NASA isang bench si Marie at nagbabasa ng libro. Hinihintay niya ang nobyo na ngayon ay may practice sa soccer. Mag-iisang buwan na rin mula ng maging sila ni Kurt. Masaya silang pareho sa relasyon nila. Iyong akala ng lahat ay maghihiwalay din sila pagkalipas ng ilang linggo ay hindi nangyari. Kurt makes sure that she always happy. Kung paano nito pinakilala ang sarili ay ganoon parin ang ginagawa ng binata. They still do the things they both love.
Natigilan siya ng may biglang umupo sa tabi niya. Napalingon siya ng makita si Lincoln. Seryuso ang mukha nito. Walang bahid ng emosyon ang mukha ng kaibigan. Simula ng araw na sinagot niya si Kurt ay hindi na lumapit sa kanya si Lincoln. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan ngunit mali ba ang piliin niya ang sarili niyang kaligayahan?
"Hi, Clara." Hindi umabot ang ngiti nito sa tainga. His usually smile that she often saw is not there.
"Hi, Cole. Kamusta ka na?" tanong niya sa kaibigan. Isinara niya ang libro na binabasa.
"Ito busy sa school. Ikaw?"
"I'm good. Malapit na Junior prom, may partner ka na ba?"
Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito pero mabilis iyong naitago ng kaibigan. Cole really knows how to hide his emotion. "Meron na. Iyong secretary ng student counsil."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "Si Trixie ang partner mo?"
Tumingin sa kanyang mga mata si Cole. His eyes are lack of emotion."Yes."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Clara sa librong nasa kamay niya. Nagdikit din ang kanyang mga labi. She wanted to speak up her mind but she keeps it to her self. Naging awkward ang paligid sa pagitan nilang dalawa. Part of her is mad and part of her is guilty. May usapan kasi sila ni Cole na sila ang magkasama sa Junior Prom pero heto siya at binigo na naman ang kaibigan. She once again broke her promise. Dalawa sila ni Kurt ang magkasamang pupunta ng prom night. Kilala din naman niya ang partner ni Lincoln. Who would be if she investigates the bitch who confess her love to her best friend? She found out that Trixie is from a well known family. May-ari ng isang kilalang fashion line ang pamilya ni Trixie, maliban doon ay isa din ito sa mga matalinong estudyante ng school nila. Sa katunayan ay ito ang laging kasama ni Cole sa mga competition. Maganda si Trixie, may height na pwede ipanglaban sa mga beauty pageant. Mapupula ang labi ng babae, maganda ang hugis ng maliliit nitong mga mata, ang ilong nito na matangos, at maputi nitong balat. Kapag inilapit ang babae sa kanya masasabing may laban ito sa gandang taglay niya.
Maputi din naman siya, mas matangkad siya rito, maliit ang kanyang mapupulang labi, matangos ang kanyang ilong, ang kanyang mga mata ay nakuha niya sa lola niya na half Filipino, half American kaya light brown ang kulay niyon. Ang mas nakakaagaw pansin sa kanya ay ang kanyang baywang na sobrang liit.
"Siya na ba talaga ang napili mong kapareha sa Junior Prom?" tanong ni Cole na nagpagising sa naglalakbay niyang diwa.
Tumungo siya bilang tugon. "I'm sorry,"
"Sorry for what? For choicing him?" Tumingin sa kanya si Lincoln at hinawakan siya sa kamay. "If you feel sorry then broke up with him."
"WHAT?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Agad niyang nahila ang kamay na hawak nito.
"You heard what I said, Clara. Break up with him. I can be your partner in Junior Prom. It sup..."
"Are you out of your mind, Cole? Why should I break up with Kurt? Mahal ko iyong tao." Hindi niya napigilan na mainis sa kaibigan. Why can't he accept her decision?
Natigilan si Cole sa sinabi niya. Mabilis itong nag-iwas ng tingin ng mapansin niya ang pagguhit ng sakit at pighati sa gwapo nitong mukha. Tumayo ito at sinuntok ang punong nasa tabi nilang dalawa. Napatili siya sa ginawa ng kaibigan. Her eyes get wield. She frightens in his out brust. Ngayon niya lang nakita ang ganoong ugali sa kaibigan. Napatingin siya sa kamay nito. Nakita niyang may umayos na dugo mula sa sugat nito. Mabilis siyang tumayo para daluhan ang kaibigan ngunit bago niya pa hawakan ang kamay nito ay inilayo ni Cole ang sarili sa kanya.
"Love? You love him." Humarap sa kanya si Lincoln. Pumatak ang mga luha sa mga mata ng binata.
She utterly shock. This is the first time she saw her best friend cried. Napako siya sa kinatatayuan at hindi maalis ang tingin sa mga mata nito.
"Who am I then to you, Clara?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Napalunok siya at binasa ang labi. "Cole… Why you're asking me that? You know, you are my only best friend."
"Bestfriend...." Tumawa ng walang buhay si Cole. Sinuklay ng kamay nito ang buhok at walang pakandungan na sinuntok muli ang puno.
Muli siyang napatalon sa gulat. He is hurting himself. Naguguluhan siya sa inaasta ng kaibigan ng mga sandaling iyon. He is mad but crying at the same time. Ano bang nangyayari rito? Lincoln is a good best friend of her and she is hurting seeing him like this. Hahawakan niya sana ito sa balikat ng marinig niya itong tumawa.
"Bestfriend... I'm just your bestfriend," narinig niyang bulong nito. Humarap sa kanya si Cole.
Napaatras siya ng makita ang mukha nitong walang emosyon ngunit may umaagos na mga luha. Tumawa ito bigla na lalo niyang ipinagtataka. What is happening to her best friend? He is acting weird. Nakaramdam siya ng takot nang humakbang ito palapit sa kanya. Bigla siya napa-atras. Wala siyang nababasang emosyon sa mga mata nito. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya kilala ang lalaking nasa harap niya. Hindi ito ang kanyang kaibigan. Hindi si Cole ang kaharap niya.
Tumatawa ito na parang baliw. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha sa mga mata nito. Wala siyang nakikitang bakas ng kaibigan sa mukha nito. Pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harap niya ngayon.
"Coo... Cole..." banggit niya sa pangalan nito na hindi maitago ang takot na nararamdaman sa kanyang boses.
Doon naman parang natauhan si Lincoln. Napakurap ito ng ilang beses at parang kakagising lang sa isang panaginip. Nagbago ang bukas ng mukha nito. Lumambot iyon at nabahiran ng pagtataka. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito. Napatingin ito sa kamay na nasaktan. Biglang naging mabilis ang paghinga nito. He seems to be confused. Muli itong tumingin sa kanya na may pagtataka at takot sa mga mata. Lalapitan niya sana ang kaibigan ng umatras ito.
"I'm sorry," sabi nito at iniwan siya.
"Cole..." tawag niya sa pangalan ng kaibigan ngunit hindi ito lumingon. Tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo palayo sa kanya.
Worried fill her heart towards her friend. Anong nangyayari sa kaibigan niya? Susundan niya na sana ang kaibigan ng may humawak sa kanyang braso. Napalingon siya at nakita ang nobyo.
"Hey! Are you okay?"
"Yes. But I think Cole is not."
"Cole? Your bestfriend?" salubong ang kilay na tanong ni Kurt.
Tumungo siya biglang tugon. Muli niyang tiningnan ang direksyon kung saan tumakbo ang kaibigan ngunit hindi niya na ito nakita. Something is wrong with Lincoln and she needs to know what's happening to her friends.
NAPABUNTONG hininga si Marie. Nasa Junior Prom siya ng mga sandaling iyon. Wala sa tabi niya ang nobyo dahil kasama nito ang mga kaibigan sa dance floor. Niyaya siya nitong sumayaw ngunit tumanggi siya dahil pagod at masakit na ang kanyang mga paa. Kanina pa kasi sila sumasayaw ni Kurt. Nakailang kanta din sila kanina. Pinaglaruan niya ang basong hawak na may lamang isang apple juice. Tapos na ang program. Si Hanzel na pinsan ni Kurt at Princess Santaigo ang nanalong prom queen at king. May ilang estudyante pangnaruroon at sumasayaw sa dance floor. Nais na niyang umuwi ngunit hindi naman niya magawa dahil sa nobyo na mukhang nag-eenjoy pang kasama ang mga kaibigan at pinsan.
Si Kurt ang maghahatid sa kanya pauwi. Pormal itong nagpaalam sa kanyang mga magulang na maging partner niya sa prom night. Natuwa ang mommy niya dahil kilala si Kurt sa mundong ginagalawan nila. Kurt already has a name on photography. Wala pa rin alam ang mga tao sa pagtulong nito sa mga batang nasa ampunan. Itinatago nila sa lahat ang pagiging mabait nitong tao.
Muli siyang napatingin sa nobyo. Tumatawa ito habang kausap ang isa sa mga kateam-mate nito. Hindi niya mapigilang ngumiti dahil sa pagtawa ng nobyo. Ilang saglit pa ay tumayo siya para sana lapitan ang nobyo ng may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya sa pangahas.
"Cole!!!"
"Hi. Clara, pwede ka bang maka-usap?"
Napatingin siya sa nobyo. Masaya pa rin itong nakikipag-usap sa mga kaibigan. "Sige pero saglit lang tayo, Cole. Baka umalis din agad kami ni Kurt."
Tumungo si Cole. Tumalikod ito at naglakad palabas ng venue. Ilang linggo din silang hindi nag-usap ni Cole. Simula nang mangyari ang eksenang iyon sa bench ay hindi na niya ito nakita. Nalaman niya sa mga magulang nito na pansamantalang nagbakasyon sa beach resort sa Batanggas si Cole. Tinanong niya kung bakit ay walang maibigay na sagot ang mga magulang ni Kurt.
Malapit sa fountain sila huminto ni Cole at umupo sa may swing na naruruon. Nakaharap sila sa malawak na fountain na may iba't ibang ilaw sa gilid.
"Kamusta ka na? Okay ka na ba?" tanong niya ng makaupo silang dalawa.
"Oo. Kailangan ko lang pansamantalang lumayo para makapag-isip ng maayos. Masyado akong stess nitong nakaraang linggo. Maraming nangyari sa buhay ko nitong nakaraang linggo."
"Buti naman kung ganoon." She feels relief after what she heard. Noong isang linggo pa siya nag-aalala sa kaibigan. Hindi niya alam kung anong nangyayari rito dahil hindi na sila madalas magkasama simula ng magkanobyo siya.
"I'm sorry if I scared you last time. It won't happen again."
Humarap siya kay Cole at ngumiti. "It's okay. Siguro ay masyado kalang stress sa studies at responsibilities mo as school officer."
Tumungo si Cole at walang buhay na ngumiti. Something is bothering her bestfriend. Hinawakan niya si Cole sa kamay nito. Nanigas si Cole at napatingin sa kamay niyang nakahawak dito. Hinawakan din nito ang kamay niyang nakahawak dito. "I'm always here for you, Cole. I'm your bestfriend, okay."
Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Cole sa kamay niya pagkarinig sa salitang bestfriend pero agad din nitong binitawan ang kamay niya at ngumiti ng bahagya. Umiwas ito ng tingin.
"Is there something bothering you, Cole? You can tell me."
"Nothing." Tumayo si Cole pero agad din niyang nahawakan sa kamay. "Let's go back. Baka hinahanap ka na ni Kurt. Gusto ko lang humingi ng tawad sayo kaya nais kitang makausap."
Ngumiti siya. Tumayo siya at yumakap sa kaibigan. "Hindi mo talaga ako matiis, ano?"
Naramdaman niyang nanigas si Cole sa ginawa niyang pagyakap ngunit saglit lang iyon at agad din itong gumanti ng yakap sa kanya. "I miss you so much, Clara."
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinitigan sa mga mata. "I miss you too, Cole."
That's the last thing she said because suddenly Cole hold her nape and pull her to kiss her lips. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng kaibigan. Ilang saglit siyang hindi nakagalaw dahil sa sobrang gulat at nang makabawi siya ay agad niya itong itinulak at malakas na sinampal.
"W-Why? Why you do that?" naiiyak niyang tanong sa kaibigan. Hindi niya akalain na gagawin niya iyon sa kanya.
"Clara..." Cole tried to touch me but she immediately step back.
"Cole, friends don't kiss like that." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.
Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Lincoln. "Clara, kaibigan lang ba talaga ako para sa'yo?" nasasaktang tanong ni Lincoln. Tumingala ito para pigilan ang mga luha. "Ayaw kong maging bestfriend mo lang. Mahal na mahal kita, hindi bilang kaibigan kundi bilang babae at nais kitang makasama habang buhay… Ngunit mukhang huli na talaga ako…" Agad na inalis ni Lincoln ang luhang dumaloy sa pisngi nito. "May mahal ka ng iba at tanging kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin. I'm sorry, Clara pero hindi ko na kayang maging kaibigan ka."
Hinawakan ni Cole ang kanyang pisngi para sana muli siyang halikan ng may lalaking sumuntok dito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang napaupo sa sahig si Cole. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang kaibigan na sapo ang nasaktang pisngi. Naputol lang ang kanyang pagtitig sa kaibigan ng may taong humawak sa kanyang braso.
"Stay away from my girlfriend!" Napatingin siya sa nobyo ng marinig ang pagsigaw nito. Namumula ang mukha hanggang leeg nito.
Napakurap siya at agad na hinawakan sa braso si Kurt ng balak nitong lapitan si Cole. Humarap sa kanila si Cole. Napasinghap siya ng makita na may sugat sa gilid ng mga labi nito. Pinusan nito ang dugong dumaloy sa labi gamit ang likod ng palad. Ngumisi si Lincoln ng makita ang dugo sa palad nito.
"Is that what you got?" May bahid ng pang-iinsulto ang boses ni Lincoln. Umaapoy sa galit ang mga mata nito. Tumayo ito at binigyan ng nakakainsulto na ngiti si Kurt.
Naramdaman niya ang galit ng nobyo. Kakawala sana ito sa pagkakahawak niya ng bigla niyang hinawakan ito sa mukha.
"Don't..." nakikiusap niyang sabi. "Let's go home."
Agad naman kumalma si Kurt. Ngumiti siya sa nobyo at hinawakan ito sa kamay. Hinarap niya si Lincoln na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kanila. Nakita niya na may namumuong luha sa mga mata nito. Nalulungkot siya sa kaibigan. Hindi niya akalain na may nararamdaman ito para sa kanya. Ngunit kagaya ng sinabi nito, huli na para rito.
"I'm sorry, Cole. I love Kurt so much. I can't return the love you give to me." Nakita niyang pumatak ang mga luha ni Lincoln. "Please! Don't stop my happiness."
Umiling si Lincoln. "Clara...."
Tumalikod sila ni Kurt. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Lincoln ngunit hindi siya lumingon. Iyon ang nararapat niyang gawin. Hindi niya pwedeng lingunin si Lincoln dahil maari magbibigay iyon ng maling impretasyon sa kaibigan. Ayaw niyang umasa ang kaibigan sa kanya. Ayaw niya din mawala sa kanya si Kurt. Mahalaga sa buhay niya ang nobyo. She chooses love over friendship.
MAG-IILANG linggo na mula ng mangyari ang paghalik sa kanya ni Lincoln noong Junior Prom at simula noon ay hindi niya na nakikita ang kaibigan sa loob ng campus. Hindi niya mapigilang mag-alala rito. Hindi ugali ni Lincoln na umabsent, lalo na at patapos na ang school year. Kaya naman naisipan niyang puntahan ito sa kanila. Naka-ilang door bell na siya ay wala pa rin nagbubukas ng gate.
"Hija?"
Napatingin siya sa katapat na bahay ng marinig ang pagtawag sa kanya. Nakita niya ang isang babae na kakalabas lang ng gate sa katapat na bahay
"Hinahanap mo ba ang pamilya Saavadra, hija?" tanong nito.
Tumungo siya at lumapit sa babae. "Opo. Umalis po ba ang mga tao sa bahay na iyan?"
"Kaano-ano mo ang mga Saavadra, hija?"
"Bestfriend ko po ang anak nila."
Rumehistro ang pagtataka sa mukha ng babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla siyang nailang sa titig nito.
"May problema po ba?"
"Mukha ka naman matalino at mabuting bata, hija. Buti hindi ka sinaktan ng baliw na anak ng mga Saavadra?"
"Hu!!!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Anong ibig nitong sabihin?
"Bakit? Hindi mo ba alam na may sakit sa pag-iisip ang anak nila? Akala ko ba kaibigan ka niya." Napailing ang babae at tinalikuran siya.
Agad niyang hinabol ang babae. "Sandali lang po."
"May kailangan ka pa ba, hija." Lumingon ang babae sa kanya.
"Ano pong ibig niyong sabihin na may sakit sa pag-iisip si Lincoln?"
"Hija, narinig mo naman ang sinabi ko. Iyong anak ng mga Saavadra, ang nag-iisang anak nilang lalaki, dinala nila sa Amerika dahil ilang araw ng nagwawala. Lahat ng taong pumapasok sa kwarto niya ay binabato niya. Isa sa mga katulong nila ang sinugod sa ospital dahil hinampas nito ng lamp shade."
Napailing siya sa sinabi nito. "Hindi po iyon totoo." Mahina ang boses na sabi niya. Pumatak ang mga luha niya ng hindi niya namamalayan.
Bumuntong hininga ang babae. "Kung ayaw mong maniwala ikaw ang bahala." Tatalikuran sana ulit siya ng babae ng muli niya itong hinawakan sa braso.
"N-nasasaan po ang mga Saavadra ngayon?"
"Amerika. Ang alam ko dinala nila sa Amerika para doon ipagamot." Hinatak ng babae ang braso nitong hawak niya at iniwan siya doon na tulala.
Ang bestfriend niya. May sakit ang bestfriend niya. Kaya ba parang kakaiba ito noong huli silang magkasama. Siya ba ang rason ng pagkakaganoon ng kaibigan? Napahawak siya sa dibdib. She feels someone grab her heart and squeeze it hard. Her heart is aching because she totally lost her bestfriend. Ang masama pa ay may sakit ito at maaring siya ang dahilan noon. Hindi na naman niya natupad ang pangako dito na walang iwanan at walang magbabago sa kanilang dalawa.
Pumatak ang mga luha sa mata ni Clara. She feels something lost at her, something so precious. How can she get it back?
AFTER EIGHT YEARS
ISA-ISANG sinusuri ni Marie ang mga cake na nakadisplay. Mukhang kailangan na niyang mag-bake para may bagong display sila ng araw na iyon. Maganda ang takbo ng negosyo niya simula ng buksan niya iyon noong nakaraang taon. Nag-aral siya ng culinary at nagtrabaho sa hotel ng kanyang mga magulang ngunit hindi siya nagtagal doon. Nais kasi niya na tumayo sa sarili niyang mga paa. Mula sa ipon niya ay nagsimula siyang magpost online nang gawa niyang cake. May ilan sa mga kamag-anak nila na kumukuha ng serbisyo niya. Hanggang sa nakaipon siya at nakabili ng lupa na pagtatayuan ng kanyang cake shop. Sa ngayon nga ay maayos ang takbo ng negosyo niya at maraming kumukuha ng gawa niyang cake kapag may mga event.
"Ma'am Marie, ako na po," sabi ng kahera niya na si Jasmine.
Tumingin siya sa kanyang staff. Ngumiti siya at ibinigay dito ang inventory sheet. "Ilapag mo sa office table ko pagkatapos mong magbilang."
"Sige po ma'am."
Iniwan na niya si Jasmine para ipagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Naglakad siya sa isang mesa. Nasa isang sulok iyon at madalas siyang nakapwesto roon. Hinarap niya ang laptop para gawin ang ilan sa mga paperwork niya. May sarili siyang website kung saan doon niya inilalagay ang lahat ng mga cake na gawa niya. Natigilan siya ng tumunog ang notification ng kanyang phone. Agad niya iyong kinuha at tiningnan.
Nakaramdam siya ng lungkot ng makita ang larawan ng nobyo. Nagpost ito sa instagram ng isang picture. Kagaya ng inaasahan ng mga tao rito ay talagang napakaganda ng kuha nito. Nais niyang maging masaya sa nobyo dahil sa achievement nito sa buhay. Isa na kasi itong kilalang photographer at nagtatrabaho ito sa isang kilalang international t.v station. Ngunit hindi niya kayang maging masaya dahil sa kadahilanan na nasasaktan ang puso niya. Sa loob ng walong taon ay naging matatag ang pagsasama nila ngunit simula ng tanggapin nito ang alok ng t.v station ay nawalan na ito ng oras sa kanya. She feels she doesn't have a boyfriend because he's not always at her side. Kahit ng buksan niya ang kanyang cake shop ay wala ito. Magtampo man siya ay hindi naman siya nito susuyuin dahil wala naman ito lagi sa bansa.
"Ma'am Marie."
Napakurap siya at napatingin sa kay Jasmine ng tinawag siya nito. Nakatayo ito sa harap niya at nakayuko. Waring nahihiya ito ng makita siya sa ganoong sitwasyon.
"Ano iyon? May kailangan ka ba?" Agad niyang pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang pisngi na hindi niya namalayan.
"Ano... Ano po kasi?"
"Jasmine, I'm okay. May nabasa lang ako, kaya bigla na lang akong napa-iyak," sabi niya at ngumiti. She already manages to put her fake smile. Ganoon naman lagi ang ginagawa niya para pagtakpan ang pagkukulang ng nobyo sa kanilang relasyon.
She manages to show to the people that she is happy with her life. Kahit sa mga magulang niya ay pinagtatakpan niya ang pagkukulang ni Kurt sa relasyon at sa kanya. Sabi nga nila, a smile can fool anyone.
"M-may naghahanap po kasi sa inyo, ma'am." Mukha naman naniwala sa kanya si Jasmine.
"Sino naman?" Sinubukan niyang pasiglahin ang boses para itago ang nasasaktang puso.
"Hi, Clara."
Bumuka ang mga labi niya ng marinig ang boses na iyon. The sweetest but manly voice, which is she won't forget no matter what happen. Ang boses na ilang beses na niyang pinalangin na muling marinig. At kahit pa lumipas ang ilang taon hindi niya makakalimutan ang boses ng taong dating nagbibigay ng ngiti sa mga labi niya. Mula sa likuran ni Jasmine ay lumabas ang isang lalaki na noon pa niya inaasam na makitang muli. Ang taong hindi niya akalain nababalik. Bigla ay parang lumiwanag ang paligid niya. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa kanyang puso, at ng mga sandaling iyon ay nakakita siya ng mga bulaklak at paru-parung nagliliparan.
"Cole...." Naiiyak niyang sabi at tinakbo ang pagitan nila ng kaibigan para mayakap ito.
Naramdaman niyang gumanti din nang yakap si Lincoln. Eight years... Eight years din niyang hindi ito nakita. Eight years din na wala siyang balita sa kaibigan. Sobrang nag-alala siya ng malaman na umalis ito ng bansa dahil sa nagkasakit ito. Ilang buwan din niyang dinamdam ang pagkawala sa buhay niya. She also feels guilty of what happen to him but he is now standing infront of her. Is that means he already okay?
Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan ng may tumikhim. Napatingin siya sa kaliwa niya at doon niya napansin ang isang babae. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Hi, Clara. Long time no see," sabi ng babae.
"Do I know you?" natatakang tanong niya.
Ngumiti ng malapad ang babae at nilahad ang isang kamay. "Nice to see you again, Clara. I'm Trixie Javier Morales, by the way." Tumingin ito kay Lincoln. "Aries long time girlfriend."