Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 21 - CHAPTER 17 – Unwelcomed Fate

Chapter 21 - CHAPTER 17 – Unwelcomed Fate

V1. CHAPTER 17 – Unwelcomed Fate

NO ONE'S POV

"Where have you been?"

Agad na tanong ni Pristine nang makita nila si Arianne. Kakalabas lamang nito ng academic building.

"Sa Art Club, bakit? Gumagawa kami ng mga props para sa Joint Foundation Event," paliwanag ni Arianne dahilan para lumuwag ang paghinga ni Pristine samantalang si Bianca ay napangiti. Pareho sila ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Ah oo nga pala... Akala ko kung nasaan ka na kasi e," sabi ni Pristine.

"So, we worried for nothing... I'm glad," saad naman ni Bianca.

Kakasundo pa lamang ni Pristine noon kay Bianca at kakaalis pa lamang nila para hanapin si Arianne ngunit nakita rin nila ito kaagad. Siguro dahil sa sobrang pag-aalala ay parehong nakalimutan ng dalawa na may club activity pala ang kaibigan.

Nangiti lamang si Arianne. Sobra niyang naa-appreciate ang pagka-concern nina Pristine at Bianca sa kaniya pero minsan ay di rin niya maiwasan na mag-alala para sa mga ito. Minsan kasi, sa tingin niya ay naaabala niya ang mga kaibigan at nadadamay sa kaniyang mga problema.

"May problema ba?" may pagtatakang tanong ni Pristine nang mapansin niya ang ekspresyon ni Arianne. Tila kasi malalim ang iniisip nito sa paningin niya.

"Huh? Wala, bakit naman?" Arianne smiled, an awkward smile kaya't alam ni Pristine na may inililihim ito.

"Yung aura mo kasi..." matamlay na saad ni Pristine.

"Hindi, ano kasi..." Naglikot ang paningin ni Arianne bago i-focus ito kay Pristine, "Na-solve na kasi yung problema ko kay Noreen," pahayag niya na ikinagulat ng dalawa.

"Talaga?" Bianca exclaimed. Tuwang-tuwa siya para kay Arianne ngunit di niya maiwasan ang magtaka, "Pero... na-solve tapos ganyan mukha mo? Paano naman?"

Natahimik si Arianne sandali at tila nagdadalawang isip kung magsasalita ba siya o hindi. Tumingin siya sa dalawa at naisip niya kung paano mag-alala ang mga ito para sa kaniya. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. Ayaw niyang magtago at magsinungaling sa mga ito.

"Si Natalie..." pagbanggit ni Arianne na agad nagpa-twitch ng tenga ni Pristine, "Siya yung umayos ng problema ko."

Parehong nagulat si Bianca lalo na si Pristine.

Ipinaliwanag ni Arianne ang nangyari. Katulad noong una ay nagulat nga ang dalawa pero mas hindi kapani-paniwala ang naging impact nito kay Pristine. Hindi nga lang nito pinahalata dahil mas pinili niyang maging kalmado at pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga kaibigan. Napilitan siya hindi naman dahil sa hindi siya masaya para kay Arianne kundi dahil sa kung sino ang tumulong sa kaniya.

"I see… well, of course, Nat will do that for you," nakangising reaksyon ni Bianca.

♦♦♦

"Hey, dito na ako. Ah, pasensya na Arianne, di kita masasamahan kailangan ko rin kasing asikasuhin yung akin e," paliwanag ni Bianca nang makarating na sila sa tapat ng dorm niya.

"Ah, hindi, ano... dapat nga ako ang tumulong sayo. Makabawi man lang sa lagi niyong pagtulong ni Pristine sa'kin," tugon ni Arianne, "Ano Bea, pasensya na. Iba kasi yung nahanap ni Mama," dagdag ni Arianne.

"Girl, ano ka ba? Ayos lang 'yon no. Dapat nga ako yung humingi ng pasensya't namroblema ka pa dahil sa akin. Hay, matagal ko nanamang hinanda yung sarili ko. Hindi naman kasi talaga 'to maiiwasan."

"Saan ka titira?" tanong ni Pristine.

"Kay Dad... Hindi ko alam," tugon ni Bianca saka ngumisi at kumamot sa kaniyang batok.

"HINDI MO ALAM?" sabay na tanong ng mga kaibigan niya.

Natawa naman si Bianca sa kanilang naging reaksyon.

"Kina Dad nga," Pagsisigurado ni Bianca.

♦♦♦

Nagiimpake si Arianne ng kaniyang mga gamit at tinutulungan naman siya ni Pristine. Madilim na sa labas nang tumigin si Arianne sa bintana at 10 to 7 na ang oras nang i-check niya ang kaniyang relo.

"Tapos na rin. Ano go na ba tayo?" tanong ni Pristine ng maimpake na nila lahat ng mga gamit ni Arianne.

"Pahinga muna tayo saglit, saka imi-message ko lang muna yung kaibigan ni Mama para masabi na papunta na tayo."

"Okie."

Tumayo si Arianne mula sa pagkakaupo sa kama at akmang pupunta sa may fridge.

"Water or juice?" tanong niya kay Pristine.

"Water please."

Napabuntong hininga si Arianne habang naglalagay ng tubig sa baso. Naalala niya si Natalie at tinignan niya naman si Pristine. Nababalot ng disappointment ang aura nito. Pagdating kasi talaga kay Natalie ay nag iiba ang mood nito lalo pa ngayo't ito ang nakatulong sa problema niya.

Hindi maisip ni Arianne kung ano nga bang puno't dulo ng alitan ng dalawa. Bago pa lamang kasi siya dumating sa SNGS ay kalat na sa lahat na hindi sila magkasundo.

Grade 10, habang nasa kalagitnaan sila ng P.E. class at naglalaro ng basketball ay bigla na lamang nagkapisikalan sina Pristine at Natalie. Bilang kaibigan ng dalawa ay agad pumagitna si Arianne ngunit hindi niya inaasahan na ang pagaawat niya sa dalawa ay magbubunga ng tanong na mas mahirap pa sa mga exams ang sagot.

"Arianne, are you choosing her over me?" seryosong tanong noon ni Natalie na nakapagpabigla kay Arianne.

"H-Huh? N-Nat anong ka-klaseng tanong 'yan?" Arianne asked back. She was confused and tense.

"I will ask you again. Mas pinipili mo bang maging kaibigan si Pristine kesa sa akin? Just yes or no."

Lahat ng mga nasa gym ay nakatingin kay Arianne at nag-aabang sa kaniyang magiging sagot. Dahil naman sa mga matang nakapalibot sa kaniya ay nakaramdam siya ng mas lumalalang pagkalito. Unti-unti rin siyang nahilo at sumisikip ang paghinga. Hindi niya malaman ang gagawin at sasabihin lalo na't wala naman siyang mapili na sagot.

"No Nat! Syempre pareho ko kayong gusto na maging kaibigan," ang naging tugon ni Arianne.

"So, you chose her," saad ni Natalie na ikinagulat ni Arianne.

"Wa-wala akong sinasabi," ani Arianne ngunit agad siyang tinalikuran ni Natalie at naglakad papalayo.

"Nat wait, listen to me!" tawag ni Arianne ngunit hindi nito napahinto ang kaibigan. Balak niya pa sanang sundan si Natalie ngunit pinigilan siya ni Pristine.

"Let her be. Ganyan talaga siya kahit kailan. Gusto niya sa kaniya lang lahat."

Kahit na inuusig si Arianne ng curiosity ay kahit kailan ay di niya ginawang magtanong mismo kay Pristine kung bakit nga ba sila hindi magkasundo. Tinanong niya si Bianca ngunit wala rin itong maibigay na kasagutan.

♦♦♦

"Is this the address?" tanong ni Pristine. Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang malaking gate.

"Yes," tugon ni Arianne. Saglit ay napatingin ang dalawa sa kanilang likuran.

"Miss, ibababa na po ba namin ang mga gamit ni Miss Arianne?" tanong ng isa sa mga bodyguard ni Pristine na tinugunan naman ng pagsang-ayon ng amo niya.

Lumapit sila sa maliit na gate na nasa gilid. Ito ang gate ng bahay na nasa address na hawak-hawak ni Arianne. Tumingin si Arianne kay Pristine at tumango naman ito sa kaniya. Doon ay marahan niyang pinindot ang door bell. Nag-antay ang dalawa ngunit walang nagbubukas ng gate. Sinenyasan uli ni Pristine si Arianne na mag-door bell ngunit halos minuto na ang nagdaan ay wala pa ring nagbubukas. Humugot ng malalim na buntong hininga si Pristine at saka dead pan look na tinignan si Arianne. Malapit na sanang masira ni Pristine ang doorbell button na iyon kung hindi lang nagbukas ang gate.

"Tsk, sino ba y-?"

Isang batang babae ang nagbukas ng pinto. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Ito po ba ang bahay ni Cecilia Cuzon?" maingat na tanong ni Arianne.

"Oo," masungit na tugon ng bata.

"Monique, iyan na ba yung hinihintay ni Mama?"

Bigla ay may narinig silang boses ng lalaki. Mabilis na nag-react ang mga dopamine ni Arianne nang marinig niya ang tinig na iyon. Nakalimutan niya man noong nakaraang araw ang mukha ng bwiset na iyon ay hinding - hindi niya makakalimutan ang malamig at gwapo, no! Demonyo nitong tinig. Kinabahan si Arianne, lumunok ng ilang ulit at napaatras. Nagtataka naman na nakatingin sa kaniya si Pristine.

"Mukhang siya na nga kuya!" Walang ganang tugon ni Monique habang masamang nakatingin sa dalawang nasa harap niya. Hindi naman napalampas ng pagiging observant ni Pristine ang attitude na pinapairal ng bata sa kanila pero nanatili siyang kalmado at nakangiti.

Samantala ay ilang ulit na isinasalansak ni Arianne sa utak niya na baka nagkakamali siya pero ilang ulit din sumasaksak sa kokote niya na imposible siyang magkamali.

"Siya kaya 'yon?! Hindi kaya nanay niya yung Cecilia Cuzon?!"

Saglit lang ay sinagot na agad ang kaniyang unang tanong noong lumitaw ang nag mamay-ari ng boses sa tapat nila.

"Iyan na pala ba't di mo pa...." Napahinto si Aldred, "Go-Good e-evening PAPAPAPAPAPAPAP- COTTON CANDY!" gulat at litong reaksyon ni Aldred nang ma-realize niya kung sino ang nasa gate nila.

END OF VOLUME I

♦♦♦