SAKTONG pagpasok ni Ethan sa kuwarto niya upang magbihis ay nagsimulang mag-ingay ang cellphone niya. Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at akmang sasagutin iyon nang makita ang numerong naka-register sa screen.
It was Arriane de Guzman. Napapikit siya. Pinag-isipan kung sasagutin ang tawag o hahayaan na lamang na patuloy iyong mag-ring. He had never been this undecided before. Noon, sisiw lamang sa kanya ang sagutin ang mga tawag ng babae. Ang ipakitang interesado siya sa mga sasabihin nito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay parang hindi niya magawang sagutin ang tawag nito.
It was not that he does not like to talk to her. Wala naman itong ginawang masama sa kanya para iwasan niya ang mga tawag nito. Ang problema ay naguguluhan siya sa nararamdaman niya. And it was a first for him. He was always sure of everything he does in life. Lahat ng desisyon niya ay ibinabase niya sa kung saan alam niyang magbi-benefit siya o kung hindi man, ay makakapagpasaya sa mga magulang niya. Ganoon na ang naging purpose niya sa buhay mula nang magkaisip siya, ang sumunod sa mga magulang niya at gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa mga ito, until lately.
Naalala pa niya noong mamatay ang Daddy niya. He still remembered how heartbroken her mother was back then. At noon din ay ipinangako niya sa sariling pupunan ang mga bagay na dapat ay ang Daddy niya ang gumawa para sa pamilya nila. From the company to taking care of his mother.
Ngunit kasabay ng pagkawala ng Daddy niya ay ang pagka-paranoid ng kanyang ina. Ipinangako umano nito sa Daddy niya na aalagaan siyang nag-iisang anak ng mga ito. And her way of making sure he would live happily even after she was gone, was marrying him off to someone who was a best match for him. At ang idea nito ng "best match" ay si Arriane.
Tandang tanda pa niya nang unang beses na ipakilala sa kanya ng Mommy niya ang dalaga. Umungot ng isang dinner date ang Mommy niya dahil namimiss na daw siya nito. And being the good son, pinagbigyan niya ang hiling nito para lamang magulat nang pagdating niya sa restaurant na sinabi ng ina ay hindi ito nag-iisa sa lamesang inookupa. Sa upuang katapat nito ay may tatlo pang nakaupo. Isang lalaki at dalawang babae. The pretty young lady turned out to be Arriane and the couple, her parents. And that dinner turned out to be an ambush engagement celebration dinner.
He remembered looking at Arriane's face. Pamilyar ang mukha nito. She was a popular international model.She was pretty, alright, and smart. Mula din ito sa Buena familia dahil ang Daddy nito ay ang kasosyo ng Daddy niya sa ilang negosyo noong nabubuhay pa ito. In short, Arriane was perfect. She was every man's dream woman.
Pinapaulanan din ito ng papuri ng Mommy niya tanda nang pagkakagusto nito sa babae. At nang lantarang pag-usapan ng mga magulang nila ang tungkol sa arranged marriage na mangyayari sa pagitan nila ni Arriane ay hindi na siya umimik pa. Gayundin naman si Arriane. She just smiled at him . It was the first time they met, pagkatapos ay biglang engaged na sila. Ngunit mukhang tulad niya ay gusto rin nitong mapasaya ang mga magulang nito kaya naman habang nagpaplano ng tungkol sa kinabukasan nila ang mga magulang nila ay hindi sila tumutol. Hindi na siya tumutol. She was perfect, everyone would say that and his mother was happy.
They dated for a while to get to know each other. Maayos naman ang naging pagsasama nila kahit pa alam niyang walang espesyal sa nararamdaman niya para rito. He could always pretend he was interested with her. She looked happy although he was not sure if it was sincere in her part. People always they were a perfect couple. At maging nang bumalik ito sa States para sa trabaho nito ay hindi sila nawalan ng komunikasyon. Kahit sino ay sasabihing napakaperpekto ng relasyon nila.
But knows what their relationship had been. A pretend. Na kaya napakaperpekto niyon, na kahit isang away ay hindi sila nagkaroon, dahil sa tagal ng relasyon na iyon, walang siyang espesyal na damdaming nagawang iukol rito.
Gayunpaman ay wala sa plano niyang putulin ang engagement na iyon solely because of her mother. Besides, what could possibly go wrong with marrying a perfect woman. Iyon ang paniniwala niya, until lately.
Huminga ng malalim si Ethan at sa ikatlong beses na nag-ring ang cellphone niya ay sinagot niya ang tawag. Arriane has done nothing wrong so she does not deserve to be treated badly. Kahit pa gaano kagulo ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
"Hi, babe!" bati ni Arriane sa kabilang linya.
"Hi, how are you?" he stiffly asked. Hindi na siya magtataka pa kung may mapansin itong kakaiba sa kanya. Even pretending to sound happy was so hard for him to do now.
"Super fine! Narinig ko na ang boses mo eh!" she enthusiastically said. "I wish I could go home now. I miss you." He could even imagine her pouting at the moment. Naramdaman niya ang pagpitik sa sentido niya. He just can't answer that last statement.
"How's work?" pag-iiba niya nang usapan.
"Syempre mabuti. Ako pa ba?" mayabang na sabi nito. Narinig niya ang pagtawag sa pangalan nito sa background. "Babe, sorry. Nasa shoot pa kasi ako. I'll call you up when I'm done. Take care."
"You too." Ang tanging naisagot niya.
Nasapo niya ang mukha ng palad pagkatapos ay idiniretso sa paghagod sa buhok niya. It's getting harder and harder to pretend. And he does not want to pretend anymore. He will fix everything soon. He promised himself he will. Besides, he now has the reason to.