HINILOT ni Ethan ang kanina pa pumipitik na sentido niya. He had been busy the past few days because of a problem that had suddenly arised at his company. Hindi iyon magawan ng paraan ng reliever niya at gusto daw ng investor na siya mismo ang makausap.
Ilang araw din siyang wala sa Alcala Enterprise dahil doon at inabala ang sarili sa pag-aayos ng problema. Nasermonan na rin siya ng ina nang malaman ang naging problema at nang makarating dito na nangyari iyon nang wala siya sa opisina. Ano raw ba ang pinaggagagawa niya at "missing in action" siya habang nagkakagulo sa kompanya niya. Baka raw bumangon pa sa hukay ang yumao niyang ama kapag nalamang binabalewala niya ang kompanya.
Hindi naman lumaki ang problema at kinailangan lang ang ilang araw para maresolba niya iyon. His company would not be today's leading IT company for nothing. Ngunit alam niyang hindi na mabuti para sa kanya at sa kompanya niya ang hindi niya pagha-handle ng hands-on dito. Patunay niyon ang problemang kinaharap ng kompanya. Alam niyang kailangan na niyang bumalik ng full time bilang CEO ng kompanya lamang ay hindi pa niya magawang iwan ang trabaho sa Alcala Enterprise. He has something yet to confirm before he settle everything.
Natigil lamang ang pagdaloy ng isipan niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ang screen ng nag-iingay niyang cellphone at nakumpirma niyang si Josh ang tumatawag. Napakunot ang noo niya. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya.
"Hello."
"Ethan, my friend! Kamusta ka na?" ang bungad sa kanya sa kabilang linya.
Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya.
"Stop the nonsense and let's get to why you suddenly called." sabi niya rito. "What do you need?"
"Grabe ka naman! Kapag ba tumawag sa'yo, may kailangan na kaagad? Hindi ba pwedeng kinakamusta lang kita?"
"I'm hanging up." Sabi niya at akmang ibababa na ang tawag nang nagmamadali namang pinigilan siya nito.
"I need you guys to perform at my bar tonight." Mabilis na sabi nito.
"Not a chance." Agad na tanggi niya. "Pagod ako ngayon, pare."
"Alam kong ilang araw ka ring namroblema sa kompanya mo, naibalita na sakin ni Menriz 'yon pero pare kailangan ko talaga ng tulong ninyo. Hindi makakapagperform ang bandang naka-schedule ngayong gabi at walang magsa-substitute sa kanila. Kayo na talaga ang naisip ko. Mabenta naman kayo sa crowd at hindi na magtatanong ang mga 'yon kahit pa ibang banda ang mag-perform." Pakiusap nito.
"I can't pare. May lakad din ako ngayong gabi."
"May date ka nga daw sabi ni Menriz."
"How did he even know that?!" napabuga siya ng hangin. Bilib na talaga siya sa talent ng mga kaibigan niya sa pangangalap ng balita.
"That, I am not sure but I really need your help, pare. Dalhin mo na lang ang date mo sa restobar ko. Doon mo haranahin, pihadong mai-in love 'yon sa'yo agad." Hirit pa nito. "I contacted the rest and they all said yes. Ikaw na lang ang kulang. At kilala mo naman ang mga iyon. Baka kapag hindi ka dumating, sugurin ka pa ng mga iyon sa kung saang lupalop man ninyo naisipang mag-date at gumawa ng eksena ang mga iyon. Tsk tsk!"
Nasapo ni Ethan ang noo. Masakit na nga ang ulo niya lalo pang sumasakit iyon dahil sa pinagsasabi ng kausap. Not that his friend was lying. Saksi siya sa mga saltik ng mga kaibigan niya at hindi malabong gawin nga ng mga ito ang sinabi ni Josh.
"Fine. I'll be there. Siguraduhin mo lang na tatalian at bubusalan mo ang mga 'yan mamaya. Ayoko ng magulo. Masakit ang ulo ko." Sabi na lamang niya.
"Sure. Ihahawla ko pa ang mga 'yon pagkatapos ng performance ninyo para manahimik eh."
Napabuntong-hininga na lamang siya nang matapos ang usapan nila ni Josh. Mukhang napasubo na naman siya. Sa ingay ng mga kabarkada niya, hindi na siya magtataka kung may masabi ang mga ito kay Eunice. At hindi niya mapapayagang sirain ng madudulas na dila ng mga kaibigan niya ang kung anumang mayroon sila ngayon ng babae. He has no intention of letting her go.
Sa naisip ay napapalatak siya. Mukhang kailangan niyang pagbantaan ang isa-isa sa mga ito nang masigurong mananahimik ang mga ito.