Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 30 - CHAPTER 25 – Best friends

Chapter 30 - CHAPTER 25 – Best friends

V2. CHAPTER 8 – Best friends

ALDRED'S POV

"Hello, Al si Carlo 'to."

Napabangon ako ng kama noong may marinig akong kumatok. Nang malaman ko na si Carlo ito ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto.

Pagkapasok niya ay tumitig siya sa akin.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya na hindi ko sinagot. Pumunta ako sa aking kama at nag-indian sit. Kinuha ko ang aking unan at mahigpit itong niyakap saka ipinatong ko ang aking baba dito.

Hinila naman ni Carlo ang swivel chair ko at ipinihit ito paharap sa akin. Sa silyang iyon siya umupo.

"Nasurpresa ako a, ang daming tao ngayon dito sa bahay niyo," sabi niya na tila kumakapa ng atmosphere. Hindi ako nagsalita at tanging pagnguso lamang ang naging reaksyon ko.

"Si Arianne, nakita ko siya pumasok..." Tumuro siya gamit ang hinlalaki sa side kung nasaan ang kwarto ni Arianne.

Naka-pout akong tumango at dahil doon ay nanlaki ang mga mata niya.

"Grabe, lodi! Hindi ko na alam bro kung anong meron ka. Paanong pinakita ko lang yung pic niya sayo tapos tumakbo na bigla yung love life mo," manghang sabi ni Carlo pero nang mapansin niyang naglungkot ang aking mukha ay napalitan ng pag-aalala ang reaksyon niya.

"Ano ba kasing ginawa mo ha?"

"Nag-sorry," nakanguso kong tugon sabay irap.

"Anong reaksyon niya?"

"Nagalit siya sa'kin."

Napahigpit ako ng akap sa aking unan. Tinignan ko si Carlo at nakasingkit ang tingin niya sa akin.

"Paano ka ba kasi nag-sorry?"

Napapilig ako ng aking ulo. Hindi ako tumugon ka agad. Nagdadalawang-isip nga ako na sagutin si Carlo pero dahil siya lang ang makakatulong sa akin ay kailangan kong ipaalam ang nangyari. Marahan kong ibinalik ang atensyon ko sa kaniya saka sumagot.

"Sabi ko kasalanan niya kung bakit ko 'yon nagawa."

Napasinghot ako bago ko isalpak ang aking ulo sa unan. Gigil akong nakakapit dito dahil gusto kong i-divert ang aking nararamdaman. Naiiyak kasi talaga ako.

Tumahimik saglit sa pagitan naming dalawa. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Carlo tungkol sa aking rebelasyon kaya't nagtaka ako hanggang sa marinig ko ang yapak niya. Hindi ko pa man tuluyang naiaangat ang aking ulo ay napigilan ito ng makaramdam ako ng isang masakit na kutos.

"Aww! Bakit mo ko kinutusan?" naiinis kong reaksyon habang hinihimas ang aking bumbunan. Nang tumingala ako ay sumalubong sa akin ang pagkamangha sa pagmumukha ng aking magaling na kaibigan.

"Siraulo ka talaga! May karapatan siyang magalit kung iyon ang paliwanag mo!"

Nagsimangot ako at hindi kumibo. Alam ko na naman kasi. Kanina habang umiiyak ako ay doon ko lang na-realize kung gaano ka mali ang naging katwiran ko kay Arianne. Palusot lang talaga ng egocentric kong sistema yung pagso-sorry para magiit ko lang ang damdamin ko para sa kaniya. In-short hindi ako sincere.

"Pero ang mean niya..." mahina kong sambit.

Napatitig sa akin si Carlo bago bumalik at umupong muli sa swivel chair.

"Ang bungad mo sa akin na-basted ka. Paano mo naman nasabi?" Nakakislot ang kilay ni Carlo. Dahil sa tanong niyang iyon ay naalala ko tuloy ang nisabi ni Arianne kaya't nakaramdam ako ng inis.

Suminghot ako bago tumugon.

"Hindi niya sinabi directly pero iyon din 'yon. She insisted that my feelings for her is just short term - na lilipas din daw 'to kagad kaya 'wag ko na aksayahin yung oras ko sa kaniya." pareklamo kong kwento, "Ang mean niya di ba? Imagine! Para na rin niyang sinabi na hindi niya nire-recognize yung feelings ko," dugtong ko.

Napalingon ako kay Carlo at naabutan ko ang mangha pero malungkot niyang mga mata. Tila nakikisimpatya ang mga ito sa akin. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang reaksyon niya pero nagulat ako sa aking sarili ng maramdaman kong may tumulong luha na pala mula sa aking mga mata.

Huli na ng mapansin ko na kanina pa pala nangingilid ang likido sa mga mata ko at tuluyan na itong tumulo noong ibuhos ko ang aking hinanakit. Nahihiya ako kay Carlo, sigurado ay pagtatawanan niya ako kaya't madali ko itong pinunasan pero ayaw tumigil. Napansin ko na lamang ang aking sarili na humahagulgol na. Wala na akong nagawa kundi suminghot na lang ng suminghot, punasan ang aking mga luha at sipon. Hinihintay ko na pagtawanan ako ni Carlo pero sa halip ay nakaramdam ako ng pagtapik sa aking balikat.

Nang luminaw ang aking paningin ay nakita ko si Carlo na nakaupo sa aking tabi.

"Okay lang 'yan Al, sige iiyak mo lang. Ganyan talaga pag 1st heartbreak," pag-aalo sa akin ni Carlo. Bumaon ang sinabi niya sa akin kaya't mas dumanak pa ang sakit.

"Carlo gusto ko si Arianne! Mahal ko si Arianne!" giit ko na ikinangiti niya.

"Oo na, mahal mo na... Sabi ko sayo e, edi umamin ka rin," ngumiti si Carlo.

Nang tumayo siya ay sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko na dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nagtaka ako kung bakit. Akala ko ay magti-text siya pero itinapat niya ito sa akin. Huli na ng mapagtanto ko ang balak niyang gawin. Umilaw ang flash sa aking mukha at pagkawala ng nakakasilaw na liwanag ay nakita kong nagtatatawa si Carlo.

"Anak ng! Carlo naman!" bulyaw ko habang pinupunas ang aking mukha sa unan. Mabilis ay tumayo ako at hinabol siya ng kamao.

"Akala ko pa naman nakikisimpatya ka sa akin!" Asar kong sabi na hinalakhakan niya lamang.

Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang kwinelyuhan. Napangitngit ako ng ngipin ngunit hindi niya pinansin ang galit ko at nagpatuloy lamang sa pagtawa.

"Nakikisimpatya ako! Sadya lang na ngayon lang kasi kita nakitang ma-drama. Unfair naman kay Jerome kung di niya makikita di ba?" paliwanag niya sa pagitan ng mga halakhak.

"SIRAULO."

Bumalik ako sa kama. Yumuko ako at gigil na napakamot sa aking ulo bago lumingon sa kaniya.

"Ang drama ko ba talaga?"

Ngumisi si Carlo at tumango, "Oo pero at least ikaw umiyak dahil na-realize mo ka agad kung sinong mahal mo," nakangiting tugon niya. Ewan pero may pagkalungkot akong nadama sa istraktura ng sinabi niya. Naalala ko tuloy bigla si Natalie.

"Andyan si Natalie a," sabi ko.

"Oo nakita ko, ano naman ngayon?"

"Wala lang."

"Sira," sambit niya saka bumalik sa swivel chair. Dumikwatro siya ng upo bago nagtanong sa akin.

"Ano ng balak mo ngayon kay Arianne?"

Masinsinan ko siyang nitignan bago sumagot.

"Binantaan ko siya," I simply said while reaching for my Chicorita stuff toy. Nang lumingon ako kay Carlo ay naabutan ko ang hindi makapaniwala niyang mukha.

"Binantaan mo siya?!" Gulat niyang tanong.

"Oo, sinabi ko sa kaniya na gagawin ko lahat para mahalin niya ako," Proud kong sabi. Saglit na tumahimik sa pagitan naming dalawa. Tinignan niya ako ng masinsinan, yung tipong nagbabasa ng libro hanggang sa magulat na lamang ako sa pag-burst out niya.

"Shit! Aldred. Seriously? You're a revelation bro, Jerome should be here para nasaksihan niya yang ka abnormalan mo," saad niya at dahil doon ay nahiya ako.

"Abnormal ba 'yon?" Nahihiya kong tanong pero halakhak niya ang sumagot sa akin. Halakhak na tipong di na siya makahinga. Napahigpit ang hawak ko kay Chicorita. Saglit ay mukhang nahimasmasan na si Carlo at nakaya ng magsalita.

"In general, hindi naman, pero sa ugali mo oo. Thank you, Arianne, hindi ko akalain na mapapalabas mo yung weirdest side ni Aldred," sabi niya habang humahabol pa rin ng hininga.

"Mahal ko lang naman kasi siya," mahina kong sabi na nagpahalakhak muli kay Carlo. Nainis na ako sa kaniya kaya't binato ko siya ng unan na ginamit ko kanina.

"Oo na, titigil na," sabi niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Lumunok siya ng ilang ulit bago huminga nang malalim at i-straighten ang mukha. Sunod ay nag-wide smile siya.

"Sa tingin ko naman kampi sayo yung tadhana. Pabor sayo lahat ng nangyari. Ayusin mo na lang 'yang binabalak mo a para hindi ka na humagulgol uli dyan. Katulad naman ng lagi naming sinasabi ni Jerome, nandito lang kaming dalawa kapag may kailangan ka."

ARIANNE'S POV

"Pristine, is there something wrong with Charles?" tanong ko. Napansin ko kasi ang pagmamadali niya ng dumating ang lalaking iyon.

"Huh? Nope, why?" Pristine asked, her face full of wonder, "I'm just excited to see your room. Saka we have nothing to do with him, right?" A smile plastered on her face.

Pinagpag ng ilang ulit ni Pristine ang kama ko bago siya umupo rito.

"Ang lambot ng kama mo Aya."

Lumapit ako kay Pristine.

"Pero sa tingin ko ang rude na hindi man lang tayo nag- hi sa kaniya," sabi ko. Napansin ko ang pagtanga niya sa akin bago siya naglihis ng mukha.

"Siguro dapat sinabi ko na ka agad sayo," Pristine said while seriously looking at me. Na-curious naman ako sa tinuran niya.

Noong una kong makita yung Charles na 'yon ay napansin ko na may kakaiba na talaga sa pagtingin-tingin niya. Playboy? Kanina pagdating niya, sa dami ng pwedeng tignan sa baba ay kay Pristine talaga siya nakatitig.

Pinupormahan ba niya si Pristine?

Naka-pout si Pristine na inihiga ang sarili sa kama.

"He is Natalie's ex-boyfriend," sabi niya na nagpadilat sa mga mata ko.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang reaksyon ko.

Ibinalik ni Pristine ang sarili sa pagkakaupo at walang gana akong tinugunan.

"Yeah, yeah. He is her first boyfriend."

Napa-blink ako ng ilang ulit habang dina-digest ang narinig ko.

"That's the reason why I don't want to, at least have a connection with him," sabi niya bago ako titigan ng maigi. "Ba't Aya a? Noong nakaraan ka pa. Ano bang binubuo mo dyan sa utak mo?" Pristine grinned.

Lumayo ako at umupo sa aking studying chair bago sagutin siya, "Akala ko kasi nililigawan ka niya," sabi ko na nagpa-ubo kay Pristine. Natawa ako sa naging reaksyon niya.

"HINDE A!"

Pagkatapos ng usapan tungkol kay Charles ay ipinakita ko kay Pristine ang kabuuan ng kwartong pinagamit sa akin ni Tita Cecil. Malaki ito at kumpleto sa furnitures. Tinignan niya ang CR at napahanga naman siya nito. Tinulungan ako ni Pristine sa pag-aayos ng ilan ko pang mga gamit. Parehas kaming nakaupo sa sahig ng mapahinto ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya.

"Arianne, anong ginawa niyo ni Aldred?" tanong ni Pristine. Nang tignan ko siya ay nakayuko siya at patuloy na nagtutupi ng ilan kong mga damit.

"Nilibot niya lang ako dito sa village," sagot ko.

Tumingala siya at tumingin sa akin, "Nothing else?"

Napatitig ako kay Pristine at napa-isip bago mapabuga ng hininga.

"Well, he said sorry to me," kwento ko na nagpa-twitch ng kilay niya, "But I don't think he's asking for forgiveness."

Nangwestyon ang mukha ni Pristine at kumunot ang kilay.

"Bakit naman?" tanong niya na nagpakati sa ulo ko.

"I realized that he's more than a freak. Egocentric, vain... conceited. Kamag-anak ata niya si Narcissus," I explained.

Kinuha ko ang mga natuping damit ni Pristine. Habang inaayos ang mga iyon sa dresser ay tila isang kidlat na nagliwanag sa utak ko ang mga ekspresyon ni Aldred.

"Para siyang bata," I mumbled to myself. Napansin ko na lamang ang tuwa sa labi ko ng i-point out iyon ni Pristine.

"It looks like you enjoyed his company though," nakanguso niyang sabi.

"I don't know... pero I need to. Nakatira ako ngayon dito sa kanila at kailangan kong makisama."

"Okay," matabang niyang sabi. Tumayo siya at muling bumalik sa kama para doon umupo. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Kanina ko pa napapansin na parang wala sa mood si Pristine ngayong araw.

Seryoso niya akong tinignan bago nagtanong, "So, did you accept his sorry?"

Isinara ko ang dresser at sumandal dito. I crossed my arms and bit my inner cheek bago ilingan ang naging tanong ni Pristine.

"Kilala mo naman ako di ba? I'm a forgiving person pero dahil sa inasal niya... baka inabuso ko na yung sarili ko 'pag pinatawad ko siya," tugon ko. Lumapit ako kay Pristine at umupo rin sa kama.

"I will... but not this time."

Ngumiti si Pristine pero halatang may iba sa ngiti niyang iyon. Tinignan kong maigi ang mga mata niya at dahil doon ay napataas ang kilay niya.

"May problema ba Aya?"

"Ako kaya dapat ang magtanong niyan sa iyo," balik ko sa kaniya, "Ang sulky mo ngayong araw."

Napatanga siya sa akin bago nangiti.

"Really? Halata ba?" natatawa niyang reaksyon.

Mabilis akong tumango.

Inalis ni Pristine ang tingin niya sa akin pero mabilis ay binalik niya rin ito na nakasimangot na.

"I'm jealous," naka-pout niyang sabi dahilan para mapabuntong-hininga ako.

Okay, one of her craziness again. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan namin.

Napakamot ako sa aking batok, "Ba't naman?"

"Hmmph!"

Tumayo siya bigla at inirapan ako.

Marahan akong natawa. Nanatili akong nakatingin sa kaniya para sana mapakinggan ang magiging pagmamaktol niya at makita ang kaniyang pag-iinarte pero hindi iyon ang nasaksihan ko. Ang pag-irap ni Pristine ay napalitan ng kalungkutan. Masinsinan niya akong tinignan bago nagsalita.

"Huwag mo kong iiwan kahit kailan Arianne a, kayong dalawa ni Bianca. Please 'wag kayong maging katulad nila," aniya.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung saan galing pero naramdaman ko ang sakit sa tinuran ni Pristine. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang side niyang ito.

♦♦♦