Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 38 - CHAPTER 31 – To the Amusement Park

Chapter 38 - CHAPTER 31 – To the Amusement Park

CHAPTER 14 – To the Amusement Park

ARIANNE'S POV

"Hoy bilisan mo nga," saad ko kay Aldred. Ang tagal-tagal niya kasing mamili kung asado, bola-bola o chocolate siopao ang bibilhin niya.

"Teka, sandali na lang 'to."

"Ate pwede po bang padagdag ng dalawang sauce?"

Pagkaabot ng cashier kay Aldred ng niri-request niyang sauce ay agad na akong lumabas ng convenience store.

"Hindi ka pa ba nabubusog ah? Ang dami mo kayang kinain na almusal kanina," puna ko habang nakatingin sa tatlong special siopao na hawak niya. Binili niya lahat ng klase para wala raw problema.

Napatingin siya sa akin, mukhang gusto niyang sumagot pero di niya magawa dahil sa laman ng bibig niya. Ngumuya siya ng maigi sabay lunok ng malalim.

"Nakalimutan mong bumili ng panulak," sabi ko nang mapansin ko na parang nahirapan siya. Pumasok uli ako sa convenience store. Kinuhaan ko siya ng mineral water habang kumuha na rin ako ng sterilized milk para sa akin.

"Ito," inabot ko sa kaniya ang tubig. Agad niyang binuksan ang bote saka uminom.

"Salamat Arianne," sabi niya na ikina-twitch ng tenga ko. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya saka agad na naglakad na lamang. Ewan ko ba pero sa tuwing binabanggit ni Aldred ang pangalan ko ay para bang kinikilabutan ako.

"Pero para sayo naman kasi talaga 'tong isa na binili ko."

Bigla ay kinuha niya ang kamay ko para iabot ang siopao pero tinanggihan ko ito.

"Huwag na, sige na sayo na 'yan. Mukhang kulang pa nga sa iyo 'yan e,"

Hindi ko maiwasang mangiti habang nakatingin sa gilid ng labi niyang may bahid pa ng sauce. Tinuro ko sa kaniya ito ngunit sa halip na punasan ay binigyan niya ako ng tissue.

"Ano 'to?"

"Punasan mo," naka-pout niyang sabi na agad na ikinairita ko.

"Bakit ako?!"

Sa halip na sumagot ay mas lalo niyang itinulis ang nguso niya. Napalingon ako sa paligid at pansin kong nakatingin na ang ilang tao sa amin.

"Punasan mo na Miss Beautiful, minsan lang maglambing 'yan si Boy S."

Napangiwi ako.

"Hehe, oo nga, nakakatuwa naman. Ngayon ko lang nakita si Boy S na ganyan."

Nilalamon na ako ng hiya sa pwesto namin ni Aldred. Unti-unti na ring naririndi ang tenga ko sa mga pinagsasasabi ng mga nakapaligid sa amin kaya napilitan akong gawin ang nais nila. Isinalpak ko sa mukha ni Aldred ang tissue at kulang na nga lang ay ipalamon ko rin ito sa kaniya.

"Pwe! Pwe! Pwe!" reaksyon niya na ikinangisi ko.

"Ginusto mo 'yan e... ito meron pang tissue, di ba gutom ka pa?" may pagkairita pero natatawa kong sabi saka ako nagmadaling maglakad. Rinig ko ang tawanan ng mga taong nakakita sa amin.

"Sorry na babe,"

Nagtalas ang bigla ang tenga ko nang marinig iyon.

"Hu—Huwag mo n—nga ko tawagin ng b—bab— ng ganyan! Hindi naman k—kita b-boyfriend." Nag-cringe ang mga daliri ko habang sinasabi ko iyon sa kaniya.

"Okay lang, magiging boyfriend mo rin naman ako sa future e."

"At sino namang may sabi?!"

"Ako, saka ikaw. Nararamdaman ko na mai-inlove ka rin sa akin. Hindi man ngayon pero saan pa't doon ka rin tutungo. I love— no, mas makahulugan kung tagalog. Mahal kita Arianne," nakangiti niyang sabi. Gusto ko siyang sapakin.

Tumingin ako sa paligid bago nag-react sa sinabi niya. Mabuti na lamang at wala ng tao.

"Siraulo," iyon na lamang ang nasambit ko. Nakakabwiset at nakakatameme kasi sa tuwing ganoon ang linyahan niya. Nanahimik siya at ang mga mata na namin ang nag-usap. Mga ilang segundo rin kami nagtitigan bago ako na ang unang ma-bored sa pinaggagagawa namin.

"Gwapo ko no?"

Tsk!

Tinignan ko lamang siya ng masama.

Nang makarating na kami ng arko ay tumigil ako at syempre ganoon din siya. Sabado ngayon at ngayon kami magkikita ni Natalie sa may Central. Ito na rin ang huling araw ng isang linggo kong pagsama sa kaniya ayon sa napagpustahan nila ni Pristine. Honestly, I really did enjoy being with Natalie. We grew up but she's still the same. Still the Nutcracker that I know... kung pwede lang sana na— pero ayokong masaktan si Pristine. Pareho silang mahalagang kaibigan sa akin.

"Ikaw? Saan ka pala pupunta?"

Huli na nang mapansin ko ang sarili ko na naging curious sa kung bakit ko nga ba kasabay si Aldred.

"Uhh, ikaw ba?" balik niyang tanong sakin na medyo ikinairita ko dahil sa hindi niya pagsagot sa tanong ko.

"Sa Central ako."

"Ah! Sa Central din ako."

"Okay, uhmm... bakit? Ngayon ba iyong gig mo?" Na-curious na naman ako.

Ngumiti lamang siya at hindi na naman sinagot ang tanong ko.

"Arianne, anong gagawin mo sa Central?"

"Magkikita kami ni Natalie."

"Ah," tugon niya kasabay ang ilang OA na pagtango.

"Saan kayo magkikita?"

"Sa may Plaza Central, sa Tanglawan Fountain."

"Oh cool, doon din ako pupunta e," sabi naman ni Aldred na hindi ko pinaniwalaan,

"Sabay na tayong dalawa," dugtong niya dahilan para agad ko siyang talasan ng tingin.

"Huwag mo nga ako pinaglololoko, sabi mo kanina kay Tita sa convenience store ka lang pupunta ah."

Nagnguso siya.

"Wala naman kasi akong gagawin ngayon. Sama na lang ako, please?"

"Usapan namin 'to ni Natalie, it will be rude kung magsama ako ng iba ng hindi niya alam," katwiran ko. Ang hirap kasi na diretsahan siyang tanggihan lalo't para siyang bata kung manghingi ng pabor.

"Sa tingin ko okay lang naman, after all ako naman yung isasama mo. May gusto siya sa akin kaya I don't think na magagalit siya, di ba?"

Nagpintig ang tenga ko at napangitngit ako noog marinig ang resolba ni Aldred. Alam kong may pagka inosente siya pero hindi 'yon excuse para hindi niya intindihin yung sinasabi niya. Nairita ako sa kaniya kaya di ko na siya kinausap. Nang may tumigil na jeep ay agad akong sumakay. Sumunod siya sa akin at ako pa ang nagbayad ng pamasahe ng walanghiya dahil sakto lang pala para sa tatlong special na siopao na binili niya kanina ang pera niya.

NO ONE'S POV

"Brrrr, what a shame, so they are really going to lock me up inside this room huh..."

Ibinagsak ni Pristine ang kaniyang sarili sa may kama at napasulyap na lamang sa may bintana. Balak niya sanang umalis ngunit bantay sarado siya ng mga bodyguards niya.

"Manang Soledad, pasok na po ako ah," paalam ni Pristine nitong umaga sa kanilang mayordoma. Agad naman nagtaka ang matanda dahil bukod sa sobrang aga pa (Ala sais ng umaga) ay nakarating din sa kaniya na walang pasok si Pristine ngayong araw.

"Sobrang aga pa iha a, saka sa pagkakaalam ko'y wala kang pasok sa cram school ngayong araw?"

"Ah opo, wala po akong pasok sa cram school pero nag-register po kasi ako sa 2-day seminar sa may Central University."

"Ah 2-day seminar? Napakasipag mo naman talaga iha. Aba e tungkol saan ba yung seminar na iyon?" tanong ni Manang Soledad habang tsinitsek ang mga piguring pinunasan ng mga kasambahay.

Saglit namang napatigil ng tanong na iyon ang pag-iisip ni Pristine pero agad niya ring sinagot ang matanda.

"About po sa family issues, 'How to deal with Invisible Family' po yung tema."

Napatigil si Manang Soledad pati na rin ang mga kasambahay sa kanilang ginagawa at napatanga kay Pristine, bakas ang pagkabigla sa mga mukha nila.

"Of course, I was just joking Manang, hindi naman po kayo mabiro. About po sa Mental awareness talaga yung theme," natatawang paliwanag ni Pristine.

Napahinga naman ng maluwag si Manang Soledad pati na rin ang ilang kasambahay ng bawiin ni Pristine ang kaniyang sinabi.

"Sige po Manang I'll take my leave na baka kasi ma-late pa ako e," paalam ni Pristine. Palabas na sana siya ng pinto nang biglang humarang sa harap niya si Irene, ang Head Bodyguard niya.

"I'm sorry pero walang aalis Miss. Hindi ka aalis, hindi ka lalabas, hindi ka pupunta ng CU at hindi ka pupunta sa seminar about sa Mental Awareness dahil wala kahit saang lugar na may ganoong seminar ngayong araw," saad ni Irene.

"Pero Irene, paano mo naman nasabing wala? Atsaka bakit hindi ako pwedeng umalis ha?" Proud niyang tanong. Nakaekis pa ang kaniyang mga braso sa isa't-isa.

Nilabas ni Irene ang phone niya, "Kinumpirma ko habang kinakausap mo si Manang Soledad."

"Eh for real? Baka nalipat lang ng lugar. Anyway, I need to get there kasi baka naka-post doon kung saan nilipat."

Nagpatuloy sa paglabas si Pristine pero natigilan siya nang humarang ang ilan pang bodyguards niya.

"Pasaway talaga," bulong ni Irene kasabay ang ilang iling.

"KYAAAAH! Nakakainis, nakakainis nakakainis!" bulyaw ni Pristine kasabay ang matinding pagkamot ng ulo habang nakahiga na siya sa kaniyang kama. Itinadyak niya ang kaniyang mga paa dahilan para tumalsik naman ang alpombre niyang suot.

"Hindi 'to pwede. I can't stay here. I really can't stay here!"

Iniikot ni Pristine ang kaniyang tingin sa buong kwarto. Umupo siya, pumangalumbaba siya at pumikit, nag-isip ng maigi. Minuto ang lumipas at kamuntikan na nga siyang mapaidlip dahil sa walang maisip na paraan hanggang sa sakto pagkadilat niya ay tumambad sa kaniya ang kumot sa kabilang kama.

"Ha! Haha!" Napangisi si Pristine.

Kinuha niya ang kumot at dinugtungan ito ng ilan pang mahahaba at matibay na damit... ni Natalie. Nang makuntento na sa haba ay itinali niya ito ng mahigpit sa may bintana.

"This is a bit lousy but it did work well in movies. I hope it will work in real life too," aniya na walang bahid ng takot sa kung anong balak niya. Tumungo siya sa may sulok kung nasaan ang weighing scale at nagtimbang.

"Yey! Nabawasan pala yung timbang ko. Hmmm, maybe because Arianne doesn't feed me anymore," mula sa masayang reaksyon ay malungkot niyang nasabi sa sarili.

Nang maayos na ang kaniyang sarili at mga dadalhin ay walang kaba na bumaba si Pristine mula 2nd floor ng mansion gamit and improvised rope na kaniyang ginawa. Naging madali ang pagbaba ni Pristine dahil sa minsan na silang nag-indoor climbing nila Arianne at Bianca.

"Chicken feed, sisiw lang naman pala 'to e."

Tinignan ni Pristine ang dulo ng improvised rope na hawak niya.

"D&G huh, well at least nagkaroon ka ng pakinabang, birdbrain."

ALDRED'S POV

Simula nang bumaba kami ng jeep ay hindi na ako iniimik ni Arianne. Alam ko naman ang dahilan kaya't napapakagat na lamang ako sa aking labi. Bakit ko nga ba kasi nasabi iyon?

"Arianne, I'm sorry."

Huminto siya at pumihit paharap sa akin. Tinitigan niya ako sa mata habang nakapameywang.

"I'm sorry, alam kong ang insensitive ko kanina..."

Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya dahil sa sama ng tingin niya pero muli ay binalik ko rin.

"Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi 'yon pero noong na-realize ko kanina habang nasa jeep tayo ang sama sa pakiramdam... feeling ko manggagamit ako. Kaya please sorry na a," samo ko na ikinawala naman ng sungit ng kaniyang mukha. Inilipat niya ang kaniyang tingin sa ibang direksyon bago ito ibalik sa akin.

"Huwag ka sa akin humingi ng sorry," sabi niya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Humabol naman ako.

"Okay lang ba na sumama na ako?"

"Ano pa bang magagawa ko? Basta umayos ka a..." ngumisi siya.

Parang may kakaiba sa ngisi na iyon ni Arianne… 

Ang cute ng smirk niya! Ugh!

Hindi ko alam pero nababaliw na ata ako. Lahat kasi ng gawing aksyon ni Arianne ay the best para sa akin. Kapag ngumiti siya ay iyon ang pinakamaganda. Kapag kumukuno't ang kilay niya ay sobrang cute niya. Kapag iniirapan niya ako ay ewan ko ba't natutuwa pa ako. Ito namang pagngisi niya ngayon ay siguradong hindi mawawala sa isipan ko hanggang sa aking pagtulog sa gabi.

Siguro kapag naging kami na ay baka maiwan na lamang akong nakatanga sa kaniya. Kung maging palagi kaming magkasama ay ilang reaksyon niya pa kaya ang aking makikita?

Mabilis maglakad si Arianne. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti at mas mahaba ang mga biyas kaya kailangan kong humabol. Pansin ko ang pagiging agaw atensyon naming dalawa dahil sa pagsulyap ng mga taong nakakasalubong at nadaraanan namin. Ramdam na ramdam ko na mukha kaming magsyota sa kanila kaya dumikit pa ako kay Arianne. Nangisi ako sa pinaggagagawa ko hanggang sa bigla akong nanigas ng humawak siya sa aking braso.

Nitignan ko siya. Pulang-pula ang kaniyang mukha.

"Bakit parang andaming nakatingin sa atin?" bulong niya sabay ang mas lalo pang paghigpit ng kapit sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko dahilan para biglang mahulog ang aking puso.

Susmaryosep!

Napatakip ako sa aking bibig upang maiwasan ang pagmumura. God! Napaka-vulnerable ng itsura ni Arianne. Nakasalubong yung kilay niya, tapos parang mangiyak-ngiyak siya. Parang may nagyaya tuloy bigla sa akin na magpakaligaya sa langit pero buti na lamang ay nasa wisyo pa ako para masabi sa aking sarili na hindi ko na maaaring gawin ang pagkakamaling una kong nagawa.

Tumikhim ako, "Bakit ba iniintindi mo sila? Obvious naman na dahil nagagandahan sila sa iyo kaya sila nakatingin," I said in a very manly voice.

Bigla ay napatanga siya sa akin. Mga segundo rin ang lumipas bago siya nag-react.

"Ga—Ganoon ba? P—Pero ayoko k—kasi ng tinitignan," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Bakit naman?"

"Ba—basta."

Pansin ko na noong nakaraan pa ang madalas na pag-utal at pangangatog niyang magsalita sa mga ganitong sitwasyon. Akala ko dahil sa mahiyain lang siya ngunit ngayon ay napagtanto ko na mukhang merong malalim na dahilan.

"A—Aldred pwede bang sa i—iba tayo dumaan? D—Doon sa w—wala masyadong t—tao," aniya at saka mas dumikit sa akin.

Natutuwa ako dahil nakasiksik siya sa akin ngayon, as in nakasiksik tapos nakakaramdam ako ng kung anong malambot sa aking tagiliran pero di ko rin naman maiwasang mag-alala. Madalas siyang nagkakaganto. May phobia ba siya sa maraming tao?

Lumipat kami ng daan at kasabay ng pagdalang ng mga nakapaligid ay ang unti-unti niyang pagbitaw sa aking braso. Napabuntong hininga naman ako. Sayang feel na feel ko pa naman ang paghawak niya.

"Mabuti pala't nakakapag-bonding pa rin kayo ni Natalie kahit na hindi sila magkasundo ni Pristine..."

I broke the silence.

Bigla ay napaehem-ehem si Arianne at nakangiwing nitignan ako na akin namang ipinagtaka.

"I wish..." aniya na may kalungkutan sa kaniyang mga mata, "Nagpustahan kasi silang dalawa and Natalie won that's why I'm with her for a week."

"Nagpustahan?" para akong nabingi sa narinig ko.

Tumango siya. Napakunot ako ng kilay.

"Gamble? Ikaw? Pinagpustahan ka nila?!" Inis kong reaksyon.

Inis? Hindi, nagagalit ako sa totoo lang. Paano ba naman? Anong klase 'yon? Arianne has her own mind, own decisions, own free will so bakit kailangan siyang pagpustahan para utusan na gumawa ng isang bagay?

"Isn't a bit selfish?! Honestly, not a bit but really selfish! May sarili ka namang utak di ba? Hindi ka rin nila pagmamay-ari kaya bakit ganon?!"

Napatanga sa akin si Arianne.

Hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko ng malaman ko ang sitwasyon niya.

"Hanggang kailan 'yang duration ng pustahan nila?"

"L—Last day na 'to."

"I won't let this ever happen again! I will talk to them. Aren't they your friends? They should know that you have your own decisions. If you want to be with Pristine then be with her. If you want to go with Natalie then go with her. You have your own life you can choose whatever you want to do!"

I bit my inner cheek out of anger. Napansin ko naman ang pagtahimik ng paligid at noong iikot ko ang aking paningin ay nakatingin ang lahat sa amin.

"P—Pero l—last na naman 'to kaya o—okay na. H—Huwag ka magalit kay P—Pristine o kay

N—Nat," sabi niya habang palinga-linga.

Nag-alala tuloy ako bigla. Ano ba nama't bigla na lang akong nagkaganoon. Para kaming magsyota na nagaaway ni Arianne at ang masaklap ay parang pinapagalitan ko pa siya.

"Ah hindi hindi hindi... hindi ako galit," sabi ko agad sa kaniya, "HINDI PO AKO GALIT," dugtong na parinig ko naman sa iba.

"Basta-basta ayoko lang na maaagrabyado ka Arianne a. Alam mo naman na mahal na mahal kita," bulong ko.

Bigla ay sumama ang reaksyon ng mukha ni Arianne. Hahawakan ko sana siya pero tinampal niya ang aking kamay.

"Huwag mo na lang kami pakialaman," malamig niyang sabi bago nagpatuloy maglakad.

Saglit ay nakarating na kami sa Plaza Central. Hinanap namin si Natalie at hindi naman kami nahirapan. Pagdating kasi namin sa Tanglawan fountain ay nagtaka kami sa mga taong nasa paligid. Halos lahat sila ay nagbubulungan at nakatingin lamang sa isang direksyon. Sinundan namin ni Arianne ang kanilang mga tingin at nakita namin ang babaeng nakatayo malapit sa fountain.

Si Natalie... naka shades siya, black denim skirt, black crop top shirt at mataas na sandals. Tinignan ko si Arianne at naka black sweatshirt naman siya, fitted na black denim at black na rubber shoes. Tinignan ko naman ang sarili ko, pink/red checkered shirt, gray joggerpants at orange na tsinelas...

TSINELAS na beachwalk!

Nang lumapit na kami kay Natalie ay agad niya akong napansin at nitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Is it okay Nat?" may alinlangan sa tanong ni Arianne.

Ngumiti naman si Natalie bago tumugon.

"Yeah, it's fine," tugon ni Natalie habang nakatingin sa akin.

♦♦♦