Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 34 - CHAPTER 28 – Mama Knows Best

Chapter 34 - CHAPTER 28 – Mama Knows Best

V2. CHAPTER 11 – Mama Knows Best

NO ONE'S POV

"Thank you."

Nagtaka si Arianne nang marinig iyon. Nilingon niya si Aldred at naabutan niya itong mataman na nakatingin sa kaniya bago napangiti na lamang siya ng makuha ang ibig niyang sabihin.

"Ah about that? Wala 'yon, ano, ako na yung humihingi ng paumanhin sa inaasal sayo ni Pristy. Mabait naman talaga siya kaya lang kasi…"

Ngumiti si Aldred, "Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon siya sa akin," aniya.

Nasa kalagitnaan na si Arianne at Aldred ng kanilang ruta pauwi nang simulan nilang mag-usap. Alas singko ng hapon at kulay kahel na ang paligid. Kung tutuusin ay pwede naman silang sumakay ng jeep pero dahil sa maganda ang panahon at hindi pa ganoon ka-late ay pinili nilang maglakad.

Sa kanilang paglalakad ay hindi maiwasang may makasalubong silang taga NIA o SNGS. Noong una ay inalintana ni Arianne ang pagbulungan ng mga ito sa harap ng kanilang paningin pero makailang salubong pa ay nasanay na siya dahil na rin sa sinabi ni Aldred.

"You should not bother yourself with them. They can create a lot of rumors and it's still you who holds the truth," sabi niya nang mapansing naiilang si Arianne. Medyo ay napagaan nito ang pakiramdam ng dalaga.

"But you do enjoy these, right?" Uyam siyang tinignan ni Arianne. Pinigil ni Aldred na ngumiti pero nag-end lang ito sa pagtawa.

"Of course!" tugon niya, hindi man lang nagsinungaling. Arianne bit her inner cheek out of irritation.

Diniretso ni Arianne ang kaniyang tingin pero sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakasulyap siya kay Aldred. Bigla ay lumingon ang binata sa kaniya na ikinataranta niya.

"Anong nangyari kina Pristine at Natalie?" tanong ni Aldred. Medyo nagulat si Arianne kaya hindi siya nakasagot ka agad.

"Nagbugbugan lang silang magpinsan."

Napatigil si Aldred sa paglalakad at naiwang nakanganga.

"Eh?! Are you serious?" manghang tanong ni Aldred. Napatigil din tuloy si Arianne at natawa sa reaksyon niya.

Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad habang ikinikwento ni Arianne ang nangyari. Manghang-mangha naman si Aldred sa mga naririnig lalo na't ng matuklasan niya kung sino ang tunay na hindi magkasundo.

"So, ang totoong magkaaway ay yung mag pinsan tapos naiipit ka lang sa kanila?" may pag-aalalang tanong ni Aldred. Tinugunan naman siya ni Arianne ng hilaw na ngiti.

"Pero ba't ganoon na lang siya magalit sa iyo noong nalaman niya yung rumor ngayo't di naman pala kayo magka-away?"

Nagtaka si Arianne ng ikwento sa kaniya ni Aldred ang naging reaksyon daw ni Natalie pero ng isipin niyang mabuti ay na-imagine niya ito sa ibang anggulo.

"It's a normal reaction. She likes you after all," konklusyon ni Arianne na nakapagpabuntong hininga kay Aldred,

"Mabait- mabuting tao si Natalie, maganda, matalino, confident at sexy. Ang daming lalaki na nagkakandarapa sa kaniya pero hindi niya pinapansin dahil sa isang napakaswerteng tao na pinahahalagahan niya. Hindi mo ba talaga siya—"

Tumigil si Aldred sa paglalakad, "Sinasabi mo ba talaga 'yan sa akin?" tanong niya.

Masinsinan siyang tinignan ni Arianne sa mga mata bago bumuntong hininga rin.

"Tama ka naman e, oo, nasa kaniya na lahat pero ewan ba, hindi talaga. Ilang beses na siyang nag-confess sa akin at ganoong beses ko na rin siyang tinanggihan. Kapag naiisip ko 'yon at kapag naiisip kita, I feel bad for Natalie. Naiintindihan ko na kung anong nararamdaman niya. If you will look at it parehas na parehas pala kami ng sitwasyon. Nakakatawa, she loves me but i love you tapos ikaw ipinagtutulakan mo ako sa kaniya dahil may iba ka atang gusto, ang duga mo."

"Ganoon ba? Sorry kung iyon yung dating sayo pero kasi, bagay naman talaga kayo," saad ni Arianne sabay ngiti.

"Tsk, paano naman tayo? Mas bagay kaya tayo," ngumuso si Aldred.

"Natalie was a classmate of mine way back in junior high at states."

Manghang napalingon si Aldred kay Arianne dahil sa narinig.

"Lagi akong binubully noon pero noong naging magkaibigan kami tinigilan na nila ako. Nag-transfer ako dito sa Pilipinas ng hindi man lang nagpaalam sa kaniya pero hindi ko akalain na magkikita uli kami. 7 months of friendship, I don't know much about Natalie before and mas lalo ngayon pero she's my first precious friend. I want to make her happy," ani Arianne na nakangiti habang inaalala ang ilang mga bagay.

Napasingkit naman ng mata si Aldred.

"Kung iyan yung justification mo kaya ginagawa mo sakin 'to then don't you dare do that," sabi ni Aldred saka inis na tinignan si Arianne.

"I also have my happiness too and you know that it's you. Ang duga mo na Arianne ang selfish mo pa. Paano ako?"

Natatawa siyang tinignan ni Arianne,

"You're not precious to me that's why I don't care," nangingiti nitong sabi na nagpatigil kay Aldred sa paglalakad.

"Totoo ba yung sinabi mo? I'm not even your worth?" malungkot na tanong ni Aldred. Napatigil si Arianne sa pagtawa at mataman siyang tinignan. Lumihis siya ng tingin bago nagkibit balikat.

Namagitan ang katahimikan sa dalawa habang nagpapatuloy sila sa paglalakad. Nakasalubong nila si Manong binatog at mukhang ubos na ang paninda nito.

Nagkukumpulan na ang mga tao sa isang fishball vendor at nakasalubong na nila ang ilang estudyante ng EMIS. Iniisip ni Aldred na marahil nasa bahay na si Monique.

Ilang block pauwi ng bahay ay naagaw ang atensyon ni Aldred nang may marinig siyang tumawag sa kaniya.

"Al!"

Si Theresa, ang nanay ni Charles. Lumapit si Aldred ganundin si Arianne.

"Ikaw ba si Arianne? Nasabi kasi sa akin ni

Charles na may maganda raw na babaeng lumipat sa bahay nila Al."

Nahiya si Arianne sa narinig pero nagawa naman niyang tumango. Si Aldred ang nagkwento kay Theresa.

"Ah, welcome to the neighborhood Arianne. Mababait ang mga tao dito kaya 'wag kang mahihiya."

"Salamat po," sambit ni Arianne. Hindi sinasadya ay napahawak siya sa laylayan ng shirt ni Aldred. Napansin naman ito ni Aldred at alam niya kung anong ibig sabihin noon. Napansin naman din ni Theresa na mukhang mahiyain ang bago nilang kapitbahay kaya hindi na niya ito tinanong pa.

"Hindi niyo kasama si Charles. Nautusan ko kasi siyang mamili sa shopping center."

"Oo nga po, nagpaalam nga po siya sa amin. Kasabay niya po si Jerome na pumunta sa Central."

Matapos ang ilan pang kwentuhan ay nagpatuloy na sila Aldred sa paglalakad. Patingin-tingin si Aldred sa paligid. Pasulyap-sulyap kay Arianne at hindi mapakali. Ayaw niyang ma-offend si Arianne sa kaniyang itatanong kaya't naghahanap siya ng pagkakataon. Ilang yapak na lamang pauwi sa kanila ay di na niya napigilan ang sarili.

"Arianne, gusto mo ba si Jerome?" tanong niya na nagpagulat kay Arianne. Napaatras siya at sunod sunod na umiling.

"Huh? H-hindi! Hindi ah!" apela niya kasabay ang pamumula ng pisngi.

"Yung mukha mo kanina noong ngumiti si Jerome. Ganoon yung mga itsura ng mga babae na may crush sa kaniya," may pagkainis na sabi ni Aldred. Sa gulat ni Arianne ay mas namula ang mukha niya.

"Hindi nga! Hindi..."

Nagsimangot si Aldred at nagnguso,

"Obvious na obvious, tsk!"

"Crush ko lang naman siya," nahihiyang sabi ni Arianne dahilan para humigpit ang ekspresyon ni Aldred.

"Hmmp! Okay, crush lang naman. Basta huwag mo akong pagseselosin. Mahal na mahal kita Arianne kaya kahit magkaibigan kami ni Jerome aawayin ko siya kapag inagaw ka niya sa akin," banta ni Aldred saka padabog na pumasok ng gate ng bahay nila. Naiwan naman si Arianne na nanlaki ang mga mata dahil sa hindi pagkaniwala sa tinuran niya.

"H-Hoy! Tsk! What the?! Teka, ano bang pake niya?!"

ARIANNE'S POV

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay napatigil ako noong makita ko ang parang tension sa pagitan ni Aldred at Monique. Hinagilap ng mga mata ko si Tita Cecil ngunit wala siya sa sala. Nang ibalik ko ang tingin sa direksyon ng dalawa ay sinalubong ako ng inis na mukha ni Monique.

"Kuya totoo ba?!" matalim na tanong ni Monique sabay tapon uli ng masamang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkagigil sa mukha niya.

"Ano bang meron dyan a? Nag aaway ba kayong magkapatid?" tanong galing sa kusina. Lumabas si Tita Cecil para tignan ang dalawa.

Kumamot si Aldred sa kaniyang batok at nakita ko ang pagtaas ng balikat niya para humugot ng hininga.

"Iyan tuloy! Ang ingay mo Monique ayoko nga ipaalam kay Mama e. Oo totoo," sabi ni Aldred na nagpahagulgol bigla kay Monique. Hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan nila at kung paano ito humantong dito.

"Ano ba kayong dalawa? Aldred ba't umiiyak 'yang kapatid mo?!"

Mabilis na tumakbo si Monique kay Tita Cecil.

"Mama si Kuya kasi! Sabi ko si Ate Natalie yung gusto ko pero nalaman ko na nililigawan niya si Arianne! Mama di ba bawal pa mag-girlfriend si Kuya? Pagalitan mo siya! Ayoko kay Arianne!"

Nagulat ako sa tinuran ni Monique. Bigla tuloy akong nakaramdam ng panlalamig, hiya at pagkailang na nakatuntong ako sa bahay nila. Kahit na hindi ko alam ang pinaghuhugutan niya ay masakit ang masabihan na hindi ka tanggap ng isang tao.

"Monique! Ano ba yang lumalabas sa bibig mo? Humingi ka ng paumanhin kay Arianne!" Suway ni Tita Cecil sabay tingin sa akin na tila ba ang mga mata na niya ang unang nanghihingi ng tawad.

Pagyabag naman ng talampakan at pag-iling annaggingng tugon sa kaniya ni Monique.

"Monique!"

Seryoso ang mukha ni Aldred. Lumingon sa kaniya si Monique na puno ng luha ang mukha.

"Kuya..."

"Mag-sorry ka kay Arianne," saad ni Aldred. Parang hinugot bigla sa ilalim ng lupa ang tono niya.

Lumingon sa akin si Monique.  Humihikbi na siya at tumutulo na ang sipon.

"Ano, Aldred, okay lang," sabi ko na lang bago ngitian si Monique para sana maiwasan kong tumindi ang inis niya sa'kin pero kabaligtaran ang nangyari.

"Sorry!" Galit niyang sabi sabay takbo paakyat ng hagdan.

"Monique! Loko ka a!"

Susundan sana siya ni Aldred pero nahinto siya ng pigilan ni Tita, "Hayaan mo na muna siya," sabi niya, "Arianne ako na iyong humihingi ng paumanhin sa inasal ni Monique. Pagsasabihan ko na lang siya at papangaralan," nahihiyang sabi ni Tita Cecil.

♦♦♦

Hindi ko alam kung aakyat na ako sa kwarto ko. Nakiramdam ako kay Tita Cecil habang nakatingin siya kay Aldred. Maya-maya ay inaya niya siyang maupo sa may sofa saka humingi ng pahintulot sa akin kung maaari niya rin daw ba akong makausap.

"Aldred?" Ang malambing na tinig ni Tita Cecil ang nagsimula ng usapan.

"Mama," parang bata ninamingang tugon. Ang lungkot ng mukha niya.

"Kailan pa? Di ba dapat dadaan muna sa'kin yung mga ganitong bagay?" malambing na tanong ni Tita sabay himas ng ulo ni Aldred. Kay Aldred lamang nakapako ang paningin niya.

"Sorry Mama, kasi e mabilis kasi, saka saka baka hindi mo ako payagan," paliwanag ni Aldred, hindi ko maiwasang matawa sa isipan ko dahil para siyang dahon ng makahiya kung makapagsalita. I admit it, ang cute niya habang nagpapaliwanag. Para talagang bata. Nakakatuwa rin isipin na kahit na parang hindi makabasag pinggan si Tita ay natatakot si Aldred sa kaniya.

"Kagaya nang sabi ni Monique, hindi ba nagkasundo na tayo? Walang girlfriend hangga't di ka nakakatapos ng highschool."

"Opo..."

Lumingon sa akin si Tita Cecil.

"Arianne, pasensya na ah, hindi ko alam kung nasa anong estado na kayo ni Aldred pero ito kasi yung kasunduan namin, saka nahihiya ako sa Mama mo... ayokong isipin niya na kinukunsinti ko yung pagkakaroon ng relasyon hangga't di pa kayo nakakapagtapos ng pag-aaral."

"Pero Mama hindi ko naman po alam na anak pala ng kaibigan mo po si Arianne," apela ni Aldred, "Nagulat na nga lang po ako ng malaman ko na siya pala yung makikitira po sa atin."

"Oo alam ko, pero ang pinakapunto ko dito anak ay nag-aaral ka pa, kayong dalawa."

"Pero po gusto hindi, mahal ko po si Arianne, Mama! In fact, in fact nag-kiss na po kaming dalawa!"

Nanlaki ang mga mata ko sa unang sinabi ni Aldred pero mas ikinagulat ko at ikinatayo ng mga balahibo ko ang sumunod niyang rebelasyon sa mama niya.  Sobrang init ng mukha ko dahil sa hiya at nasaksihan ito ni Tita Cecil ng nakanganga siyang lumingon sa akin.

"Totoo ba 'yon Arianne?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Cecil. Gulat na gulat siya. Napatango na lamang ako saka tinignan si Aldred. Dignified ang mukha niya kahit na parang mangiyak-ngiyak ang mga mata niya.

Napakagat ako sa labi ko at napayuko, hindi ko akalaing ganito ka honest si Aldred pagdating sa mga bagay-bagay.

♦♦♦

"Tatawagan ko lang si Shan..." sabi ni Tita Cecil pagkatayo niya. Bakas ang gilalas sa mukha niya at nakahawak siya sa batok niya habang umaakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin dahil sa pag-aalala pero napansin ko ang patago niyang pagngiti na ikinataka ko.

Gigil at nakakagat ang labi ko namang nilingon si Aldred. Tinugunan niya rin naman ako ng tingin ngunit ang bagsak na mukha niya na ang nasilayan ko.

"Siraulo ka ba? Bakit mo sinabi sa mama mo 'yon?!"

Hindi siya agad umimik pero ng tatayo na sana ako ay bigla siyang nagsalita.

"Binigyan na nga kita ng konsiderasyon, hindi ko na nga sinabi sa kaniya na ayoko ng ginagawa mo."

He looked at me with desperate eyes.

"Hindi ko alam, basta ang gusto ko lang sabihin kay mama yung nararamdaman ko para sayo para di na siya tumutol... Arianne, hindi ka rin ba pwede pa mag-boyfriend? Magagalit ba si mama mo? Kapag nalaman niya ba yung ginawa ko sa tingin mo papaalisin ka na niya dito? Ang engot ko, hindi ko dapat sinabi kay mama 'yon kasi sasabihin niya 'yon sa mama mo tapos magagalit siya sakin tapos—"

"Tumigil ka nga, para kang bata, saka may mom is not- no, sana magalit siya sayo para tigilan mo na ko!" sabi ko sa kaniya bago ako umakyat patungong kwarto.

♦♦♦