NATAGPUAN na lamang ni Eunice ang sariling naglalakad sa kalsada ng subdivision nila maya maya. Ang pakay niya ay ang convenience store sa loob din naman ng subdivision na iyon para bumili ng soft drinks. Nagkulang kasi ang nabili ng ina at nasa eskuwelahan pa ang kapatid niya kaya naman siya ang naatasang bumili niyon.
"Eunice!"
Awtomatikong napalingon si Eunice nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Humantong ang tingin niya kay Ethan na patakbong lumalapit papunta sa kanya.
"O bakit ka sumunod?" tanong niya rito nang makalapit ito ng tuluyan.
"Baka kasi hindi mo kayang buhatin 'yong soft drinks kaya sasamahan na kita." Nakangiting sabi nito.
Muli na namang nag-init ang puso niya. He was even thoughtful. Kung tutuusin ay hindi lang naman ito ang lalaki sa mga bisita niya na nakarinig sa ina niya nang utusan siya nitong bumili ngunit ito lamang ang nagkusang samahan siya.
"Kaya 'ko naman na iyon. Sana kumain ka na lang sa bahay." Sabi niya rito. Alam niyang hindi pa ito nakakakain ng matino dahil kararating-rating lang halos nito at ni Alice. Gusto man niyang makasama ito at makausap pa, nahihiya din naman siya rito.
"Busog naman na ako."
"Naku magtatampo si Nanay kapag narinig 'yan. Kaunti pa nga lang ang nakakain mo tapos busog ka na? Sanay pa naman 'yon na kapag luto niya ang nakahain, ubos." Nakangiting biro niya rito. Ngunit bahagya ding totoo iyon. Her mother was a great cook. Kaya nga kahit marunong na siyang magluto ay ito pa rin ang nakatoka sa kusina. Kapag kasi siya ang nagluluto, kahit matino naman ang lasa ay nalalait pa din ng tatay at kapatid niya dahil hindi iyon pumapantay sa sarap ng luto ng nanay niya.
"Ganoon ba? Sige, kakain na lang ulit ako pagkabalik natin." Natawa siya sa tinuran nito. "Besides, masarap naman talaga ang luto ng nanay mo."
"Oo, kaya mahal na mahal 'yon ni tatay eh." Sagot niya saka nagsimulang maglakad papunta sa convenient store. Umagapay naman ito s paglalakad niya.
"Parang ang saya saya ng pamilya niyo." Komento nito.
"Oo naman. Madalas magulo at maingay pero sabi nga ng tatay ko, masaya lang kasi kami kaya ganoon."
"May kapatid ka 'di ba?"
"Oo, 'yong kolokoy na si Ericson. Ubod ng kulit ng taong 'yon."
"May pinagmanahan lang naman." Nilingon niya ito at napansin niyang nakatingin ito sa kanya habang nakangisi.
"Hoy, anong ibig mong sabihin? Hindi ako makulit 'no!" tanggi niya.
"Makulit ka, mas makulit lang siguro siya."
"Good enough. Basta mas makulit siya."
Natawa naman ito. Napatunganga na naman tuloy siya rito. Ganoon na yata ang epekto ng mga tawa nito sa kanya. Saglit na nagsu-slow motion ang mundo niya.
"I always thought having a sibling would be fun." Maya maya ay sabi nito.
"Masaya pero nakakaloka din minsan lalo na kung kasing kulit ng kapatid ko ang magiging kapatid mo."naglakad siyang muli nang mahimasmasan sa saglit na pagtunganga dito. "Only child ka ba?"
"Oo." Sagot nito. "My Mom does not cook. Lumaki siya sa mayamang pamilya kaya hindi siya natutong magluto kahit noong kasal na sila ni Dad o noong ipanganak ako. Ang Dad ko naman abala lagi sa trabaho. Aalis iyon tulog pa ko at uuwi naman nang tulog na din ako. Kaya pinangarap kong magkaroon ng kapatid noon, para lang hindi puro kasambahay ang makakausap ko sa bahay."
Napalingon siya rito. Hindi siya makapaniwalang nag-o-open up ito ngayon sa kanya. And she was happy at the thought. Ibig sabihin lamang niyon ay palagay na rin ang loob nito sa kanya.
"What? Does that sounded weird?" napakamot ito sa batok nito. "Sorry, nagdadrama na yata ako sa'yo."
"No. I got interested actually." Nginitian niya ito. "Please continue."
"Are you sure? Pang-telenobela pa naman ang kuwento ng buhay ko. Baka maiyak ka."
"Okay lang, mahilig naman ako sa telenobela."
Napailing-iling ito bagaman nagkuwento rin.
"Being a child who wants to get his parents' precious attention, I strived to be the good son for them."
"Cool!" komento niya. "Iyong mga nasa telenobelang napapanood ko, napapariwara at nagrerebelde kapag kulang sa atensiyon."
"Gusto kong makuha ang atensiyon nila, oo, pero ang sirain ang buhay ko, hindi." Sagot nito. "I studied hard and became top on my every class. I know they were proud of me, they just didn't know how to express it. Pero, ayon, being th good son, I have to obey everything that they want me to do. Hindi ako sumusuway noon, until lately."
"Lately?" curious na tanong niya.
"There was something my Mom wants me to do. Noong una, willing naman akong gawin iyon pero nagkaroon ng rason kung bakit sa unang pagkakataon gusto kong sumuway."
"And what was that?"
"If I tell you, I would have to kill you." Nakangising sagot nito.
"Narinig ko nay an eh! Madaya!" pabirong maktol niya ngunit hindi na niya pinilit pang sumagot ito. Alam niyang wala siyang karapatang usisain ang mga bagay na hindi nito kusang ibinabahagi. "Pati ba ang Dad mo, sang-ayon sa pinapagawang 'yan ng Mommy mo?"
"I don't know. Hindi na-brought up ni Mommy 'yon noong nabubuhay pa si Dad." Kibit-balikat na sabi nito.
"I-I'm sorry. I didn't know."
"Don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nawala si Dad." Nakangiting sabi nito sa kanya. "At saka tanggap ko nang wala na siya. At least he's not suffering anymore."
Napatitig siya sa mukha nito. His smile was genuine. Mukhang hindi na rin ito nasaktan sa pagkakabanggit ng pagkawala ng ama nito. He was that strong kahit pa sabihing kulang ang atensiyong naibigay ng magulang nito noong bata ito. Maayos ang buhay nito dahil sa sariling pagsisikap nito. Tumaas ng libu-libong puntos ang pagmamahal niya para rito.
"B-but you know what, pang-mayaman ang life story mo." Pag-iiba na lamang niya sa usapan. "Siguro galing ka sa mayamang---"
Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay may pumatak nang malamig sa braso niya. Kasunod ay sa pisngi niya hanggang sa magtuloy-tuloy na ang pagbagsak ng ulan.
"Wala naman sa balitang uulan ah!" reklamo niya.
"Halika na." nagulat siya nang ipalibot nito ang braso sa balikat niya saka itinakip ang palad sa ulo niya saka siya iginaya papunta sa pinakamalapit na shed. That was the first time she held her like that. Not really a hug, but close enough. Bumili ang pintig ng puso niya. At kahit na umuulan ay nag-iinit ang mga pisngi niya.
Nang makarating sila sa shed ay tinanggal naman nito agad ang braso nito mula sa balikat niya. Dumukot ito sa bulsa ng pantalon at inilabas mula roon ang panyo. She was feeling nostalgic. Pamilyar sa kanya ang eksenang iyon.
"Nabasa ka." Sabi nito saka idinampi ang panyo nito sa pisngi niya. Napatanga na lamang siya rito. It was like the first time she met him. Bumaha ang damdamin sa dibdib niya nang maalala ang unang beses na nakita niya ito. Kasabay niyon ay ang damdaming kailan lamang niya natuklasan.
"I love you, Ethan." Kusang dumulas iyon sa mga labi niya at hindi na niya napigilan pa. Nagulat man siya sa nagawa ay hindi na niya iyon binawi pa. That was what she truly feels at ngayong nasabi na niya iyon dito ay gumaan ang loob niya.
Ito naman ang mukhang nagulat. Hindi ito nag-react ng ilang minute habang nakatitig lamang sa mukha niya na parang binabasa sa mukha niya kung totoo ang tinuran niya.
Napalunok naman siya habang hinihintay ang magiging sagot nito. O kung hindi man, ang magiging reaksiyon na lamang nito. Kung matutuwa ba ito o maiinis sa kanya o basta na lamang siyang tatakbuhan at iiwasan.
Ngunit hindi alin man sa inaasahan niyang reaksiyon nito ang ginawa nito dahil bigla na lamang itong bumulalas ng tumawa roon. Naramdaman niya ang pagkirot ng dibdib niya. Mas gugustuhin pa sana niya kung umiwas na lang ito o tahasang ni-reject siya hindi iyong mukhang pinagtatawanan pa nito ang sinabi niya. Parang gusto niyang kainin na lamang siya ng lupa roon. Maya maya din ay naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya kaya naman bago pa man siya tuluyang umiyak doon sa harap nito ay tumalikod na siya at kahit umuulan ay tumakbong palayo rito.
She thought he might be feeling something for her because he was all nice to her. But it was just that. He was just super nice and she was the one who misinterpreted his kindness. Humahalo na sa tubig ulan ang luha niya habang tumatakbo. She was hurt and she was embarrassed. Paano pa niya ngayon haharapin ito pagkatapos niyang magtapat?
Nagulat pa siya nang hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay may pumigil na sa braso niya. Pinihit pa siya nitong paharap rito at sumalubong sa mga labi niya ang mga labi ni Ethan. Nanlaki ang mga mata niya. Ngunit saglit lamang iyon dahil unti-unti siyang nadala ng halik nito. Umangat ang palad nito sa pisgi niya habang ang isang palad naman nito ay nakasuporta sa likod niya. His lips were warm and he waskissing her tenderly like he was savoring every moment of it. Ganoon din naman ang pakiramdam niya. Na parang ayaw na niyang matapos pa iyon.
Ngunit maya maya pa ay kumalas din ito bagaman hindi pa rin tuluyang lumayo sa kanya. Their eyes were still locked to each other's eyes. Wala na silang pakialam pa sa lumalakas pang buhos ng ulan.
Umangat ang isang kamay nito at hinawi ang ilang hibla nang basang buhok niyang bahagyang tumabing sa mukha niya. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
"I'm sorry, I laughed. I was just so happy to know that you love me." Sabi nito. Napangiti rin siya.
Maybe he was just not so good with words kaya hindi ito nakasagot ng maayos sa kanya. Ayos lang. Marami pang pagkakataon para masabi nitong pareho sila ng nararamdaman. Maghihintay niya iyon ganitong nararamdaman niyang pareho lamang sila ng nararamdaman nito.
"What's with you and rainfall?" sabi na lamang niya rito.
"I don't know? Maybe this is God's self-constructed moment for the two of us." Kibit-balikat na sabi nito bago walang sabi-sabing hinalikan siyang muli. He did not say he loves her but he acts so. Kuntento na siya, sa ngayon.