Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 32 - ♥♡ CHAPTER 31 ♡♥

Chapter 32 - ♥♡ CHAPTER 31 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

"Sy? Ano bang nangyayari?"

"May nangyari ba sa'yo?"

"Bakit ganon ang naging sagot mo kay Roxanne tungkol kay Dean?"

Sunud-sunod na tanong nila sa akin kaya hinarapan ko sila. Alam kong nag-aalala sila lalo na't wala silang alam sa lahat ng nangyari sa akin.

"Wala okay! Walang problema! Wala. Akong. Problema!" sigaw ko sa kanila na pilit pinipigilan ang sakit na gusto ko ng ilabas pero hindi ko alam kung paano at kung kanino. Bakit ganon? Kahit hindi ako okay, mas pinipili kong sabihin na okay ako when nothing's really fine.

Tinalikuran ko na sila at nagmadaling

naglakad papunta sa kwarto ko. Good to know na nakabukas 'yon kaya agad rin akong nakapasok although alam kong nakasunod pa rin sa akin sila Icah.

"Pwede mo namang sabihin sa amin kung anong problema eh. Hindi mo naman kailangang itago. We're here to listen- "

"Wala ngang problema!" harang ko sa pagsasalita ni Icah na ikinatahimik niya. Kahit ako, hindi ko rin alam na nagawa ko 'yon. Bakit ganon, pabigat ng pabigat ang sakit?

Nabigla silang lahat sa pagsigaw ko kaya napatango si Icah at napayuko, "Fine, I get it. Sana hindi mo na kami pinalipat sa building na 'to kung ganyan ka rin lang naman" saad nito na aktong aalis na pero hinawakan ko siya sa braso kaya natigilan siya, "S-sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. H-hindi ko lang siguro kayang tanggapin ang lahat" nabitawan ko siya at napayuko  ako.

"Thank you for trying to save us" sambit niya na halatang nadissappoint sa nagawa kong pagsigaw kaya tinignan ko siya.

"I did that kasi kaibigan ko kayo- "

"You can't even open up your problems to us yet you call us your friends. Anong silbi namin sa buhay mo kung simpleng tanong ko, hindi mo magawa? Wala ka bang tiwala sa amin?" harang niya sa pagsasalita ko and by the sound of her voice, alam kong nasaktan ko siya.

That's right, I have friends but why do I feel like I'm alone?

"Kaya ko namang sabihin sa inyo, p-pero..." at muli akong napayuko, "I think, this is not yet the right time kasi...masakit pa rin" tinignan ko sila at naramdaman ko na lang ang kusang pagtulo ng mga luha ko na ikinabigla nila.

Tinuro ko ang dibdib ko ng paulit-ulit expecting na mababawasan ang sakit pero bakit walang pagbabago?

"Hindi ko alam kung bakit sa bawat paggalaw ko, mali lahat! Lahat ng ginagawa ko mali! Lahat ng binibigay ko kulang! Bakit ako palagi yung nahihirapan?! Ano bang ginawa ko?! Hindi ko alam kung sinumpa ba ako, kung may mali ba sa akin o ano kasi hindi ko maintindihan- hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung mananahimik ba ako, kung iiyak ako, kung magpapanggap akong okay ako when in fact I am not really fine! I badly need him pero tingin ng iba wala akong pakielam! Why do I feel like I need to be perfect to be worth it! Anong mali sa akin?!" natigilan ako ng bigla akong yakapin ni Icah.

"It's okay. Walang mali sa'yo, Syden. Hindi lang nila makita that you're concern. Hindi namin alam kung ano talagang nangyari but I know how much you love him enough to say na concern ka talaga sa kanya, right?" iniharap niya ako sa kanya kaya tumango ako.

"You don't need to change yourself or to pretend para lang masabi ng iba na walang mali sa'yo" dagdag pa ni Maureen.

"I know pero miss ko na siya" I said to them. It is not because I don't say anything about him, doesn't mean that I am not concern. Walang oras na hindi ako umiyak dahil sobrang miss ko na siya.

Sa tuwing may kausap ako sa labas, hindi ko siya binabanggit dahil ayaw kong umiyak. Ayaw kong ipakita sa iba lalo na sa buong grupo na mahina ako at sobrang apektado ako dahil wala siya kaya ni minsan, hindi ko sinabi sa kanila na miss ko na siya, na gusto ko siyang sundan at gusto ko ulit maramdamam yung yakap niya sa tuwing kailangan ko siya.

"Okay lang kung hindi mo pa kayang sabihin sa amin. We understand, Sy. Basta if ever na kailangan mo ng kausap, we're here for you" saad ni Maureen kaya pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti.

"T-thank you guys. Sorry din kung hindi ko pa kayang sabihin but I'll try my best to be strong...kasi kailangan" I said trying to comfort myself.

"You're already strong. Sa lahat ng pinagdaanan mo, nakayanan mo..." saad ni Maureen tapos tumingin sa kabila na parang naiinis, "You even tried to talk to that bitch para lang iligtas kami"

"Do you mean, Fortune?" tanong ko. Bakit ba parang kakilala nila si Fortune kung makapagsalita sila tungkol sa kanya?

"Sino pa nga ba?" umupo si Maureen sa kama ko at bumuntong-hininga.

"Pero ano ba yung ibig niyang sabihin doon sa usapan niyo kapalit ng pagliligtas niya sa amin?" tanong naman ni Hadlee at na-curious na rin silang tatlo.

Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi ni Maureen kaya sumunod na rin sina Icah at Hadlee.

Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago nagsalita, "Did you hear  the name Felicity and Xyrone Grover, guys?" nang marinig nila 'yon, naging seryoso sila.

"B-bakit mo sila kilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Hadlee.

"Pwede ko bang malaman kung sino sila?" tanong ko sa kanila kahit na alam kong hindi nila gaanong nagustuhan yung tanong ko.

Seryoso silang nagkatinginan na parang nag-aalanganin pa kung sasabihin ba nila o hindi hanggang sa nagsalita si Maureen, "Felicity and Xyrone Grover are siblings. Kailan lang sila nakilala sa Prison, Curse and Death building pero dito, mukhang hindi pa" malayo ang tingin nilang tatlo na nakapag-pabigat pa sa nararamdaman ko na parang hindi rin sila ready na sabihin sa akin.

"But soon, everyone will know" pagsasalita ni Hadlee kaya nagkatinginan kami, "Hindi malayong kumalat ang tungkol sa kanila at kapag nangyari 'yon...mauulit yung nangyari dati" hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya.

"Anong mauulit?" tanong ko.

Ilang segundo kaming nagkatinginan bago siya nagsalita, "Magpapatayan ang lahat hunting those two siblings lalo na't walang nakakilala o nakakaalam sa itsura nila. Pwedeng nakakasama mo sila, pwedeng isa rin sila sa mga kaaway mo ngayon. It only means, nagpapanggap silang isa sa mga estudyante while killing"

"Pero bakit sila pumapatay?" naguguluhang tanong ko.

"Just like the student council officers, ang magkapatid na 'yon ay pinadala din ni Mr. Wilford dito para pumatay"

"Bakit niya naman gagawin 'yon kung may galamay na siya dito which is the officers?"

"Yon ang hindi namin alam. Felicity and Xyrone Grover are also Wilfords" natahimik ako ng sabihin nila 'yon.

"Anak sila ni Mr. Wilford...kaya marami ang gustong pumatay sa magkapatid dahil bukod sa pumapatay sila at nagpapanggap, makakaganti lang ang mga estudyante kay Augustus kapag napatay nila ang dalawa niyang anak"

Hindi na lang ako makapaniwala sa narinig ko, "Nahihibang na ba siya? Bakit pati mga anak niya ipinadala niya dito?"

"Hindi rin namin alam kung bakit niya ginawa 'yon. Yon kasi ang kumalat na balita sa amin kaya nagkagulo lalo ang Death building. Dahil wala ngang nakakaalam sa itsura nila, minabuti ng iba na magpatayan dahil baka isa sa mga kaibigan nila o taong malapit sa kanila ang isa sa magkapatid na 'yon to make sure na hindi nila magagawa ang utos ni Mr. Wilford kung anuman 'yon. That's the story" nakatingin pa rin sila sa akin, naghihintay ng sasabihin ko kaya napatango na lang ako at tumingin sa ibang direksyon.

Ang usapan namin ni Fortune, gumawa ako ng paraan para hindi tangkaing patayin ng mga estudyante ang dalawang 'yon. Dahil ba anak sila Mr. Wilford? Pero ang sabi niya, lahat ng maririnig ko tungkol sa kanila, pawang kasinungalingan. Kung ganon, ano ang totoo?

"Ano bang balak mong gawin?" tanong ni Icah kaya tinignan ko siya. Umiling ako at ngumiti, "W-wala naman. Narinig ko kasi kay Fortune ang pangalan nila kaya na-curious ako" saad ko na ikinatango naman nila.

"Pero ano ba talaga ang usapan ninyong dalawa?"

"Gusto ko mang sabihin pero kailangan ko munang alamin ang totoo. Kapag sigurado na ako, I promise na sa inyo ko unang sasabihin" paliwanag ko na naintindihan naman nila. Ang sarap sa pakiramdam kapag may mga taong pipiliting intindihin ka.

Biglang may kumatok sa pintuan kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Tumayo ako para buksan ang pinto at nakita ko si Finn. Tinignan niya sila Icah na nakaupo pa rin at seryosong nakatingin sa amin, "Can we talk?"

Tinignan ko sila Icah at nag-thumbs up naman sila na sinasabing okay lang kaya hinarapan ko si Finn, "Sige" lumabas ako at isinara yung pinto bago ko siya tinignan.

"Tungkol saan?"

"Concern lang ako sa nangyari kanina sa secret room. Huwag mo na lang pansinin yung mga sinabi nila- "

"I don't need your sympathy, Finn. There's a part na tama sila at tanggap ko 'yon so there's no need to say something na makakapag-pagaan sa pakiramdam ko. Anyways, thank you for your concern. I appreciate it" putol ko sa sinasabi niya.

"If that's what you think is right, fine. But always remember na if ever na kailangan mo ng masasandalan. I'm here" tinalikuran na niya ako pero dahil sa sinabi ko ay muli niya akong hinarap.

"Babalik siya ngayon dba?"

Tinignan niya ang relo niya and I know na ilang oras na lang, matatapos na ang araw na 'to. This is the third day na wala siya, also the last day na may chance pa siyang makabalik kasama si Julez, "Of course, he'll come back. Hanggang ngayon lang ang binigay sa kanya ni Fortune, sigurado akong ayaw ka niyang iwan kaya babalik siya"

Tumango ako at ngumiti, "Do me a favor" I said.

"Anything"

"Pwede bang tawagin mo agad ako kapag dumating na siya. Sigurado namang sa secret room ang punta niya dba?" paninigurado ko kaya tumango siya, "Fine, I'll call you" tapos tuluyan na siyang umalis.

Aktong papasok na ako ng makita ko si Roxanne na lumapit sa akin. Masama ang tingin nito kay Phoenix na nasa malayo na at nakakibit-balikat ito tapos ay tinignan niya ako,

"Ako ang nasurpresa" saad niya na parang hindi makapaniwala. Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Tinalikuran na niya ako kaya hinawakan ko siya sa braso at hinarap sa akin, "Roxanne, sandali lang"

"What? Dati nilalayuan mo siya, ngayon wala lang si Dean..." tinignan niya ulit si Finn sa malayo tapos tinignan ulit ako, "Ka-close mo na?"

"Hindi ganon 'yon"

"Ganon yung nakikita ko. Ano na lang ang mararamdaman ni Dean kapag naabutan ka niya na kasama or kausap yon? At least isipin mo man lang kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Dean ngayon. You are becoming selfish. Nagalaw ka lang ng iba, nagbago ka na- "

Nang marinig ko 'yon sa kanya ay hindi ako nakapag-pigil kaya nasampal ko siya dahilan para matigilan siya. Napahawak siya sa pisngi niya at sinamaan ako ng tingin kagaya ng kung paano ko siyang tignan.

"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko kaya huwag mo akong pagsabihan ng ganyan"

"You were molested once, I was molested many times. Kaya huwag mo akong pagsabihan na parang ikaw lang ang nagdurusa. Concern kami sayo- "

"Concern kayo sa akin dahil utos ni Dean dba?" galit kong sabi. Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob na sabihin lahat ng 'to.

"What's happening?" dinig ko ang boses ni Clyde na lumapit sa amin. Napansin ko rin na may tumulong luha sa mata ni Roxanne. Hindi ko alam pero parang sobrang nasaktan siya sa sinabi ko when in fact ako dapat ang masaktan dahil sa sinabi niya.

"Kung 'yan ang nasa isip mo, fine. Go ahead. Pero tandaan mo, we're only watching you now dahil concern kami ni Clyde sa kaibigan namin. He really cares for you, pero kung hindi mo 'yon kayang gawin sa kanya, could you please just shut your mouth!" galit na sabi nito. Umalis ito habang hawak pa rin ang pisngi niya at patuloy sa pag-iyak. That was the first time na nakita ko siyang umiyak.

"We're trying to fix everything bago bumalik si Dean kasama si Julez, sana man lang kahit hindi na kami, kahit siya nalang ang isipin mo" katulad ni Roxanne, sinamaan niya rin ako ng tingin. Tumalikod na siya at naglakad pero tumigil muli at hinarap ulit ako, "Please keep in mind na hindi lahat ng salita pwede mong sabihin kay Roxanne. Lahat tayo, may pinagdadaanan" dagdag pa niya.

What the hell am I doing?

To be continued...