Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 27 - CHAPTER 22 - Promise

Chapter 27 - CHAPTER 22 - Promise

 

V2. CHAPTER 5 - Promise

NO ONE'S POV

Gabi pa lang ay excited na si Aldred para sa umagang darating. Iyon ang magiging unang umaga ni Arianne sa kanila at nae-excite na siyang malaman kung paano tatakbo ito para sa kanilang dalawa.

Nagising si Aldred katulad ng nakasanayang oras. Bumaba siya papuntang kusina para batiin ang ina at doon maghilamos. Dahil nasanay na si Aldred sa ganoong umaga ay nakalimutan niya na may ibang tao na nga pala sa pamamahay nila. Nakatingin lamang si Arianne sa kaniya at ini-scrutinize ang kaniyang kilos at itsura.

Matangkad si Aldred, maganda ang katawan, malakas ang appeal at pino kung kumilos. Kung titignan ay maiinterpreta kagad na matured na siya pero mapanlinlang ang panlabas na anyo. Hindi mo aakalain na 15 pa lamang si Aldred at kahit anong pilit niyang asta na matured na siya ay kusa namang nakiki Hi-5 ang kaniyang pagkaisip-bata.

"Huh, hindi ko naman 'to ipinagmamalaki pero sino ba namang makakatanggi sa biceps na 'to? Sa broad shoulders saka sa manly eyebrows na 'to? At pati sa killer smile na 'to?" ngumiti si Aldred habang tinitignan ang sarili sa salamin, "Hah! Ang gwapo mo talaga Aldred. Siguradong hulog ang—hulog ang pan—No! Hulog ang puso niya sa'yo."

Nahiya siya sa kaniyang sarili.

Napabuntong hininga si Aldred bago napasulyap sa kaniyang cellphone na nasa kama.

"Bahala na si Batman, sabi nga ni Jerome, ang importante sincere at galing sa puso," aniya sabay lapat ng kamay sa kaniyang kaliwang dibdib.

Gusto ni Aldred na kausapin muna sana sina Jerome at Carlo pero naisip niya na huwag na lang.

Ini-scan ni Aldred ang kaniyang pormahan sa salamin nang bigla ay may maalala siya.

Pumunta siya sa kaniyang drawer at hinila ang pinakababang drawer nito. Umupo si Aldred sa may kama pagkakuha ng isang magazine at agad inilipat ang pahina nito sa topic na nagta-tackle kung anong mga hairstyle ng lalaki ang nagugustuhan ng mga babae.

Solve na siya sa kaniyang sarili kaya pinuntahan niya si Arianne na kasalukuyang nasa sala. Habang naglalakad ay naisip ni Aldred na sayang at hindi niya nakita ang 'woke up like these' look ni Arianne dahil naligo ito ka agad.

"Yung messy bed hair, gusot-gusot na pajamas, yung laway saka muta... meow, meow. Ang cute niya sigurado," saad ni Aldred sa sarili bago maagaw ng kapatid niya ang kaniyang atensyon.

"Kuya saan punta mo?" may tono ng pang-aasar ang tanong na iyon ni Monique.

Sasagot sana si Aldred pero nakalimutan niya ang sasabihin noong makita niya si Arianne. Black skinny pants, black hoodie sweat shirt, yung signature niyang hairstyle... isa pa hindi siya nakamake-up. Ang simple lang ng get up ni Arianne pero maiiyak ata siya sa kagandahan nito.

Muntik ng magliwanag ng tuluyan ang utak ni Aldred mabuti na lamang at may isang spot sa cerebrum niya kung saan kulay pink – ang kulay ng strawberry flavoured lips ni Arianne.

ARIANNE'S POV

Nakaikot at pabalik na kami ng bahay nang biglang maglikot si Cheeky at tumakbo papuntang Children's park. Dahil sa hingal sa paghabol sa aso ay napaupo ako sa bench habang tinanggal muna ni Aldred ang tali ni Cheeky at hinayaan itong maglaro sa park. Umupo siya sa tabi ko upang magpahinga.

Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit di nagtagal ay halos mabingi naman ako sa tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik kaya ko ito naririnig o sadya lang na bigla na lamang itong kumabog. Lumunok ako upang maibsan ang pakiramdam ko.

Kanina pa ako naghihintay kung kailan ba io-open ni Aldred ang topic tungkol sa paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi naman sa nagmamadali ako pero ang awkward kaya na magkasama kami na alam naming hindi naman kami okay. Kung sa akin lang, sa tingin ko ay ito na ang pinakamagandang pagkakataon para magsalita siya pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin kami nag-uusap. Ang awkward talaga pero hindi ko babalakin na ako ang magsimula ng conversation dahil siya naman ang may kasalanan sa akin.

In-entertain ko na lamang ang sarili ko sa panunuod kay Cheeky.

"Arianne," I was startled when I suddenly heard Aldred's voice. Magmamaang-maangan sana ako na hindi ko siya narinig pero napalingon ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Aldred, bakit?" gulat kong reaksyon sabay agaw sa kamay ko ngunit di niya ito binitawan.

"I'm sorry," saad niya habang mariing nakatitig sa akin. Kumikinang ang mga mata ni Aldred at seryoso siya.

Tinalasan ko si Aldred ng tingin hanggang sa alisin niya ang paghawak sa kamay ko. Lumungkot ang mukha niya, humaba ang nguso saka dumirekta ng tingin sa lupa. Malaki ang kasalanan niya sa akin pero bigla akong nakaramdam ng awa. Para kasi siyang bata kung makapag-react. Magsasalita sana ako pero na-infuriate ako sa sumunod niyang sinabi.

"Pero kasalanan mo naman talaga lahat 'to."

"What?" Napatayo ako at hindi makapaniwala siyang tinignan, "What do you mean?" naiirita kong tanong.

He stayed seated whereas I stood, intensely staring at him.

"Hindi ako engot," giit niya pagkatingala sa akin, "I thought I don't know what reason came up to my mind to act like that until I realize that it was you. It was your very fault," dagdag niya at tumayo siya. Ngayon ay magkapantay na kami.

"Kung hindi ka maganda, kung hindi pinkish at fluffy 'yang cheeks mo, kung hindi pink at malambot yang lips mo, kung hindi ako naa-attract ng mata mo, kung hindi ka sexy, kung hindi developed 'yang dibdib mo, kung hindi kita type at kung hindi sana kita mahal hindi ko naman gagawin 'yon pero nage-exist ka tapos lahat nasa iyo. Mahal kita Arianne kaya wala kong nagawa kundi magpatihulog sa patibong ng puso ko kahit na mali," seryoso at hinihingal niyang sabi habang malalim na nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako makapaniwala kaya't hindi ako nakaimik ka agad. Nabulabog lang ang utak ko ng kuhanin ni Aldred ang dalawang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"Isa pa gusto talaga kita, gusto talaga kita— "

"Cut it out," I said coldly while slowly moving away from him. Ayoko ng mabuo pa yung balak niyang sabihin.

Napayakap ako sa katawan ko.

"Huwag ka lalapit sa akin!" banta ko saka inambahan siya ng kamao, "How dare you say something like that? Are you not ashamed? Victim-blaming? Iyon ba yung gusto mong sabihin?"

Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang mga bagay na 'yon na parang inosente. Ang laswa at nakakahiya pakinggan. Nandidiri at natatakot ko siyang tinignan at nakita ko ang gulat tapos ang paglungkot ng ekspresyon niya. If this is what they call love then AYOKO, magmamadre na lamang ako!

Tatakbo na sana ako pabalik ng bahay pero natunugan iyon ni Aldred at mabilis siyang tumawag ng back-up.

"CHEEKY!" Para niyang sinummon ang aso nila galing sa isang poke ball at itinuro ang target dito.

"GRRR! ARF! ARF! ARF!" galit at nanggigigil na kahol ni Cheeky sa akin.

I can't believe this! Umaabante sa akin si Cheeky at dahil doon ay napapaatras ako pabalik kay Aldred.

"Good dog," narinig kong saad ni Aldred. Nanggigigil ko siyang nilingon ng masama.

Siraulo talaga!

"Is this how you say sorry to me?" galit kong tanong na ni-replyan niya ng kalmado pero nakakainis na tono.

"How can I say sorry to you kung iiwan mo ko rito," He partnered what he said with a gentle smile. Nanggalaiti ako ng sobra.

Screw this guy!

Muli ay umupo kami sa bench pero ngayon ay nasa may gilid ko na si Cheeky. Para itong guard kung makatingin sa akin at handang manakmal kung tumakas man ako.

Friends tayo di ba? How can you do this to me Cheeky?!

Ang sabi sa gotohan ay kaya raw tinawag si Aldred na Boy S e dahil sa masungit siya, laging nakasimangot na akala mo'y laging may sumpong. Nakita ko na ang mga instances na nagpapatunay sa moniker niyang iyon pero mas pipiliin kong tawagin siyang Boy F-Boy freak, Boy fiend o Boy fuck. Hindi ko pa talaga nakikilala si Aldred ng lubusan pero nakamarka na ngayong araw ang impresyon niyang ito sa akin.

He may smile how wide he likes and I will only see it as a sign of deceit dahil sa pinagawa niya kay Cheeky. Napakawalanghiya niya.

"I think you got it all wrong," sabi ko habang nakapilig ang ulo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" kalmado niyang tanong sa akin.

"Yung pag-iisip mo na inlove ka sakin..." I pointed out and look at him.

Nangwestyon ang tingin niya.

"Pero kapag hinimay natin 'yang feelings mo ay hindi naman pala."

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Aldred. Nanlisik ang mga mata.

"Iniisip mo ba talaga na engot ako?" Nanggigigil niyang tanong na ikina-stun ko.

"Hah? Hindi! Hindi!" mabilis kong tugon.

"Sa tingin ko kasi na na m-misunderstood mo lang y-yung e-emotions mo na paghanga as a s-sort of pagmamahal. If you t-think about it, hindi mo naman ako g-ganon kakilala at physical aspects ko lang y-yung naging batayan mo kaya nasasabi mo na mahal mo ko," I explained to him pero hindi pa rin nawala ang panlilisik ng mata niya at ikinakaba ko na ito.

"Ano naman ngayon? Bakit ikaw ba yung nakakaramdam ng tinitibok nito a?"

Napatanga ako saglit. May pagka-cheesy ang dating ng sinabi niya pero sinabi niya iyon in a cold way. Napailing ako agad bilang tugon.

"Sabi sa'kin ni Jerome that this is your first-time kaya iyon yung na-conclude ko. Admiration, infatuation, love... sinabi mo sa akin na gusto mo ako. Maraming meaning yung pagkagusto at alam kong imposible na love talaga yung sayo. Sinasabi ko 'to kasi ayoko namang masayang yung oras mo... saka ayoko rin may masaktan. Believe me lilipas din 'yang feelings mo sa akin."

Hindi ko alam kung bakit biglang ako ang nagpapaliwanag kay Aldred. Pero sige, para matigil na siya at matapos na lang ang lahat.

Pilit kong pinaliwanag kay Aldred ang opinyon ko ukol sa nararamdaman niya para sa akin. Kailangan ko itong mapaunawa sa kaniya dahil ngayon ay nakatira na kami sa iisang bahay. Makabubuti kung malinaw ko ito para hindi kami magkaproblema. Iniisip ko lang naman din siya... at si Natalie.

"Hindi mo ba kayang sabihin ng diretsahan na ayaw mo sa akin?" Nanunubok niyang tanong na ikinagulat ko. Napatanga ako sa kaniya at nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Yumuko si Aldred.

"Okay, I understood now what your point is," malungkot niyang sabi bago tumingin sa akin.

"Let's say that I'm not really in love with you. That what I'm feeling right now is just some kind of illusion. This is my first time, I admit it. I lack at every aspect when it comes to this but then it's my first time." Binalak niyang kunin ang kamay ko pero hindi siya tumuloy.

"I'm sorry for touching you without consent. Please don't blame mama, she thought me good manners it's just that I'm confused right now,"

Pansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Aldred.

"A-Aldred..." nasambit ko.

"It's the first time that someone made me feel this way. It's the first time in my life that I got confused with what my heart tells. Admiration, infatuation, love... I don't know the real difference but no matter how small this feeling is... I know that it will flame and grow as long as you give me a chance Arianne," nagsusumamo niyang sabi.

Suminghot siya pagkatapos kaya napansin ko ang pagtulo ng sipon niya.

Ipinilig ko ang aking mukha at napakagat sa aking labi. Hindi ko malaman kung ano bang dapat na sabihin. Ang tight ng expression ng mukha ni Aldred, namumula ang mga mata niya, nagpipigil siyang lumuha pero nauna ng tumulo ang sipon niya. Para bang ako tuloy ang mali at nam-bully ako ng bata. Ramdam ko ang lungkot niya kaya feeling ko tuloy ay inaapi ko siya.

"Ang mean mo Arianne. Please 'wag mo kong i-brainwash dahil lang sa tingin mo sa akin ay engot ako," napatitig ako kay Aldred. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya bago bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin.

Nang marinig ko yung sinabi niya ay parang may sumaksak sa akin. Para bang iniisip niya na minamaliit ko siya. Sa lahat ng sinabi ko, kahit katiting do'n ay di ko in-intend ang bagay na kini-claim niya. Nalungkot ako at nainis sa sarili ko. Kaya ko lang naman sinabi iyon dahil iyon ang sa tingin kong nararamdaman niya.

Pero tama si Aldred... Wala akong karapatan dahil hindi ko naman alam. Wala rin akong alam. Lahat ng ideya ko tungkol sa pag-ibig ay parang pagpapanggap lang para maitaboy talaga siya sa akin.

Na-guilty ako dahil sa ginawa ko lalo na't noong marinig ko na humahagulgol na siya.

"I made up my mind. Binabawi ko na, hindi na ako magso-sorry sayo," galit niyang sabi sa pagitan ng pag-iyak. Napatayo tuloy ako. Nag-react si Cheeky kaya di na ako gumalaw.

Pumihit naman si Aldred paharap sa akin.

"I meant what I did that day— yung kiss!" Nakakunot ang noo niyang bulyaw.

Nangwegwestyon ko siyang tinitigan.

"Simula bukas Arianne humanda ka. Kung di mo ko mahal then gagawin ko lahat para mahalin mo ko. Kung kailangan kitang halikan para may mabuo kahit katiting lang dyan sa puso mo ay hahalikan kita at hahalikan at hindi ko ikaso-sorry 'yon. Lagi kitang sasabihan ng 'I love you', umaga, tanghali, hapon, gabi hanggang sa masaksak ko dyan sa utak mo na mahal na mahal kita at dapat na mahalin mo rin ako."

Umiiyak si Aldred nang sabihin niya iyon. Para siyang bata na hindi nabigyan ng gusto at nagtatampong nag-outburst. Nanginginig ang labi niya pati ang mga naka-daop niyang mga kamay. Matagal kaming nagkatitigan lang bago siya tumuro kay Cheeky.

"Si Cheeky! Si Cheeky ang saksi sa pangako kong 'to! Hindi ako susuko! Iibahin ko 'yang paniniwala mo sakin. Mahal kita Arianne!" sigaw niya sabay takbo paalis.

Hindi ako nakagalaw. Nawala na si Aldred sa aking paningin pero nanatili pa rin akong nakapako lang sa kinatatayuan ko pagkatapos ng lahat. Napaka-bizarre ni Aldred. Pangalawang beses ko ng masurpresa dahil sa mga aksyon niya. Nang mahimasmasan ako ay muli akong umupo sa bench. Tinignan ko ang si Cheeky, hindi ako makapaniwala na nagawa kaming iwan ng amo niya.

"Arianne you idiot!" Napa-face palm na lamang ako, "All this drama, argh! Napakasimpleng iwasan. Bakit nga ba hindi mo na lang sinabi straight to the point na hindi mo siya gusto?! Bwiset!"

Napabuga ako ng hininga.

Naalala ko yung mukha ni Aldred. First time ko lamang makaranas ng may lalaking umiyak dahil sa akin. Nakokonsensya tuloy ako.

"Arf!"

Tinignan ko si Cheeky. Bumalik na ang maamo niyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako.