Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 37 - CHAPTER 30 - Siblings

Chapter 37 - CHAPTER 30 - Siblings

 

V2. CHAPTER 13 - Siblings

ALDRED'S POV

"Ah, ano, Arianne…"

Ito ang eksenang bumungad sa akin pagkapasok ko ng kusina. Napatigil si Arianne sa pag-inom ng gatas at napalingon sa aking kapatid.

"Ate Arianne, pwede bang marami yung lutuin mo para bukas?" palinga-lingang hiling ni Monique habang mahigpit na nakahawak ang parehong kamay sa kaniyang pajama pants. Nagulat ako at alam kong mas lalo si Arianne. Napatitig muna siya sa aking kapatid at napakisap ng ilang ulit bago tumugon.

"Ah sure," aniya kasabay ang pagpula ng kaniyang mukha.

Napangiti ako sa aking nasaksihan dahil tila mukhang inaayos ni Monique ang kaniyang pakikitungo kay Arianne. Nais ko sanang kumuha ng maiinom sa fridge ngunit pinili ko na huwag na muna silang istorbohin. Tumabi ako sa gilid ng platera at nagtago.

Palihim akong umusyoso at nag-abang sa kung ano pang mga susunod na sasabihin nila ngunit mag miminuto na ang lilipas ay nakatingala't nakatingin lamang si Monique kay Arianne na obvious naman na ikinaiilang nito.

"Mo-Monique may gusto ka pa bang sa—"

"I like Ate Natalie."

Ouch!

Nakagat ko bigla ang aking dila nang marinig iyon.

"I like her too."

Pwe! Pwe!

Hindi ako makapaniwala na nigatungan pa siya ni Arianne.

Noong una ay nakangiti lamang si Monique sa naging tugon sa kaniya ni Arianne ngunit makailang saglit ay unti-unting nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha.

"WAIT ate, WHAT? Y-You, like her? So, it's true that you're a lesbian? But I thought, but you're dating Ate Pristine, right?"

The F! Huh?

Nalasahan ko bigla ang dugo sa aking dila.

"Huh?!" Sabay ang naging reaksyon namin ni Arianne.

"Eh?! No, I'm not! I'm not a lesbian and I'm not dating Pristine… or any other girls, anyone. I'm sorry pero saan naman nanggaling 'yan?"

Napaluwag ako ng hinga.

Nilihis ng aking kapatid ang kaniyang mukha at nakangusong nagsalita.

"Sabi ng friend ko… nang mabanggit ko yung name mo saka ni ate Pristine. Matagal ng rumor."

"Ah hindi ko akalain na umabot pala sa labas ng campus 'yang rumor na 'yan. That's not true, not true so please stop believing in it. What I mean about liking Natalie is because she's my friend, a special friend."

"Ah okay," reaksyon ni Monique kasabay ang makailang tango, "Uh, ano Arianne I'm sorry about yesterday. Pagkapasok ko kagabi sa kwarto na-realize ko kung gaano ako naging rude sa iyo. Nahihiya ako sa inasal ko. Nahihiya ako para kay Mama kaya please huwag mo sabihan si Mama na bad mama siya kasi di niya ko pinalaki ng maayos ah," mangiyak-ngiyak na sabi ng kapatid ko.

Ngumiti si Arianne.

"No of course, I won't say such thing," tugon ni Arianne at saka nialo ang aking kapatid. Nipunasan niya ang tumulong luha nito.

"I was really surprised when I heard about you and Kuya. I really like Ate Natalie for him kaya parang nasira yung dream ko of having her as my sister-in-law. I'm sorry Arianne, I hope you understand… ano, papagluto mo pa rin ako di ba kahit hindi ikaw yung gusto ko para kay Kuya?"

Arianne smiled and then giggled. She giggled so softly and femininely that I can't help myself not be mesmerized.

Ilang beses na akong nakasaksi ng mga pagngiti at pagtawa ngunit ni kailanman ay di nila nagawang mapalagay ang aking palad sa aking dibdib. I'm feeling it, I'm hearing it. This is the burning sensation na hindi ko iko-complain kahit na hindi na mag-stop.

Kung nakakatunaw lamang ang tingin ay tiyak na kanina pa nag-panic si Monique sa pagkalusaw ng kausap niya. Kung sa akin lang mapupunta si Arianne ay siguradong araw't gabi ay nasa kaniya lamang ang aking atensyon.

I'm Boy S as the neighborhood calls me. Boy Sungit, Boy Sumpong at Boy Simangot. I'm not friendly, I only have Carlo and Jerome and I'm happy na sila lang kahit hindi halata. Si Sir Roel, si Ate Candice at si Natalie. My family, si Papa na nasa ibang bansa, si Mama at ang nag-iisa kong kapatid na ayon sa mga magulang ko ay sobrang kuya's girl. Never kaming nag-away, never… kahapon lang.

I only have a small number of people around me yet they are sufficient to make me smile, laugh, and be happy. I'm glad to have them, I'm really glad na akala ko, at this time of my life, at my very age ay sapat na sila… but then this girl came unexpectedly.

Of course, as Mama said, I'm too young for this. Even I know about this but what can I do? What can I do if I've been set up by my young heart to fall so hard in love at the time, I laid my eyes on her?

"Syempre naman papagluto pa rin kita," ani Arianne na nagpawi ng kalungkutan ni Monique.

Nakakatuwa silang pagmasdan.

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan upang tumungo sa kanila ngunit napatigil ako sa idinugtong ni Arianne.

"You know what? I too like Aldred for Natalie, honestly, I think they would be a perfect couple," aniya sabay ngiti.

Pansin ko naman na nabalot bigla ng tanong ang mukha ni Monique habang ito naman ako't tila walang habas na sinaksak diretso sa aking puso.

"What do you mean Ate? Akala ko ba... ikaw saka si kuya?" Naguguluhang tanong ng aking kapatid. Awkward naman na ngumiti si Arianne habang marahang kumamot sa kaniyang batok.

"Ah paano ko nga ba… uhm, ganito kasi…"

"Is it just one sided? Si Kuya lang ba yung may gusto sayo?" agad na tanong ni Monique. Matagal bago marahang tumango si Arianne sa aking kapatid.

"But why?"

Nagulat ako ng bigla kong marinig ang pag-crack ng boses ng aking kapatid.

"Is my kuya not likeable? Gwapo naman kuya ko di ba? Matalino si Kuya… mabait din si Kuya kahit di halata. Matangkad siya, magaling pumorma. Lahat na nasa kaniya kaya bakit hindi mo siya gusto?" humihikbi na tanong ng aking kapatid.

Naguluhan tuloy ako sa nituran Monique. Hindi ba't gusto niya si Natalie para sa akin?

Bakit siya umiiyak?

Lalapit na sana ako sa kanila dahil hindi na malaman ni Arianne ang kaniyang gagawin ngunit natigilan ako.

"Ah, Monique! Ano kasi—,"

"I hate you ate Arianne! He's the best brother ever! He rarely opens up to someone pero ikaw, sa iyo! Ayoko na sayo inaapi mo si Kuya ko!" bulyaw ni Monique sabay takbo paalis. Nadaanan pa nga niya ako ngunit iyak na siya ng iyak kaya baka di na niya ako napansin.

"Ha! Ha-ha!" Humalakhak ako pagkapasok sa kusina. Masamang tingin naman ang isinalubong sa akin ni Arianne.

"Kanina ka pa ba nandyan?" masungit niyang tanong.

Lumapit ako sa kaniya.

"Uh-uh, oo," nangatog kong sagot. Bigla kasi akong natakot sa tono niya. Normal na masama kung makatingin yung mata ni Arianne ngunit ngayon ay may dahilan siya.

"Buti nga sayo," sabi ko saka nanginginig na nikuha ang baso niya sabay inom.

"What do you mean?"

"Hmmph! Natalie and Aldred – perfect couple blah blah! Beh!"

Hindi nag-react si Arianne, sa halip ay nititigan niya lamang ako bago talikuran at umalis ng kusina.

ARIANNE'S POV

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong napabuntong hininga. Inalala ko si Monique bago sumagi sa isip ko si Aldred. What's with those siblings? Parehas na hindi ko sila maintindihan.

Malalim pa sana ang iisipin ko pero naagaw ang atensyon ko ng pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.

"Hello? Natalie?"

"A-Arianne, yes hi… ano, good evening, did I disturb you?"

"No, hindi naman, good eve din Nat. Bakit napatawag ka?"

"Ah – I'm just checking if nakauwi ka na, late na rin kasi pero wala pa kong—,"

"Oo nga pala, I'm sorry nakalimutan kong i-text ka na nakauwi na ako."

"Okay lang Arianne, hmm, uhh…"

"Yes, Nat?"

"I'm just gonna ask you kung free ka this Saturday, whole day outside then sleepover dito sa mansion… kung free ka lang naman."

Tinignan ko ang kalendaryo ko kung anong petsa iyon. Bukod sa mga nagdaang araw na naka-ekis na ng pula ay wala ng ibang marka sa kalendaryo. Inalala ko kung may mga lakad ba ako sa araw na iyon at nang walang pumasok sa isip ko ay agad akong tumugon kay Natalie.

"Yes, I am,"

"Really?! I'm glad. Alright, that's settled na ah? That's all see you tomorrow, g-good night."

"Good night din,"

NO ONE'S POV

"Moshi moshi Pristy-chan, sore wa sudeni gogo 9-jidesu?"

"What?"

"I mean 9pm na gising ka pa."

"Ah, akala ko naman kung ano. Hey Bea, free ka ba this Sat?" tanong ni Pristine habang nakaupo sa kaniyang kama, yakap-yakap ang isang unan.

"Hindi e, mamamasyal kaming pamilya, bakit naman?"

"Ah for real? Wow I'm happy for you," saad ni Pristine pero iba ang pinahihiwatig ng tinig niya.

"Ano nga? Bakit mo ko tinatanong kung free ako this Sat? Wala ka bang pasok sa review school?"

Napanguso na lamang si Pristine, "Wala nga e, kaya magpapasama dapat ako sayo sa Central pero nganga."

"Ah, ganoon ba? Pasensya na, all set na kami… saka naiintidihan mo naman di ba? Sorry Pristy, babawi na lang ako next time. Anyway, ano bang gagawin mo sa Central this Saturday?"

Kasalukuyang naghuhugas ng pinggan si Bianca kaya't nakaipit ang kaniyang smartphone sa pagitan ng kaniyang kaliwang tenga at balikat.

"Mag wawalwal…"

"WHAT?" gulat na reaksyon ni Bianca. Kamuntikan pa ngang madulas ang pinggan sa kaniyang mga kamay.

"Mag liliwaliw pala," rinig ni Bianca ang paghagikhik ni Pristine mula sa kabilang ibayo.

"Jeez, baliw nito, si Arianne? Did you try to ask her?"

Naglungkot ang mukha ni Pristine.

"Nope, hindi na, I don't want to disturb her and… I'm sure may lakad din siya sa Saturday with Natalie."

Kasabay ng pag higa ni Pristine ay ang pagpasok naman ni Natalie sa kanilang kwarto. Nagkatinginan sila nito at sabay ring nag-irapan sa isa't isa.

"How sure are you? Bakit may nabanggit ba si Natalie na may lakad sila?"

Sinulyapan ni Pristine ang nagbibihis na si Natalie. Malalim siyang humugot ng hininga.

"Hmm wala naman pero sigurado akong aalis siya sa Sabado…"

Narinig ni Natalie ang sinabi ni Pristine kaya't nilingon niya ito. Nagkasalubong ang mga mata nila pero walang umimik sa kanila.

"Ganon? Ano bang meron sa Saturday at gusto niyo atang magsipaglayas dyan sa bahay niyo?"

Itinigil ni Bianca ang paghuhugas para hawakan ang smartphone niya. Sumandal siya sa may kitchen counter at napalingon sa may entrance ng kusina.

Pristine rolled her eyes, "Bahay namin? Duh, who said that this is a home? That woman, uuwi siya dito kasama ni Lola sa Saturday."

Saglit na napaisip si Bianca at pumasok sa utak niya ang isang tao na alam niyang kinamumuhian ng kaniyang kaibigan.

"Woman? Wait, are you saying na uuwi si Tita Veronica?"

"Tss, don't you Tita Tita her… sheesh."

Napabuga ng hininga si Bianca, "Fine, Pristy ba't di ka na lang kaya sumama samin sa Sabado?"

"No… no, no, that's your family day. Alam ko namang matagal mo nang gusto na mangyari 'yan kaya ayokong maistorbo ka."

"Damn Pristy," nangiti si Bianca, "Are you sure? Family rin naman kita a."

Gumuhit ang matipid na ngiti sa labi ni Pristine nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan.

"Yeah, okay na ko. I will ask my other friends na lang."

"Other friends? For real?" nangiti si Bianca. Napanguso naman si Pristine dahil sa tanong sa kaniya.

"Hell none, well, I mean acquaintances," Pristine rolled her eyes.

Tumawa si Bianca.

"Okay, sabi mo e. You have a lot of fan girls to choose from but choose wisely ha."

"Yup, I will… Hey Bea," saglit na sinulyapan ni Pristine si Natalie na kasalukuyan na nagbabasa ng magazine, "Salamat d'on sa sinabi mo kanina. I'm really glad that you considered me as one."

"Anekebe? Lels, ang cheesy mo talaga kaya love kita e," natatawang saad ni Bianca. Hindi niya nga namalayan ang pagpasok ni Jerome sa kusina.

"Yuck, sige na. Goodnight na, salamat."

♦♦♦

"Who are you talking to?" tanong ni Jerome pagkababa ni Bianca ng smartphone. Pagtaas naman ng kilay ang unang itinugon ni Bianca.

"Oh, I'm sorry, I don't have the right to ask."

"Si Pristine yung kausap ko," tugon ni Bianca. Bumalik na siya sa paghuhugas ng pinggan. Kumuha si Jerome ng maiinom at sumandal sa may kitchen counter katabi ni Bianca. Napansin niya ang pagtingin at pagngiti sa kaniya ng kapatid kaya't nailang at nairita siya.

"Anong problema mo?" naiiritang tanong ni Bianca.

"Ang sipag mo pala, simula ng dumating ka dito hindi na ko naghuhugas ng pinggan."

"Tsk, bakit nami-miss mo na ba? Bukas ikaw na maghugas dito," sabi ni Bianca. Hindi maipintura ang mukha niya pero naglukot pa ito ng tutukan siya ni Jerome ng phone at marinig ang pag-shutter ng camera. Nakagat na lamang ni Bianca ang labi niya dahil sa pagtitimpi.

"What the hell is that for?" Malumanay niyang tanong kahit parang puputok na ang ugat sa kaniyang noo. Ibinaba naman ni Jerome ang kanyang phone saka ibinulsa.

"Tsk, tsk, tsk," anito habang makailang ulit na umiling-iling, "I noticed recently that you speak hell too much."

"So what? Well, I did come from the very depths of it so don't expect me to talk holy to you, father."

Malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Jerome. Dinukot niya muli ang phone sa bulsa at tinignan ang litrato.

"It's hard to think though that you came from hell when you look like an angel here."

Iniharap ni Jerome kay Bianca ang larawan. Balak sana itong agawin ni Bianca pero madali ay naiiwas ito ni Jerome.

"Bwiset ka!"

"Bad word."

"Wala kong pake. Huwag ka ngang epal."

"Tsk, tsk, strike two."

Nagngitngit si Bianca. Naiinis na siya pero pinili niyang pakalmahin ang sarili kaya pinagpatuloy na lamang niya ang paghuhugas.

"Alis," ani Bianca. Saglit siyang masinsinan na tinignan ni Jerome bago tumalikod ito at humakbang paalis ng kusina.

Napalingon naman si Bianca sa pigura ng kapatid na papaalis na. Mahigpit niyang napiga ang sponge na hawak at napakagat sa kaniyang labi.

"Hey, Je-Jerome," tumigil sa paglalakad si Jerome bago pumihit paharap kay Bianca nang marinig ang pagtawag niya.

"Na-Naiintindihan mo naman na sort of expression lang yung mga 'yon di ba?"

Walang naging tugon mula kay Jerome, sa halip ay nakatingin lamang siya kay Bianca bago marahang naglakad papalapit sa kaniya. Noong una ay sinalubong pa ni Bianca ang tingin ng kaniyang step brother pero habang mas lumalapit na ito ay kusang dahan-dahan siyang napayuko. Makailang saglit ay nakaramdam siya ng paghimas sa kaniyang bumbunan na medyo ikinagulat at ikinailang niya.

"Naiintindhihan ko..." Iniangat ni Bianca ang kaniyang mukha at naabutan niyang nakangiti ang kapatid, "Pero hindi mo dapat sinasanay yung sarili mo na ganyan. I really want to punish you. I'm not kidding but too bad I can't do that anymore."

Agad namang umatras at lumayo si Bianca nang marinig niya ang tinuran ni Jerome.

"So be a good girl Bea para hindi ako mahirapan a," nakangiting sabi  ni Jerome ngunit mahihinuha ang bahid ng kalungkutan sa kaniyang nga mata.

♦♦♦