Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 26 - CHAPTER 21 – Goto Hell

Chapter 26 - CHAPTER 21 – Goto Hell

 

V2. CHAPTER 4 – Goto Hell

ARIANNE'S POV

"Good morning anak," bati ni Tita Cecil nang makita niya si Aldred.

Maaga akong nagising at naligo. Pagbaba ko papunta sa kusina ay naabutan ko na nagluluto si Tita ng almusal. Umupo na muna ako sa may hapag at nakipagkwentuhan sa kaniya. Nabanggit ko sa kaniya ang pagpunta ni Pristine ngayong araw at ikinatuwa naman niya iyon.

"Hindi po ba nakakaistorbo 'yon sa inyo?" tanong ko.

"Aba'y hindi iha, natutuwa pa nga ako't makakatanggap ako ng bisita. Yung dalawa ko kasing anak ay madalang lang magdala ng mga kaibigan nila rito."

"Ah, salamat po. Kina Monique at Aldred... Ayos lang po ba sa kanila?" nag-aalala kong tanong.

"Huwag mo na sila alalahanin anak. May sariling mundo naman yung mga 'yan sa loob ng kanilang kwarto."

I can't help but laugh awkwardly at what Tita said.

Maya-maya ay pumasok si Aldred ng kusina. Para siyang pato na nakanguso at pikit pa ang isang mata. Gulo-gulo rin ang kaniyang buhok ng batiin siya ni Tita Cecil. Sinundan ko siya ng tingin. Tila nga hindi niya ako napansin na nakaupo.

Pagewang-gewang siyang pumasok ng CR bago ko narinig ang tunog ng gripo.

"Pagpasensyahan mo na 'yang anak ko ha. Ganyan kasi maglambing 'yan, kahit may sariling CR ipapakita pa sa akin yung mukha niya."

"Okay lang po, ang cute niya nga po e," tugon ko.

Bigla ay nakarinig kami ni Tita ng kalabog. Pareho kami ay napalingon sa direksyon ng CR.

"Aldred ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tita Cecil.

Wala kaming narinig na sagot kaya nilapitan ni Tita ang CR pero akmang kakatok pa lamang siya ay bumukas na ang pinto nito.

"Ayos lang po ako Ma," tugon ni Aldred saka parang robot na naglakad patungo ng hapag. Ang weird niya talaga. Umupo siya sa harapan ko at halata ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Gising na ba si Monique? Bakit hindi pa bumababa rito?"

Hindi sumagot si Aldred.

Inilatag ng mama niya sa mesa ang mga pagkaing iniluto nito. Hihintayin ko sanang makakuha sila bago ako pero ikinagulat ko na ang kinuha na bacon ni Aldred ay inilagay niya sa plato ko.

"Huwag ka mahiya."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa aksyon niya. Tinignan ko si Aldred ng masama hanggang sa mapansin ko na nakatingin pala sa akin si Tita. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Umayos ako. Na-conscious tuloy ako. Gusto kong kumain ng maayos pero hindi ko ma-enjoy ang mga pagkain. Masarap lahat pero hindi ko manamnam ng lubusan dahil sa pagka-asiwa ko sa taong nasa aking harapan. Seryoso ang mukha ni

Aldred ng banggitin iyon sa akin.

Gusto ko siyang suntukin. Nakakainis dahil imbes na yung pagkain ay may kakaibang nanuot sa buto ko.

Stupid Arianne.

Humugot ako ng hininga.

Sa tuwing mapapasulyap ako sa kaniya ay ang straight face niya ng ekspresyon ang nakikita ko. Napapaisip tuloy ako kung paano niya iyon nagagawa ng andito ako. Yung taong binastos niya.

"May problema ba Arianne? Hindi mo ba gusto yung pagkain?" tanong sa akin ni Tita ng mapansin niya ang ikinikilos ko. Na-startled ako.

"Ah hindi po, I mean, masarap po! Kaso lang..." Nagbangga ang paningin namin ni Aldred, "Nakakahiya po kasi," nasabi ko na lang kahit hindi naman talaga iyon ang pinakadahilan.

Natawa si Tita Cecil at pinaluwag ang loob ko. Sinabi niya na huwag akong mahihiya dahil parang anak na raw din niya ako.

"Aldred, bakit hindi mo kaya ilibot muna sa labas itong si Arianne para naman maging pamilyar siya sa lugar natin," suhestyon ni Tita na ikinatayo ng balahibo ko.

Nilingon ko agad si Aldred kaya nasaksihan ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.

"Opo Mama, sige po," saad niya bago tignan ako.

Wala akong magawa kundi sumang-ayon na lamang kahit na sa loob-loob ko ay tutol ako. Ayokong makahalata si Tita sa kung ano ang meron sa amin ni Aldred. Mabait siya kaya't lahat ng bagay na maaaring makapagpa-alala sa kaniya ay iiwasan ko.

Just think everything in a positive way. Kung iisipin din naman ay baka nga itinutulak na ako mismo ng tadhana para makausap si Aldred at maayos na ang lahat sa pagitan namin.

NO ONE'S POV

6:30 ng umaga noong bumangon si Pristine ng kama. Late na nga siyang nagising kumpara sa nakaugalian niyang oras ng pagbangon. Naupo siya sandali at tinantya ang sarili. Maaga na siyang nahiga pero alas dose na ng gabi ay di pa rin siya nakatulog. Hindi kasi siya mapakali.

Umabot ng alas-dos at alas-tres lamang siya tinamaan ng antok. Namumutok ang mga eye bags ni Pristine at kahit pinipilit niya na ibuka ang kaniyang mga mata ay kusa itong tumitiklop. Pumunta siya ng CR at naghilamos. Para maramdaman ang umaga ay iniangat niya ang kurtina ng kanilang silid. Kahit papaano'y ikinagaan ng kaniyang pakiramdam ang pagtama ng sinag ng araw sa kaniyang balat.

"Argh, for heaven's sake! Hindi mo ba napansin na natutulog pa ako ha?" iritang bulalas ni Natalie pagkatalukbong ng kumot.

Nasa pagitan ng kanilang mga kama ang malaking bintana. Hindi tuloy naiwasan na matamaan din si Natalie ng sinag ng araw at iyon ang naging dahilan ng kaniyang paggising.

"Wala kong pake sayo kaya bakit kita papansinin?" banat ni Pristine bago siya pumunta sa may pinto at binuksan ang ilaw.

Nang magliwanag ay napabalikwas si Natalie.

"You two-faced bitch! Do you even know the word "consideration"?!" galit na tanong ni Natalie.

Palihim na natawa si Pristine dahil sa pang-aasar niya pero noong makita niya ang itsura ni Natalie ay napatanga siya rito. Tila ba nananalamin siya ng makita ang kasalukuyang kondisyon nito.

Lingid sa kaalaman ni Pristine ay hindi rin nakatulog ng maayos si Natalie.

Mabigat ang mga yapak ay sabay na pumunta ng kusina sina Natalie at Pristine upang mag-almusal. Parehas sila ay nasa magkabilang dulo ng long table. Habang pinaghahandaan ng kanilang mga kasambahay ay di naman maiwasan ng mga ito na pansinin ang mga mukha ng kanilang mga senyorita.

"Ano bang meron kagabi at mukhang hindi kayo nakatulog ng maayos?" nagtatakang tanong ni Manang Soledad.

Parehas pumilig ng ulo ang dalawa at hindi sumagot.

ARIANNE'S POV

Muntik ko ng makalimutan na Linggo ngayong araw. Kung hindi nanuod si Monique ay baka late ko na itong nalaman. Wala namang significance sa akin kung Linggo, hindi naman kasi ako relihoyosong tao at sabihin nating twice a month lamang ako kung magtungo sa simbahan. Kailangan kong malaman na Linggo dahil ibig sabihin no'n ay may pasok na kinabukasan.

Kasalukuyan kaming dalawa ni Monique na nasa sala. Kakababa niya lamang at ngayon pa lang nagsisimulang mag-almusal. Hindi kami nag-uusap na dalawa. Nanunuod siya ng cartoon na Larva habang ako naman ay hinihintay si Aldred.

Noong sabihan ni Tita Cecil si Aldred na ilibot ako sa lugar nila ay nagmadali siyang kumain at agad na nagpaalam na maliligo muna siya. Sa palagay ko'y halos magti-twenty minutes na ang lumipas ng pumunta siya sa kwarto niya.

Habang nakaupo ako sa may sala ay bigla kong naalala yung nangyari sa aming dalawa ni Aldred. Mabilis ay nag-init ang mga pisngi ko. Tila side effect na nga iyon sa tuwing maaalala ko ang ginawa niya. Pumasok tuloy sa aking isipan ang huli niyang sinabi. Sinabi niyang mahal niya ako. Nasabi niya iyon kahit hindi naman kami lubusang magkakilala. Ipinahayag niya na gusto niya akong maging girlfriend.

Siraulo.

Napabuntong hininga na lang ako.

A lot of guys courted me before but he is the first one who gave an impression. Well, paano ba namang hindi siya tatatak sa akin. But that's not my point. He's conceited. Bianca said he was cool but he's somewhat bizarre to me. A total freak... however, he's the first guy aside from my family who said those words to me.

Maliban sa kilabot ay wala na akong naramdamang kakaiba noong sabihin niya iyon pero ngayon, sa tuwing maaalala ko ito ay mabilis na tumitibok ang puso ko kasabay ang pag-init ng pakiramdam na hindi ko mahinuha kung saan nagmumula. If I ever tell these emotions to someone, they'll eventually conclude that maybe I fell in love but I believe that's not the case.

Sort of confusion, I think? I'm a youth currently overwhelmed by these new experiences. I'm immature when it comes to love. To be blind by what my emotion tells me right now would be the most idiotic thing that I will do if ever.

"He's really in love with you Arianne." 

That's what Jerome thinks but I'm sure he misread him.

No one can love at first sight. If someone believed he is, then he misunderstood himself. What someone felt is not love but simply paghanga na maaaring lumipas din ka agad.

Tama!

Napaisip tuloy ako...

"Then I'm not in love with Jerome?"

Ang gulo ko. I sighed.

"Kuya saan punta mo?" Narinig kong tanong ni Monique.

Napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si Aldred. Para siyang nakatingin sa kawalan bago natauhan at nagmadaling pumunta sa akin.

"Sorry for the wait, Arianne," sabi niya.

Napatitig ako kay Aldred. Nakasuot siya ng pamilyar na black and red flannel shirt at black pants. Nakita ko ang mga iyon sa catalogue ng Mari. Nag-brush up din siya ng kaniyang buhok at dahil do'n ay dumoble pa ang, oo, kagwapuhan niya na hindi ko pwedeng i-deny.

Ipinilig ko ang aking ulo, "N-No i-it's fine," I stammered.

Ngumiti siya bago naagaw ng kapatid niya ang atensyon niya.

"Hmm? Ang yaman sa wax ng buhok mo a... Namumuti na o," saad ni Monique. Walang gana sa mga salita niya.

Agad namang inalog ni Aldred ang ulo niya. Tumawa si Monique.

"Just joking," Monique retracted, making her brother furrow his eyebrows.

Binalik ni Aldred ang tingin sa akin, "Shall we off then?" he asked. His sudden tone, that velvety voice caught me off guard. All I can do is stare at him without answering.

"Err..." Tumingin si Monique kay Aldred bago siya lumingon sa akin. Masama ang tingin ng mga mata niya kaya napaiwas akong salubungin ito. Simula noong dumating ako rito ay naramdaman ko na na masama ang timpla niya sa akin.

"Bakit di muna tayo magpaalam sa mama mo," suhestyon ko at saktong lumitaw si Tita Cecil. Nagpaalam kami sa kaniya.

♦️♦️♦️

"Cheeky! Come here, come here!"

Nagsimula na akong ilibot ni Aldred. Hindi kami nag-uusap na dalawa. Magsasalita lamang siya kapag may ituturo sa aking noteworthy na lugar or building na tutugunan ko naman ng pagtango at kapag tatawagin niya ang aso nilang si Cheeky na isang giant white female poodle. Pinasama ito ng mama niya sa amin.

"Iyan naman yung gotohan ni Mang Taning."

Tumuro si Aldred sa isang kainan na halos mapuno ng tao.

"Isa yung luto nila sa mga the best na goto na natikman ko. 'Pag di nakakapagluto si Mama ng almusal dyan kami kumakain ni Monique."

Binuhat ni Aldred si Cheeky na parang baby ito.

"Goto Hell?"

Ngumisi si Aldred.

"Oo Goto Hell. Si Mang Taning kasi ni-match niya sa pangalan niya," nangingiting paliwanag niya sa akin, "Open sila 24/7 kaya pwede kang kumain kahit anong oras mo gusto."

Napatitig ako kay Aldred. Siguro kung hindi ako naunahan ng kabastusan niya ay baka kahit papaano ay maging fan niya ako katulad ng mga commenters niya sa Facebook. Gwapo siya, kung ikakaila ko 'yon ay magsisinungaling lang ako. Sa tuwing ngi-ngiti siya ng normal ay doon ko lang naa-appreciate kung paano nasabi ni Bianca na cool siya.

Napansin ko na parang nailang siya at doon ko na lamang nahuli ang sarili ko na matagal pala akong nakatitig sa kaniya.

"Arianne, gusto mo bang—"Hindi pa siya natatapos magsalita ay naagaw na ang atensyon namin ng isang matandang lalaki.

"Hoy Boy S! Nakatayo ka dyan?!" sigaw ng matanda saka kumumpas na lumapit kami sa kaniya, "Halika at dagdagan mo itong pang umagang kita ko!"

Boy S? Napalingon ako kay Aldred. Napakamot siya ng batok bago naka-ngiwing tumingin sa akin.

"Okay lang ba sayo Arianne na lapitan natin si Mang Taning?" tanong niya.

Tumungo kami sa gotohan kung nasaan nakatayo yung matandang lalaki. Maraming tao sa gotohan at habang papalapit kami ay napansin ko ang paglingon nila sa direksyon namin. Napalihis ako ng mukha dahil sa pagka-ilang. Nang makalapit ay nakangiti kaming sinalubong ng matanda. Matanda na si Mang Taning at kahit maputi na ang kaniyang buhok ay malago naman ito. Mapayat siya at nakayukod na pero kahit ganoon ay hindi mo masasabi na mahina siya.

Masigla pa rin si Mang Taning at makikita 'yon sa kaniyang mga mata.

"Ikaw talaga Boy S," sabi nito pagkatapik sa balikat ni Aldred. Masungit naman siyang tinignan ni Aldred. Napahalakhak ang matanda bago ito lumingon sa akin at malokong ngumiti.

"Aba'y sino naman 'tong magandang binibini na kasama mo iho?" Malokong tanong ng matanda habang nakatingin sa akin, "Kasintahan mo ba?"

"Goto Hell,"

Sabay lumingon sa akin si Aldred at Mang Taning.

"Ehem, yung pangalan po ng gotohan niyo," paglilinaw ko. Pansin ko ang pagnganga ni Aldred bago siya tumugon kay Mang Taning.

"Hindi ko po siya girlfriend. Anak po siya ng kaibigan ni Mama," paliwanag ni Aldred. Nilingon naman siya ng matanda, "Nakikitira siya sa amin ngayon."

Mahinahon lamang ang pagsasalita ni Aldred pero biglaang nagbago ang ekspresyon ni Mang Taning.

"ANO?! NAGSASAMA NA KAYO? E ANG BATA-BATA NIYO PA A?"

Nagulat ako sa reaksyon ni Mang Taning at the same time ay nairita dahil sa pagtatawanan ng mga tao sa gotohan.

Nilingon ko si Aldred ng masama.

"HINDI PO! ANAK NGA LANG PO SIYA NG KAIBIGAN NI MAMA NA NAKIKITIRA SA AMIN," pasigaw at masungit na giit ni Aldred.

"BWISET KANG BATA KA! INANAKAN MO TAPOS ITINIRA MO SA BAHAY NIYO?"

Nagulat ako ng bigla ay hinampas ni Mang Taning si Aldred sa ulo.

"ALAM MO BANG HIRAP NG PAPA MO SA IBANG BANSA PARA LANG PAG-ARALIN KA TAPOS MAMBUBUNTIS KA LANG? MGA KABATAAN TALAGA NGAYON!"

Naghalakhakan ang mga tao sa gotohan. Hindi ko naman maiwasang mamula sa hiya. Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Aldred. Tumingin siya sa akin.

"Sorry, sorry Arianne, dahil sa katandaan kasi kaya naapektohan na yung pandinig saka pang-unawa ni Mang Taning," nagpa-panic niyang paliwanag habang hinihimas ang bumbunan niya. Nakasimangot niyang kinausap muli ang matanda.

"Mang Taning mali po yung pagkakaintindi niyo," malumanay niyang giit.

Akmang lilintanyahan pa sana ni Mang Taning si Aldred hanggang sa lumapit sa matanda ang isang babae.

"Ano ba 'yan Tay tinatakot mo naman yung bagong customer natin e,"

Napatitig ako sa babae. Parang may liwanag sa paligid niya na agad tumalo sa nag-iinit na ulo ni Mang Taning. Soft, gentle and modest. Para siyang isang anghel na ipindala para iligtas ako sa kahihiyan.

"Boy S, pagpasensyahan mo na si Tatay ah. Kakain ba kayo ng kasama mo?" tanong ng babae kay Aldred bago siya ngumiti sa akin. Lumingon sa akin si Aldred na tipong hinihintay ang sagot ko.

Tumango ako dahil hindi ko mapahindian yung babae. Saka baka ito na lang marahil ang pagkakataon ko na mabigyan ng verdict yung lasa ng goto dahil ayoko ng bumalik dito.

Itinali muna ni Aldred si Cheeky sa bakuran ng bahay nila Mang Taning. Umupo kami ni Aldred kahilera ang ibang customer. Naasiwa ako dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Napatingin sa akin si Aldred at mukhang nahalata niya ang sitwasyon ko. Nag-aalala siyang nagtanong sa akin.

"Ayos ka lang ba Arianne?"

Tumango lamang ako bago naagaw ang atensyon ko ng isa naming katabi na customer.

"Yayamanin ata 'yang girlfriend mo Boy S eh, baka napipilitan lang 'yan kumain dito dahil sayo," sabi ng lalaking customer.

Na-offend ako kaya't umayos ako.

"Hindi ko nga po siya girlfriend, saka kaya siya ganyan kasi nahihiya siya," yamot na tugon ni Aldred. Medyo na-appreciate ko naman ang pagtatanggol niya sa akin.

"Hindi ka ba talaga girlfriend nitong si Boy S?" tanong ng isang Ale.

Mabilis akong umiling sa kaniya.

Kanina ko pa napapansin na lahat ng tao dito ay tinatawag si Aldred na Boy S. Nangengwestyon akong napalingon kay Aldred kaya't nagtaka siya.

"May problema ba?" tanong niya. Bigla ay dumating na yung dalawang special goto na in-order ni Aldred para sa aming dalawa.

"Enjoy the food Miss Cutiepie," sabi ng babae pagka-abot sa akin. I just smiled sheepishly at her compliment. Napatingin na lamang ako sa goto. Masahog ito at maganda ang presentation para sa isang carenderia style na gotohan.

Susubo na sana si Aldred pero napatigil siya ng magtanong ako.

"A-Anong p-pangalan niya?"

"Si Ate Angge 'yan, apo siya ni Mang Taning," nakangiti niyang tugon sa akin.

Napatingin ako sa goto at tumango ng ilang ulit. Muli ay tinignan ko si Aldred.

"Bakit Boy S?" Sunod ko namang tanong na tila narinig ni Ate Angge kaya't siya ang sumagot sa akin.

"Boy S kasi boy simangot, boy sungit saka boy sumpong 'yang si Aldred," natatawa niyang paliwanag at doon ay napansin ko na parang nahiya si Aldred dahil sa rebelasyon.

"Ate!" he hissed after swallowing a mouthful of goto.

I chuckled at Aldred. He noticed my reaction and glanced at me with exasperation before turning to his food.

Para siyang bata kung makasimangot.

"Ako nga pala si Angelique, pero tawagin mo na lang akong Ate Angge katulad ni Boy S. Ikaw miss cutie? Anong pangalan mo?" Magiliw na tanong ni Ate Angge dahilan para mag-init ang pisngi ko.

"Arianne po," nahihiya kong tugon. Napayuko na lamang ako at sinimulang kainin ang goto ko.

"Arianne? Ah, I see," reaksyon ni Ate Angge sabay ngiti. Nagtaka ako pero nabura iyon ng malasahan ko na ang goto na aking isinubo.

"Oh, this is really good!" I exclaimed to myself. Napaangat ako ng mukha at nakita ni

Ate Angge yung reaksyon ko. Ngumiti siya sa akin.

Sa unang lapat palang sa dila ko nung goto ay nanamnam ko kagad ang flavour nito. Pagkatapos kong malunok ang una ay sumubo pa ako ng isa tapos isa pa. Napansin ata ni Aldred ang aksyon ko at napalingon siya sa akin at ngumiti. Napangiti naman din ako bilang tugon sa kaniya.

"Kahit kailan hindi ako magsisinungaling sayo," saad ni Aldred na ikinailang ko.

"Nagustuhan mo ba ine?" tanong sa akin ni Mang Taning. Mukhang nahimasmasan na siya.

"Opo," nakangiti kong tugon.

Umalis kami ni Aldred ng gotohan na may ngiti sa aming mga labi. Hindi kami pinagbayad bilang pag-welcome nila sa akin at bukod pa roon ay binigyan din kami ni Ate Angge ng dalawang balot pa ng goto para kay Tita Cecil at kay Girl S-si Monique.

♦♦♦