Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 45 - CHAPTER 36 – Night Light

Chapter 45 - CHAPTER 36 – Night Light

V3. CHAPTER 2 – Night Light

ARIANNE'S POV

Busy ako sa pagpipinta ng background design para sa Joint Foundation Event nang biglang humapdi ang kanang mata ko. Hindi ko namalayang gumapang na pala dito ang pawis mula sa noo ko. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko saka marahang pinunas ito sa mga mata ko.

Habang pinupunasan ko ang mukha ko ay napakislot ang tenga ko dahil sa isang ingay. Medyo malakas kasi ang biglaang pagaralgal na tunog mula sa speaker na nakakabit sa dingding ng auditorium.

"Hel-loooo! Good afternoon, guys. How areeee youuuu?" Napalitan ng malalim na tinig ang kanina'y masakit sa tengang ingay.

"This is your announcer slash DJ slash radio jockey Kawaii Misshii and I'm here right now, right there, right in our school speakers to soothe away your restless heart, mind, body & soul—"

"Oh, I can help with the body!" Biglang singit ng isang boses. Nakakasigurado akong si Noreen iyon.

"Ehem, noted baby. Anyways, days are fast approaching! Are you all excited?! Coz surely, I am! Monday next week na ang pinakahihintay nating Joint Foundation Event with our sister school N-I-A! Northern Integrated Academy! There will be a lot of boys, bOyS & BOYS so set aside the girls, remove Charles Ramirez from your lists & dismiss Aldred Cuzon from your minds because somebody already OWNS THEM!"

"Hi, Arianne."

I rolled my eyes.

"Woy!"

Rinig namin ang pagsuway ni Mishelen aka Kawaii Misshii kay Noreen.

"Speaking of Miss Arianne our front act for today is also one of our school's most sought girl. Allured with confidence, grace & elegance... Let us welcome the very hot and cold Miss Natalie Reinhartd!" pagpapakilala ni Mishelen kasabay ang nagpapalakpakang sound effects. Sa tingin ko nga ay hindi na iyon kailangan dahil noong banggitin pa lamang ang intro ay nauna ng maghiyawan ang fans ni Natalie sa paligid.

"Woo Nat! Woo Woo Nat!"

Napailing na lamang ako. Ewan ba't mukhang si Noreen ang uupo ngayon sa tabi ni Mishelen.

"Shh! Aren't you being too noisy? Just so you know, I will play a piano piece here."

Napahagikgik ako nang marinig ko si Natalie.

Halos lahat kami ay natigil muna sa mga ginagawa namin noong magsimula ng tumugtog si Natalie. She's playing Erik Satie's Gymnopedie No. 1 at habang pinapakinggan ko iyon ay tunay ngang napapawi ang pagod ko at the same time ay napapaisip ako.

Isang linggo na rin ang nakakalipas matapos ang deal nila ni Pristine at isang linggo na rin na hindi niya ako pinapansin. We passed each other at the hallway, stairs, canteen, etc. pero ni hindi niya man lang ako nililingon.

Naguguluhan tuloy ako. Ganoon na lamang ba 'yon? After 1 week naming magkasama ay pagkatapos galit uli siya sa akin?

Isang linggo na ring absent si Pristine at walang nasasabi kung bakit hindi siya pumapasok. Hindi pa nga namin siya nakakausap ni Bianca ukol sa pagkawala niya noong Sabado dahil hindi pa rin namin siya ma-contact man lang kahit sa cellphone. Nalaman lang namin na ayos ang kalagayan niya at umuwi siya noong linggo dahil kay Miss Irene na naghatid kay Natalie noong lunes.

Masyadong busy ang mga nakalipas na araw. Gaya ng sabi ni Mishelen ay next week na ang Joint Foundation Event kaya't ngayong week ay aligaga kami para sa paghahanda dito.

"Hey guys, break muna tayo."

Napalingon ako sa may entrance ng auditorium at nakita ko si Eunice kasama si Charlotte na may dalang mga snacks. Dahil wala si Pristine ay si Eunice bilang bise president ng student council ang naging punong abala sa lahat. Sumunod ako sa mga naglapitan sa kanila para kumuha ng juice at biscuits.

Dahil sa ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng Joint Foundation event ay napagkasunduan na one-week itong gaganapin. Iyong daanan na nilalakad ko papasok simula NIA patungong SNGS ay mapupuno ng mga booths ng parehong paaralan. Magiging open din ang parehong school grounds ng NIA at SNGS para sa isa't-isa, sa mga outsiders at ibang schools.

"Guys ask ko lang kung may mga kakilala pa kayong mga banda? Sayang kasi minsan lang 'to and paid naman yung magiging performance nila, pandagdag lang sa set of performing bands natin."

Nagbulungan ang lahat habang ako naman ay nagko-contemplate kung magtataas ako ng kamay para magbigay ng suhestyon. Matapos ang saglit na pag-iisip ay napagisipan kong lamunin na lamang ang hiya ko.

"Uhmm, I'll try to invite the Stray Catz..." mahina kong sabi na ikinatahimik ng lahat.

Yumuko ako dahil sa hiya pero nagulat ako nang biglang maghiyawan ang lahat.

"OH, MY GAWD! REALLY?!" reaksyon ng katabi ko kasabay ang pagyugyog sa balikat ko. Nagsimulang magtumpukan sa paligid ko lahat ng nasa loob ng auditorium.

"SHOOKS! Please Miss Arianne! Please invite them," sabi naman ng isa.

"Dude! That will be the best thing ever!" rinig ko.

Nagsisimula na akong hindi makahinga ng maayos dahil sa mga mata at atensyon na natatanggap ko. Gusto kong kumawala sa paligid nila pero hindi ako makaalis dahil sa dami nila. Feeling ko nga ay mahihimatay na ako hanggang sa marinig ko ang boses ni Eunice.

"Shh, quiet guys... let Arianne explain her suggestion,"

Nagbalikan yung mga dumumog sa akin sa kanilang mga pwesto.

Ang Stray Catz ang pinakasikat na banda dito sa General City. They made their names on National TV but they decided to keep their profile low. They do gigs in some random bars and restos without further notice to their fans. Swertihan baga kung mapanuod mo sila ng live. Stray Catz is composed of five members but their identities are concealed because of the cat masks that they're wearing.

"How?" tanong ni Eunice.

"I have a contact with one of them," tugon ko na nagpa-wow sa iba.

Yep, that's right, kilala ko in person yung isa sa kanila, yung main vocalist specifically.

Tumango si Eunice pagkatapos marinig ang tugon ko. Lumingon siya sa paligid.

"How about the others?" tanong niya ngunit wala ng sumagot pa, "Okay, so I'll leave it to Arianne. I hope you can invite them. Since mukhang sila lang yung madadagdag, pakisabi na we will make their TFs triple kung hindi lang isang song yung kakantahin nila," nakangiting sabi niya sa akin.

Naghiyawan naman ang iba kong mga ka-schoolmate hanggang sa maagaw ang atensyon nila ng isang sophomore student na lumapit kay Eunice at bumulong.

"Miss Arianne may naghihintay na po sa inyo sa school gate," tawag sa akin ng sophomore student, si Doreen, ang nakababatang kapatid ni Noreen. Nataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Bakit daw ang tagal mo po tanong ni Kuya Aldred?" dugtong niya na narinig ng lahat.

Naramdaman ko ka agad ang biglaang pag-init ng mukha ko nang mag-shift sa akin ang kaninang pagsigawan at pagtilian ng mga ka-schoolmate ko.

"AYIEEEEE!"

Bwiset.

Tinignan ko sila ng masama na agad nagpatahimik sa kanila.

"Walanghiya talaga yung lalaking 'yon, pwede niya naman akong i-text ah!" Inis na sabi ko sa sarili ko pero naalala ko na wala nga pala kaming number ng isa't isa…

No! Pwede niya rin naman akong i-message sa fb!

"Hindi ko siya boyfriend," I clarified.

Pumunta ako sa mga gamit ko para kunin na ito. Still, nananatiling tahimik ang buong auditorium at lahat ng mata nila'y nararamdaman kong nakatitig sa akin. Nako-concious na ako pero pinanatili ko ang malamig na aura ko para tigilan nila ako.

Lumapit ako kay Eunice para magpaalam at "Okay and thank you" ang tugon niya.

I smiled at her. Eunice and I were not friends; she irritates me sometimes, but I don't consider her a sort of enemy or bully. Hindi lang talaga kami close and siguro, we're not really suitable to become friends.

Palabas na sana ako ng auditorium noong mapahinto ako dahil sa tanong ni Charlotte.

"Kung hindi ka niya girlfriend then bakit ka niya laging hinahatid at sinusundo?" Nakangusong tanong niya na tila ba nang iintriga. Napangiwi ako dahil napapantig niya ang tenga ko.

"We are living in the same house kaya nagsasabay na kami umuwi," I answered straight and confident. Napaikot ang mga mata ko sa paligid nang mapansin ko ang biglang pagbabago ng reaksyon ng mga tao. Nakanganga lahat sila na tila bang gulat sa kanilang narinig.

"What? You mean you—" Tumuro sa akin si Eunice, "and Aldred—" Tumuro siya sa direksyon patungong gate, "were living in the same house?" tanong niya habang kinukumpas ang mga kamay niya na pakorteng bahay.

Nagtataka naman akong tumango, "Yes..." I said at biglang parang umihip ang hangin sa paligid nang matahimik si Eunice at Charlotte pati na rin ang iba pa.

Napaatras ako.

"As in you leave under the same roof?!" Eunice and Charlotte exclaimed in sync.

Nang itanong nila 'yon sa akin ay napalingon ako sa lahat bago ko ma-realize kung ano ang mga nasabi ko at bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon nila.

Naalala ko na bukod sa amin nila Pristine, Bianca at Natalie ay wala ng nakakaalam pa na kina Aldred na ako nakikitira.

Pero hindi ba obvious? Palagi niya kaya akong hatid sundo!

Ilang akong tumango kina Eunice at Charlotte bago ako marahang umatras. One, two mga tatlong steps bago sila nagsigawan na mabilis kong tinakbuhan.

"KYAAAAAAAAAAH!" Rinig ko pagkatakbo. Hindi ko na nga ginawang lumingon pa sa pinanggalingan ko.

ALDRED'S POV

Masyadong busy ang lahat ngayon dahil sa nalalapit na Joint Foundation Event. Magdidilim na noong tumawag ako kay Mama at napag-alaman kong hindi pa pala nakakauwi si Arianne. Pumunta ako sa school nila para sunduin siya. Dahil sa wala akong number niya ay ni-message ko na lang siya sa messenger pero mukhang hindi siya online.

"Ano, bata!" tawag ko nang may makita akong estudyante na dumaan. Lumingon siya sa akin at napansin ko ang biglang pagpula ng kaniyang mga pisngi. Walang anu-ano nama'y lumabas siya ng gate para lumapit sa akin.

"Bakit po Kuya Aldred?" tanong ng bata na para bang nahihiya pa.

"Anong year mo na?"

"1st year po."

"I see, kilala mo ba si Arianne Fernandez?" tanong ko uli.

Ngumisi siya.

"Walang hindi nakakakilala sa kaniya dito kuya. Siya kaya ang secret campus crush ng lahat," ani nito na ikinamangha ko..

Napangisi ako.

"Ano bata pwede mo bang tawagin na siya? Sabihin mo uuwi na kami. Ang tagal niya kasi eh, naiinip na ako mag-abang," pakiusap ko.

"Ayoko."

Nagulat ako sa kaniyang mabilis na tugon.

"Ha? Bakit?" mangha kong tanong.

"I'm a fan of you Kuya Aldred but I'm also a fan of Ate Arianne. Like she is everything to me... she's my inspiration every day, the main reason why pumapasok ako ng school. Then one day mababalitaan ko na lang that you're already her boyfriend, tss," paliwanag niya. Para bang napalitan ng pagka-aburido ang kaninang nahihiya niyang kilos.

Eh?

"O—Okay, I'm sorry..."

Shit! Hindi ko alam kung bakit ako nag-sorry!

"Pero hindi pa naman ako boyfriend ni Arianne," katwiran ko na nagpakwestyon sa kaniyang mukha, "Nililigawan ko pa lang siya, okay?"

Napa "Ah..." siya kasabay ang ilang pagtango bago tumitig sa akin. Nailang tuloy ako.

"Pero dapat di ba maging masaya ka pag naging kami na kasi ayaw mo no'n? Iyong parehas mong crush magkakatuluyan."

Parang napaisip saglit yung estudyante bago nangiti.

"Oo nga no," aniya kasabay ang paghagikgik.

"Yeah, kaya dapat tulungan mo ako. Promise 'pag naging kaming dalawa bibigyan kita ng exclusive picture namin with matching autograph pa. Kaya sige na tawagin mo na siya para sakin este satin pala."

"Promise mo yan Kuya Aldred ah?"

Tumango ako bilang tugon, "Oo naman! Ako pa,"

Nagmadaling kumilos patungo kay Arianne iyong estudyante. Bago pa siya makaalis ay tinawag ko muna siya.

"Oy, ano pala pangalan mo?"

Lumingon siya sa akin at sumagot, "Doreen po!"

Tuluyan ng nagdilim ang paligid. Sumandal ako sa pader ng school gate ng SNGS at napatingala sa langit. Constellation Orion, bright star Canopus and Sirius... bibilangin ko pa sana ang mga bituin nang biglang may humaltak sa akin at hilahin ako.

"My star!"

Saglit na lumingon si Arianne sa akin habang tumatakbo haltak-haltak ako. Napatingin ako sa kamay niya na nakalapat sa aking palad. Hinigpitan ko ang kapit at muli ay naramdaman ko nanaman ang napakalambot niyang kamay.

Nang medyo makalayo na kami sa SNGS ay bigla siyang tumigil sa isang waiting shed. Humahangos siya ng matindi at napansin ko ang butil ng pawis sa kaniyang noo. Agad kong dinukot ang aking panyo sa chest pocket ng aking uniform at dinampi iyon sa pawis niya.

"What— tss," sambit niya. Namula ang kaniyang pisngi pero di naman niya ako pinigilan.

"Anyare?" tanong ko. Tinitigan niya ako ng masama bago binaling sa iba ang kaniyang paningin.

"Wala," May pagkaaburido niyang sagot, "Kanina ka pa ba nandoon?"

Tumango ako.

"Ni-message kita sa messenger pero mukhang hindi mo pa nababasa."

She bit her inner cheek bago nilahad ang kamay niya sa akin.

"Akin na iyong cellphone mo," utos niya na ipinagtaka ko pero madali ko rin naman inabot ang hinihingi niya.

"Tsk, password?"

"0119" tugon ko. Pansin kong napatigil siya sa pag-tap. Tinitigan niya ako ng masama at nginitian ko naman siya. I used her birthday as my password kasi. Nagpipipindot-pindot siya sa aking CP bago ibalik ito sa akin.

"Inilagay ko yung number ko. Nilagay ko 'yan hindi para istorbohin mo ako kaya umayos ka. Ti-text o tatawagan mo lang ako kapag importateng bagay yung sasabihin mo. Maliwanag?"

Tumango ako saka nilahad ko rin ang aking kamay. She blew a breath then suddenly we heard her phone ring. Tumawag siya sa cellphone niya gamit ang phone ko.

"That's it," saad ni Arianne, "Pero dapat di mo na ako sinundo, may pupuntahan pa kasi ako e..."

"Pero gabi na, saan ka naman pupunta?"

Lumingon siya sa paparating na jeep, "Sa Central, sa may Tipsies may kakausapin lang ako."

Nagulat ako sa aking narinig, "Sa Tipsies? Pero bar iyon di ba? Ba—Bakit? Huwag na, gabi na."

Lumingon si Arianne sa akin at siningkitan ako ng tingin. Nipara niya ang jeep na paparating.

"Nagpaalam na ako sa mama mo, ikaw umuwi ka na baka mag-alala siya sayo," saad ni Arianne bago siya sumampa sa jeep. Hindi ko naman kayang hayaan na umalis siya ng mag-isa lalo't gabi na at sa isang bar pa siya pupunta. Sumunod ako sa kaniya at sumakay din pero heaven knows how embarrassing kung anong kinahinatnan ko.

"Okay lang boy 'wag ka na magbayad," sabi ng manong driver sabay tawa. Napansin ko rin ang pagtawa ng iba pang mga pasahero. Napalingon naman ako kay Arianne at nakita ko ang pag-usli ng kaniyang labi. Tila ba nagpipigil rin siya sa pagtawa.

Hindi ko kasi napansing puno na pala ang jeep kaya't eto ako ngayon at naka-squat sa may gitna sa tapat ni Arianne.

♦♦♦

"Sabi ko kasi sayo 'wag ka na sumama," sabi ni Arianne noong bumaba na kami. Tinawatawanan niya ako habang naghihirap ako sa namamanhid kong mga binti.

"Aww!" napahiyaw ako ng bigla niyang tampalin ang kaliwa kong binti. Maiinis sana ako sa kaniya pero kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mga mata kaya pinalampas ko na.

How sadist this girl is...

Napangiti ako.

Naglakad kami patungo sa street kung saan nagkalat ang mga restobar. Mga ilang apak ay tumigil kami sa tapat ng isang istraktura na walang ibang disenyo kundi ang papatay-patay na ilaw na logo ng Tipsies.

Lumapit si Arianne sa isang bouncer at ipinakita ang I.D. niya. Matapos itong i-scan ay saka niya pinapasok si Arianne. Lumingon naman sa akin ang bouncer at si Arianne.

Ngiwi kong dinukot ang aking I.D. at mas ngiwi ko itong inabot sa bouncer. Habang tinitignan niya ito ay biglang nagtaas ang kilay niya't tinignan ako ng masama bago ibato ito pabalik sa akin.

"SHOOO!" pagtaboy niya na ipinagtaka ni Arianne kaya't lumapit siya.

"Ba—Bakit po?" tanong ni Arianne sa bouncer.

"Wala kaming gatas dito Miss!"

Binaling sa akin ni Arianne ang kaniyang tingin sabay kuha ng aking I.D.

"Magsi-sixteen na naman ako sa September e," katwiran ko sa kaniya na nakaani ng uyam.

"Kapatid mo ba 'yan Miss? Mapapagalitan ka ng nanay niyo sa ginagawa mo e... Eighteen years old and above lang ang pinapapasok namin dito kaya hayaan mo muna boy si ate mo ah. Doon sa convenience store my gatas."

Bumuntong hininga si Arianne.

"Doon ka muna sa convenience store. Saglit lang ako kaya huwag ka aalis doon," sabi niya saka naglakad na papasok.

"Pero sino ba kasing imi-meet mo dyan?"

Siningkitan niya ako ng tingin, "Bakit ba tanong ka ng tanong?" inis niyang reaksyon.

"Oo nga boy, dapat di ka na nagtatanong. Isa lang naman ang pupuntahan ni ate mo dito... e di syempre yung boyfriend niya!" saad ng bouncer sabay halakhak.

"Bo-Boyfriend? May boyfriend ka na Arianne? Paano naman ako?" nag-aalala kong tanong dahil sa sinabi ng bouncer. Napansin ko naman ang paglaki ng mata ng bouncer pero mas naagaw ang atensyon ko noong pumadyak si Arianne at gigil na napadaop palad.

"Wala akong boyfriend!" inis niyang sabi sabay pasok sa loob.

Napaluwag ako ng hininga.

"Hindi mo siya ate?" napalingon ako sa bouncer.

"Hindi po, obvious naman kaya. Tinignan mo po di ba yung I.D. namin? Manliligaw niya po kaya ako," masungit na tugon ko na hinalakhakan ng matindi ng bouncer.

♦♦♦