

Unti-unti akong lumapit sa kanya, kailangan ko ng isang mahigpit na yakap. Can somebody hug me just like how he hugs me everytime?

"The time has ended, Raven! H-hindi na siya makakabalik! Hindi ko kaya!" pwede bang kahit ngayon lang, ipakita kong mas mahina ako kapag wala siya?

He slowly hugged me tightly habang pahigpit na rin ng pahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman ko, "Nangako siya sa akin na babalik siya! Sabi niya sandali lang siya! Pero bakit wala pa siya?! Ang sakit, Raven! Miss na miss ko na siya! Kailangan ko siya ngayon! Umasa ako kasi nangako siya! Pero bakit hindi siya bumalik? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to? Ano bang nagawa ko para masaktan ng ganito?!" I don't know pero paulit-ulit kong pinapalo ang dibdib niya dahil sobrang sakit, pero siya pilit akong niyakap ulit ng mahigpit kaya mas naiyak ako.

"Nangako siya sa'yo dba? Forget about the time, Syden. Babalik siya! I know he will come back for you. Kailan niya ba sinira ang mga pangako niya sa'yo? He really loves you kaya babalikan ka niya. So stop crying!"

"Paano kung hindi na dahil sa nangyari sa akin? Baka nagalit siya o kaya nagsawa na sa akin kaya pinili niyang huwag na akong balikan- baka mas gusto na niya doon kasi ayaw na niya sa akin- "

"Huwag kang mag-isip ng ganyan okay! Babalik siya!" natigilan ako ng iharap niya ako sa kanya at pinagtaasan ako ng boses. Bigla ko na lang naalala lahat ng sinabi ng officers sa akin na baka totoo nga talagang nakaka-dissappoint mahalin ang isang mahinang katulad ko.

Ayaw kong isipin na hindi siya babalik kaya kailangan kong makinig sa lahat ng sinabi Raven. He never broke his promise kaya tama. Babalik siya. Babalikan niya ako.

Pinilit kong itigil ang pag-iyak at tumango ako, "You're right. Babalik siya" napayuko ako at sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, kusang gumalaw ang mga paa ko papalayo kay Raven, "He'll come back...for me" wala sa sarili kong sabi.

Tinalikuran ko siya lalo na ng makita ko si Leigh sa likuran niya na parang kakarating lang. Iba ang tingin nito sa akin na hindi ko nagustuhan pero hindi noon nabago ang lungkot sa mga mata ko.

Parang nawala ako sa sarili ko.

"Babalik siya" mahina ko pang sabi habang nakayuko at mabagal na naglalakad.

Natigilan ako at napatingala ng mapansin ko ang buong grupo sa harapan ko, "Where is he?" tanong ni Roxanne. Hindi ko alam pero parang umiyak din siya dahil namamaga rin ang mga mata niya. Alam kong iisang tao lang ang hinihintay naming lahat. Tumitingin sila sa likuran ko para hanapin siya kaya mapait akong ngumiti at umiling. May mga luha nanamang nagbabadyang tumulo pero pilit kong kinikimkim ang sakit.

"H-hindi siya nakabalik, but I know that he will eventually come back" saad ko. Alam kong nabigla rin sila sa sinabi ko dahil umasa kaming lahat na babalik siya.

"What do you mean? That's impossible" saad ni Roxanne na napuno ng pag-aalala at pagkabigla ang mga mata nito. Alam kong hindi siya makapaniwala.

"Are you sure? Baka naman nandyan na siya? Let's check- " aktong lalapitan ni Dave ang secret room, hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin. Umiling ako at nagsalita, "Kanina pa ako naghihintay sa pagbalik niya, pero wala talaga. He didn't make it" I said na parang nawalan ako ng buhay. I can't feel any emotions right now. Tila namanhid ako sa sakit.

Lahat sila, hindi makapaniwala but that's the truth at ako mismo ang saksi sa hindi niya pagbalik.

"Guys, ano ba?" napatingin kaming lahat ng magsalita si Dustin, "Let's just wait for a few minutes, baka nasa secret room lang siya at kausap ang council, okay? Kaya huwag kayong panghinaan ng loob"

"He's right. Maghintay pa tayo ng ilang minuto, sigurado darating na din sila" dagdag pa ni Oliver habang nasa likuran niya sina Stephen at Caleb na halatang nag-aalala din. 

"Sige, maghintay pa tayo dito ng ilang minuto" pagkatapos sabihin ni Clyde 'yon, sumandal ito sa pader at nagkibit-balikat kaya't sumandal na rin sa pader ang iba. Yung iba, umupo sa mismong hallway at sina Stephen at Caleb naman, pabalik-balik na naglalakad at hindi mapakali. 

Umupo ako sa tabi ni Dave kaya napatingin siya sa akin, "Don't worry, he'll come back" saad nito kaya tinignan ko siya at nagpumilit akong ngumiti. Pagkatapos noon, wala ng nagsalita pa sa amin.

.....

3:03 am...

Habang pabalik-balik na naglalakad si Stephen, napatingin ako sa gawi nila Raven na as usual, kasama nanaman si Leigh. Alam kong naghihintay rin sila pero malayo sila sa grupo at hindi namin sila kasama. 

"Guys, mag-iisang oras na" nabasag ang katahimikan ng magsalita si Stephen kaya naptingin kaming lahat sa kanya habang hindi siya mapakali sa pagtingin sa relo niya. 

"Stop doing that Stephen, hindi ka nakakatulong" mataray na sagot ni Roxanne sa kanya  habang nakakibit-balikat din ito at nakasandal sa pader kagaya ni Clyde. 

The longer na naghihintay kami, mas nasasaktan ako at baka hindi ko nanaman mapigilan at maiyak ako kaya kailangan kong mapag-isa. 

"K-kailangan ko ng magpahinga" pilit akong tumayo kahit pakiramdam ko, ang bigat ng mga paa ko para umalis. All of them are worried pero kailangan kong maging malakas. Nag-umpisa na akong maglakad kaya binigyan naman nila ako ng daan at alam kong nagkakatinginan sila.

"Hindi ka man lang ba ihahatid o sasamahan ng magaling mong kakambal?" natigilan ako ng magsalita si Dave kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo na rin siya ngayon.

Nakatingin siya kina Raven at Leigh na nasa kabilang direksyon habang nakangiti siya ng masama. Yung tingin ni Raven sa akin, parang may gusto siyang sabihin. Kitang-kita ko rin ang lungkot sa mga mata niya. Napansin ko na parang may problema sina Dave at Raven dahil sa kung paano nila tignan ang isa't isa. Aktong tatanungin ko kung anong problema, minabuti kong huwag ng ituloy ng makita kong hinawakan ni Leigh sa braso si Raven habang nakatingin pa rin sila sa direksyon namin. Hindi ko nanaman nagustuhan ang paraan ng pagtingin sa akin ni Leigh na hindi ko na lang pinansin dahil wala na akong pakielam.

Walang ekspresyon kong tinignan ang buong grupo, "No, hindi niya ako ihahatid. Nakakahiya, baka kasi makasira ako sa relasyon nila" ilang segundo kong tinignan si Raven ng masama. Oo nga pala. Nakalimot ka na simula ng makasama mo siya.

"Oh sorry I forgot. Pinagbawalan nga pala siya ni Dean na lumapit sa'yo"  napatingin ako kay Dave ng sabihin niya 'yon habang masama pa rin ang tingin at ngiti nito kay Raven. 

"Bakit?" nagtataka kong tanong kaya tinignan ako ni Dave. 

"You should ask him kung anong ginawa niya bago umalis si Dean" tinignan naming dalawa si Raven at wala pa ring pagbabago sa reaksyon nito, seryoso pa rin siya. I know deep inside malungkot siya, pero kung mas pinili niyang iwasan kami lalo na ako, wala na akong magagawa. 

Tinalikuran ko na sila para bumalik sa kwarto ko. As I could hear their footsteps, hinarapan ko ang iilang members na nakasunod sa akin habang nanatili lang na naghihintay ang iba malapit sa secret room, "Stop following me. Walang susunod sa akin" walang gana kong sabi. Alam kong nag-aalala sila pero kailangan kong mapag-isa.

"We're just concern- "

"Kaya ko! Kaya pwede ba, huwag niyo akong sundan" harang ko sa pagsasalita ni Oliver at nagmadali na akong bumalik sa kwarto ko.

Things are starting to mess up without you. Kailangan ka namin, kailangan kita. So please, come back.

To be continued...