Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 20 - CHAPTER 16 – Ice Queen

Chapter 20 - CHAPTER 16 – Ice Queen

V1. CHAPTER 16 – Ice Queen

NO ONE'S POV

Basta na lamang isinalansak ni Bianca sa maleta ang mga gamit na sa tingin niya ay kaniya. Damit, sapatos, toothbrush, nailcutter, chocolates... wala siyang pake kung gulo-gulo at magkakahalo. Ang mahalaga ay malagay itong lahat sa bag.

Hirap niyang isinara ang parang sukang-suka na na bag, kinailangan niya pa ngang tumayo at apakan ito para mahila ang zipper. Nagngingitngit ang mga ngipin ay ibinigay niya ang kaniyang buong pwersa at sa kabutihang palad ay nasara niya maleta.

"Whew, easy!" papuri ni Bianca sa sarili saka pinunasan ang nabuong butil ng mga pawis sa kaniyang noo. Umupo siya sa kaniyang kama at ini-scan ang paligid.

"Okay..."

Hinila niya ang dalawa pang backpack na dadalhin niya maliban pa sa maleta bago siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"I leave no choice. I need to face it."

Kumagat si Bianca sa kaniyang pang-ibabang labi, "Huh, alam mo naman Bea na mangyayari't mangyayari 'to," pagkumbinsi ni Bianca sa sarili. Malalim ang kaniyang iniisip hanggang sa maputol iyon ng tawag sa kaniyang cellphone.

"Hello, Pristy,"

"Are you with Aya?" Agad na tanong ni Pristine.

"Nope, I'm here sa dorm e... bakit? May problema ba?"

"Nah, pero alam mo naman di ba? Brrr, nasaan na kaya 'yon?"

♦♦♦

"Hoy! Anong klaseng kalokohan 'to?"

Hindi naman black out pero nabalot ng dilim ang room 106 – and dorm room nina Pristine at Arianne. Tanging isang lamp shade na nakapwesto sa hapag kainan ang mapagkukuhanan lamang ng liwanag. Sa paligid ng lampshade ay naroon at nakaupo si Arianne sa may dining chair habang nakatayo at nakatingin naman si Bianca at Pristine sa kaniya.

"Mga siraulo, tanggalin niyo nga 'to."

Pagkatapos makita nina Bianca at Pristine ang mga imahe sa cellphone ni Arianne ay agad nila itong isinailalim sa isang interogasyon.

"Pristy, do we really need to tie her?" natatawang tanong ni Bianca. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa pinag-gagagawa nila.

Nilingon siya ni Pristine, "YES," seryosong tugon niya dahilan para sa hindi makapaniwalang facial expression ng kanilang subject.

Nagpapaawa na lumingon si Arianne kay Bianca.

"Sorry, Arianne. I'm just following the boss' instruction," tugon ni Bianca bago nag-pull ng sad face.

Walang magawa si Arianne kundi magtiis sa sitwasyon niya at sakyan ang kabaliwan ni Pristine. Ganundin naman si Bianca, go with the flow lang para masaya ika nga.

Inilapag ni Pristine ang hawak-hawak niyang laptop sa hapag at iniharap ito kay Arianne. Pagka-unfold ni Pristine nito ay nag-flash sa screen at tumambad sa kanilang tatlo ang kissing scene ni Arianne at Aldred.

"Yah!"

"Yay!"

"Grrr!"

Magkakaibang reaksyon ang nagawa ng tatlo.

"Pristy! Can you please remove that away from my sight?!" atas ni Arianne sa kabila ng pamumula ng kaniyang pisngi. Pilit man niyang ikahiya ang larawang iyon ay di niya maipaliwanag ang kakaibang pagkabog ng kaniyang dibdib. Yumuko na lamang siya.

"Grabe, Arianne, ang cute niyong dalawa," saad ni Bianca habang tuwang-tuwa na nililipat-lipat ang mga larawan, "Bwiset ka Arianne, imba talaga beauty mo. Nice nice nice, super kawaii, yay!" dagdag ni Bianca kasabay ang malawak na pagguhit ng ngiti sa kaniyang mga labi.

"Heh! Tumigil ka nga Bea!" Bulyaw ni Pristine na tinawanan lamang ni Bianca. Nanlisik ang kaniyang mga mata saka inilipat ang tingin sa mga pictures bago kay Arianne.

"Walang dapat ikatuwa rito. This is an obvious case of sexual assault!"

Napa-pout si Bianca. Alam niyang totoo naman kasi ang sinabi ni Pristine. Hindi tama ang ginawa ni Aldred sa kanilang kaibigan kaya agad siyang nakaramdam ng guilt.

"Sore na, ang cute lang kasi nila."

Nakasingkit ng tingin si Pristine kay Bianca at habang tumatagal ang mata niya sa kaibigan ay mas humahaba ang nguso nito. Nairita si Pristine kaya't ibinalik niya kay Arianne ang kaniyang atensyon. Sakto naman ay iniangat ni Arianne ang kaniyang mukha ngunit nababahiran na ito ng mga luha.

Agad ay nagulantang sina Pristine at Bianca.

"Aya!"

Iyak ng iyak na ikwinento ni Arianne ang problemang kinahaharap niya. Noong gabing iyon ay gustong-gusto ng sugurin ni Pristine ang resident photojourn nila pero pinigilan siya ni Arianne. Hindi rin makapaniwala ang dalawa sa kwento ni Arianne tungkol naman kay Natalie.

"So that's the reason why..." na-realized ni Bianca bago mapalingon kay Pristine.

Hindi kumibo si Pristine.

"Mag-apologize ka na lang kay Nat para walang problema. Tutal hindi mo rin naman ginusto," advice ni Bianca na nakaani ng matalim na tingin mula kay Pristine.

"Hell, she will. Sino ba siya para mag-apologize si Aya sa kaniya?" reaksyon ni Pristine kasabay ang paghalukipkip.

"Yah! Alam ko naman na ang unfair no'n kay Aya kasi wala naman siyang kasalanan kahit kanino pero tignan mo naman..."

Parehas ay tinignan ng dalawa ang humihikbing kaibigan.

"Hindi sa pabor ako sa sira ulong lalaki na 'yon pero hindi pa naman siya pagmamay-ari ni Natalie para saluhin ni Arianne yung jealousy niya. Yung sira ulo yung humabol kay Arianne. Walang dapat ihingi ng dispensa si Arianne dahil di naman nga niya ginusto yung nangyari," pahayag ni Pristine.

"I know, I know. Si Arianne yung victim dito pero ayoko lang naman na ganyan siya oh. Gusto ko lang naman mabawasan ang problema niya at kung pwedeng daanin naman sa diplomasya mas maayos di ba kaysa kumalat pa sa buong school. Alam kong agrabyado siya pero alam mo rin naman kung gaano kaayaw ni Arianne sa ganitong sitwasyon di ba?"

Nauwi sa pagtitigan ang argumento ng dalawa.

Naintindihan ni Pristine ang nais ni Bianca. Medyo nahiya nga siya dahil sa kaniyang pagiging makasarili. Alam niyang tama naman siya logically pero si Bianca ay mas pinili ang desisyon niya base sa kung ano sa tingin niya ang makabubuti sa kanilang kaibigan.

Hindi sila binigyan ng sagot ni Arianne sa kung ano ang balak nito kaya hindi maiwasan na mag-alala ni Pristine. Parehas sila ni Bianca ay hinanap ang kaibigan.

ARIANNE'S POV

Sabado ngayon at kakagaling ko lang sa Art Club nang mapadaan ako sa Music Club. Nakarinig ako ng pagtugtog ng piano kaya't napasilip ako sa loob. Doon ay nakita ko si Natalie. Tanging siya lamang ang nasa clubroom nila. Tumigil ako at nagdalawang-isip kung dapat ko ba siyang kausapin. Naisip ko yung sinabi ni Bianca. Wala naman sa'kin yung paga-apologize. Sino man ang may kasalanan, kasalanan ko man o hindi, basta ang mahalaga ay makausap ko si Natalie at maayos kung ano man ang dapat ayusin.

Makailang ulit akong lumunok bago ko maipon ang lakas ng loob para pumasok sa silid at tawagin ang pangalan niya.

"Natalie," mahina kong banggit.

Pagkatawag ko kay Natalie ay marahan siyang lumingon sa akin. Tinignan niya muna ako ng ilang saglit, mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita.

"Wow, such courage. So, the Fiend already said it to you, huh?"

Agad akong na-intimidate kaya't napayuko ako at napakagat sa labi ko.

"No, not her... Someone, someone told me," mahina kong sabi saka ingat na nilingon siya.

Tumayo si Natalie mula sa pagkakaupo niya bago siya sumandal sa piano.

"Really? Then who?" tanong niya pero hindi niya na naantay ang isasagot ko, "Anyway, nevermind. Wala akong pake kung sinong nagsabi sayo... Arianne— "

I abrupted her, "Natalie, hindi ko naman... No, mali yung pagkakaintindi mo."

"What do you mean?" malamig niyang tanong.

"Hindi totoo yung rumor. Hindi ko boyfriend yung Aldred, ni hindi ko nga siya kilala," I clarified.

Hindi kumibo si Natalie at nananatiling matalim akong tinititigan. Ngumisi siya makailang saglit at natawa. Dahan-dahan siyang humakbang padirekta sa akin.

"Naiintindihan ko."

Namangha ako sa naging reaksyon niya.

Hindi ko man maintindihan kung bakit ganoon na lamang kadali para kay Natalie na tanggapin ang paliwanag ko ay sapat na iyon upang gumaan kaagad ang pakiramdam ko.

Tumigil si Natalie at tumalikod. Bumalik siya sa may piano at muling tumugtog. Nanatili akong nakatayo sa loob ng Music Club malapit sa pinto at pinagmasdan siya.

Minute Waltz. Agad pumasok sa isip ko nang marinig ko ang mga naunang keys na pinindot niya. Gusto ko siyang hayaan na tumugtog pero naiilang na ako sa pwesto ko at kung maaari ay gusto ko ng magpaalam.

"Natalie, okay na ba tayo?" Maingat kong tanong sa kaniya ngunit mukhang abala siya sa pagtugtog. Sa tingin ko nga ay ayaw niyang magpaistorbo dahil sa klase ng tinutugtog niya.

"Hindi mo man lang ba ako— "

Isang wala sa tonong key ang tumunog. Tumigil si Natalie.

"No, it's because you always tell the truth."

Nagulat ako sa sinabi ni Natalie. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa nakatalikod ang pwesto niya.

"I believe in you. You're one of the most important people for me in this school after all," aniya saka marahang lumingon sa akin. Nagtama ang mga mata namin at naaninag ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

Bagama't hindi ko maintindihan ang punto ng sinabi niya ay kasabay noon ay nakadama ako ng lungkot para sa kaniya.

Natalie, in the eyes of many in this school, is callous, condescending, and arrogant. An "Ice Queen" as she is called. That's also what I thought at first, not until I realized something.

She's one of those so-called 'It-Girls' but I have never seen her socializing with upper-class students in this school since I transferred here. Though sometimes I see her walk together with Noreen and Eunice, most of the time she's always by herself. I don't know if she preferred to be alone but what I'm sure of is that she's lonely.

Kagaya ng dati...

I sighed and bit my lip.

"And I want to tell you pala na you don't need to mind Noreen. I already fixed your problem with her so that you won't need to comply with her craziness," saad ni Natalie na ikinagulat ko ng matindi.

Nabuhayan ang mga mata ko ngunit hindi ko rin maiwasan ang magtaka.

"Ibig sabihin alam mo na— "

"Yes," tugon niya kasabay ang pagbaliko ng ulo. Diretso siyang nakatitig sa akin kaya agad kong napansin ang paglaki ng kaniyang mga brown na eyeballs.

"E-Even the kiss?"

Tumango si Natalie.

"Of course."

Napatitig ako sa kaniya.

"You must be mad..." nangangapa kong sambit.

"Definitely," malamig niyang tugon.

Napalunok ako.

"I'm sorry. Hindi ko talaga ginusto. Kung hindi ko na sana siya kinausap— "

Pansin ko ang biglaang pagbuntong hininga ni Natalie.

"Hindi mo dapat hinahayaan na halikan ka ng ganon-ganon lang," seryosong sabi niya.

Namula ang mukha ko ng maalala ko yung picture. Ibig sabihin ay nakita rin iyon ni Natalie.

"Like what I said, I believe in you... and Noreen, she already told the truth to me."

Napahinga man ako ng maluwag ay nagsusumiksik pa rin ang kaba sa mga laman ko. Habang isa-isa ko itong nilalabanan ay naagaw ang atensyon ko ng mga sunod na tanong ni Natalie.

"Hey, Arianne. What can you say about Aldred? Do you like him?"

"Huh?"

Napatanga ako kay Natalie. Nang ma-absorb ng utak ko ang sinabi niya ay biglang na-rattle ang buong pagkatao ko.

"No!" pabulyaw kong naitugon, "So-Sorry, ano hindi, no, nope. I don't like him! I will never like him," sagot ko na mukhang dahilan ng pagngiti niya.

"Good. Ibig sabihin wala akong magiging kaagaw di ba?" she asked with a bright smile on her face.

"Wala," agad ko namang paninigurado.

"Promise?"

"Promise," nakangiti kong sabi.

Muli ay tumalikod si Natalie sa akin at humarap sa piano. Itinuloy niya ang naputol na tinutugtog kanina. Magpapaalam na sana ako sa kaniya nang bigla ay tumigil muli siya.

"May gagawin ka ba ngayong hapon? How 'bout stay here for a while?"

Nilingon muli ako ni Natalie.

"Ano, kasi..." Napakamot ako sa batok ko, "Mag-aayos pa kasi ako ng mga gamit para sa pag-alis ko mamaya sa dorm."

"I see. Saan ka pala muna titira?"

"Mom gave me a certain address. One of her bestfriends' sabi niya. Honestly hindi ko pa nga alam kung paano pumunta but Pristine said that she will lend me a hand."

Sandaling may namuong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Dahil doon ay na-realize ko kung ano ang nasabi ko.

"Okay, I understand. Bye," may pagka-disappointed na reaksyon ni Natalie.

Aalis na sana ako pero natigilan ako dahil sa guilt.

"Ano, maybe some other time? Ako na lang yung ko-contact sayo," alok ko. Bigla ay tumunog ng isang beses ang A key na may pinakamababang tunog sa piano.

"No need for I understand. Nakalimutan ko, hindi nga naman pala ako yung pinili mo hindi ba? Kaya dapat lang na hindi mo ko i-prioritize."

Nabalik kami sa nakaraan.

"Nat, hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin. I did choose Pristine but that doesn't mean that I don't want to be friends with you."

Hindi umimik si Natalie.

"Natalie..." I mumbled.

"Kung nagi-guilty ka, please stop that. Hindi ko rin kailangan ng awa mo. Di ba may aayusin ka pa? Iwan mo na lang ako kung pwede?"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Mabait naman si Natalie sa akin pero minsan ay tila ba may mga nagagawa ako ng hindi ko naman alam na ikinaiirita niya. Naiintindihan ko naman si Natalie pero may mga pagkakataon na nakakalito talaga ang mga aksyon niya. Ganoon siya kahit na noong mga bata pa kami.

Humakbang ako palabas ng kwarto bago muling sumulyap sa pigura niya na ngayo'y nakaharap na sa piano at nakatalikod sa paningin ko. Paalis na ako ng club hallway pero hindi ko na narinig na itinuloy niya ang Minute Waltz. Wala na rin akong narinig kahit na isang key mula sa piano hanggang sa makaalis ako.

♦♦♦