V1. CHAPTER 14 - Capturer
ARIANNE'S POV
3 days simula noong ma-issue ako sa star student ng NIA. Mabuti na lamang at nag lie-low na yung usapan. Siguro kasi ay wala namang evidence at in the first place ay hindi naman totoo.
Kakagaling ko lamang ng library noong mapansin ko ang nagkukumpulang mga estudyante sa may tapat ng bulletin board. Gusto ko sanang lumapit para malaman ko kung anong pinagkakaguluhan nila pero siyempre hindi ko gagawin 'yon.
"Aya..."
Napalingon ako sa direksyon ng malamya na boses na narinig ko. Tumambad sa'kin ang bagsak na mukha ni Bianca.
♦♦♦
"Uy Pristy! Is it really mandatory? Pwede bang doon lang sa mga affected na dorms? Bakit kailangan lahat pa?" Sunod-sunod na daing ni Bianca.
"Mandatory talaga eh. Sabi ng school chairman for safety purposes daw. Yung building C na-assess na delikado na talaga and yung ibang building ido-double check pa. No matter what kind the result is hindi raw ipapagamit yung mga dorms for this year," malungkot na paliwanag ni Pristine.
"My gad!"
Hindi maipintura ang mukha ni Bianca dahil sa narinig.
Kasalukuyan na kaming nasa classroom at hinihintay ang first subject. Habang naghihintay ay nagsimulang magdiskusyon ang mga kaklase ko tungkol sa announcement kanina. Naka-post kasi sa bulletin board na kailangan munang umalis ng mga estudyante sa kani-kanilang mga dorms para sa gagawing assessment at renovation.
Maingay sa loob ng silid dahil sa halo-halong reaksyon ng mga kaklase ko. Pinapanuod ko ang parang magbe-breakdown na na si Bianca nang biglaang mag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ko at pagka-unlock ko ay nakita ko ang ngalan ni Mama.
"Hello po, Ma."
"Good morning anak, may klase na ba? Nakakaistorbo ba ko? Kamusta ang baby ko?"
Biglang tumahimik ang paligid. Nangiti naman ako sa bungad at sunod-sunod na tanong.
"Good evening po Ma, wala pa naman po. Napatawag ka po bigla?"
"Na-miss ka lang ni Mama mo. Hindi kasi ako makatulog, may gusto ba ang baby ko para ma-inspire ako mag-work bukas?"
Nangisi ako, "Si mama talaga," saad ko bago naagaw ang atensyon ko ng nakangusong si Bianca. Mangiyak-ngiyak ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuga tuloy ako ng hininga.
"Pero tamang-tama po ma. May problema kasi ngayon dito sa school tungkol sa mga dorms."
Mula sa pagtingin ni Bianca ay ramdam ko na rin ang mabibigat na mga mata ng mga kaklase ko. Nailang ako kaya't minabuti ko na yumuko na lamang.
"Ano... ma. I need to get a house, a unit or room basta po kahit anong matitirhan. Ire-renovate po kasi yung mga dorms."
"Dahil ba sa nangyaring lindol?"
"Opo,"
"Hmm... Okay… Sa Cent— Nope, huwag pala roon. Arianne, I'm not sure if makakabili ako ng bahay na malapit dyan sa school mo... How about an apartment? Anyway 'pag nakahanap ako ng bahay or unit hindi ako papayag na mag-isa ka lang. Okay?"
"Ma, ayoko ng may kasama," I whined.
"Nope, huwag matigas ang ulo. Kukuha ako ng nanny and bodyguard. Sige na anak, sleep na ako. Bye baby, I love you."
"I love you too po, Ma. Good night, sleep well."
Masaya ako sa pagtawag ni Mama pero hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga. Sinalansak ko ang cellphone sa bulsa ko. Iniangat ko ang ulo ko bago napaikot ang tingin ko sa paligid. Isa, dalawa, tatlo… biglang nagsugudan patungo sa akin ang mga kaklase ko.
"Woah! Fernandez! Alam mo 'bang ang ganda talaga ng August issue ng Mari."
"Oo nga! Miss Arianne pwede bang mag-request sa mama mo na sana sumali sila sa bazaar sa Central Mall."
"Saka Arianne, pwede bang pakisabi rin na sana mas bumilis pa yung restocking kasi nauubusan ako kagad eh."
Sa dami ng pumalibot sa akin ay kinailangan ko ng hanapin ng tingin sina Pristine at Bianca.
Oh my god! Pristine and Bianca, help!
Both of them just smiled at me. Kakausapin ko pa sana sila tungkol sa sinabi ni mama pero nawalan na ako ng pagkakataon dahil sa dami ng kumakausap sa akin. Hindi ko na nga sila maintindihan at hindi ko alam kung paano sila ie-entertain kaya tango lang ako ng tango. Mabuti na lamang ay dumating na ang teacher namin. Nagbalikan ang lahat sa kani-kaniya nilang pwesto at nagsimula na ang klase.
Thank goodness.
Kaya ganoon ang mga kaklase ko ay dahil alam nila na ang mama ko ang may-ari at kasalukuyang CEO ng Mari, isa sa pinakasikat na fashion line dito sa bansa.
♦♦♦
Hapon na at hindi ko maiwasang tumingin sa aking relo. Kaunting minuto na lamang at madi-dismiss na kasi ang klase. Nasa kalagitnaan ng Quantum Physics discussion ang adviser namin nang pumatak ng alas kwatro ang relo ko at tumunog ang school bell.
"So Aya? Ano sabi ni Tita?" Agad lumapit sa'kin si Pristine at nagtanong. Hindi kami nakapag-usap kaninang tanghali dahil tumungo siya sa Student Council habang pumunta naman si Bianca sa club na pinamumunuan niya.
"Hahanapan niya raw ako pero hindi raw siya papayag na ako lang mag isa ang titira sa makukuha niya."
Pagkasabi ko noon ay bigla na lamang sumulpot si Bianca na parang kabute.
"ARIANNEEE! I volunteer! Ako na lang. Ako na lang yung sabihin mo kay Tita na sasama sayo PLEASEEE. I will do everything you asked. Cook, clean, wash, even your underwear, isasama ko kung kinakailangan. You can count on me!" Desperado niyang sabi dahilan para maglingunan sa pwesto namin ang mga kaklase namin.
"Shhh! Tumigil ka nga." Napatingin ako sa kaniya bago sa paligid, "Huwag mo nga ipagsigawan yung mga ganyang bagay," suway ko, "Saka ba't ka naman makikituloy sa akin? Di ba may bahay naman kayo saka may condo unit din kayo ah."
Mula sa pagiging kabute ay parang naging lantang gulay siyang bumagsak sa katabing upuan.
"Both of you know I can't live in our house... and sa condo, never mind," Bianca whined then shook her head over and over and over again.
Napatanga na lamang kami ni Pristine sa kaniya.
Bianca's father got remarried the year after her mom passed away. Actually, we got the chance to meet her soon-to-be mom a few days before the wedding and we can judge that she's a good woman. In fact, Bianca and her bonded well but I still don't know why she's against her.
Hindi pumunta si Bianca sa kasal ng papa niya. Simula rin nang ikasal ito ay hindi na umuwi ng bahay si Bianca. Lagi namin siyang pinipilit ni Pristine na umuwi pero matigas talaga siya. Nagpalit siya ng cellphone number at minsa'y nagbanta pa na isusumpa niya raw kami kapag sinabi namin sa papa niya yung bagong number niya. Alam namin ni Pristine na hindi naman magagawa 'yon ni Bianca pero hindi pa rin namin sinabi. Kami na lamang ang kumukunekta sa papa niya.
"Kung ako kay Tito papa-close ko na 'yang debit account mo para mapilitan kang umuwi. Ang kapal mo rin eh," sabi ko habang pinapasok ko sa bag ang mga gamit ko.
"Tama, ba't ba hindi natin i-suggest Aya," dagdag ni Pristine.
Bigla naman tumayo si Bianca at tinignan kami ng masama.
"Sige, subukan niyo lang kung gusto niyong maranasang tumalbog 'yang mga ulo niyo sa isa't isa," banta niya bago nagmadaling lumabas ng classroom. Tumayo ako at hinabol namin ni Pristine si Bianca. Mabibigat at mabibilis ang mga naging lakad niya.
"Hoy hoy Bea ikaw naman talaga yung isa-suggest ko kay mama na magiging kasama ko e," paglilinaw ko na agad nagpatigil sa kaniya.
Hindi kami hinarap ni Bianca. Ilang estudyante na ang nagdaan sa hallway pero kaming tatlo ay nanatili lamang na nakatayo dito.
"Bakit pala muna hindi ka sa condo niyo sa Central?" tanong ko.
Parehas kami ni Pristine ay nakatingin lamang sa kaniya at naghihintay ng isasagot niya. Sunod ay pumihit si Bianca paharap sa amin.
"Jerome lives there," mariin niyang sabi bago nagpatuloy maglakad. Sa kaniyang pananalita ay pansin ko ang tono ng kalungkutan. Hindi ko rin napalampas ang para bang malungkot niyang ekspresyon.
Napatingin na lamang kami ni Pristine sa isa't isa.
♦♦♦
"Okay! Break muna tayo guys!"
Inilapag ko ang hawak kong paint brush nang tumawag ng break time ang club president namin. Lumabas ako ng clubroom para tumungo sa CR. Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang mapaisip sa kung anong magiging reaksyon ko kung sakaling magkita nanaman kami nung Freak. Kung sinasabi nila na maliit lamang ang mundo paano pa kaya para sa aming dalawa na parehong taga General City lalo pa't pareho rin kaming nakatira sa Northern District?
Walang tao sa CR pagkalabas ko ng cubicle. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagagawa kong makapag-ayos sa tapat ng salamin. Wala kasing titingin sa akin kaya hindi ako maiilang.
Ngunit akala ko lang pala iyon.
Nagtatali ako ng buhok noong may biglang lumabas sa isang cubicle. Nataranta ako kaya nagmadali ako pero dahil sa nagulo na rin ang sinuklay ko ay hindi na ko nagpatuloy magtali. Mas pinili ko na lang maghanda para lumabas.
Nang madirekta ko ang tingin sa salamin ay nakita ko ang reflection ng taong lumabas mula sa cubicle. Agad ay nakaramdam ako ng pagkairita. Hindi ko na-control ang sarili ko at napatingin ako sa kaniya ng masama. Paapak na ako paaalis pero pinigilan niya ko sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko.
I shrugged her hand off my shoulder to continue my way out, but then again, I was interrupted. Interrupted in a way that I never imagined.
"Don't you want to see the sweetest kiss of the year?"
Napatigil ako dahil sa tinuran niya. Tinitigan ko siya kaya nakita ko ang isang malisyosong ngiti. Dahil sa reaksyon niya ay parang tumigil ang oras sa paligid. Yung tanong niyang nag-register sa utak ko ay nag-proseso. Habang dina-digest ko ang sinabi niya ay unti-unting nanigas ang mga kalamnan ko.
"I'm jealous you know," she whispered in my ear.
Pumihit ako para harapin siya.
"God! Your face right now is so cute. I shall capture this too. Wait," saad niya sabay bunot sa bulsa niya.
Stop.
Nag-buffer ang utak ko sa dapat kong gawin. Hindi ko man lamang naisalita ang pagpigil ko sa kaniya at kahit na nasa tapat na ng mukha ko ang cellphone niya ay di man lamang ako nakagalaw. Napahawak na lang ako sa damit ko ng mahigpit.
"Woah! Got another treasure. This week is really lucky huh,"
"What kiss are you talking about?" Kinakabahan at seryoso kong tanong.
Noreen, the girl in front of me paused and stared at me. After managing myself, I immediately tried to snatch her phone but she easily dodged my hand.
And again, kumuha nanaman siya ng picture.
Tss.
"Bwiset! Tigilan mo nga 'yang pagkuha ng picture saka sagutin mo ko," saad ko sabay hawak sa braso niya.
"Wait, wait. Oo na, sige na." Tumatawang tugon ni Noreen. Binitawan ko siya.
"This bae has no chill," she smirked while staring at me. Nagtitigan kaming dalawa ng medyo matagal hanggang sa siya na ang pumutol nito nang bigla siyang ngumisngis.
"Oh my, don't stare at me with your beautiful eyes like that. Baka mas ma-inlove ako sa'yo. Hindi ako makapagpigil."
Shit.
Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
Noreen Imperial is the school's resident photojourn. She is talented at capturing photos. She is sneaky, there's no day that there wasn't a scoop created by her.
What I hate is that she acts like a paparazzi in our school. She captures student pics without permission.
Pagkapasok ni Noreen ng cellphone niya sa bulsa ay umupo siya sa may counter.
"Kailangan pa bang tanungin 'yon Fernandez? Of course, I'm talking about the kiss you had with your boyfriend. Nakita ko kaya kayo sa may gate no."
Pagkasalita niya ay bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya.
"Nagseselos ako."
Napalagok ako ng malalim. Para ngang isang balde ng nagyeyelong tubig ang pumasok sa lalamunan ko dahil bigla na lamang nanlamig ang buong sistema ko.
So, it's her, tss!
Hindi ko na napigilang mapatiim-bagang. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili kong namumutla sa kaba.
"Gosh, don't act like that in front of me. You look so vulnerable. Beware, tayo lang yung nandito o," Noreen bothered to remind me before she put her hand to cover her mouth.
Nakakakilabot yung sinabi niya pero wala akong time para kilabutan dahil mas kinakabahan ako sa balak niyang gawin sa nakita niya at sa kung ano yung madudulot noon sa akin.
"Ikaw yung nagkalat ng rumor?" I glared at her, "Pero mali ka, mali yung pagkakaintindi mo."
Bigla niyang inilapat ang index finger niya sa labi ko.
"Shhh, Babe baka may makarinig sayo. Masayang pa plano ko."
Pwersado kong inalis ang kamay ni Noreen. Ngumiti siya saka inilapat sa labi niya ang kaninang index finger na nasa labi ko.
"Actually, I know naman eh." Tumawa si Noreen. Hinawi niya ang buhok ko at iniipit ito sa tenga ko. Hinawi ko naman muli ang kamay niya at lumayo sa kaniya.
"Huh? Alam mo pero pinalabas mo na ganoon? So, what's the point of creating a rumor? Lalo na't hindi naman totoo."
She grinned, "Hmm... for fun?" She answered plainly, "Saka alam mo naman na journalist ako eh," she added.
Kumulo ang dugo ko sa mga sagot niya.
"For fun? Journalist?" Hindi ko maitago ang panggigigil ko.
"Nah, Babe don't try to act harsh on me. Alam mo naman na may evidence ako eh... sige ka."
Napadaop palad ako para lang ma-suppress ko ang sarili ko. Baka kasi ay bigla ko na lamang siyang masapak.
"Saka alam ko namang alam mo na hindi lang iyon yung dahilan," dugtong ni Noreen pagkababa niya ng counter, "You know how I so want you to be my girlfriend right? And I think this is the best opportunity God has given to me," she said God but all I see is her devilish smile.
"Ha-ha... You're kidding right? Alam mo ba yung pinagsasasabi mo?" inis kong reaksyon, "You can't do that. I-delete mo na yan!" I demanded.
Noreen just laughed at my words. Her reaction pissed me more. I was about to leave her but then again for the 3rd time, she stopped me.
"Yah! Fernandez, I'm not kidding when it comes to my feelings for you."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Direkta siyang nakatingin sa mga mata ko at doon pa lamang ay alam ko na, alam ko naman dati pa na sincere siya.
Napabuga na lang ako ng hininga.
SNGS ang tanging girl school na pinasukan ko at bago pa man ako pumasok dito ay expected ko na ang mga ganitong scenario. Ang hindi ko lang expected ay mangyayari pala 'to sa akin.
Kahit kailan naman ay hindi naging big deal sa akin ang sexual orientation ng isang tao lalo na kung wala naman silang ginagawang masama. Pero minsan, inaamin ko... meron mga pagkakataon na naaasiwa ako kapag may same sex couple akong nakikita. Siguro dahil sa laki ako sa isang conservative family o dahil sa hindi pa talaga ako sanay sa ganoong bagay. Ayoko at wala naman akong karapatan manghusga ng kahit sinong tao kaya mas pinapalawak ko pa ang pag-iisip ko sa mga ganito.
Nasa tapat ko si Noreen at sa ika nth na pagkakataon ay sinabi niya nanaman sakin ang feelings niya. Tinignan ko siya ng maigi. Sa tuwing sinasabi niya iyon sa akin ay dalawang salita lang naman ang laging naisasagot ko.
"I'm sorry."
Pagkasabi ko noon ay bigla na lang siyang suminghot then humagikgik, then humalakhak.
"Hahaha! Alam ko, alam ko." Tawang-tawa na reaksyon niya. Napahawak siya sa batok niya. Napansin ko ang mga mata niyang nangingislap.
"Pero... aalis ka na talaga? Ayaw mo ba makita kung ano yung itsura ng first kiss mo? Ang cute-cute mo kaya."
Napakagat ako sa labi ko. Nilabas muli ni Noreen ang cellphone niya.
Kukunin ko ba o hindi?
Naiinis ako sa idea na may picture kami pero at the same time ay naku-curious siyempre ako. I bit my inner cheek out of thinking. Seconds passed and I found myself taking my cellphone out.
"Don't worry, as long na magko-comply ka sa mga demands ko hindi kakalat 'tong mga to," Paga-assure niya.
"For how long?" I asked.
"Hmmm… I think... hanggang sa mag sawa ako," Noreen answered plainly.
Hindi ko naiwasang mahigpit na mapahawak sa cellphone ko nang marinig ko ang sagot niya. Lumunok muna ako para kumalma bago magsalita.
"Sira ka ba? Pinaglololoko mo ba ako? Hindi valid contract 'yon!" asar kong reaksyon na tinawanan lamang niya.
"Gosh, you are making my knees weak. 'Kay, 1 month."
"Okay, fine. Then what do you want me to do? Homework? Projects? Buy your lunch? Fetch your dry cleaning? Give you, my allowances? What?"
She laughed at my words. Paused for a couple of seconds before answering.
"Eh? Fernandez what are you thinking? Hindi ko gagamitin 'tong opportunity na 'to para sa ganoong klaseng demands lang no," she grinned.
"You're not thinking of asking me such weird things, right?"
Noreen shifted her face and then hummed.
"Arianne, alam mo ba nagselos talaga ako? How about we start now? Kiss me."
Ngumuso si Noreen at akmang hahalikan ako. Napaatras ako bigla dahil sa gulat sa demand nya.
"Oh hell no. No way I will do that. OVER MY DEAD BODY."
Noreen put a pouting face upon hearing my answer.
"Damot," she muttered before a smile crept on her face. Noreen started to walk her way to the entrance, "Ang HTG mo talaga, pero that's the reason why I really like you. Sige, papalampasin ko muna 'to. Basta bukas ah," sabi niya nang huminto siya sa gilid ko sabay kumindat. Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng CR.
Kahit papaano ay napahinga ako ng maluwag nang mawala na siya sa harapan ko. Bumalik ako sa harap ng salamin. Mataman kong tinignan ang sarili ko. Bumuntong hininga ako bago itinuloy ang pag aayos ng buhok ko nang biglang sumulpot muli si Noreen. Muntik ko ng maibato sa salamin ang suklay na hawak ko dahil sa gulat. Nilingon ko siya ng masama.
"Oh babe, may muntik na pala akong makalimutang sabihin sayo," aniya, "I will say this because I care for you, I like you and I love you pero hindi ibig sabihin na matutulungan kita a kasi alam mo naman— "
I cut her off.
"Pwede bang sabihin mo na straight to the point?" irita kong putol sa kaniya.
"Okay babe, I advise you 3Bs. Better follow my demands, better get rid of that guy and better prepare yourself because...you know, the "The Queen" has a thing for your prince charming," aniya dahilan para bumalik ang kaba na akala ko'y wala na. Bigla kasing pumasok sa utak ko ang nag-iisang tao na kahit kailan ay ayokong makaaway.