Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 46 - CHAPTER 36.5 – Ear Candy

Chapter 46 - CHAPTER 36.5 – Ear Candy

 

V3. CHAPTER 2.5 – Ear Candy

NO ONE'S POV

"Is it okay? You're paying me kahit na wala namang kwenta yung mga infos ko," pahayag ni Noreen. Kaka-off air lamang ng radio club nang may tumawag sa kanya. Pumunta siya sa isang silid na walang tao at patay ang ilaw. Doon ay sinagot niya ang tawag.

"Paano mo naman nasabing walang kwenta? Because of you nalaman ko na she's still into cosplay, she's eating well, her time of dismissal, kung pauwi na ba siya and most of all that she's not seeing anyone."

"Owwkay... hey, hindi naman sa pang-aano a pero are you a crook? She's your step-sister pero daig mo pa yung nanay o tatay slash boyfriend slash POSSESSIVE boyfriend kung ipa-stalk mo siya sa akin."

Napahalakhak bigla ang nasa kabilang linya – si Jerome. Nasa may school gate siya ng SNGS at nakasandal sa may pader.

"I just want to know her well-being. Correction, I'm not a possessive boyfriend, I'm just a protective brother. She's my only sister after all."

Napangisi si Noreen at napailing. Narinig niya ang pag-click ng doorknob kaya't napalingon siya sa pinto ng silid.

"Well, whatever. Sabi mo e, sorry for asking my friend, naku-curious lang si ako. Anyway, I don't want to meddle with my client's affairs. Thank you for appreciating my job."

Bumukas ang pinto at pumasok ang pigura ng isang estudyante. Nakapameywang itong humarap kay Noreen at nag tap-tap ng sapatos.

"Thank you rin."

Parehong ibinaba na ng dalawa ang tawag.

"What kind of job is it again, Ate?" Nakasingkit ang mata na tanong ni Doreen. Napangisi si Noreen nang mag-ilumina ang liwanag sa labas at makita niya ang bore na ekspresyon ng kapatid.

"What do you think? Hand job or blow job?" Natatawa niyang balik na ikinakislot naman ng kilay ng kaniyang kapatid. Napatabingi ang ulo ni Doreen at nagkunot ang kaniyang noo dahil sa pag-iisip. Nangengwestyon siyang tumitig sa kaniyang ate.

"Argh, too innocent. You're no fun Doreen alam mo ba 'yon... 'lika na nga umuwi na tayo," saad ni Noreen bago umalis sa kaniyang kinatatayuan.

Napakamot si Doreen sa kaniyang ulo dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kaniyang ate. Nakanguso siyang sumunod sa kaniyang kapatid ng lumabas ito ng silid.

♦♦♦

"What are you doing here?" tanong ni Bianca nang makita si Jerome na nakasandal sa pader ng school gate ng SNGS. Kakababa lamang noon ni Jerome ng kaniyang cellphone kaya't medyo nagulat siya nang marinig ang boses ng kapatid.

Napatingin si Jerome sa paligid ni Bianca bago nag-react.

"Alone?"

Bumuntong hininga si Bianca.

"Yeah, Pristine still didn't attend classes meanwhile Arianne... they said she flew off nang malaman niya na sinundo siya ni, Aldred."

"Really?" nakangiting tanong ni Jerome, "Do you think she's starting to fall over?"

Umalis siya sa pagkakasandal saka dumiretso ng tayo.

"Nope, she's not the kind of girl who will fall in love immediately," sagot ni Bianca bago matalas na tinignan si Jerome, "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Ano ngang ginagawa mo dito?"

"Are you not tired of asking me the same question every day?" nakangiting tanong ni Jerome bago lumapit kay Bianca, "Sinusundo kita," tugon niya.

Napakunot ng kilay si Bianca, "Paano mo nalaman na nandito pa ako?" tanong niya.

Saglit na tinitigan ni Jerome si Bianca bago siya ngumiti.

"Gut feeling,"

Sumingkit ang tingin ni Bianca sa kapatid. Humagikgik si Jerome bago nagsimula siyang maglakad. Naunang sumunod ang tingin ni Bianca kay Jerome bago gumalaw ang mga paa niya.

"As if maniniwala naman ako," bulong ni Bianca na narinig ni Jerome.

Nagsimula na silang maglakad. Noong una ay nag-suggest si Jerome na sumakay na lamang pero hindi sumangayon si Bianca. Alas otso na at medyo late na rin pero nang mapansin ni Jerome na marami pa namang tao sa kanilang lalakaran ay pumayag na siya.

Walang imikan ang nagaganap habang sila'y naglalakad. Malaki ang distansya sa pagitan nila pero sapat pa rin iyon para masabi na sila'y magkasama. Napansin ni Jerome ang pagtingala ni Bianca sa langit habang kaya't napatingala rin siya.

Parang pininta ang buwan at mga bituin nang gabing iyon. Full moon at napakalaki nito. Napakaliwanag na para bang sapat na itong maging ilaw sa magdamag na gabi. Hindi rin mabilang ang butil ng maliliit na liwanag na para bang ikinalat sa kalangitan. Ilang pigura ang pwede mong mabuo at kung maaari nga lang na mag-imbento ng sariling constellations ay baka nakagawa na sila.

"Wow," tanging nasambit ni Jerome habang namamanghang nakatingala sa langit.

Tumango naman si Bianca at napatulala sa kasama niya. Masinsinan niyang tinignan si Jerome na hindi niya na nga napansin kung paano siya tumitig. Yung mga mata, pilikmata, kilay, ilong, yung labi at jawline. Tinignan niya ito nang maigi na tipong balak niya itong iukit sa utak niya para iguhit kung sakaling marunong lang sana siya.

"Maganda..." nasambit ni Bianca habang nakatingin sa kapatid. Napalingon naman si Jerome sa kaniya dahil sa narinig.

Naabutan ni Jerome ang malungkot at parang may pagsisisi na ekspresyon ni Bianca bago ito mag-iwas ng tingin.

"Honestly, I never really liked the night sky. It brings back memories... It reminds me that the day ended and all I can do is dream," pahayag ni Jerome habang nakatingin kay Bianca. Pareho sila ay natigil sa paglalakad.

"How dramatic..." ngumuso si Bianca sabay ngisi. Natawa naman si Jerome sa reaksyon niya.

"I once read a tale about the romance of the sun and the moon, fascinating, beautiful yet sad... pero alam mo ba kung anong kwento ang mas nakakalungkot para sa akin? It is the romance between the star and his moon," kwento ni Jerome na ikinataas ng kilay ni Bianca.

"Not familiar with it," sambit ni Bianca nagpatuloy maglakad. Sumunod naman si Jerome.

"Everyone was fascinated by how the romance of the sun and moon worked, yet no one ever asked about the star's feelings. The star loves the moon, but all he can do is look. Eventhough they are in the same picture, the star knows that he can never be bound to her. He sees the moon but can never hold her. They will always be beside each other but will never experience the eclipse of love," napatigil si Bianca saka napalingon kay Jerome.

Nagtagpo ang mga mata ng dalawa at agad nakita ni Bianca ang kalungkutan sa mga mata ni Jerome. Kalungkutan na maihahalintulad sa kaniyang kinikwento. Parte ng isip ni Bianca ay gusto pang marinig ang kwentong alam niyang sariling katha ng kaniyang kapatid pero ang isang parte naman nito ay nagsasabing tumigil na.

Pinili niyang itigil ang pakikinig pero hindi naman siya bingi para hindi marinig ang sumunod na sinabi ni Jerome.

"There will come a time when the moon finds her sun. She will be a celebrant of love, while the star remains but a witness to her joy. The moon will smile because of the sun, cry because of the sun, become angry and shy, and the star will witness it all. Though it will deeply hurt the star to only watch, he will choose to stay because that is the true meaning of his love."  pagtatapos ni Jerome.

Nakatulala si Bianca kay Jerome. Saglit ang lumipas bago siya umiwas ng tingin. Iyon ay noong maramdaman niya ang tila pagngilid ng tubig sa kaniyang mata.

"B-But what if..."

Nais pigilan ni Bianca ang pagtulo ng kaniyang luha pero hindi na niya iyon nagawa pa ng bumuhos na ang kaniyang emosyon.

"But what if the Moon is also inlove with the Star? Wala na ba talagang ibang paraan para magkasama sila?"

Lumingon si Bianca diretso kay Jerome. Nang makita ni Jerome ang naging reaksyon ni Bianca ay agad niyang binura lahat ng ekspresyon na nagsisimulang mabuo sa mukha niya. Tumuloy siyang maglakad bago sumagot.

"Wala," malamig at malungkot niyang tugon nang hindi lumilingon kay Bianca.

ARIANNE'S POV

Hinanap ko ka agad si Aldred pagkaalis ko sa Tipsies. Dumiretso ako sa may Mini Stop at nakita ko siyang nakaupo at kumakain. Busy siyang nakatingin sa kaniyang cellphone.

I didn't go immediately inside and just scrutinized him from the outside. Aldred still has his finesse while munching his kariman. He is handsome, making all the girls inside stare at him.

Aldred is so tall compared to the others, kaya hindi ko inakala na gano'n pa lang pala siya kabata. Siguro kaya gano'n rin siya mag-isip at ganoon na lamang kadali sa kaniya sabihin ang mga bagay-bagay.

Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi niya.

"A—Arianne!" he exclaimed. Nangiti naman ako nang makita ang gulat niyang mukha,

"How was it? Ano bang ginawa mo? Bakit ang tagal mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hey, I just stayed there for about 10 minutes," depensa ko before I snatched his chillz and sipped it. Aldred looked at me with his bewildered black eyes. I giggled at his reaction. Binalik ko sa kaniya ang inumin. Pansin ko naman ang hindi maalis na mata niya sa straw nito.

"Are you trying to flirt with me?" tanong niya na biglang ikinainit ng tenga ko. Tinignan ko siya ng masama pero tumawa lang siya. Kinuha niya ang inumin niya before suggestively look at me and drink.

I rolled my eyes.

"Indirect kiss," humagikgik si Aldred. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko ba ininuman ang inumin niya.

His reaction is cute though…

"Kinausap ko lang yung isang member ng Stray Catz. I am inviting them to join our school's set of bands for the upcoming event e."

Napansin ko ang biglaang paglaki ng mga mata ni Aldred pagkasalita ko.

"Stray Catz?! You know them personally?!" mangha niyang tanong.

Tumango ako.

"For real?! Arianne! I'm a big fan of them!" he exclaimed while shaking his hands.

Dahil sa reaksyon niya ay natuon lalo sa amin ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng convenience store.

Agad akong lumabas ng Mini Stop.

"Hey Arianne, I'm sorry! I was just surprised and happy. Fan kasi talaga ako ng Stray Catz. Ang galing kasi nila and ang ganda at lamig ng boses ng main vocalist nila," paliwanag ni Aldred habang humahabol sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Arianne, pwede mo ba akong ipakilala sa kanila? Just for my birthday please."

Tumigil ako at pumihit paharap sa kaniya.

"Please, please," he pleaded, hands clasped together. I giggled inside while looking at him. He really is still a child.

I let out a sigh before smirking at him, "I'm sorry but I can't do that."

Bigla siyang nagnguso at tinignan ako ng masama. Mabilis siyang naglakad at iniwan ako.

Aba'y loko 'to ah...

"Hey!" I called him. Lumingon naman si Aldred sa akin. Lumapit ako sa kaniya.

"Ang damot mo Arianne," he mumbled.

Napahugot ako ng hininga.

"Hindi nga pwede," I said.

"Hmmp! Sige, okay. Kung hindi pwede e di 'wag," pagtataray niya. Gusto ko sana siyang tadyakan pero mabuti na rin lang ay hindi niya na pinilit pa ang gusto niya.

Tahimik kaming naglalakad patungo sa sakayan nang biglang mapataas ang kilay ko sa sumunod niyang sinabi.

"Eh kung i-date mo na lang kaya ako sa birthday ko?"

Napatigil ako at nilingon ko siya ng masama.

"Pakialam ko ba sa birthday mo a? Close ba tayo kung makapag-demand ka?"

Nakita ko ang agarang pagbagsak ng mukha ni Aldred matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon. Natahimik siya at hindi na nagsalita pa hanggang sa makauwi kami ng bahay. Aaminin ko na na-guilty ako sa naging tono, dahilan at katwiran ko sa kaniya. Inulit ko sa sarili ko ang mga sinabi ko. Nahiya ako sa inasal ko. Kahit pa nakakairita siya ay hindi ko dapat siya kinausap ng ganoon.

Pagkapasok ng bahay ay sinalubong kami ni Tita Cecil. Wala siyang naging tanong at inaya lamang kaming dalawa ni Aldred na kumain ng hapunan. Tapos na raw kumain si Tita at Monique kaya't kami ni Aldred ang tumuloy sa hapag.

Hindi ako pinapansin ni Aldred. Ni sulyap niya ay hindi tumatama sa direksyon ko. Kung tutuusin ay okay lang dapat iyon sa akin dahil wala naman akong pake sa kaniya pero hindi ko maiwasang ma-bother lalo pa't sa isip-isip ko ay nasaktan ko siya. Ayoko sa lahat ay makapanakit ng tao.

Napatingin ako kay Tita Cecil na nasa may kitchen counter at nagpupunas ng mga baso. Pumasok sa isip ko kung nakausap na ba niya talaga si Mama ukol sa nangyari sa amin ni Aldred. Simula kasi ng malaman ni Tita Cecil ang ginawa ng anak niya ay hindi ko pa nakakausap si Mama ng verbal. Lagi siyang busy at tini-text niya lamang ako kaya hindi ko siya matanong. Ayaw ko rin namang tanungin siya.

Simula rin noon ay wala nang sinabi pa si Tita Cecil. Ewan ko kung kinausap niyang muli si Aldred pero dahil sa nangungulit pa ito sa akin ay sa malamang hindi na.

♦♦♦

ARIANNE: Hey...

I message Aldred pagkahigang pagkahiga ko. It's already past 9 pm and I wonder if he is already asleep.

Kung hindi niya man mabasa ngayon, mababasa niya naman 'to bukas.

ALDRED: Arianne, bakit? 🙄 Open mo na lang pala messenger mo. Piso lang kasi 'tong load ko. Doon ka na lang mag-reply.

Kainis!

Nabwiset ako sa reply niya kaya ayokong sundin ang gusto niya. Tinawagan ko siya.

"A-Arianne?!" Gulat na boses ni Aldred ang bumungad sa akin. "Arianne, napatawag ka? Sabi ko sa messenger na lang tayo mag-usap."

Hindi ako nakasagot kaagad.

"Arianne?" sambit niya at ewan ko kung bakit hindi ako makatugon agad.

"Arianne?" sabi niya uli at napatikhim na lang ako.

Aldred's voice is really something. Minsan parang bata minsan matured depende sa sitwasyon. He's just 15 pero sa tuwing sumiseryoso ang tono niya ay ganoon din nagma-matured yung boses niya.. Tipong magli-linger sa tenga mo.

"I just want to say sorry," agad kong sinabi nang matauhan ako. Napatalukbong pa ako sa kumot dahil sa hiya kahit ako lang naman ang tao sa kwarto ko.

"It's just okay. It's my fault. I'm— I was too demanding. Nakalimutan ko kasi na hindi nga pala tayo friends."

Sa ikalawang pagkakataon ay napatikhim muli ako nang marinig ko ang huli niyang pangungusap.

May pagka-sarcastic ang naging tono ni Aldred kaya pinili ko munang makiramdam. Wala naman na talaga dapat akong sasabihin pa at plano ko sanang pagkatapos mag-sorry ay ibababa ko na kagad ang tawag pero hindi ko ito magawa.

"Arianne?" Aldred called now with his childlike voice. I felt the hint of worriedness in his tone.

"Aldred," I replied out of nowhere. Para kaming tangang dalawa dahil sa paulit-ulit na tawagan namin ng pangalan.

Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya na di ko mawari kung saan nagmula.

"Arianne, mas sexy pala yung boses mo 'pag napapakinggan sa phone," sabi niya sabay hagikgik. Kung kaya ko lang sana siyang suntukin ngayon ay baka nagawa ko na.

"Siraulo," nasambit ko na lamang. Umayos ako ng higa at umalis ako sa pagkakatalukbong dahil feeling ko ay hindi ako makahinga sa nakakairitang usapan namin ni Aldred.

"Arianne."

Napasingkit ako ng mata nang marinig ko nanaman ang pangalan ko.

"What?" walang gana kong tanong. Tumagilid ako ng pagkakahiga at napayakap sa isang unan.

"I love you," he said.

Mahina at parang bulong lang ang pagkakasabi pero parang mas naging dahilan ito para makasuot sa sistema ko ang nais niyang iparating. Muli ay napatalukbong ako ng kumot kahit na parang naging mainit ang atmosphere sa paligid.

"B—Bwiset!" sambit ko sabay baba ng cellphone.

♦♦♦