Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 44 - CHAPTER 35 – Pajama Pants & Floral Dress

Chapter 44 - CHAPTER 35 – Pajama Pants & Floral Dress

CHAPTER 1 – Pajama Pants & Floral Dress

ARIANNE'S POV

"I pray that Pristine's fine," I said while laying my eyes at Natalie's side. We are currently in my room lying on my bed to sleep. The whole surrounding is already pitch black so I don't know if she's already asleep or not. I took a deep breath to reminisce about every single event this day and it took me just a split second to realize how Natalie still cares for Pristine.

Both Aldred and I were surprised when she shyly requested to stay the night at Cuzon residences. Instead of questioning, Aldred immediately agreed without saying anything. I too have questions, magaling magtago si Natalie ng nararamdaman niya pero that time her face showed a lot of emotions. A reason for me not to intervene.

Habang nasa jeep ay walang umimik sa aming tatlo. May pagkakataon na napapatingin ako kay Aldred at sa tuwing nagtatama ang tingin namin ay tinataas niya lamang ang kilay niya. I don't know but his action made him cool in my eyes. He might be childish at times pero mabilis siya makaintindi ng mga sitwasyon.

Halos mag aalas-otso ng gabi na rin ng makarauwi kami ng bahay.

"Okay lang ba sa mga magulang mo Natalie na dito matulog?" tanong ni Tita Cecil. Matagal bago nakasagot si Natalie pero marahan siyang tumango at tipid na ngumiti.

Hindi na tinanong pa ni Tita Cecil ang dahilan at kahit hindi siya kumbinsido ay pumayag na lang din siya lalo't late na. Dapat ay kay Monique tatabi si Natalie pero tulog na siya pagdating namin.

"I'm sorry Arianne, I hope I'm not a bother," Natalie apologized pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ko.

"Of course not, what made you think so? Mas mabuti nga't nandito ka kesa malaman ko na hindi ka umuwi sa inyo."

She heaved a sigh na nagpatitig sa akin sa kaniya. I was surprised. It was my first time seeing her in distress. Well, we're not always together but I am used to her calm self.

Kinontact namin pareho si Pristine pero hindi siya sumasagot. I even asked Bianca to contact her but her attempts also failed hanggang sa hindi na siya talaga ma-contact. I am so worried sick about her but all I can do right now is pray for her safety.

I suggested Natalie take a shower, thinking that maybe at least it would wash away some of her worries. I don't know exactly what she feels but I wanted her to know that I'm here for her.

Iyon lang naman ang magagawa ko.

I washed her used clothes and lent her my pajamas, which she initially refused.

"Oh," I blurted out when I realized something while looking at her towel wrapped body. Hindi ko maiwasang mamula ng maisip ko na kaya niya tinanggihan ang damit ay dahil sana'y siyang matulog ng nakahubad.

That's what some foreign teens do, right?

"Okay... sige, just suit yourself then. I don't mind if you want to sleep naked, but please take the blanket baka kasi magkasakit ka."

Nagtaka ako kung paano naging biglang kulay kamatis ang mukha ni Natalie. Agad din siyang lumapit sa akin sabay hatak sa pajamas na ibabalik ko na sana sa drawer.

♦♦♦

"Sniff."

Papikit na sana ako noong marinig ko ang pagsinghot ni Natalie. Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ko ang paligid. Nang sandaling 'yon ay tila nabingi ako sa tunog ng orasan. Ilang tik at tok pa ang lumipas when I heard her sniff again at na-realize kong pinipigilan niya ang sarili niya. I stretched my arms para balutan siya ng kumot na naalis na pala sa katawan niya.

"H—Hey Nat, ano, h—hindi kasi ako... hindi ko alam k—kung anong nasa isip mo ngayon o anong na—nararamdaman mo pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako," I said before rolling over and turning my back at her.

All I can say is that because all I can do is that. I hated my guts since I was a kid. I hated it even more when I reached this age. From Pristine to Bianca to Natalie... tuwing nakikita ko silang malungkot ay gustong-gusto kong tanungin kung anong bumabagabag sa kanila. Gusto kong tulungan sila, pasayahin pero lagi lang akong nauuwi sa hiya.

"I'm sorry kung laging wala akong nagagawa," bulong ko sa sarili ko. Handa na sana akong matulog pero pagkapikit ko ng mga mata ko ay napamulat ako dahil sa biglaang pagyakap ni Natalie sa akin.

"You don't need to do anything. Like what you said, your presence... iyon lang malaking bagay na sa akin."

NO ONE'S POV

"Where am I?" tanong ni Pristine habang inililibot ang tingin sa madilim na paligid. Kinabahan siya nang mapagtanto na nasa kwarto siya ng isang lalaki. Tinignan niya ang sarili at laking gulat niya nang makita na isang large white shirt lamang ang outer clothing niya.

Charles!

Nagngitngit si Pristine nang maalala ang nangyari. Babangon sana siya at tatayo pero bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng puson.

"Sakto, you're already awake."

Bumukas ang ilaw kaya't nakita ni Pristine si Charles. Nakasandal ito sa may hamba ng pintuan dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain. Lumapit siya sa kinapipwestuhan ni Pristine.

"Nasaan ako?! Anong ginawa mo sa akin?!" gigil na bulyaw ni Pristine habang namimilipit sa sakit.

Humila si Charles ng isang mesa, nilagay dito ang mga pagkaing dala at inilapit ito kay Pristine. Umupo si Charles sa tabi ng dalaga.

"Kumain ka na."

Susubuan niya sana si Pristine pero itinulak nito ang kaniyang  kamay dahilan para tumalsik ang kutsara't pagkain.

"Answer me! Nasaan ako?! Anong ginawa mo sakin?!"

Tinitigan lamang ni Charles si Pristine bago kalmado itong dumukot ng panibagong kutsara na galing sa kaniyang bulsa. Tila ba in-anticipate niya na ang ginawa ni Pristine.

"Nasa bahay ka namin ngayon. Wala akong balak gawin sa iyo pero subukan mong ubusin 'tong pasensya ko at makakatikim ka sa akin."

Napakuyom ng ngipin si Pristine. Itinutok ni Charles ang kutsara sa bibig niya at wala siyang nagawa kundi kainin ang nakalagay dito. Wala siyang laban, nasa may kwarto siya ni Charles, sa teritoryo nito, sa bahay nila... nagkaroon siya ng pag-asa ng maisip na baka nandito si Theresa.

"Nandito ba si Tita Theresa?" tanong niya pagkaabot ni Charles ng baso ng tubig. Uminom siya agad dahil sa totoo lang ay mas nauuhaw talaga siya kaysa nagugutom.

"Wala."

Napalalim si Pristine ng lagok noong marinig iyon.

"T-Tayong dalawa lang ang nandito?" agad niyang tanong.

"Oo."

"Nasaan yung damit ko?! Sinong nagpalit?!"

"Ako."

Bumaling si Charles sa may mesa at iniayos ang pinagkainan ni Pristine.

"And about the clothes... I don't like what you're wearing kaya sinunog ko na. Don't worry binilhan naman kita ng pamalit."

Napatayo bigla si Pristine.

"WHERE IS MY CELLPHONE?!"

"Nasa may sala sa baba," kalmadong sabi ni Charles habang ang kausap niya naman ay agad na lumabas ng kwarto't nagmadaling kunin ang kaniyang cellphone. Pagkapunta ni Pristine ng sala ay halos mabaliktad niya na ang lahat ng gamit doon pero wala siyang nakita.

"Ay nandito pala sa bulsa ko," ani Charles sabay pakita ng cellphone.

Nanggigigil na lumingon sa kaniya si Pristine. Nilapitan niya si Charles para kunin ang kaniyang cellphone pero para siya nitong pinaglalaruan. Natatawa ito habang pilit niyang inaabot ang cellphone na hindi niya makuha-kuha.

"WALANGHIYA KA CHARLES! Anong ginawa mo sa akin?!"

Tumigil si Charles sa pang-aasar at nagseryoso ng mukha. Nilapit niya ang kaniyang mukha kay Pristine.

"Hinubaran kita saka pinalitan ng damit, saka..." anito bago ihagis ang cellphone ni Pristine sa may sofa. Hinabol naman ito ng isa.

"Why is this turned off?!"

Iba ang rumehistro sa utak ni Charles.

"Turned off? When did? You never fail to turn me on Pristy," saad ni Charles sa isipan niya habang nakatitig sa hita ni Pristine.

"Ang daming tumatawag. Ang ingay, ang sakit sa tenga. Nakakarindi kaya pinatay ko."

Umupo si Charles sa may sofa at bigla na lamang hinila sa tabi niya ang nakatayong si Pristine.

"Wha-What are you doing?! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas si Pristine pero hindi siya hinayaang makawala ni Charles. Mahigpit siyang niyakap ni Charles hanggang sa manigas siya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kaniyang tenga.

"2— almost 3 years Pristine... I've seen you in your whole before pero mga bata pa tayo noon. Ngayon damn, I've fucked up kasi hindi ako nakapagpigil kanina. I kissed you while you were sleeping. I kissed you to the point that I wished you are dead so that you cannot leave my side," saad ni Charles. Nakangiti siya ngunit hindi tuwa ang makikita sa kaniyang mga mata. Napakadilim ng kaniyang paningin, napakalalim kaya't mahirap matukoy kung ano ang talagang nasa isipan niya.

Iniangat ni Charles ang mukha ni Pristine paharap sa kaniya. Nang tumambad ang mukha nitong pinag-aagusan ng luha ay nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso. Kirot na agad niyang pinalis sa kaniyang sistema.

"I'm begging Charles... Please, I don't want this. Galit ka naman sa akin kaya paalisin mo na lang ako dito. Hayaan mo na lang akong mag-isa sa labas. Isumbong mo na lang ako but not this," nagsusumamong pahayag ni Pristine.

Saglit na tumitig ang wala ng emosyon na mata ni Charles sa kaniya bago bigla na lamang lumapat ang kamay nito sa leeg niya saka sinakal siya.

"Cha— Charles!"

Pilit na iniaalis ni Pristine ang kamay ni Charles. Hinampas at itinulak niya ito ng paulit-ulit ngunit masyado siyang malakas. Nagsisimula ng magdilim ang paningin ni Pristine ng biglang bitawan siya ni Charles.

"You really don't get it do you?!" galit na tanong ni Charles bago niya halikan si Pristine. Nang gawin niya iyon ay umagos ang luha sa mga mata ni Pristine.

"I hate you so bad that's why I'm doing this! I'm going to mess you up to the point that you will hate yourself. I will make you my plaything, I will make you suffer until you become a worthless piece of shit!"

Galit ang tono ni Charles ngunit kabaligtaran na nito ang aksyon niya. Mula sa labi ng dalaga ay magagaan na halik ang idinampi ni Charles sa mga pisngi nito. Lumipat naman ang kaninang kamay na nakasakal sa leeg ni Pristine patungo sa bumbunan nito. Tumigil si Charles sa paghalik at tinitigan siya. Doon ay nakita ni Pristine ang kirot sa mga mata ng binata. Hinaplos nito ang ulo niya kasabay ang paghalik sa mga luha niya.

"Charles, please pauwiin mo na ako."

Huminto si Charles, "Why? Ayaw mo na ba talaga akong makasama?" malambing na tanong niya.

Hindi sumagot si Pristine.

Bigla ay nawala ang emosyon sa mga titig ni Charles. Pansin ni Pristine ang pagdilim ng ekspresyon niya. Kumagat si Charles ng mariin sa kaniyang labi saka biglang bumulyaw.

"Tsk, umakyat ka na nga! Bwiset! Doon ka na matulog sa kwarto ko. Dito na ko sa sala!"

ARIANNE'S POV

I love you, Arianne...

Napabalikwas ako bigla. Humahangos ako habang nakahawak sa dibdib ko. Napadampi ako sa labi ko bago mapakamot ng mariin sa ulo ko dahil sa inis.

Not again!

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at kakaibang pagkabog ng dibdib ko. Ngayon lang uli ako nanaginip or should I say binangungot pero iyon parin... someone kissed me in my dream.

Umaga na at nagawa akong masilaw ng liwanag na galing sa bintana. Binaling ko ang tingin ko sa tabi ko at nagulat ako dahil wala si Natalie. Napansin ko ang pajama na pinahiram ko sa kaniya sa may study table. Linapitan ko ito at binasa ang isang maliit na note.

"Thank you, Arianne."

Tinignan ko kung anong oras na at ala sais imedya pa lamang ng umaga.

Kinuha ko ang cellphone ko saka kinontact muli si Pristine pero out of coverage pa rin siya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Monique. Inirapan niya ako.

Sigh... Is it still because of my opinion about her brother?

"Ang aga umalis ni Natalie. Hindi ka na nga raw niya ginising. Inalok ko siya na dito na mag almusal pero tumanggi siya," Tita Cecil said habang umiinom ako ng tubig.

"Weh?! Ate Natalie was here? Bakit hindi niyo po ko ginising? Kanino po siya natulog?"

"Ayaw ka na niyang istorbohin. Kasama siya ni Arianne saka ng Kuya mo... ano nga 'yon? Nanggaling pala sila ng Central Amusement Park."

Umupo ako sa may hapag-kainan kung saan katapat ko si Monique.

"Ang daya naman. I was so bored here yesterday tapos hindi man lang ako sinama ni Kuya. Tsk, porke't may makakasama na siyang iba," sabi niya sabay tingin ng masama sa akin. Nangiti naman si Tita Cecil habang nilalapagan kami ng piniritong itlog.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko, ano kayang nasabi ni Mama sa sinabi sa kaniya ni Tita Cecil. Marahil ay sobrang busy niya dahil hindi pa siya tumatawag sa akin matapos iyon.

NO ONE'S POV

Maagang umalis si Natalie sa Cuzon residences. Hindi niya na napaunlakan pa ang pag-aaya ng mama ni Aldred na kumain ng almusal. Lingid sa kaalaman nila ay hindi nakatulog si Natalie ng maayos. Kahit hindi niya sabihin ay puno siya ng pag-aalala para kay Pristine.

Palapit na siya sa arko ng subdivision noong mapansin niya ang isang pigurang pamilyar sa kaniya. Agad siyang lumapit sa babaeng naka-floral dress at doo'y nagkasalubong ang mga mata nila ni Pristine.

"What are you doing here?" tanong niya na minata lamang ni Pristine, "Aren't you going to answer me? Don't you know how many times we tried to call you? Don't you know how worried everyone is?"

Pristine pulled a smirk.

"Why do I need to answer you? We? You mean you called me? Worried about me? Tsk, stop. Kung ibalik ko kaya sayo yung tanong mo? Ang aga-aga anong ginagawa mo rin dito?"

Natalie didn't respond. Natawa naman si Pristine.

"Oh, I forgot. You're free to do whatever you want, unlike me. How lucky you are," ani ni Pristine bago iiwas ang tingin kay Natalie. Napakuyom naman ng palad ang isa dahil sa narinig.

"You Fiend, that's not it..." sambit ni Natalie bago napakagat sa kaniyang ibabang labi, "you're different, you're important," dagdag niya.

Sinulyapan lamang siya ni Pristine bago ibaling ang atensyon nito sa puting van na tumigil sa harap nila. Bumukas ang pinto nito at lumabas si Irene.

"Miss Pristine, Miss Natalie. Sumama na po kayo sa amin."

♦♦♦

"Madam nakita na po na—"

Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Pristine pagkaapak niya sa foyer ng mansion. Lahat ng nakasaksi noon ay mabilis na nagsipagyuko nang makita nila ang mapait na reaksyon sa mukha ng kanilang senyorita.

"What are you thinking?!" malamig na tanong ni Veronica. Yumuko si Pristine.

Napakuyom ang kaniyang mga palad at ngipin. Naiinis is an understatement, galit siya sa kanyang ina. Galit na galit pero kahit kailan ay di niya nagawang lumaban o sagutin ito.

Umiiyak siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kwarto.

"At ikaw..." Binaling ni Veronica ang kaniyang tingin sa isa pang naiwan sa harap niya. Inusisa niya si Natalie mula ulo hanggang paa. Nang mapansin niyang mag-tight ang ekspresyon nito ay hindi niya na ginawa pang ituloy ang sasabihin. Tinalikuran niya si Natalie na nagmadali namang umakyat patungo sa kaniyang kwarto.

Pagbukas ni Natalie sa kanilang silid ay gulat ang unang naging reaksyon niya nang makita ang paligid. Kalat-kalat lahat ng gamit sa kabilang side at nakita niyang nakatalukbong si Pristine. Tumungo siya sa kaniyang kama at napansin niyang wala ang kanyang kumot. Hinagilap niya ito at nakita ang telang nakatali sa bukas na bintana. Dumungaw siya sa baba at halos malaglag ang panga niya mula 2nd floor noong mapansin kung anu-ano pang mga gamit na pag-aari niya ang nakakabit doon.

Halos pumutok ang butsi ni Natalie nang mahila ang nasa dulo ng improvised rope. Ito ang pinaka-favorite niyang D&G floral shirt kaya't hindi niya maalis ang inis. Lumingon siya sa nakatalukbong na si Pristine. Gusto niya mang bulyawan ito pero sino ba ang gagawa n'on lalo na't rinig niya ang matindi nitong paghikbi. Umupo na lamang siya sa kaniyang kama at napabuntong hininga.

"Is this what you mean by being different?" biglang tanong ni Pristine. Tinanggal niya ang pagkakatalukbong niya. Napalingon sa kaniya si Natalie.

"Is this what I'm supposed to receive for being so important, Ate?" Mariing tanong niya kay Natalie habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata.

♦♦♦