"THANK you nga pala sa lahat ng tulong." Sabi ni Eunice sa katabing si Ethan na abala sa pagmamaneho. "but you should not have threatened the doctor like that." Natatawang dugtong niya.
Naaalala pa niya ang nangyari kaninang nasa ospital sila nito. Pagpasok pa lamang ng doktor na titingin sa kanya ay pinaulanan na nito ng paninindak ang pobreng manggagamot. Kesyo kailangan daw nitong ayusin ang trabaho nito dahil oras na hindi bumalik sa dati ang paa niya ay idedemanda nito ang doktor sampu ng buong ospital. Ang doktor naman ay mukhang nasindak din na ingat na ingat sa paggamot sa kanya.
"Kailangan iyon para gawin niya ng maayos ang trabaho niya." Sagot naman nito.
Napailing-iling siya ngunit lihim din namang napangiti. It was weird of him to do so but it made her feel special. Sa ginawa kasi nito kanina parang pinapalabas nitong napakahalaga nito sa kanya at kung may mangyayari sa kanya ay aawayin nito ang buong mundo. At hindi pa man ay nararamdaman na niya ang puso niyang unti-unting umaasang kahit papaano ay nag-aalala ito sa kanya to think na hindi pa naman siya nito ganoon kakilala.
Ngunit agad niyang pinalis ang pag-asang iyon. At if he was just being nice as always pagkatapos ay umaasa na siyang kahit papaano ay may nararamdaman din ito para sa kanya? Hindi ba siya rin ang masasaktan? She sighed.
"You should not act too kind to everybody." hindi napigilang sabi ni Eunice maya maya
"And why is that?" kumunot ang noo nito bagaman nakatutok pa rin ang tingin sa harapan.
"People might, you know, get the wrong idea." Tinignan nya ang magiging reaksiyon nito sa sinabi niya. Baka kas biglang na-offend niya na pala ito ng hindi sinasadya.
"Like?" tanong lamang nito.
"Like, m-maybe someone would think you like her just because you were utterly nice?" Me included.
Lumingon naman ito sa kanya saka ngumiti at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa daan.
"Why do you always say that I'm nice?" maya maya ay tanong nito.
"Because you are! Like the first time we met outside the office and ---" natutop niya ang bibig. Ni hindi nga siya sigurado kung naaalala pa nito ang unang pagkikita nila.
"I first met you inside the office building." Nakangiti pa ring sabi nito.
Sinasabi na nga ba niya at hindi na nito naaalala ang eksena nila sa ulan, sa ilalim ng payong nito. Hindi na nito naaalala ang babaeng minsang pinasukob nito sa payong nito at pinunasan nito ng panyo nito. Bahagyang kumirot ang puso niya. Normal ba iyon kahit crush lang naman niya ito?
"Do you really think I am doing all these just because I am nice?"
"O-oo?" alanganing sagot niya. Saglit namang lumingon ito sa kanya. Lumaki din ang pagkakangiti nito na para bang may inside joke itong naisip.
"Then you better start guessing for another reason why I'm doing these things." Simpleng sagot nito maya maya.
"Ha?"
"Saan na nga ulit ang bahay niyo?" tanong nito na parang hindi narinig ang tanong niya.
Wala na siyang nagawa pa kung hindi sabihin dito ang address nila. Paminsan minsan din niyang itinuturo rito kung saang direksyon ito dapat lumiko upang hindi sila maligaw. Ilang sandali lang din naman ay nakarating na sila sa tapat ng bahay niya.
"Thank you sa lahat ng tulong." Nakangiting sabi niya rito nang huminto ang sasakyan.
"You've said that already."
"Right." Bubuksan na lamang niya ang pinto ng kotse sa side niya ngunit nauna na itong bumaba. Binuksan nito ang backseat at kinuha mula doon ang crutches na i-advise ng doctor na gamitin niya habang nagpapagaling siya. Pagkatapos niyon ay binuksan nito ang pinto niya at maingat din siya nitong inalalayan sa pagbaba ng kotse. "Thanks."
"Tutulungan na kitang pumasok sa inyo para hindi mo na magamit 'yang paa mo. It looks like you are still not used to using that crutch." Prisinta nito.
"Hindi na. Masyado ka nang naabala." Nahihiyang tanggi niya. "Tatawagin ko na lang ang kapatid ko para magbitbit ng bag ko. Ito palang jacket---"
Bago pa man niya matanggal mula sa mga balikat ang jacket nito na kanina pa niya suot ay lumapat na ang kamay nito sa kamay niyang nagtatanggal niyon. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niyang dumaloy sa buong katawan niya. Napatanga na lamang din siya rito nang sa halip na tanggalin ang jacket nito ay inayos pa nitong muli ang pagkakasuot niyon sa kanya. Kasabay ng lahat ng iyon ay ang pagkabog ng dibdib niya.
"Keep it for today." Nakangiting sabi nito. "You still owe me dinner, remember? Iyan lang ang patunay kaya itago mo muna."
"Ahm... Okay." Ang tanging naisagot niya habang nagdidiwang naman ang kalooban niya. Sa pakiramdam pa naman niya ay kuntento na siya dahil kahit nang gabing iyon ay nakasama niya ito, but it looks like he was still giving her a chance to be with him.
"Sigurado kang hindi mo na kailangan ng tulong papasok sa inyo?" tanong nito.
"Ah.. O-oo." Sagot niya at pinindot ang doorbell ng bahay nila. "Ang Nanay at kapatid ko na ang bahala sakin. Salamat ulit."
"I'll get going then."
"Yeah. Ingat ha?" nakangiti nang sabi niya rito.
Tumalikod na ito sa kanya at akmang sasakay na ng sasakyan nito nang bigla itong mag-about face at bumalik sa harapan niya.
"Can I..." tumikhim ito. "Can I have your number?"
Nagulat siya sa tanong nitong iyon at hindi agad nakapagsalita. Is he for real? Talaga bang itinatanong nito ngayon ang contact number niya? Anong kabutihan ba ang nagawa niya at pinagpapala siya ngayon ni Lord?
"I'm sorry, am I being too forward?" nagkamot ito sa batok na parang nahihiya pa ito sa ginawa.
Cute!
"A-akin na ang phone mo."
Iniabot naman nito sa kanya ang phone nito. She punched in her number pagkatapos ay iniabot iyon dito.
"Thanks." Muli itong ngumiti sa kanya saka sumakay na sa kotse nito. Sinundan pa niya ng tanaw ang papalayo nitong kotse.
"Sino 'yon, Ate? Boyfriend mo? Ang gara ng kotse!"
Nalingunan niya ang kapatid na nakatayo sa nakabukas nang gate ng bahay nila. Bakit ba hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot nito.
"H-hindi pa." wala sa sariling sagot niya.
"Hindi pa?" ngumisi ang kapatid niya. "Ayun oh! Pumapag-ibig si Ate!"
"Heh! Tumigil!" sita niya rito kahit ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Eh bakit ang pula-pula mo? Ayiiiih!" asar pa ng kapatid.
"Tigilan mo ko Ericson! Bakit ba gising ka pa?"
"Kasi weekend ngayon at may pinapanood pa ako. Pero boto ako sa lalaking 'yon, Ate. Kasing gwapo ko."
"Sinabing tumigil!" pinandilatan niya ito saka kinusot ang buhok. "Alalayan mo na nga lang ako."
Nang makarating siya ng matiwasay sa kuwarto niya ay agad siyang humiga sa kama nang hindi man lang nagbibihis. Inaalala niya ang mga sinabi ni Ethan sa kanya na saglit na nalimutan. He said he was commiting a sin but it makes him happy. Ang gulo pero maisip pa lang niyang sa kanya nito ibinahagi iyon ay nagpapabilis na ng tibok ng puso niya.
Ilang sandali lamang niyang nakasama ito ngunit pakiramdam niya ay ang dami nang nangyari. Na parang sa loob ng ilang sandaling iyon ay nakilala niya ang binata. At ang isiping kahit papaano ay nakalapit siya rito ay nakakataba na sa puso niya. Ganoon ba kapag nagkaka-crush? Or was it leading to a deeper feeling?
"Ah ewan! Basta kinikilig ako!"