PASADO alas-dose na ng gabi nang makauwi sa bachelor's pad niya si Ethan. He was tired, alright, but he was happy. That was how he felt eveytime she was with Eunice kahit simpleng paghahatid lamang naman ang ginagawa niya sa tuwing may pasok sila sa opisina. But just the mere thought of her makes him smile instantly.
Nakangiting binuksan niya ang pinto ng pad niya.
"Surprise!" kasabay ng pagbating iyon mula sa pamilyar na tinig ay ang pagpulupot ng mga braso sa batok niya. He stiffened when her lips landed on his.
"Arriane!" nasabi niya nang ilayo nito ang mga labi sa kanya.
"Yes, it's me! And I'm back for good." Masiglang sabi nito na hindi pa rin inaalis ang mga braso mula sa batok niya.
Sa likod nito ay napansin niya ang mga bagahe nitong nakakalat pa sa sala niya. Mukhang kararating lamang nito at dumiretso sa pad niya mula sa airport.
"Hindi mo sinabing ngayon ka uuwi. I should have fetched you at the airport." Mahinahong sabi niya rito.
"Then I would not have surprised you." Nakangiti pa ring sabi nito. "Now, we can get married!"
Sa narinig ay naramdaman niya ang pagpitik ng sentido niya. This was the problem he had been dreading all along. An obligation that has been pushed on him. A promise he was asked to make before. And the same promise he does not have any intention on keeping now.
"I missed you." Inilapit muli ng babae ang mukha sa kanya ngunit umiwas na siya. Bumalahid ang pagtataka sa mukha nito.
Hinawakan niya ang mga braso ng babae at marahan iyong tinanggal mula sa batok niya bago ito bahagyang inilayo.
"Arriane, we have to talk."