Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 35 - CHAPTER 29 – Vegetables and Love

Chapter 35 - CHAPTER 29 – Vegetables and Love

 

V2. CHAPTER 12 – Vegetables and Love

ARIANNE'S POV

"Arianne"

Napalingon ako sa may pinto. It was Noreen who called me but then I saw someone's back. Natalie was behind her. Puno ng pagtatakang nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. Tinignan ko si Pristine and she thrown me a regretful look. I shifted my face to Bianca and she signaled me to just go.

Natalie decided to have our lunch in Green Garden, our school's picnic place. Syempre hindi lingid sa akin yung mga matang nakatingin. Kasabay ang paninibago ko sa mga kasama ay ang pagkailang ko naman sa mga mata nila.

"Arianne," Natalie called while tapping on the fabric lying on the grass. It was supposed to be Natalie, Noreen, Eunice and me but Eunice excused herself for someone's phonecall. Umupo ako sa tabi ni Natalie at sa kabilang side naman si Noreen. Habang nilalabas ko ang niluto kong pack lunch ay napansin ko ang isang bag sa likod ni Natalie.

"Yay, this is so fun! My first-ever lunch with Arianne babe! Ikaw ba nagluto nyan? Can I taste it?" Noreen asked, breaking the silence.

Noreen was aggravating but I needed to bear with her. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Oh really? Thank you! Thank you! Finally, matitikman ko na rin yung luto ng dream wifey ko. Sorry Nat, ito munang luto ni Arianne pagdidiskitahan ko ha," sabi niya.

Napalingon ako kay Natalie.

She rolled her eyes, "E di mabuti, ng makakain ako ng maayos."

I can't help myself but giggle at Nat's reaction. Iritable niya akong tinignan na agad kong ikinabahala.

"Pa-pasensya na, a-ano kasi kahit kailan h-hindi ko naisip na na-nagluluto ka pala."

"What? Anong akala mo sa akin? Hindi ako marunong?"

"N-no, a-ano lang kasi to think that you came from a Buena family and you have a lot of helpers... hmm, plus I find it really cute that you shared your food with others," medyo kinakabahan kong paliwanag.

Humalakhak bigla si Noreen at napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Natalie.

"Said the daughter of a CEO herself. Wala bang nababanggit sayo si Bianca na ako minsan ang nagpapalamon sa mga bulate niya sa tiyan?" aniya sabay kuha sa bag na nasa likod. Isa-isa niyang nilabas ang pack lunch na laman noon.

"You know Ayi, Natalie's face may scream out she's a bitch pero she's really a kind person. Kindest of the kindest especially when she gives me food," Noreen emphasized the last sentence.

"I know..." pasimple akong ngumiti.

Natalie just glared at her while unpacking the lunches. I also did the same. Tinignan ko yung mga pagkaing nakalatag sa harap namin. Chop suey yung sa akin habang carbonara, wheat bread, bacon-wrapped asparagus rolls, cheese, tuna salad, pesto chicken fingers, and butter bar naman ang nilabas ni Natalie. Napalunok na lang ako sa mangha.

"Mukhang napadami ata yung gawa mo ngayon Nat a? Akala ko ba diet ka?" nagtatakang tanong ni Noreen.

"Huh? Did I?" Inisa-isa niyang tignan ang mga pagkain, "Oh, I woke up early kaya ginanahan akong magluto," nahihiya niyang paliwanag.

We started eating our lunches. Natalie asked me to try hers so I did and they were delicious. I said to her my praise but her reply was interrupted when Noreen called her out.

"Nat, this is a chop suey, right?" she asked while pointing at my lunch.

Natalie nodded.

"The one with mixed veggies and chicken internal organs, right?" she asked again, medyo nagtataka na ako.

Is it not delicious? Bakit para siyang sira na tanong ng tanong?

I eat it to taste and it tastes just the way I want. Tatanungin ko sana siya kung anong problema pero bigla na lang siyang OA na nagiyak-iyakan at hinaltak ang ulam ko.

"This is so good! I'm sorry Nat pero ipagpapalit ko lahat ng foods na niluto mo para dito!"

Nagulat ako sa reaksyon niya at sa pagsunod-sunod niyang paglantak sa chopsuey.

"Another reason why I should marry Arianne Mari Arevalo Fernandez!" Noreen exclaimed which made me blush. Kinuha ko sa kaniya ang chopsuey at inalok si Natalie.

Natalie was hesitant at first, pumasok pa nga sa isip ko na baka hindi siya kumakain nito pero bago ko pa siya tanungin kung gusto niya ba ay nauna na ang kutsara sa bibig niya.

"Ah, Uhm, shit this is humiliating. How can, how can you cook so well?"

NO ONE'S POV

"The F Pristy! Ito nanaman tayo! Kailangan ba talagang gawin 'to?!" Reklamo ni Bianca habang isinisiksik ang sarili sa tabi ni Pristine. Kasalukuyan kasi silang nakatago sa isang halaman.

"Yes, and yes, ano ka ba? Kailangan nating bantayan si Aya."

"Huh? Pero I'm hungry na. Bakit di muna tayo kumain ah?"

"Di muna tayo kumain?" Anong tawag mo dyan sa mga junkies na kanina mo pa nginunguya?"

"Like you said, this is junkies! I need real food! I need rice! R-I-C-E! Rice, kanin!"

"Tsk Bea tumahimik ka, baka marinig nila tayo. O ito rice crackers," sabi ni Pristine saka inabot kay Bianca ang rice crackers na kaniyang kinakain. Simangot naman itong kinuha ni Bianca.

"Duh!" reaksyon ni Bianca sabay kagat sa rice cracker.

Saglit na tumahimik sa pagitan ng dalawa hanggang sa maubos ang rice crackers na kinakain nila.

"Ang daming foods, hindi ka ba naiinggit?"

"Naiinggit," mahinang sagot ni Pristine na dahilan para agad siyang yayain ni Bianca na magpunta na lamang sa canteen.

"Kaya nga pumunta na tayo sa canteen para makakain!"

Tinitigan lamang siya ni Pristine bago ibalik niya ang paningin kina Arianne.

"Naiinggit ako kasi magkasama sila," malungkot na banggit ni Pristine.

Napabuntong hininga na lamang si Bianca.

ALDRED'S POV

Wow! How did she do this?

"Yo Al! Woah! You're eating veggies?! What happened?"

Napalingon ako sa nakausling ulo ni Carlo bago muling ibalik ang aking tingin sa aking kinakain. Green, orange, yellow and red, sumubo uli ako, at sumubo at sumubo. I can't help it, this is so delicious.

"Hey Aldred pansinin mo naman ako!" Carlo said pagkaupo niya sa aking tapat. Nakaramdam naman ako ng pagtapik sa aking balikat at naaninag kong umupo si Jerome sa aking tabi.

"Naninibago naman ako. Nakain ka na ng gulay ngayon ha?" tanong ni Jerome.

I looked at both of them. Yeah, I never really liked vegetables in my whole life. How can they be edible when they taste like shit? Eww... May minsan pa nga na Mama tried to trick me, pinagpanggap niyang meat yung mga vegetables but I easily see through them. Huh! Enemies can't deceive me... yeah, they can't yet right now they are in front of me without the need to hide their colors and I never felt so happy being defeated in my whole life. Tsk!

"Hmm, Arianne made this..." I whispered and they both twitched.

"She shared her packed lunch with me..." I added smilingly before happily taking another bite of my precious food. I can eat this forever! I think I can eat anything as long as it is prepared by her!

"Woah! Talaga? Luto yan ni Arianne?! Patikim nga!" sabi ni Carlo at mabilis kong nilayo ang Chop suey. Kinislotan ko siya ng tingin.

"Oy a!" inis na reaksyon niya. In-extend niya pa ang kaniyang kutsara pero muli ay nilayo ko ang aking ulam. Natawa si Jerome saming dalawa pero maagap ang aking mga mata kaya noong makita ko na may balak din siya ay nilayo ko rin ito sa kaniya.

I'm sorry Je, pero delikado ako sayo. Baka ma-inlove ka pa kay Arianne kapag natikman mo luto niya.

"Akin lang to," I proclaimed at nakita ko ang biglaang pagkairita sa kanilang mga mukha. Tumayo silang pareho at sandaling nanahimik. Alam kong may plano sila kaya hindi ako nagpaka-complacent. Maya-maya ay bigla na lang silang umatake.

"Hah!"

"Yah!"

"Hoh!"

Two versus one, of course, I am defeated.

"Grabe, parang kumain ako ng luto sa isang high end resto," ani Carlo.

"Oo nga, hindi ko akalain na gan'to pala siya kagaling magluto, nakaka-inlove. Right Aldred?" banggit ni Jerome na ikina-twitch ng tenga ko. Tinignan ko siya ng masama.

Parehas ay tinignan ko sila ng masama.

Paano ba naman ay niubos nila ang chop suey ko!

Kaninang madaling araw ay parang kumatok sa pinto ng aking kwarto ang napakabangong amoy galing kusina. Bumaba ako at naabutan ko si Arianne na nagluluto. Napatigil ako sa may istribo at napatitig sa kaniya. Kanina ko lamang siya nakitang nakapusod ang buhok. Agaw pansin ang dalawa niyang hikaw sa kaliwang tenga at ewan ko rin ba pero kanina ko lang lubos na naunawaan kung ano yung sinasabi ni Mr. Manansala na sexy nape. Ang ganda ng batok ni Arianne. Ang ganda niya sobra na hindi ko napansin na titig na titig na ako sa kaniya.

"Tsk," she sneered at me then binalik niya ang kaniyang mga mata  sa niluluto niya.

Bumalik na ako ng aking kwarto para maligo.

Kumpleto kaming kumain ng almusal. Sa tuwing susulyap ako kay Arianne ay para bang napapakiramdaman niya ito at agad na sasangga ng masama na tingin.

Tumingin naman ako kay Monique at snob ang inabot ko. Ngumiwi ako at ngiti ni Mama ang rumisponde sakin.

Ano kayang naging reaksyon ng mama ni Arianne sa sinabi ni Mama?

Muli ay nauna si Monique na pumasok. Bakas sa mukha niya ang nais na pagtanggi sa packlunch na ginawa ni Arianne pero nimata siya ni Mama. Kahit naman ako ay may alinlangan din ngunit kailangan kong magpa-goodshot kaya masigla kong kinuha ang pagkain.

"Kunwari ka pa Kuya, itatapon mo rin naman 'yan kasi ayaw mo ng gulay," sabi ni Monique at talagang pinarinig niya pa kay Arianne.

"Hoya!—" inis kong bulyaw pero agad niya kong tinakbuhan.

Tahimik kaming naglakad ni Arianne, hindi kami nag-uusap hanggang sa makarating na kami sa NIA.

"Sige na, huwag mo na ako ihatid," sabi ni Arianne sa paraang parang nitataboy niya na ako. Alam ko naman ang dahilan kung bakit.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ko. Mataman niya akong tinignan bago sumagot.

"Sa tingin mo?" Balik niyang tanong. Ilang na napalingon siya sa mga ibang estudyante bago nibalik ang tingin sa akin.

"Anyway, are you really going to throw the food?" malungkot niyang tanong na agad ko namang inilingan.

"Of course not! Honestly, I don't like veggies but that doesn't mean that I don't eat them... isa pa ikaw nagluto nito. I will eat anything as long as luto mo," I said pero walang naging reaksyon ang kaniyang mukha.

"Pabibo," sabi ni Arianne. Gumaan naman ang pakiramdam ko ng marahan siyang ngumiti.

"Pabibo ka, hindi mo pa nga natitikman. Paano kung di ako masarap magluto?" tanong ni Arianne pero bago pa ako makasagot ay pumihit na siya patalikod at umalis.

♦♦♦