Chapter 4 - 4

"ANO po bang nangyari, Ma'am?" tanong ni Ethan ng sa wakas ay makarating sila sa workstation niya.

"Ha? Ah eh..." Ano na nga ulit ang nangyari sa computer ko? Pakiramdam ni Eunice ay lumipad lahat ng nasa isip niya nang makita niya ito at hanggang ngayong nasa harap na sila ng computer niya ay hindi pa rin siya nakaka-recover. Nagsisisi tuloy siyang hindi na lamang niya hinintay na matapos kumain ang mga ito at si Diane na lamang ang pinag-ayos ng dispalinghado niyang computer. Pilit niyang kinalma ang sarili saka ito sinagot.

Imbis naman na mainis ang lalaki sa hindi niya pagsagot ng matino ay muli itong ngumiti sa kanya. Napatunganga na lang tuloy siya ulit dito. It was so unfair. Paano itong nakakangiti ng ganoon samantalang nagririgodon naman ang dibdib niya?

Pilit niyang pinakalma ang sarili upang isalba ang sarili sa mas malaki pang kahihiyan kung hindi niya ito sasagutin.

"N-nag-blue screen kasi 'yang monitor ko kanina tapos namatay. I switched it on again pero tumunog na lang siya at ayan na nga." Sa wakas ay nagawa niyang sabihin.

"And have you saved the files you were working on?"

"Ayun nga eh. Hindi ko sila nai-save."

"'Thought so. Kaya natataranta ka na kanina." Lumuwang pa ang pagkakangiti nito. Not a mocking smile kahit pa alam niyang medyo katangahan ngang hindi man lang siya nagsi-save ng files niya just to be sure na kung magkaka-aberya man ay may matitira sa pinaghirapan niya kahit paano. "Ako na po ang bahala. Paupo ha?"

"S-sure." Sagot niya.

Umupo ito sa upuan niya at nagtitipa doon. Habang abala ito sa pagkalikot at pagta-type sa computer niya na hindi naman niya maintindihan ay nakatayo lamang siya sa likod nito. Kahit papaano ay kumalma-kalma naman ang nagwawalang dibdib niya ng tumalikod ito. Sinasabi na nga ba niya at ang ngiti nito ang dahilan ng malakas na tibok ng puso niya kanina.

Watching him do his work makes her like him more. Ang cool kasi nito habang buhos ang atensiyon sa ginagawa. Hindi rin niya maiwasang titigan ang mga daliri nitong abala sa pagta-type sa keyboard niya. His fingers were long and candle-like. Suddenly she got curious of how it would feel like being held by those perfect fingers of his.

Halt! That was creepy! Pigil niya sa naglilikot na niyang imahinasyon. Hindi yata at binubuhay ng lalaking ito ang pervert side niya just by his mere presence. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi niya. Mabuti na lang at hindi ito nakaharap sa kanya kung hindi ay malamang na kahiya-hiya na naman siya sa harap nito.

Upang hindi na matukso pa rito ay sa mismong monitor na lamang siya tumingin kahit pa sumasakit na ang ulo niya sa pilit na pag-intindi sa mga codes na itina-type nito. Nagulat pa siya nang maya-maya ay bumukas na ng maayos ang computer niya.

"Ma'am, mag-log-in po kayo." Magalang na sabi nito saka dahan dahang iniusog ang upuan upang makalapit siya sa computer niya.

"O-okay" lumapit naman siya at bahagyang yumuko upang maabot ang keyboard. Kahit umusog na ito upang bigyan siya ng space ay nararamdaman pa rin niya ito sa likod niya. Maging ang hininga nito ay nararamdaman niyang bahagyang tumatama sa buhok niya. She cringed. Ano na nga ba ulit ang kailangan niyang gawin? Darn it!

"Ma'am?"

"H-ha?" wala sa sariling tanong pa niya.

"'Yong log in n'yo po."

"Ah... yeah, right." Sabi niya saka nanginginig ang mga kamay na ipinasok ang log in credentials niya saka nagmamadaling tumayo muli sa gilid nito. Hindi naman na ito nagsalita pa at hinintay na lamang nilang bumukas nang tuluyan ang computer niya.

Napatili siya nang bumukas ang computer niya at bumungad sa kanya ang recent session niya doon.Sa tuwa ay basta na lamang siyang dumukwang muli sa computer niya upang icheck ang mga files niya. May ilang edited parts na niya ang nawawala ngunit halos lahat ng ginawa niya ay nandoon pa.

"Oh my God, Thank you!"She said out of relief. "Mahal na talaga kita, Ethan!"

Narinig niya ang pagtawa nito mula sa likod niya. She stiffened. Did she just confess her feelings to him? Agad siyang napatayo at napatingin dito. He was laughing again. Iyong tawang gaya ng tawa nito noong unang beses na makausap niya nito. So vibrant.

Naramdaman naman niya ang pamumula ng mga pisngi niya. Iyon ang unang beses na nakausap niya ito nang pareho na silang nasa iisang kompanya at malamang na iyon ang unang beses na nakausap siya nito sa pagkakaalala nito tapos ay maririnig siya nitong umaamin ng feelings niya rito?

Very clever, Eunice. Might as well jump off the rooftop of this building!

"Ahm... I-it's not what it means." Agad na bawi niya. "Masyado lang akong natuwa kasi na-recover mo ang files ko."

"It's not?" hindi na ito tumatawa ngunit nagsasayaw pa rin ang mga mata nito. Bakit kaya hindi na lang bumuka ang lupa at kainin siya, right about that moment. Nasaan ba ang lindol kung kailan kailangan mo?

"I-it's not, I promise!" sagot niya.

"Really? Sayang naman. Umasa pa naman akong totoo." Napatunganga siya sa sinabi nito. Ano daw iyon? Is he kind of... disappointed? "I'm joking."

"Right." Sabi niya. Nagbibiro lamang pala ito. Pero bakit ayaw pa rin manahimik ng nagwawala niyang puso?

Nagulat pa siya nang basta na lamang itong tumayo sa kinauupuan. Awtomatikong napaurong siya at di sinasadyang naurungan niya ang armrest ng upuan sa tabi niya. Nawalan siya ng balanse kaya napatili siya. Pumikit na lamang siya at hinintay na lamang ang pagbagsak sa sahig nang maramdaman niya ang maingat na pagsuporta sa kanyang baywang.

"Careful." Ang guwapong mukha ni Ethan ang bumungad sa kanya nang sa wakas ay imulat niya ang mga mata. Maingat siya nitong itinayo ng maayos.

"T-thanks." Iyon lamang ang nasabi niya. Kapag talaga ito ang nakakausap niya, nauubos ang laman ng vocabulary niya. "Thank you din sa pag-aayos ng computer ko. Iniligtas mo ang buhay ko."

"Hindi naman buhay. Trabaho mo lang." Biro nito. It was like he was trying to lighten up the atmosphere. "And it's okay, It's my job anyway."

"Sabi ko nga eh." Nahawa na rin siya sa pagngiti nito kaya napangiti na rin siya. "Sorry pala, naistorbo ko ang dinner n'yo ng teammate mo."

"Oo nga eh. Sayang naman 'yong naiwan kong pagkain." Pumalatak pa ito.

"Hala, pasensya na talaga." Nagi-guilty na sabi niya rito. Ni hindi man lang niya napansin kung nabawasan man lang ba nito ang kinakain nito kanina dahil dito na lang natuon ang atensiyon niya. "I would just buy you dinner." Nagmamadaling hinalughog niya ang wallet niya sa magulo pa naman niyang bag. "Tara sa----"

Napatigil siya nang lumapat sa mga balikat niya ang itim na company jacket nito pagharap niya rito.

"Napansin kong nanginginig ka kanina. You might be cold. Nag-iisa ka na lang kasi rito at malakas pa ang aircon." Sabi nito sa kanya habang inaayos pa ang jacket sa balikat niya. Napansin pala nito ang panginginig ng kamay niya kanina."And about that dinner you're offering, next time na lang. Hindi rin kasi ako sanay ng kumakain mag-isa. Saka na lang 'pag masasamahan mo na ako."

"A-ako?" gusto nitong samahan niya itong kumain?

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Sige, babalik na ako sa workstation ko. Call me up kung magkakaproblema pa ulit ang computer mo." Tumalikod na ito at naglakad palayo.

"Ethan!" tawag niya rito bago ito tuluyang makalayo. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Paano 'tong jacket mo?"

"Just give it back when you have time to have dinner with me." Nakangiting sabi nito saka ipinagpatuloy ang paglalakad palayo.

When you have time to have dinner with me. Paulit-ulit na umalingawngaw sa tainga niya ang sinabi na iyon ni Ethan kahit na ilang sandal na ang nakakalipas ng iwan siya nito. Did he mean that as a date?

Napahigpit ang hawak niya sa jacket na isinuot nito sa kanya saka tumili! Mabuti na nga lang at wala na siyang kasama sa area na iyon dahil malamang na masermunan siya.

"We're having a date!" patiling sabi niya. Well, sort of a date. Pero wala na siyang pakialam pa basta magkakaroon siya ng pagkakataong makausap ito ulit, kuntento na siya.