Chapter 12 - 12

IPINATONG ni Eunice ang siko sa lamesa saka nangalumbaba doon. Nasa loob siya ng restobar ng kaibigan ni Ethan na si Josh. Kung kanina ay excited siya sa magiging dinner nila ni Ethan, ngayon ay hindi na siya sigurado.

Nang mapagkasunduan nila nito na magdi-dinner, na-imagine na niya ang magiging dinner nila nito sa isang romantic restaurant at mag-uusap tungkol sa isa't isa. Ngunit nang humantong sila sa tapat ng restobar na iyon ay nawalang parang bula ang naisip niya. The restaurant and bar was nice enough. Malinis iyon, maganda ang lightings at cool ang ambience. In short, the place was good besides the place would be awfully crowded and loud for sure, later. At syempre ang makapag-usap ng matino ay magiging malabo na oras na mangyari iyon.

Maaga pa silang nakarating sa restobar na iyon dahil tutulong pa daw ito sa pagsi-set up ng gagamitin ng banda nito. Yes, he has a band composed of his college friends, according to him at busy ang mga ito ngayon sa stage ng bar. All of them were good looking. It was a crowd that Ethan belongs to, she thought.

Kanina ay napanganga pa siya sa gulat nang makita niyang nandoon din ang big boss nilang si Menriz. Apparently, their boss was part of the band and their barkada as well. College barkada daw ang mga ito. Kaya naman pala ang lakas ng loob ni Ethan na sagot-sagutin ang lalaki noong umaga, close naman pala kasi ang mga ito.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang binata habang abala ito sa pakikipag-usap sa kaibigan nitong ipinakilala nitong si Apollo. Kahit pala panay guwapo ang nasa paligid nito, standout pa din ito sa paningin niya. He was not smiling yet he still looked nice. Not that the other guys do not look nice. Hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag ngunit iyonparang kahit hindi naman nalalayo ang kaguwapuhan nito sa mga kasama nito, ito pa rin ang focal point ng tingin niya.

She almost jumped when a glass of drink was placed on her table. Automatic ding napaangat ang tingin niya sa nagbaba niyon.

"I'm sorry, hindi ko sadyang gulatin ka." Ang nakangiting mukha ng owner ng restobar na iyon ang nabungaran niya. Ginantihan naman niya ang ngiti nito.

"It's okay. Lumilipad kasi ang isip ko kaya hindi kita napansing lumapit. Josh, right?" sabi niya rito.

"Yup." Nakangiting sagot naman nito. "Sorry sa pang-aabala sa paglipad ng isip mo. Mabuti na lang hindi naman pala malayo ang narrating ng iniisip mo." Dumiretso ang tingin nito sa stage kung saan abala pa rin ang mga kalalakihan kasama si Ethan.

Agad naman namula ang mga pisngi niya. Kaninang umaga, parang ang daming nalalaman ni Mr. Alcala ngayon naman parang pati si Josh ay may alam din. Was she that transparent? O si Ethan ba ang nagkukwento sa mga kaibigan nito ng pagkakagusto niya rito? Ibig bang sabihin niyon, alam na ni Ethan na gusto niya ito?

"Don't worry, hindi naman si Ethan ang nag-tsismis 'non. It's just obvious on how you look at him."

"It is?" gulat na napalingon siya rito. Tumawa lang naman ito.

"Now I understand why..." Hinintay niya ang kasunod ng sasabihin nito ngunit ngumiti na lang ito sa kanya pagkatapos ay inilapat ang palad nito sa ulo niya. "Inumin mo na lang muna 'yan." Itinuro nito gamit ang kabilang kamay ang kulay pulang inumin na ibinaba nito sa mesa kanina. "I'm sorry kung nakasira ako sa plano n'yo ng kaibigan kong 'yon. But I promise you, once you hear them perform, pasasalamatan mo ko." Kumindat ito sa kanya saka siya iniwang nalilito pa rin. Kung bakit kasi magsasalita ito samantalang wala naman pala itong balak ituloy.

Napapailing na ibinalik na lamang niya sa stage ang tingin niya ngunit hindi niya inaasahang magtatama ang tingin nila ni Ethan. He was intently looking at her. Hindi niya tuloy malaman kung iiiwas ang tingin o patuloy na tititigan ito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito basta nakatingin lamang ito sa kanya. If only she could read his mind.