Chapter 15 - 15

KAGAT ni Eunice ang daliri habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Birthday niya nang araw na iyon at nag-leave siya sa opisina para maghanda. Inimbitahan rin kasi niya ang mga katrabaho niya para i-celebrate ang birthday niya.

Nakapagluto na sila ng nanay niya at nakahanda na iyon sa lamesa. Ang mga bisita na lamang ang iniintay. Ilang sandali na lamang siguro ay darating na ang mga iyon dahil nakalabas na rin naman ang mga iyon sa opisina.

Dadating na nga lang ang mga ka-opisina niya hindi pa rin siya makapag-decide kung itutuloy ang planong ilang araw na rin naman niyang pinag-iisipan. Nakabalandra na sa cellphone niya ang numero ni Ethan ngunit hindi niya magawang pindutin ang call button niyon. Iimbitahan ba niya ito? Kung iimbitahan kasi niya ito ay hindi na ito mahihirapang pumunta sa kanila dahil dalawang beses na rin naman siya nitong naihatid sa kanila. Kung pupunta man ito sakaling imbitahan niya ito.

Naubos yata ang lakas ng loob na na-gain niya noong araw na aminin niya sa sarili niyang mahal na niya ang binata. Ilang beses din silang nagkita nito sa opisina pagkatapos ng gabing iyon ngunit hindi na sila nakalabas ulit dahil naging abala na rin siya at siguro ay maging ito rin. Nginingitian at binabati naman siya nito sa tuwing magkikita sila pero hanggang doon lamang iyon kaya naman ngayon ay balik na naman siya sa pag-aalinlangan kung gusto rin kaya siyang makita nito o hindi. Kaya pati sa pag-iimbita dito para sa birthday niya ay hindi niya magawa. Have they gotten close enough for her to be inviting him?

Naputol ang malalim na pag-iisip niya nang mag-ingay ang doorbell nila.

"Eunice, ang mga bisita mo na yata 'yan." Sabi ng Nanay niya.

"Mukha nga. Ako na po ang magbubukas ng pinto." Tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ang mga bisita niya.

"Happy Birthday, Eunice!" iyon ang bungad ng mga ka-opisina niya. Inaanyayahan niyang pumasok ang mga ito nang mapansin niyang wala ang kaibigan niyang si Alice.

"Leah, si Alice?" tanong niya sa isang katrabaho.

"Ang sabi niya dadaanan lang daw niya ang regalo niya sa'yo at didiretso na rin dito." Kibit-balikat na sagot nito. "By the way, regalo ko pala sa'yo." Sabi nito at iniabot sa kanya ang naka-paperbag na regalo nito. Nakangiti namang tinanggap niya iyon.

Sunud-sunod na ring iniabot ng mga ito ang regalo sa kanya maging ang cake na dala ng mga ito. Inanyayahan naman niyang kumain ang mga ito kaya nagsidulog na rin ito sa lamesa at sinimulang lantakan ang inihanda ng Nanay niya.

Nang muling tumunog ang doorbell ay halos sigurado na siyang si Alice iyon kaya naman agad na niyang pinagbuksan ito ng pinto.

"Happy Birthday, friend!" nakangiting bungad nito sa kanya pagbukas pa lamang niya ng gate. Yumakap pa ito sa kanya.

"You're late." Nakangiti namang kastigo niya rito. "Nasa loob na ang iba pa."

"Sorry naman 'di ba? Sinundo ko pa kaya ang regalo ko para sa'yo."

"Nasaan? Wala naman akong nakikitang bitbit mo." Hirit pa niya.

"Hindi naman kasi kabitbit-bitbit 'yong regalo ko! Ayon oh!" itinuro nito ang sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay nila. Kilala niya ang sasakyang iyon.

And as if on que, bumukas ang pinto ng kotse at bumaba ang lalaking nasa driver's seat niyon. Hindi siya makapaniwala nang makilala ang lalaki. It was Ethan.

"Happy Birthday, Eunice." Pang-ilang beses na niyang narinig iyon nang araw naiyon ngunit ang version ni Ethan na pagbati ang nag-iisang nagpabilisng tibok ng puso niya. She can't believe he was now infront of her when she was still in the middle of deciding if she would invite him or not.

"Thank me later, okay? Kailangan ko nang kumain ng handa mo. Nagugutom na ang mga alaga ko." Bulong ni Alice sa kanya saka siya kinindatan nito. Tinapik pa nito ang balikat niya bago siya nilagpasan at pumasok sa bahay nila.

And yes, she would be thanking her so much, later. Baka may kasamang kiss at hug pa!