Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 41 - CHAPTER 33 – One Down

Chapter 41 - CHAPTER 33 – One Down

CHAPTER 16 – One Down

ARIANNE'S POV

"KYAAAAAH!"

Bigla na lamang nagtalsikan ang mga popcorn ng dalawa kong kasama. Lahat ng nasa loob ng sinehan ay napalingon tuloy sa amin. Nakaramdam ako ng hiya kaya't nag-suggest ako na lumabas na lang kami na mabilis namang sinangayunan ni Aldred at Natalie. Lumabas kaming tatlo ng hindi man lang natapos ang pelikula.

"What the? What the? What the?" paulit-ulit na sambit ni Natalie habang nakayuko siya't nakaharap sa may pader. Nanginginig ang mga kamay niya ng sobra at pawis na pawis siya. I feel sorry for her.

"S—Sabi ko sa inyo d—dapat nag M-My Bi—Big D—Donkies na lang tayo e," nanginginig namang sabi si Aldred bago siya pumasok ng men's washroom. I feel sorry for him too.

Humugot ako ng hininga. Tinignan ko mga braso ko at pulang-pula ito. Nagkataon kasi na nasa gitna nila ako nakapwesto kaya't ako ang naging buntunan nila ng takot, gulat at kaba. Lumatay ang mga mahihigpit nilang pagkapit sa akin. 

"That's Horsies not Donkies," pagko-correct ko kay Aldred pagbalik niya. Tinitigan niya ako.

"O—okay, but anyway, Arianne, paanong hindi ka man lang natakot sa pinanuod natin? From suspense, horror, gore to cannibalism nandoon na lahat pero okay ka lang."

Lumingon sa amin si Natalie.

"Ah si Pristine kasi ganoon lagi mga pinapanuod kaya nasanay na rin ako," tugon ko.

"The heck, f—for real? Iyon yung mga pinapanuod ni Pristine?" Hindi makapaniwalang tanong ni Natalie.

Umupo muna kami sa may bench. Habang tinitignan ko sila ay medyo nakonsensya ako. Malay ko ba naman kasi na horror pala yung genre noon.

"Aldred bantayan mo muna si Natalie ah, bibili lang ako ng water natin."

Nagpaalam ako sa kanila sabay takbo paalis. Balak pa sana nila akong pigilan at samahan pero sinadya ko talaga silang iwanan. Iyon lang kasi yung magagawa ko para kay Natalie matapos mag-epic fail yung panunuod namin ng sine.

♦♦♦

"Ouch!"

Napaupo ako sa sahig nang may bumunggo sa akin. Naglalakad lang ako noon pero tumatakbo yung lalaki kaya malakas ang naging impact nang pagtama niya sa akin.

"S-Sorry Miss," aniya. Humahangos siya habang pinupulot yung mga mineral water kong binili. Tumayo naman ako at nagpagpag.

"Miss sorry again, nagmamada—"

Napatigil siya sa pagsasalita't napatitig sa akin. Namula naman ako dahil sa aksyon niya. Tipong nakakatunaw kasi siya kung makatitig at puno ng ekspresyon ang mga mata niya.

"Miss Arianne?" the guy reacted giddily.

I was surprised when he mentioned my name. Tinignan ko siya ng maigi at biglang may nag-struck sa utak ko. He looked like someone I knew pero imposible...

"Miss Arianne, hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Enrico, Enrico Dela Costa, your classmate in SES!" nagagalak niyang pagpapakilala.

Yep, I know who Enrico Dela Costa is. Like he said, naging classmate ko si Enrico sa SES pero...

Tinignan ko mula ulo hanggang paa yung taong nagki-claim na siya raw si Enrico lol. Napailing ako kasi nga imposible.

Imposible talaga!

Bago ako lumipat ng SNGS ay nanggaling ako sa SES o Southern Elite School. Ito ang nag-iisang school sa Southern District at piling-pili lamang ang nakakapasok dito. May kakaiba ring sistema ang school na iyon na tinatawag na Shuffling kung saan may exams per month at ililipat ang bawat estudyante ng section depende sa ratings nila.

Si Enrico Dela Costa ay consistent classmate ko sa Class S noong grade 10. Siya rin ang consistent top 2 ng batch namin pero kahit na napatunayan niya na ang sarili niya ay palagi pa rin siyang nabu-bully. Payat siya, lampa, uhugin, walang sense of fashion at kulang na lang ay balutan siya ng salamin sa buong mukha dahil sa laki ng eyeglasses niya.

"Ikaw ba talaga 'yan Enri?" amazed kong tanong.

Ang sexy at super manly ng nasa harap ko. Wala ring palya sa pananamit. Napalunok na nga lang ako ng masagi ng mga mata ko yung bakat na dibdib niya dahil sa pawis at yung biceps niyang nakahapit sa manggas ng t-shirt niya. Wala rin siyang salamin sa mga mata kaya't kitang-kita ang kagwapuhan niya.

"Oo ako na 'to Miss Arianne. Nagulat ka ba?" tanong niya saka iniabot ang mga bote ng tubig.

Marahan akong napatango. Gusto ko sanang tanungin siya kung anong nangyari pero naagaw ang atensyon namin ng isang boses na pamilyar sa akin.

"ENRI NANDYAN NA SILA!"

Nagmamadaling tumakbo yung may-ari ng tinig na iyon pero bigla siyang napatigil at napatitig sa mga kamay namin ni Enrico.

"Enri are you cheating on me?"

Agad kong kinuha ang mga bote at mabilis na inilihis ang mga mata ko nang tumitig siya sa akin dahil ayokong makilala niya ako.

"Hey! I know you! Shet! Kilala kita di ba?"

Tinutok ng babae ang mukha niya sa akin.

Napangiwi ako at marahan ko siyang nilingon. Naabutan ko ang ngiting-ngiting ekspresyon niya  pati ang nawawala niyang incisor.

"You are Arianne, right? I know you are! They said that we're besties noong grade 10 tapos ikaw yung laging pinagti-trip-an daw ni Julien and pinsan mo si Olga di ba?"

Uyam ko siyang tinignan bago ako lumingon kay Enrico.

"Sobra ba talagang naalog yung utak niya ng mahulog siya sa building?" I asked.

The one in front of me is Felicity Reign Cortez. SES top student, she made her name in newspapers and national television. Beautiful, graceful, reserved, talented & genius... noon. Ngayon ay kumakalat na beauty na lang ang natira sa kaniya matapos siyang magka-amnesia at totoo iyon.

"Hala siya! Don't be like that to me," nakanguso niyang sabi. "Nakakita ako ng pic natin together and I was like may kaibigan pala akong super pretty. Ang ganda pala ng bestie ko sa personal putang ina 'wag mo aagawin sakin si Enrico a."

From bright ay naging dim ang ekspresyon ni Felicity. Napalunok ako at napatingin kay Enrico.

"Don't mind her," aniya.

"Aren't you happy to see me?" worried na tanong ni Felice. Iyon ang tawag ko sa kaniya.

"Of course, I am," tugon ko. Sandali lang yung pinagsamahan namin ni Felice pero maihahalintulad ko siya kay Pristy sa pagke-care sakin. Naninibago lang talaga ako sa kaniya kaya di ko siya matugunan ng maayos.

"Hey Arianne!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Aldred at Natalie. Alalang-alala ang mga mukha nila.

"Bakit ang tagal mo? Akala namin kung napaano ka na."

Nang lumapit sa akin si Natalie ay agad silang nagkatitigan ni Felice. Ini-scan siya ni Felice na tipong may inaalala.

"Arianne who's that guy?!" nakataas ang kilay na tanong ni Aldred. Masama ang titig niya kay Enrico.

"He's my classmate in SES!" agad kong depensa. Napakagat ako sa labi ko nang ma-realized ko na bakit ba kailangan kong depensahan kagad ang sarili ko sa iniisip niya.

"Wait, wait wait! I know you! We know eachother right?! Piano... pianist ka di ba?"

Napansin ko ang matinding paglunok ni Natalie nang tanungin siya ni Felice.

"Base sa mga medyo naaalala ko nagkakalaban tayo sa recitals. Ikaw yung, ikaw yung ex—"

"HOY!"

Nagulat kaming lima nang marinig ang isang bulyaw. Biglang may lumapit sa amin na grupo ng mga lalaki at pinalibutan kami.

"Punyeta! Enri! Ba't ba nakalimutan na natin sila?" usal ni Felice. Sumakit ang tenga ko sa pananalita niya.

"What is this?!" naaalarmang tanong ni Aldred habang umaatras. Palapit kasi ng palapit ang mga lalaki.

"Pwede bang pag-usapan na lang natin 'to? Ako na yung humihingi ng paumanhin sa nagawa ng kasama ko. Hindi naman niya intensyon talaga na tamaan ka ng bola," pakiusap ni Enrico sa isa sa mga lalaki na mukhang lider ng grupong handang kumuyog sa amin. Naagaw ng noo ng lalaki ang atensyon ko.

"Hoy bata nakikita mo ba 'tong bukol sa noo ko ha? Ginagago mo ba ako? Mukha bang hindi sinadya 'to?"

Tunay ngang may karapatan siyang magalit dahil sa laki ng bukol niya. Na-curious ako, possible ba na magawa 'yon ng isang bola? Tinignan ko si Enrico at seryoso ang mukha niya.

"Hey Enri? Bola ba talaga tumama sa ulo niya?" bulong ko at tumango siya.

"Oo bola... bola ng bowling."

Tatlo kami nila Aldred at Natalie ang napanganga.

"Pero hindi naman niya sinadya di ba?" tanong ko uli. Luminga siya kay Felice na sinalubong naman nito ng ngiti. Bumuga ng hininga si Enrico.

"Sinadya niya," tugon niya sabay sinamaan ng tingin si Felice. Lumingon ako sa paligid at napansin ang mga taong naglalayuan sa amin. Mukhang walang may balak na tumulong sa amin. Saglit ay lumapit si Enrico sa lalaking nabukulan.

"We will compensate for it. If we need to pay then we will. Ipapagamot ka rin namin."

"Hoy Enri! Wala ka namang pera ah! Kanino ka kukuha ng pambayad?" hirit ni Felice. Hindi naman ako makapaniwala sa timing niya.

Ngumisi ang lalaki at tumingin sa kaniyang mga kasama. Nagtawanan sila.

"Kilala mo ba kami bata a?" Itinaas ng lalaki ang kaliwang manggas niya at lumantad sa amin ang tattoo ng isang dragon na may mga malalaking pangil.

Napansin ko ang pagkuyom ng palad ni Aldred.

Dragon Fang?

Wala akong alam sa mga gangs, mafia o grupo ng mga sindikato dito sa General City pero dahil sa ang Dragon Fang ang pinakamalaki at kilalang grupo ng gangster dito ay naabot na nito ang pandinig ko. Ayon sa nalalaman ko ay hindi naman notorious at bayolente ang mga miyembro nila. Madalas pa nga raw sila sa mga charities at nag-boboluntaryong tumutulong sa mga nangangailangan. Walang nakakaalam kung sino ang lider nila pero hayag na isa itong pilantropo.

"Miyembro kami ng Dragon Fang bata! At alam mo bang sa isang code lang naniniwala ang grupo namin? Kilala mo ba si Hammurabi a?" tanong ng lalaki saka biglang sinikmuraan si Enrico. Namilipit sa sakit si Enrico. Lalapitan sana siya ni Felicity pero agad siya nitong pinigilan.

"Naiintindihan ko," aniya saka dumura. Nakita ko ang dugong nakahalo sa likidong nilabas ni Enri.

"Naiintidihan ko. Sige, pumapayag na akong bukulan niyo rin yung kasama ko na gumawa sayo niyan," balik ni Enrico. Natawa naman ang mga gangster.

"Yah! Enri!" reaksyon ni Felice.

"Alam mo bata natutuwa ako sa mga pasikot-sikot mo pero di mo ko madadaan sa ganyan."

Muling sinuntok ng lalaki si Enrico.

"O—okay, sasaluhin ko ang lahat pakiusap lang 'wag niyo na silang idamay. Lalo na yung tatlo, hindi namin sila kasama," pakiusap niya habang namimilipit sa sakit. Gusto ko na siyang lapitan pero pinigilan ako ni Aldred.

Tumawa yung lalaking may bukol na sinundan rin ng mga kasama niya. Nang tumigil siya ay tumigil rin ang mga ito at nang parang magsensyas siya sa mga kasama niya ay may bigla na lamang bumalak na sumuntok kay Aldred. Mabuti ay nasalag niya ito pero iyon na rin pala ang hudyat ng kaguluhan.

"Bugbugin niyo yung dalawang lalaki tapos dalhin niyo sa akin yung mga babae!"

"Arianne," napalingon ako kay Natalie ng kunin niya ang kamay ko. Hinatak niya ako papunta sa lugar na walang gangster pero nagulat kami ng may biglang sumulpot sa likod namin.

"Hi Chika babes, want to play—" Hindi na naituloy pa ng gangster ang balak niyang sabihin matapos tadyakan ni Natalie ang maselang bahagi ng katawan niya.

"ARIANNEEEEE!" nakarinig naman ako ng tawag mula kay Aldred pero ng lingunin ko siya ay isang malaking mama ang tumambad sa harapan ko. Nakaramdam ako ng matinding pagdaplis ng hangin sa tenga ko. Mabuti na lamang ay bolyuntaryong gumalaw ang ulo ko para iwasan ang suntok.

"HOW DARE YOU?!" nakita ko ang panggagalaiti sa mukha ni Aldred. Mabilis siyang tumakbo papunta sana sa akin pero kitang-kita ko kung paano siya bumagsak nang humambalos sa likod niya ang isang kahoy.

"A—Aldred!"

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Dahan-dahang bumagsak si Aldred sa paningin ko. Humakbang ako dahil iyon lamang ang kaya ng bigla kong nanghina na sistema pero hinarangan ako ng malaking mama.

"One down," sabi niya matapos niyang makita ang humandusay na katawan ni Aldred. Nakangisi siya ng humarap sa akin.

Nakaramdam ako noon ng panlalamig pero ng itambad niya sa akin ang nakangisi niyang pagmumukha ay biglang napalibutan ng usok ang utak ko. Nanggalaiti ako ng sobra sa galit at nakita ko na lamang ang sarili ko na nasipa ko na pala sa leeg ang gangster na humaharang harapan ko.

"ALDRED!" Madali akong tumakbo patungo kay Aldred. Lahat ng humarang sa akin ay pinagsusuntok ko, sipa at balibag. Nabuhay akong hindi kapiling ang pamilya ko kaya't nag-aral ako ng self-defense. Karate, Taekwondo, Jiujitsu at Judo... lahat yan ay pinagdaanan ko at masasabi kong proud ako dahil black belter rin ako sa lahat ng 'yan.

"My god, Aldred please wake up," samo ko nang sapuin ko ang mukha niya. Bakas ang sakit sa ekspresyon niya. Itinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya at mabilis naman ang pagtibok nito kaya't di ko malaman kung bakit hindi siya magising.

"Aldred, Aldred please! Pakiusap gumising ka naman o," ilang ulit kong samo. Napatingin ako kina Enri, Felice at Nat, balak nila akong tulungan pero pare-pareho silang hinaharangan ng ibang mga gangster.

Hindi ko na malaman ang gagawin ko. Napansin ko na lamang ang sarili ko na naluluha na dahil sa sobrang pag-aalala.  Niyakap ko na lamang si Aldred ng mahigpit dahil iyon lang ang tanging magagawa ko ngunit halos mapatid ang hininga ko ng mapansin ko na tumigil siya sa paghinga.

♦♦♦