Chapter 7 - 7

MALALIM ang hinugot na hininga ni Eunice saka nangalumbaba sa lamesa. It was their Company Christmas party. Tapos na ang program proper kaya naman karamihan sa mga nagsidalo ay nasa gitna na ng dance floor at nagsasayawan. Isa lamang si Eunice sa mangilan-ngilang naiwan sa kanya-kanyang table. Hindi kasi niya maasahan ang sarili niya sa pagsayaw at nagrereklamo na rin ang mga paa niya dahil sa suot na high heeled shoes. Nasisiguro niyang ipapahiya lamang niya ang sarili niya kung makikisali siya sa pagsasayaw.

Isa pang dahilan ay may nais siyang makita nang gabing iyon at sa tingin niya ay kung papagitna siya sa mga empleyadong nagkakasiyahan sa pagsasayaw ay lalong malabong makikita niya ito. Iyon nga lang na kanina pa niya iginagala ang paningin sa paligid ay hindi pa niya nakikita ito, paano na lang kung napapaligiran na siya ng maraming tao?

Sa ilalim ng lamesang inilaan para sa team nila ay nakalapag ang isang paperbag na naglalaman ng jacket na plano niya sanang ibalik sa nagmamay-ari niyon, si Ethan. Ang nauna niyang plano ay ibigay iyon agad at umasang paninindigan nito ang pangakong dinner kasama siya but she ended up rejecting the idea. What if he was not serious with what he said back then? And she was not that brave to bring up his promise. Isa pa, hindi niya kayang basta na lamang itong harangin habang nasa opisina sila upang ibalik ang jacket dito. Alam niyang pagtitinginan siya ng mga katrabaho, or worst, pag-tsismisan pa siya ng mga ito. At least sa company Christmas party, hindi gaanong makakatawag ng atensiyon kung kaswal na kakausapin niya ang binata. It was a party anyway.

Ngunit sa kamalas-malasan ay ni anino nito ay hindi man lamang niya nasilayan. Ni hindi nga niya alam kung dumalo man ito o hindi. Nagpaganda pa naman siya ng husto para sa party na iyon sukdulang murahin siya ng mga paa niya kung nakapagsasalita man ang mga iyon dahil sa deadly heels na suot niya. Sa tanang buhay pa naman niya ay hindi pa nakaranas ang mga paa niya tumapak sa sapatos na lampas sa dalawang pulgada ang taas. Maging ang suot niyang spaghetti strapped cocktail dress ay pinaghirapan pa niyang hanapin sa mall noong nakaraang araw. Maaga rin siyang sumugod sa parlor upang magpaayos dahil wala siyang alam sa pag-aayos. And it seems like all her efforts were in vain. Mukhang matatapos na lang kasi ng tuluyan ang party ay bigo pa din siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag saka tinignan ang oras at napabuntong hininga nang makitang alas-diyes na ng gabi. Nag-uuwian na rin ang iba. Hindi malabong kung um-attend man si Ethan ay malamang na umuwi na rin ito.

Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago sumuko at nagpasyang umuwi na lang. Ano pa ang dahilan upang manatili siya roon kung hindi naman niya nakikita ang gusto niyang makita?

Kinuha niya ang bag at dinampot ang paperbag sa ilalim ng lamesa saka naglakad papunta sa mga nagsasayawang tao sa gitna upang magpaalam sa mga kasama niya. Nang makita niya si Alice sa pagitan ng mga tao at siyang siya sa pag-indak ay naglakad siyang palapit dito. Ngunit hindi pa man siya nakakailang hakbang ay may isa nang nakabunggo sa kanya. Agad siyang nawalan ng balanse dahil na rin sa kanina pa nananakit ang panay paltos na rin siguro niyang paa.

"Aw!" daing niya nang mag-landing ang pang-upo niya sa malamig na sahig. Inaasahan niyang aasikasuhin man lamang siya ng kung sino mang nakabunggo sa kanya ngunit tinignan lamang siya nito na at iniiwas ang tingin. Nanlaki ang mga mata niya at handing handa na siyang kastiguhin ito nang maramdaman niya ang paglapat ng mainit na bagay sa likod niya.

"Are you okay?"

She stiffened. Kilala niya ang boses na iyon mula sa likod niya. Paanong hindi samantalang sa iilang pagkakataong nakausap niya ito ay nag-register na ang boses nito sa utak niya. Sa tuwing maririnig niya nga ang boses nito sa opisina ay awtomatikong napapalingon na siya.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay ayaw niyang lingunin ito. Nasisiguro kasi niyang kahiya-hiya ang itsura niya nang mga oras na iyon. Kung bakit naman kasi naisipan nitong sumulpot kung kailan umaarangkada ang pagkalampa niya.

"I-I'm okay. Thanks." Sabi niya nang hindi ito nililingon saka umakmang tatayo. Malapit na siyang makatayo at maibangon sana ang tumakas yatang kahihiyan niya nang maramdaman niya ang pagkirot sa paa niya. "Ah!" daing niya kasabay ng pagkawalang muli ng balanse niya. Pero sa halip na sa malamig na sahig siya muling bumagsak ay may mainit na braso nang umalalay sa beywang niya habang lumapat naman ang mainit na palad sa braso niya. Awtomatikong tumaas ang tingin niya sa nagmamay-ari niyon.

"Careful." Iyon ang lumabas sa bibig ng pinaka-guwapong lalaki na yata sa paningin niya.

"E-Ethan." Hindi napigilang umalpas ng pangalan nito mula sa mga labi niya. Parang gusto niyang tampalin ang mga labi. Parang close na kasi siya kung banggitin niya ang pangalan nito.

Ngunit mukha namang balewala lamang iyon dito dahil ngumiti lamang ito sa kanya. She blinked a few times.

"Are you okay?" ulit nito sa tanong nito kanina na siya namang nagpabalik sa huwisyo niya. Sinubukan niyang ayusin ang pagtayo para lamang mapahiyaw muli nang kumirot ang paa niya.

Darn it! Mukhang napilayan pa yata siya.

Hindi naman nawala ang kamay ng binata sa likod niya at nanatiling nakaalalay sa kanya. Muli niya itong tinignan ngunit hindi na ito sa mukha niya nakatingin kung hindi sa mga paa niya.

"It looks like you've sprained yourself."

"I... uhm... yeah." Ang tanging nasabi niya.

"Come on, let's put first aid to that." Sabi nito at hindi pa man siya nakakasagot ay umangat na ang mga paa niya sa lupa. Napakapit siya sa batok nito kasabay ng impit na tili.

"K-kaya ko namang maglakad." Protesta niya bagaman hindi niya itatangging kinikilig siya sa ginagawa nito ngayon.

"Mas mabilis kung ganito. Isa pa baka lumala ang paa mo kung gagamitin mo pa." nakangiting sabi nito ngunit wala namang nag-register sa utak niya sa mga sinabi nito.

Walang imik na nailabas siya nito mula sa function hall ng hotel. Nagulat pa siya ng sa garden siya nito dinala at iniupo sa bench na naroon.

"Wait here. I'll get some ice for that." Sabi nito saka umalis na. Saglit lamang naman itong nawala at pagbalik ay may dala nang ice pack na marahil ay hiningi nito sa hotel. Inilahad niya ang kamay upang abutin iyon ngunit hindi nito pinansin ang kamay niya sa halip ay nagsquat ito sa harap niya. Hahawakan pa lang nito ang mga paa niya ay iniiwas na niya dahil naiilang siya. She was wearing a dress that was not even long.

"A-ako na lang." naiilang na sabi niya at sinubukang kunin mula rito ang icepack na madali lang naman nitong naiiwas bago walang imik na hinawakan nito ang paa niya. Napadaing siya sa ginawa nito.

"Sorry." Sabi nito saka dahan dahang tinanggal ang sapatos niya. Narinig niya itong pumalatak. "Why would you even wear shoes this high? It looks dangerous."

"B-because it's pretty?" Hindi naman niya maamin dito na dahil dito kaya pati ang pagsusuot ng mga killer heels ay pinatulan na niya.

"Hindi mo naman na kailangang magsuot ng ganito. I'm sure you're feet will look pretty whatever you are wearing. They are pretty enough as is." Kibit-balikat na sabi nito na parang wala lamang ang sinabi nito samantalang nagsimulang dumagundong ang dibdib niya.

He said her feet were pretty! Tili ng isip niya.

"M-minsan lang naman ako mag-suot ng heels." Maya-maya ay sagot niya.

"Kahit na. Tignan mo tuloy ang nangyari sa paa mo."

Bakit pakiramdam niya ay nag-aalala ito sa kanya? Pinagmasdan na lamang niya ito. Hindi na rin ito umimik kaya naman malaya niyang nagawa iyon habang abala ito sa pag-aasikaso sa paa niya. And just by looking at him like that makes her heart grew warm. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking kanina lang ay hinahanap niya ay nasa harap na niya ngayon at siya pang nag-aasikaso sa kanya dulot na rin ng katangahan niya.

"Ah!" daing niya nang makaramdam ng sakit sa ginagawa nito.

"Sorry." Hinging paumanhin naman nito.

Matagal-tagal din itong naging abala sa paa niya at nang makaramdam ng hiya sa isiping nangangalay na ito sa pagkaka-squat sa harap niya ay kinausap na niya ito.

"O-okay na siguro 'yan."

"How are you feeling?" tanong nito nang bahagyang tumingala sa kanya.

"Hindi na masyadong masakit." Sagot niya na totoo naman. Malaki ang naitulong ng yelo sa paa niya at naibsan na ang sakit niyon.

"Good." Mukha namang naniwala ito sa kanya kaya naman tumayo na ito. Ngunit imbes na umalis ay umupo ito sa tabi niya at basta na lamang ibinagsak ang icepack sa tabi nito pagkatapos ay tumanaw malayo.

"S-sorry sa abala..." nahihiyang sabi niya rito. Mukha kasing napagod din ito marahil sa pagbubuhat sa kanya, sa pagkuha ng icepack at syempre sa pagmamalasakit sa nasaktang paa niya.

"Don't mention it." Sabi nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"P-pwede ka nang bumalik sa party. Okay naman na ako."

"Are you kidding? I won't be going back there after having escaped." Sabi nito at nang bumaling sa kanya ay nakangiti na. "Sorry to have brought you here, though. Napapagod na kasi akong makipag-picture-an sa mga tao sa loob kaya nang makakita ako ng pagkakataon, sinamantala ko na."

Oo nga pala. Sikat ito sa opisina nila kaya hindi na siya magtatakang maraming babae ang sinamantala ang party para makapagpa-picture kasama ito. Kaya pala idiniretso siya nito sa labas ay dahil gusto nitong tumakas sa party? Nagsisimula na pati siyang umasang kaya siya inilabas nito ay dahil gusto siyang solohin nito.

Yeah right, Eunice. Mag-umasa ka!

"Okay lang." sagot na lamang niya.

"You looked bored inside so I thought you also want an escape from the party. Mali ba ako nang intindi? Gusto mo bang pumasok na tayo sa loob?" ang sunod-sunod na tanong nito ngunit isa lamang ang nagregister sa utak niya.

You looked bored inside...

Was he watching her even before she sprained herself?

"Eunice?"

"Bakit?"

"Hindi ka na kasi nagsalita. Do you want me to take you inside?"

"Ha? Ah.. eh.. Wag na. Ang totoo nabo-bored na din ako sa party kaya magpapaalam na sana ako kanina sa kasama ko na maauna nang umuwi."

"I thought so. Mukha ka na kasing nalugi kaninang mag-isa ka sa table ninyo." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Y-you saw me?" hindi napigilang sabi niya. She just felt like she needs to confirm it at the moment.

"Ahm, yeah. Actually, I was watching you for a while back then. Lalapitan na sana kita nang tumayo ka at pumunta sa gitna."

Hindi niya alam ang sasabihin pagkatapos marinig ang mga sinabi nito. Halos maglupasay na siya sa loob kanina dahil hindi pa niya ito nakikita samantalang abala naman pala ito sa pagtingin sa kanya? Kung tama nga ba ang dinig niya sa mga sinabi nito.

Nangangati ang bibig niyang tanungin ito kung bakit siya tinitgnan nito ngunit wala siyang lakas ng loob kaya naman nag-iwas na lamang siya ng tingin upang hindi nito mapansin ang epekto ng sinabi nito.

Maya-maya naman ay naalala niya ang pakay niya rito. Kinuha niya ang paperbag na bitbit niya kanina at iniabot ito rito. Tiningnan lang naman siya nito kaya napilitan siyang i-explain iyon dito.

"Jacket mo 'yan. 'Yong pinahiram mo sa akin. Ibinabalik ko na."

"You brought this here?"

"Oo. Ngayon ko kasi balak ibalik. Baka lang kasi nami-miss mo na kasi matagal na rin 'yang nasa pangangalaga ko."

Hindi naman na ito umimik sa halip ay binuklat nito ang paperbag at inilabas ang jacket nito. Napatanga na lamang siya nang isampay nito sa mga balikat niya ang jacket gaya nang unang beses na ginawa nito iyon noong nasa opisina.

"Malamig dito sa labas. Kinulang pa sa tela ang suot mo." Sabi nito sa kanya habang inaayos pa sa balikat niya ang jacket nito.

"P-pero ibabalik ko na ito dapat ngayon eh!" protesta niya nang mahimasmasan sa pagkabigla.

"Then give it back next time. Hindi ko pa naman gagamitin. Isa pa mukha namang nasa mabuting kamay ang jacket na 'yan." Nakangiting sabi nito.

Bigla parang nawindang ang isipan niya. Sa una ay kinikilig siya sa ginagawa nitong pag-aasikaso sa kanya pati na rin sa sinabi nitong tinitignan siya nito para lamang lumagpak dahil iba naman pala ang dahilan nito sa paglapit sa kanya pagkatapos ay gagawa itong muli ng bagay na ikakikilig niya. She felt like she was in a rollercoaster ride where he was the driver. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip!

"Can I ask you a question?"

"Sure. What is it?" tanong nito sa kanya.

"A-are you always this nice to everyone?" tanong niya rito. Ayaw na niyang umasa sa kung ano man ang sasabihin nito kaya kailangang makumpirma niya mula rito na sadyang mabait lamang ito sa lahat kaya pati sa kanya ay ganoon ito makitungo.

"Why do you ask?" sa halip na sagot ay kunot-noong balik-tanong nito sa kanya.

"W-well.." nag-isip si Eunice ng magandang ipalusot. "Kasi tinulungan mo ko sa computer ko noon."

"That was part of my job."

"At ngayon ikaw ang nag-asikaso sakin kahit hindi naman ikaw ang nakadisgrasya sa paa ko. Pati itong jacket mo, lagi mong ipinapahiram sa akin."

"That's because those were the right things to do." Kibit-balikat na sagot nito.

"And that means you're nice." Pilit pa rin niya.

"Maybe." Sagot nito. "But not all the time." Pagkatapos ay hindi na ito umimik at tumingin na lamang sa malayo.

Nakaramdam naman siya ng guilt. May nasabi ba siyang masama para bigla itong manahimik na lang doon?

"S-sorry." Sabi niya maya-maya.

Kunot-noo naman itong lumingon sa kanya.

"What are you saying sorry for?" tanong nito.

"I must have said something wrong. Nanahimik ka kasi bigla. Sorry."

"Silly." Sabi nito kasabay ng pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito. Genuine naman ang tingin niya sa ngiting iyon. "Napaisip lang ako sa sinabi mo."

"Alin sa sinabi ko?"

"When you said that I was nice to everyone. Well, I'm actually not." Seryosong sagot nito.

"You're not?" ano ba ang sinasabi nito? Eh halos lahat ng ka-opisina nila, bukambibig ang kabaitan nito.

"Sa totoo lang gumagawa ako ngayon ng kasalanan." At nilingon siya nito. She could see something in his eyes; she just can't point out what that is. "For the first time in my life, I chose to commit a sin because it makes me happy. That makes me not as nice as you thought so, right?"

"Ahm.. what?" naguguluhang tanong niya.

Ngunit ngumiti lang ito bilang sagot at tumayo na tanda nang wala na itong balak na sagutin pa ng matino ang tanong niya. It felt like he somewhat opened up to her. Pero parang hindi din naman dahil lalo lamang siyang naguluhan sa sinabi nito.

"Come on." Maya maya ay sabi nito.

"Where?"

"Let's get your injury checked. I applied first aid to it but I am no doctor. Let's get it ckecked to be sure."

"O-okay lang. Sprain lang naman ito. Hindi naman siguro---Ay!" napatili siya nang walang anu-ano'y umangat ang katawan mula sa bench na kinauupuan. Awtomatiko ding pumulupot ang mga braso niya sa batok ni Ethan dahil sa pagkabigla. Ngunit nagwala namang ang tibok nang puso niya nang mapagtantong isang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila. He was even looking straight at her face. Ni hindi niya alam kung paano iiiwas ang tingin dahil buhat buhat siya nito.

"You're stubborn, you know?" maya-maya ay sabi nito. Naramdaman niya ang hininga nitong dumadapo sa mukha niya ng magsalita ito. Magdedeliryo na yata siya sa mga bisig nito. Ngumisi pa ito sa kanya na waring hindi alam ang epekto ng ginagawa nito sa kanya. "Stubborn, but cute nonetheless."

"K-kaya ko namang ---Ay!" muli siyang napatili nang iayos nito ang pagkakabuhat sa kanya. Sa takot na malaglag ay napahigpit pang lalo pang napahigpit ang pagkakakapit niya sa batok nito.

"That's better." Narinig niyang sabi nito. She could hear the laughter on his voice pero hindi na niya nagawang magprotesta. Hinayaan na lamang niya itong buhatin siya papunta sa sasakyan nito. Ito naman ang may gusto niyon. Isa pa, masarap sa pakiramdam niya ang mabuhat ito, lalo na ngayong halos yakap na rin niya ito.

She silently smiled to herself at the thought.