Chapter 9 - CHAPTER NINE

KANINA pa hindi mapalagay si Kurt mula sa labas ng kwartong kung saan sinusuri si Marie. Agad niyang isinugod ang nobya sa ospital ng bigla itong nawalan ng malay. Ilang araw na silang hindi nag-uusap ng nobya at alam niya na malaki ang pagkukulang dito. Ngayon niya lang napagtanto kung ang pagkakamali at pagkukulang niya sa babaeng minamahal. He loves Marie so much na naging masyado siyang kampanti na sapat na iyon para tumagal ang relasyon nila at hindi mauwi sa hiwalayan. Hindi naman nakikipaghiwalay sa kanya ang nobya pero sa nangyayari ngayon sa relasyon nila maaaring makipaghiwalay ito sa kanya at iyon ay kinatatakutan niya.

Hindi niya alam kung paano mabubuhay sa kaalaman na wala na sa tabi niya ang babaeng minahal ng higit walong taon. Naging pabaya siyang nobyo, at alam niya iyon kaya naman pinagsisihan niya ng mga sandaling iyon ang mga nagawa. Kaya nga hindi siya tumitigil sa pagsuyo rito.

"Couz." Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang boses ng pinsan na si Santi.

"Santi!" Nakipag-brotherhood handshake sa kanya si Santi.

"Kamusta si Marie?" tanong nito.

"I don't know yet. Hindi pa lumalabas ang doctor mula pa kanina," sagot niya.

Tinapik ni Santi ang kanyang balikat. "Marie is a strong woman. She can get over with it."

"Thank you. Sana lumabas na ang doctor. Nais ko ng malaman kung bakit nagkakaganito si Marie."

"Ano ba kasing nangyari?" Umupo si Santi sa upuan naruruon. Sumunod siya sa pinsan.

"Hindi ko alam." Napabuntong hininga siya. "Pagkabalik ko mula Baguio ay bigla nalang nagkaganito si Marie. Ayaw niya akong kausapin o kahit man lang hawakan ay ayaw niya. She is suddenly cold to me. At hindi ako sanay na ganoon siya sa akin. Alam mo kung gaano kalambing sa akin ang nobya ko." He said frustrated suddenly.

Hindi umimik si Santi. Tumingala ito at hinagod ang noo. "Did you know why she is like that? Did you ask her?"

"Yes. And it's all my fault. Naging pabaya akong nobyo. Kapag naiisip ko kung ano ba ang ginawa ko sa loob ng dalawang taon ng relasyon namin, ngayon ko lang naisip na nawalan ako ng oras kay Marie. Hinayaan ko siyang mag-isa. Kahit ang simpleng achievement niya sa buhay ay wala ako. Iyong mga importanteng araw sa buhay n-nito ay hindi ko man lang siya si...." Huminto siya sa pagsasalita ng maramdaman na parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya namamalayan na umiiyak na pala siya ng mga sandaling iyon.

Marahang tinapik ni Santi ang balikat niya. "We all know Marie. She loves you. Papatawarin ka noon. Humingi ka ng tawad sa kanya at ayusin mo na ang relasyon niya sa pagkakataong ito."

Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Sana nga mapatawad niya ako. Dahil ng mga sandaling tinutulak niya ako paalis ng bahay at buhay niya ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marie."

"Cous, hindi sasayangin ni Marie ang walong taon na pinagsamahan niya. Sigurado ako, mag effort ka ulit sa relasyon niyo at iparamdam mo sa kanya iyang pagmamahal mo, babalik sa iyo si Marie."

"Sana tama ka, Cous. Sana hindi ako iwan ni Marie."

Ngumiti ng marahan si Santi sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Kahit papaano ay lumakas ang loob niya sa sinabi ng pinsan. Ayaw niyang mawala sa kanya si Marie. Hindi siya makakapayag na tuluyan itong mawala sa kanya. Mahal na mahal niya ang dalaga, noon at hanggang ngayon.

NAKAUPO at hawak ni Kurt ang kanyang kamay ng inimulat niya ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting dingding at amoy ng gamot. At sigurado siya ng mga sandaling iyon ay nasa ospital siya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tumayo si Kurt para kumuha ng tubig.

Marahang umupo siya sa kama habang sinusundan ng tingin ang nobyo. May naramdaman siyang kirot sa puso niya. Bakit nandito ang binata? Hindi ba dapat ay umalis na ito at hindi siya lapitan, tinulak na niya ito palayo. Naramdaman niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Agad niyang pinunasan ang mga iyon ng humarap si Kurt. Iniabot nito ang basong hawak.

"Thank you," sabi niya sa mahinang boses.

Ngumiti si Kurt at bumalik sa pagkakaupo. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Tumungo siya at uminum ng tubig. Nais na naman pumatak ng mga luha niya. She doesn't deserve the love he given to her. Hindi na siya buo para mahalin nito. At nasasaktan siya na hindi na siya nararapat para dito.

"Anong nangyari? Bakit nandito ako?" tanong niya rito.

"Nahimatay ka kagabi kaya isinugod kita rito. Ang sabi ng doctor, pagod, gutom at stress ka daw kaya ka hinimatay. Kailangan mong manatili dito ng ilang araw para mabawi ang lakas mo." Hindi maitago ni Kurt ang lungkot at pag-aalala sa kanya.

"I'm sorry if I make you worried." Yumuko siya.

"It's okay. Basta maging okay ka na sapat na sa akin iyon."

Hindi siya umimik. Pinakititigan niya ang mukha ng nobyo. Kurt is the most handsome guy she ever meets. Alam niyang marami pa rin nagkakagusto sa nobyo. Minsan pa nga ay sa harap pa niya ito nilandi-landi ng isang babae. But Kurt is Kurt. He is so loyal to her. Hindi nito tinapunan ng tingin ang babae. Tahasan pa nga nitong sinabi sa babae na may nobya na ito at hindi ito papatol sa kanino. Kaya nga tiwala siya na kahit saan ito pumunta ay hindi siya nito iiwan.

"May problema ba, babe?" Marahang hinawakan ni Kurt ang kanyang pisngi. Hindi niya napigilan na hindi pumikit.

She loves the feeling of his touch. She loves the way he cares for her. Tanging si Kurt lang ang nagparamdam sa kanya kung gaano siya ka special. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya ng unti-unting pumatak iyon. Her heart is aching. She doesn't want to lose this man she ever loves, but she can't let him suffer because of her.

"Hey! Why are you crying babe?" Kurt suddenly panics. Pinunasan nito ang mga luha na lumandas sa kanyang pisngi.

Inimulat niya ang mga mata at nagsalubong ang kanilang tingin. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito. He's in pain like her.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya.

Tumayo si Kurt. "Stop saying that. I should be the one saying sorry to you." Umupo sa kama niya si Kurt at hinawakan ang kamay niya. Hindi naman siya umiwas.

She loves the feeling of his touch. Saglit niyang nakakalimutan ang sakit at pandidiring nararamdaman.

"I love you so much, Marie. Hindi ko kayang nakikita kang ganito. Hindi ko din kaya na ganito tayo. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry kung naging pabaya akong nobyo. Kung pinabayaan kita sa loob ng maraming taon, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na itama ko ang mga maling nagawa ko. Wag naman natin hayaan na mauwi sa hiwalayan ang ilang taon na pinagsamahan natin. Hayaan mo naman na makabawi ako sa pagkukulang ko sa'yo, Marie. Wag mo naman akong itulak palayo." Pagsusumamo ni Kurt sa kanya.

"Kurt..." sinasakal ang puso na banggit niya sa pangalan nito. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit at paghihirap sa mga mata nito.

Kurt never begs. Kurt never show to anyone how weak he is. Lagi nitong pinapakita sa lahat na matapang ito at wala itong kinatatakutan. She never saw him crying. Agad na pinunasan ni Kurt ang mga luhang lumandas sa pisngi nito. Lalo siyang kinakain ng guilt. How come she hurt the man loves her? Oo nagpabaya ito pero never nitong sinabi sa kanya na hindi na siya nito mahal. Kapag nag-uusap sila over the phone ay lagi nitong sinasabi kung gaano nito kamahal siya. Kaya kahit tinutulak na siya ng mga kaibigan na hiwalayan ito ay hindi niya magawa. She loves Kurt so much. Hindi aabot ng ilang taon ang relasyon kung hindi totoo ang nararamdaman niyang pagmamahal sa lalaki.

"Please, Marie! Give me another chance. This time I will do better. I will make sure I find time for you. No matter what happen I be there. Hindi nakita pababayaan, babe. Kapag kailangan mo ako, agad kitang pu--"

Naputol ang ibang sasabihin ni Kurt ng binigyan niya ito ng munting halik sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata nito. Hindi na niya kaya pa ang nakikita sa mga mata nito.

"I love you, Kurt. You always be my first love. I'm sorry if I push away, I'm sorry if I hurt you. Kaya sana hayaan muna ako. Hindi ako ang babaeng para sa'yo. Hindi ako ang nararapat sa pag-ibig mo."

"Marie..."

"I'm sorry, Kurt pero hindi ko na kaya. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Nasa..."

"Hindi mo kaya! Pero bakit sinasaktan mo parin ako. Nasasaktan ako Marie sa pagtutulak mo sa akin palayo sa'yo. You love me but why you pushing me away from you? Ano ba talaga ang problema natin?"

"Please, Kurt! Palayain mo na ako. Hindi ako ang--"

"Why you keep doing this to me, Marie? Bakit hindi mo masagot ang simpleng tanong ko? Ano ba talaga ang problema natin? Bigyan mo naman ako ng dahilan kung bakit mo ako tinutulak palayo sa iyo?" Tumayo si Kurt at naglakad palayo sa kanya. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ba ako tinutulak palayo. Hindi ko na maintindihan ka."

Hindi siya sumagot. Yumuko siya at patuloy na umiiyak. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito na puno ng sakit at pighati.

"I'm sorry."

"Stop saying sorry and give me damn reason." Sigaw ni Kurt sa kanya.

"I-I c-can't tell you. I'm sorry. Please! Iwan muna ako, Kurt. Hayaan muna ako." Na-itakip niya ang kamay sa mukha at doon umiyak.

She can't tell him. Hindi niya kayang sabihin dito ang nangyari sa kanya. Kung magagalit man ito sa kanya dahil sa walang dahilan niyang pakikipaghiwalay dito ay nanaisin niya pa kaysa makita ang pandidiri nito sa kanya. Hindi niya kakayanin kapag nakita ang disgusto nito kapag nalaman nitong pinagsamantalahan siya.

"I'm sorry but I can't give you what you want. Hindi ako aalis sa tabi mo, Marie. Bigyan mo ako ng sapat na dahilan para iwan kita." Kalmado nitong sabi.

Napa-angat siya ng tingin dito. Nakita niya ang pagsuyo sa mukha nito. Lumapit si Kurt at hinawakan siya sa mukha. "I love you, Marie. Hindi kita susukuan, hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Push me away, hurt me in any way you want, if it's the only way that I can stay at your side I will take it all. I'm willing to suffer from you just not to lose you. I love so much even it hurts me. I'm will take all the pain because if I lose you, I will surely die, Marie. Mamatay ang puso ko kapag nawala ka sa akin."

"Kurt..."

"So please! Don't push me away." Niyakap siya ni Kurt. "I am begging you, Marie. Don't push me away from you. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin."

Lalo siyang napaiyak sa sinabi ni Kurt. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito. Hindi niya din kayang mawala ito pero paano ang nangyari sa kanya. Kakalimutan na lang ba niya ang sakit ng kahapon? Sasapat na ba ang pagmamahal nila sa isa't isa para mabaot ang bangungut ng nakaraan niya? Ayaw niyang dumating sila sa punto na pareho silang mababasag ng dahil sa nakaraan niya. Mahal na mahal niya si Kurt at ayaw niyang magdusa ito dahil lang sa nangyari sa kanya.

"I'M OKAY NOW, KURT," sabi niya sa nobyo na inalalayan siyang makapasok sa loob ng bahay niya.

Hindi siya iniwan ni Kurt simula ng magising siya sa ospital. Isang gabi lang naman siya roon at buong magdamag siya nitong binantayan at inalagan kahit anong tulak niya sa binata na iwan na siya at kaya niya ang sarili ay hindi nito ginawa. He stays at my side. Ito na rin ang nag-ayos ng bill niya sa ospital.

"I said, I will take care of you." Marahan siya nitong pinaupo sa sofang naruruon. "Saglit at kukuha ako ng tubig."

"Kurt..." Pipigilan na sana niya ang binata ng mabilis itong pumunta sa kusina. Isinandal niya ang likuran sa sofa. Kahit papaano ay okay na ang pakiramdam niya ngunit hindi ang puso niya.

Hanggang ng mga sandaling iyon ay nasasaktan pa rin ang puso niya. Hindi na yata magagamot pa ang sugat na naruruon. Ipinikit niya ang mga mata ngunit agad din napamulat ng makita ang mukha ng taong gumawa sa kanya ng masama. Kapag kasama niya si Kurt ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyari sa kanya. Nangangamba ang puso niya na madulas ang dila at masabi rito ang totoo.

"Drink this tapos tutulungan kita umakyat sa kwarto mo. Kailangan mong magpahinga. Ang sabi--"

"I'm fine, Kurt. Umuwi ka na. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko." Matamlay niyang sabi.

Hindi sumagot si Kurt. Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Hindi kita iiwan dito. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, Marie pero hindi ako titigil sa kakasuyo sa'yo." Lumapit sa kanya si Kurt at hinalikan siya sa noo.

Parang may humaplos sa puso niya sa ginawa nito.

"Babalik ako mamaya. Magdadala ako ng pagkain. Pahinga ka." Tumayo ito. Aalis na sana ito sa harap niya ng pigilan niya ito sa braso.

Alam niyang tumingin sa kanya ang nobyo. "Thank you."

Ilang sandaling hindi nakaimik si Kurt. Yumuko ito para magpantay ang kanilang mukha. Marahan nitong hinawakan ang kanyang mukha at magtagpo ang kanilang mga mata. "You are always welcome, Marie. And it's my duty as your boyfriend to take care of you. See you later, okay."

Tumungo siya bilang tugon. Nakita niya ang ningning sa mga mata ng nobyo. Those sparks remind her of their old times. The time they are so in-love with each other, the time that everything is alright between them. Gumanti siya ng hawak sa pisngi ni Kurt.

"Pwede ba tayong lumabas, Kurt?" tanong niya.

"Ha!" Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Kurt.

"Gusto kong lumabas. Maglakad-lakad diyan sa may park. Pwede mo ba akong samahan?"

"Pero kagagaling mo lang sa ospital at ang sabi ng doctor ay kailangan mo pangmagpahinga. Baka mag--"

"Please!" Nakiki-usap niyang sabi rito. Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito.

Nakita niyang lumabot ang mukha ni Kurt. Nagtatalo ang kalooban nito kung susundin ba si Marie. Sa huli ay napabuntong hininga ito at tumayo.

"Fine. You win. Pero saglit lang tayo. Kukuha lang ako ng jacket mo."

Ngumiti siya sa nobyo. Pilit niyang nilalabanan ang mga luhang nais pumatak sa kanyang mga mata. Kurt still spoil her. Hindi pa rin nito kayang tiisin siya o marahil ay bumabawi ito sa pagkukulang sa kanya. Kahit ano pa man ang dahilan nito ay hindi niya mapigilan ang paglukob ng lungkot at saya sa puso niya. Hindi nagtagal si Kurt sa kwarto niya. Marahan siya nitong inalalayan na lumabas ng bahay at naglakad sila papunta ng park. Naka-akbay sa kanya ang nobyo at hinayaan niya lang iyon. Nais niyang maramdaman ito na nasa tabi niya.

Pilit niyang kinukontrol ang damdamin ng mga sandaling iyon. Hindi siya pweding magbreakdown. She needs to do this. A good memory always last. Iyon ang ibabaon niya kay Kurt bago niya ito tuluyan iwan. Alam niyang napakasama niya. Alam niyang umaasa si Kurt ng mga sandaling iyon na magkakabalikan sila ngunit hindi niya kayang ikulong ito sa relasyon nila na alam niyang binasag ng isang gabi ng bangungot.

Naramdaman niya ang paghalik ni Kurt sa kanya. Napahawak siya sa damit at mariin iyong hinawakan. Mariin niyang kinagat ang ilalim ng kanyang mga labi para pigilan ang kanyang pag-iyak. She can't cry now. Umupo sila ni Kurt sa bench na naruruon. Isinandal niya ang ulo sa malapad nitong balikat.

Agad naman siyang niyakap ni Kurt. Nanatili silang ganoon. Pinapakinggan ang tibok ng puso ng bawat isa. Walang nais magsalita para basagin ang katahimikan, wari bang kapag may magsalita sa kanila ay mababasag ang mahika na bumabalot sa pagitan nila. Ipinikit ni Marie ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung kaninong tibok ng puso ang naririnig niya pero nagbibigay iyon ng kapayapaan sa kanya.

Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Kurt. She feels safe and secure. Nais niyang manatili sila ni Kurt ng ganoon habang buhay. Nais niyang kalimutan lahat ng masasakit na alaala.

"I love you, Marie." Narinig niyang bulong ni Kurt.

Iniyakap niya ang mga braso kay Kurt. She doesn't want to lose him. "I love you so much Kurt. Always remember that."

Iniangat ni Kurt ang kanyang mukha at agad na sinakop ang kanyang mga labi. Na-ipikit niya ang mga mata at tinugon ang halik ng nobyo. At kagaya ng unang halik nila, para siyang nakalutang. The same old feeling that she won't forget.

Nang matapos siyang halikan ni Kurt ay tinitigan siya nito sa mga mata. Nakikita niya ang ningning at saya sa mga mata nito. Ipinikit niya ang mga mata para hindi iyon makita, lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang pakawalan ito.

"I will make you happy, Marie. We will be together forever now." Hinalikan siya ni Kurt sa kanyang noo.

The love she feels will surely break her soon. And she hopes Kurt will get over with her soon. Ayaw niyang magdusa ang binata ng dahil sa kanya.

"I'm sorry, Kurt. I hope someday you will understand me. I hope you find someone who is better than me. Someone you won't a shame to introduce to everyone. I know it's not me. And I hope she will love you more that I love you. I hope you forgive me." Lalo niyang niyakap ang binata. She wishes him the best.

Si Kurt ang unang nagyayang umuwi ng maramdaman nito na nilalamig na siya. Tahimik lang siya ng mga sandaling iyon. Hindi siya nagsasalita dahil ayaw niyang muling umiyak sa harap nito. Nang nasa pinto na sila ng bahay niya ay pinigilan niya si Kurt sa pagpasok. Nagtatakang napatingin sa kanya ang binata. Huminga siya ng malalim bago umangat ng kanyang mukha para salubungin ang tingin nito.

"Umuwi ka na, Kurt." Mahinang sabi niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "Are you pushing me away again?"

Hindi siya nakasagot sa tanong niya. Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry."

"Marie...." Kurt tried to hold her but she steps back. She can't let him touch her. She doesn't want to be weak. Kailangan niyang palayain ang binata.

Narinig niya ang marahas na buntong hininga ni Kurt. "Are we back in this again? Akala ko ba--"

"Hindi na magbabago pa ang desisyon ko, Kurt. Palayain na natin ang isa't-isa. Wag mo naman akong pahirapan ng ganito. Hayaan mo na ako." Unti-unting pumatak ang mga luha niya.

"Nahihirapan ka? Ako ba Marie hindi. Nahihirapan din ako. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Kung ano ba ang ginawa kong mali para hingin mo sa akin na palayain ka. Sabi ko naman sa'yo di ba. Babawi ako. Itatama ko ang mga pagkakamali ko. Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon."

"Dahil ayaw ko na. Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi kong ayaw ko na?" Sigaw niya rito.

Nakita niya ang rumehistrong sakit sa mga mata ng nobyo. "Ayaw mo na? Dahil ba sa pagkukulang ko sa'yo? Ganoon ba kabigat para sa'yo ang mga ginawa ko?"

Hindi siya umimik. "I'm sorry Kurt." Hindi niya kayang magsinungaling dito. Hindi naman kasi talaga iyon ang dahilan. Kaya niya itong patawarin kung pagkukulang lang naman ang problema ng relasyon nila. Ngunit hindi. Siya ang may problema.

"Stop saying sorry and tell me why?" Sigaw ni Kurt. Puno ng sakit ang boses nito. Nakita niyang unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata nito. "Why can't you tell me? Hindi mo na ba ako mahal kaya nais mong makipaghiwalay sa akin?"

Napaangat siya ng mukha sa tanong nito. Hindi siya makapaniwala sa tanong nito. Parang dinurog ang puso niya. Alam niya sa sarili niya na hanggang sa mga sandaling iyon na mahal na mahal niya ang nobyo.

"Tell me, don't you love me anymore?"

Hindi niya maalis ang tingin kay Kurt. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito. "I'm sorry, Kurt but I don't love you anymore. Nagsawa na ako sa kakaintindi sa'yo. Sana palayain mo na ako." Pagsisinungaling niya.

Pumasok siya ng bahay at hinayaan si Kurt na makatulala sa sinabi niya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkawala ng ningning sa mga mata nito. She hurts him and she can't take back what she said. Sana nga ay tigilan na siya ni Kurt. Sana agad itong makalimut sa sakit na dinulot niya.