Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 50 - CHAPTER 39 – Spring Waltz

Chapter 50 - CHAPTER 39 – Spring Waltz

CHAPTER 5 – Spring Waltz

NO ONE'S POV

"Daddy! Saan ka po pupunta? Aalis ka po ba? Hindi mo po ba ako isasama?"

Lumingon lamang ang lalaki sa batang nagtanong sa kaniya.

"Ate, sasama ka ba kay Daddy? Paano ako? Ayoko kay Mommy! Sabi mo lagi tayong magkasama! Sinungaling ka! I hate you! I hate you!"

Napabalikwas si Natalie dahil sa panaginip na iyon. Umiling siya bago tumingin sa kabilang kama ngunit wala pa rin ang nagmamay-ari nito. Nasa Japan kasi si Pristine para sa isang importanteng meeting.

Alas-singko ng umaga at unti-unti nang naglalaho ang buwan sa kalangitan noong silipin ito ni Natalie sa may bintana. Isang linggo bago ang JFE Event. Kakagising niya pa lamang ngunit imbis na pag-hikab ay buntong hininga ang napawalan niya. Saglit ay kinuha niya ang kaniyang bathrobe saka tumungo sa banyo para maligo.

"Is this what I'm supposed to receive for being so important, Ate?" Iyon ang tanong ni Pristine habang bumubuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Napakagat si Natalie sa kaniyang labi bago pihitin ang shower valve. Bumuhos muna ang malamig nitong tubig na nagpagising sa kaniyang katawan bago ang nakakapasong init na nagpagising naman sa diwa niya.

Napakuyom siya ng palad.

Matagal ng panahon ang lumipas at sa bawat panahong iyon na nagdaan ay katumbas naman ang pagpapa-alala sa kaniya kung gaano siya naging makasarili.

"Promise hindi ka iiwan ni Ate. We are twins, magkasama tayong pinanganak kaya pinapangako ko na magiging magkasama rin tayo palagi..."

"Bullshit," sambit ni Natalie. Kahit kailan ay hindi niya malilimutan ang pinangako at siya ring sinira niya.

"What did she expect? I was just a kid back then... I'm sorry, I'm a coward..." saad niya sa sarili. Sumabay ang kaniyang luha sa daloy ng tubig mula sa shower.

It was supposed to be Natalie Vicereal and Pristine Reinhart but because of her "selfishness", everything changed. The Vicereal household has a tradition of having only a single child. Unexpectedly, the previous heiress gave birth to twins, Natalie and Pristine. Natalie, being the firstborn, was designated to carry the name of the family while Pristine, by tradition, will not be considered a Vicereal.

Natalie grew up with the responsibility of being the Vicereal family heiress. Her time is occupied by studying different lessons and not by experiencing what a normal child should do. Tired of her daily routine, only her beloved sister's smile is enough to lift her burden.

Meanwhile, Pristine, though stripped of her family name, was given everything she needed and wanted. She lived what you can call a somewhat normal life. She is entitled to do whatever she wants. She lived with her father only visiting Natalie in the mansion every weekend to play with her.

"Sabi mo magiging magkasama tayo lagi..."

Kahit kailan ay hindi makakalimutan ni Natalie ang paghagulgol ng batang si Pristine habang humahabol ito sa kanila.

Hindi alam ni Natalie kung anong nangyari. Basta na lamang siyang sinabihan ng kanilang ama na aalis ito at isasama siya. Nagtaka naman siya kung bakit siya at hindi si Pristine pero hindi ito naka-ani ng sagot. Nagdadalawang-isip man noong una ay tinanggap niya ito dahil na rin sa pag-iisip na maaari na siyang makawala sa parang payaso na buhay. Inisip niya ang sarili niya. Inisip niya ang mga maaaring magawa pa niya kung tuluyan na siyang makakawala sa sinulid na nagtatali sa kaniya.

"I know I'm selfish and I'm sorry for being one... I didn't know that my selfishness will bring you here."

Makalipas ang ilang taon ay muling nagbalik si Natalie sa Pilipinas. She was not dumb to not expect everything would change. She was stripped of her family name. She was press released as a relative who lost both of her parents in an accident. She expected all of this but what she didn't expect was the change in her sister. Of course, she knew that her sister would change but Pristine became so different she was like an entirely different person. She grew up hating not just their mother but also Natalie and their father.

Wala naman talagang intensyon si Natalie na awayin si Pristine. Sa totoo nga lamang ay sinasakyan niya lang ang pang-aaway nito dahil para sa kaniya ay doon niya lamang nararamdaman na nage-exist pa rin siya sa buhay ng kapatid niya. Iyon ang kaniyang pampalubag-loob sa sarili para masabing may koneksyon pa rin sila ni Pristine sa isa't-isa. Pero minsan ay di naman maiwasan na sumusobra na talaga ito pagdating sa kaniya. Minabuti niyang iwasan ito at tiisin dahil naiintindihan niya ang galit nito. Okay lang naman na hindi na katulad ng dati ang pagtrato sa kaniya ng pamilya. Okay lang naman kahit invisible siya sa paningin ng ina. Gustong-gusto niya lang mabalik ang dating samahan nila ng kapatid pero naging matigas na ito. Hinayaan niya na ito hanggang sa mapuno siya nang agawin ni Pristine ang isang tao na malapit sa kaniya.

♦♦♦

"Hey guys! Narinig niyo ba? Ang cute daw ni Miss Arianne doon sa booth nila. Halika tignan natin."

Napatigil si Natalie sa pagtugtog ng piano nang marinig ang ingay ng mga ka-schoolmate niyang dumaraan sa tapat ng music club. Kakatapos lamang ng huling run ng play nila at malapit na rin matapos ang unang araw ng Joint Foundation Event.

"Why did you stop playing?"

Naagaw ang atensyon ni Natalie ng isang malalim na tinig. Napalingon siya sa may sulok ng silid at nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng itim na bonnet. Napataas ang kilay niya ngunit habang papalapit ang lalaki ay hindi niya maiwasang mapatitig sa mga itim nitong mata. Tumikhim siya nang tumabi ang lalaki sa kaniya.

Linapat ng lalaki ang kaniyang mahahabang daliri sa ilang piano keys at gumawa ng ilang tunog. Iyon ang unang apat na keys ng Spring Waltz na mabilis natunugan ni Natalie kaya't napatitig siya muli sa mata ng lalaking katabi na niya.

"Follow me."

Napakunot ng kilay si Natalie nang utusan siya ng la;aki.

"You're always in the recitals, right? This is a basic piece. I will be ashamed of myself if I didn't know how to play it," sarkastikong sabi ng lalaki.

Napangitngit si Natalie dahil feeling niya ay iniinsulto siya. Nilapat niya ang kaniyang kanang mga daliri sa right-side ng piano at sinabayan ang lalaki.

Nakatingin sila sa isa't-isa habang tumutugtog. Walang imikan ang nagaganap at para bang naging background music ang Spring Waltz sa mataimtim na pag-uusap ng kani-kaniyang black at brown na mga mata.

Satisfied ay unang huminto ang lalaki kahit na hindi pa tapos ang pyesa.

"You're really good," pagpupuri nito.

"Of course, I am... and you too…" saad ni Natalie sabay ngiti, "So, how did you know that I'm always at the recitals?"

Dumiretso ng tayo ang lalaki at isinuksok ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"I always watch our city's piano competition. As I said, you're really good. You have your style. It's just unlucky that a genius exists kaya natatabunan ka."

Napangiti si Natalie.

"You know what? I am surprised that a punk-looking guy like you is into this thing. Since I first saw you, I thought of a guy who insanely swings his guitar while hammering his head."

"Oh, so you're stereotyping. I might not look like it but I prefer classical over rock," ngumiti ang lalaki.

Tumango si Natalie, "If you say so then, okay... but, why are you here? Kanina ka pa ba dito?"

"Our school allowed us to attend your school's JFE event. I was curious so I went but it was too noisy, I needed to find a quiet place. Nandito na ko bago ka pa dumating."

Muling tinitigan ni Natalie ang lalaki. Katulad ng una nilang pagkikita ay ganoon pa rin ang itsura nito. Androgynous features, piercings sa tenga, sa dila at makapal na eyeliner sa mata. Ang na-iba lang ay nakasuot siya ng bonnet dahilan para hindi lumitaw ang kaniyang Mohawk styled na gupit. Mayroon ring nakasampay na headphones sa leeg niya. Tumayo si Natalie at inilahad ang kaniyang kaliwang kamay.

"I want to introduce myself formally, I'm Natalie Reinhart, before anything else I also want to extend my thanks for saving me last time. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit yung sampal na iyon kung sakaling tumama iyon sa akin."

Napatingin ang lalaki sa kamay ni Natalie bago sa mukha nito na ipinagtaka naman ng isa.

"You're left-handed?"

Medyo nag-buffer ang utak ni Natalie sa tanong bago siya marahang tumango.

"W-Why?" pagtataka ni Natalie habang marahang ibinababa ang nakalahad na kaliwang kamay upang palitan ito ng kanan pero pinigilan siya ng kausap.

"Nothing," tugon ng lalaki sabay dukot sa kaliwang kamay niya na kanina pa nakasuksok sa kaniyang bulsa.

"I'm Jacoby Winters, it's nice to meet you and hear you play," pagpapakilala ng lalaki bago kinuha ang kamay ni Natalie at nakipag-shake hands.

Habang magkalapat ang kamay nila ay naramdaman ni Natalie ang isang malaking piraso na parang metal sa kaniyang palad. Nang tuluyang magkahiwalay ang kanilang kamay ay nakita niya ang isang malaking singsing na korteng dragon sa ring finger ni Jacoby.

"This is an heirloom," pahayag ni Jacoby nang mapansin ang pagtitig ni Natalie sa singsing, "Our family held this for generations. It might not look like it but this is made from pure gold."

Namangha si Natalie pero nagtaka siya kung bakit parang may kulang sa singsing. Blangko kasi ang gitnang bilog na bahagi nito.

"It looks like there is something missing in that ring?" curious na tanong niya.

"You think so? I don't know," sagot ni Jacoby.

"Anyway, I think I need to go now Mr. Jacoby. Thank you for appreciating my talent. Also, I don't want you to think that I'm unlucky for competing with Felicity. She's the main reason why I always strive for more," nakangiting pahayag ni Natalie bago siya pumihit paalis. Naiwan naman si Jacoby na nakatingin lang sa pigura niyang papalayo bago ito umupo sa piano chair at nagsimulang tumugtog ng sarili niyang komposisyon.

♦♦♦