V2. CHAPTER 6 – Nut Cracker
ARIANNE'S POV
Gwapo si Aldred, maraming nagkakagusto sa kaniya at isa na doon si Natalie. Maganda si Natalie at bagay sila. Magkakilala sila pero siguro ay di pa lubos na nakikilala ni Aldred si Natalie. Kung titingin lamang si Aldred sa paligid niya ay nahanap na niya ang mas karapat-dapat para sa kaniya.
"Tsk, if he's really serious about what he said then ang laki ng magiging problema ko."
Tinignan ko si Cheeky at sinalubong ako nito ng maamo niyang mga mata. I pet her head and her tail wag. Naglambing ito sa binti ko. Nakakatuwa dahil ibang-iba ang asta niya ngayon sa aksyon niya kanina. She's just an innocent dog after all.
Busy ako sa pakikipaglaro kay Cheeky nang biglaang lumingon ito sa isang direksyon at tumahol. Sinundan ko ang tingin niya at doon ay nadatnan ko si Natalie.
"Natalie?" Mangha kong reaksyon nang makita siya. Mukhang nagulat din siya na makita ako. Lumapit siya sa akin.
"Arianne, what-what are you doing here?" She wondered before glancing at Cheeky,
"And with Cheeky..." she added. Natalie petted Cheeky's head making the dog calm down.
"Eh? Did you forget me already huh?" Natalie asked Cheeky before pulling a smile at me. I returned an awkward smile at her.
Sa loob-loob ko ay nababahala ako kung paano magpapaliwanag. Kaka-promise ko lang kay Nat kaya't alam ko na madi-disappoint siya kapag nalaman niya kung bakit ako napadpad dito.
Umupo si Natalie sa tabi ko.
"Hmm, ah, dito kasi sa lugar na 'to ako nakitira," tugon ko sa kaninang tanong niya.
"Talaga?" Nat exclaimed before glancing at Cheeky.
"Y-Yeah, a-ano, N-Natalie kasi... kasama ko kanina yung a-amo ni Cheeky. Si Aldred, sa kanila ako nakatira," paliwanag ko. Pansin ko ang biglaang pamimilog ng mga mata ni Natalie. Saglit na tumahimik. Nagtitigan kaming dalawa bago matipid siyang ngumiti at lumingon sa ibang direksyon.
"I see," sambit niya saka makaulit na tumango. May nabuong katahimikan muli sa pagitan naming dalawa. Sumulyap ako kay Natalie at wala akong nakitang ekspresyon sa mukha niya.
"Paano naman nauwi na sa kanila ka tumira?" tanong ni Natalie habang nakatingin pa rin sa malayo. Nagulat ako hindi dahil sa biglaan siyang nagtanong kundi dahil sa tono ng katanungan niya. Malumanay ito at para bang gustong umunawa.
"Nagkataon kasi na magkaibigan pala si Mama at yung mama niya," nahihiya kong tugon.
"Okay, I understand. So, kamusta ka naman? Mabait si Tita Cecil di ba?" Tumingin sa akin si Natalie kaya't nakita ko ang ngiti niya. Namangha ako kaya hindi ako nakatugon agad.
Ang liwanag ni Natalie. Blonde hair partnered with a sweet smile. Hindi ko in-expect ang reaksyon niya.
"A-ayos naman. Oo m-mabait si Tita Cecil," nauutal kong sagot at humagikgik siya. Hindi ko maiwasang ganito ang maging reaksyon ko dahil nagulat talaga ako sa kung paano niya tinanggap ang paliwanag ko.
♦♦♦
Natalie has always been a mystery to me. Way back, noong grade 7 ako sa States ay may nag-transfer na estudyante sa klase namin. White complexion, blonde hair and light brown eyes. Puno ng confidence siyang umupo sa tabi ng isa sa pinaka-bully na mag-aaral sa school namin.
One time ay nagkagulo sa loob ng silid at nasaksihan ko kung paano niya pinatumba yung katabi niyang bully. Dahil doon ay kinatakutan na rin si Natalie sa school at isa ako sa mga natakot sa kaniya. Walang kumakaibigan kay Natalie dahil sa takot. Mukhang wala rin naman siyang balak makipagkaibigan.
Minsan isang lunchbreak, dahil sa walang mapiling upuan sa cafeteria ay napilitan akong maupo sa tapat ni Natalie para kumain. Papalapit pa lamang ay matalim niya na akong tinitigan kaya't puno ako noon ng kaba noong makaupo. Napapasulyap ako sa kaniya at sinasalubong niya ako ng parang mananaksak niyang tingin kaya minabuti ko noon na bilisan na lamang ang pagkain ko.
"What are you looking at?" she asked coldly. Her tone immediately sent chills down through my bones. Napalinga pa ako sa paligid bago ko ma-realize na ako pala ang tinutukoy niya.
Malalim akong napalunok na tipong lahat ng nakain ko noong time na 'yon ay didiretso kagad sa toilet bowl.
"Do you have a problem with me?" Mahina pero nakakatakot niyang tanong. Hindi ko makakalimutan kung paano ako patayin ng titig ni Natalie. Napailing ako at dinipensahan ko ka agad ang sarili ko.
"I-I'm s-sorry. Y-You m-misunderstood it. M-My eyes, my e-eyes are always been l-like this," paliwanag ko bago yumuko at nanginginig na itinuloy ang pagkain. Halos maihi ako noon dahil sa takot.
She didn't talk or eat for a couple of seconds and just stared at me. Her action made me uncomfortable but what made me startled was when she started to talk to me.
"You must have a hard time?" Natalie asked. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
"Y-Yeah, I w-was of-often bullied b-because of this."
"That's bad," she said before mouthing a food. Napansin ko na tinignan niya ang paligid ko.
"You don't have any friends here, right?" she asked again which I answered with a shake of my head.
"Then be friends with me and I'll protect you from anyone."
Napatanga ako kay Natalie pero wala na akong nagawa kundi tanggapin ang alok niya. Takot ko lang naman kasi. Pagkatapos ng usapan naming iyon ay agad akong dumiretso sa comfort room para magbawas.
Kinabukasan noon ay lagi na kaming magkasama. Wala na ring nambu-bully sa akin. Malaki ang takot ko kay Natalie ngunit unti-unti itong nawala ng ma-realized ko na mabait pala siya.
Dahil kay Natalie ay naranasan kong pumasok sa school ng walang inaalalang mang-aaway sakin. Hindi kami nakakapagkwentuhan masyado at wala nga kaming hardly known facts sa isa't-isa (hindi nga namin alam na pareho pala kaming Filipino!) pero masaya siyang kasama. Naging masaya ang pageeskwela ko noong makasama ko si Natalie hanggang sa huling araw ng pagkikita namin.
Umuwi ako ng Pilipinas ng hindi nagpapaalam sa kaniya.
Ilang taon ang lumipas pero sadya ngang napakaliit ng mundo. Noong mag-transfer ako ng SNGS ay siya ang una kong nakita.
"You are not allowed to tell that we know each other to anyone."
Bilang pangako, kahit kailan ay hindi ko sinabi kahit na kina Pristine at Bianca ang tungkol sa amin ni Natalie. Hindi ko alam ang dahilan at hindi ko rin naman tinanong kung bakit. Mukhang wala rin namang sinabihan si Natalie. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Pristine at Bianca na magkakilala na kami ni Natalie noon pa.
♦♦♦
"Natalie I'm sorry. Nag-promise pa naman ako sayo," sabi ko agad. Pansin ko naman ang biglaang pagtataka ng ekspresyon niya bago parang naunawaan niya kung bakit ko iyon nasabi.
"You don't need to be sorry. Hindi mo naman kasalanan kung doon ka pinatira ng mama mo. Malay mo ba naman saka hindi rin naman na break yung promise," she said smilingly. I stared at Nat with a puzzled look.
"Magkasama lang naman kayo sa isang bahay and that doesn't mean that you like him, right?"
Mabilis akong tumango.
"Yes, of course."
Napaluwag ako ng hininga.
"I-I thought that y-you wouldn't understand," I said while smiling faintly.
"I will as long as you tell me," Natalie claimed before putting her right palm on my left cheek, "Plus, you're always worthy of my understanding," she added before flashing an alluring smile.
I squeaked inside. I remembered that this is one of the ways how she scared someone back when we were classmates in junior high.
Inilihis ko ka agad ang mukha ko. Bigla ay humagikgik siya.
"Did you remember?" tanong ni Natalie bago alisin ang kamay niya at iwan ito sa hangin.
"Yes," I answered with a bit of annoyance. I stared at her. She chuckled and I followed.
Sa tuwing ganito si Natalie ay agad na pumapasok sa isipan ko si Pristine. Marami silang pagkakatulad at isa ang ganitong ugali sa mga 'yon. Hanggang ngayon ay di ko maintindihan kung bakit sila magkaaway at hindi ko rin maintindihan kung bakit isa lang ang kailangan kong piliin sa kanila. Mahirap para sa akin iyon dahil pareho silang mahalaga sa'kin.
"So, you are choosing her," saad ni Natalie noon ng hindi ako maka-imik ka agad.
I tried to communicate my decision but because I was stupidly stuttering all the time whenever I got nervous, Natalie decided even without listening to what I was about to say.
"Bakit ka nga pala napadaan dito?" tanong ko.
"Pupunta ako sa kaibigan ko," sagot niya.
"May kaibigan ka rito? Saan banda siya nakatira?" tanong ko na hindi niya sinagot ka agad. Nakatingin siya sa akin bago lumingon kay Cheeky.
"Wait, si Monique ba yung tinutukoy mo?"
Tumango si Natalie.
♦♦♦