Chapter 7 - CHAPTER SEVEN

NAKATITIG si Marie sa dalawang tao na nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain na si Lincoln at Trixie ang magkakatuluyan. Of course, she remembers Trixie. Ito ang babaeng tahasang nagsabi na gusto nito ang kaibigan niya. Ito din ang partner ni Cole noong Junior prom nila. Hindi niya akalain na sa pagbabalik ni Lincoln ng Pilipinas ay kasama nito si Trixie at magpapakilala sa kanya na nobya ng kaibigan.

"What are you doing now, Cole?" tanong niya sa kaibigan.

"I'm the one handling the business of my parents," sagot ni Lincoln.

"He is now the CEO of Redwave Group of Companies. Kaya nga super proud ako dito sa boyfriend kong ito," sabi ni Trixie at yumakap sa braso ni Lincoln.

"I'm also proud of you," sabi ni Lincoln na puno ng paghangang nakatingin kay Trixie.

She suddenly feels something in her heart. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inggit kay Trixie. Lincoln looks like he is so in love with her. Iyong ngiti at titig nito ay nagsasabing mahal na mahal nito si Trixie. Alam niya iyon dahil ganoon tumitig sa kanya si Kurt dati. Nakaramdam ulit siya ng munting kirot sa puso ng maalala ang nobyo. Napayuko na lang siya ng makitang hinawakan ni Lincoln ang pisngi ni Trixie, puno iyon ng pagsuyo. And the green monster is eating her heart.

"Aries, umayos ka nga? Nasa harap natin si Clara." Narinig niyang suway ni Trixie sa nobyo.

Napangiti siya ng mapakla. Huminga siya ng malalim bago nag-angat ng mukha. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Lincoln. Ngumiti sa kanya ang kaibigan. Ngiti na dati ay tanging sa kanya lang nito ibinibigay.

"It's okay to you right, Clara?" tanong ni Lincoln.

"Ha!" napakurap siya at napatingin kay Trixie. "Ya! It's okay. Ganyan naman pag-inlove ang isang tao. They don't mind about the people around. Fucos lang sila sa isa't isa."

"You really know what I feel, Clara," sabi ni Trixie. "So, kamusta ka naman? What do you do right now?"

"I own this cake shop," sagot niya.

Tumungo si Trixie at Lincoln. Inikot ng mga ito ang tingin sa loob ng cakeshop niya. Napayuko naman siya. Wala pa siyang masyadong maipagmamalaki ngayon. Yes! She owns a cake shop but it's not big like the others. Marami pa siyang bigas na kakainin. Marami pa siyang kailangan patunayan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagsisimula palang ang cake shop niya at marami pa siyang balak gawin. She wants to have another branch of her business but right now she wants to focus on her first branch.

"You have a good place." Komento ni Lincoln.

Napaangat siya ng tingin. May isang ngiti sa labi ni Lincoln at naroon din ang paghanga sa mukha nito. He seems proud of what she achieves so far. "Thank you, Cole."

"Aries is right, Clara. Your place is great. Akala ko hahawakan mo ang business ng mga magulang mo. Lalo na at nag-iisang anak ka lang," sabi naman ni Trixie.

(Lincoln o Cole for Marie, Aries for Trixie. Lincoln Aries Cortez-Saavadra po ang buong pangalan ni Cole. Marie for Kurt and Clara for Lincoln. Marie Clara Alonzo po ang buong pangalan ni Marie.)

"I tried to work at my parents business but I don't feel at home there. Kaya naman sinubukan kong magtayo ng sarili kong negosyo."

"At mukhang masaya ka sa negosyo mo. I bet Kurt is proud of you?"

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan ng banggitin nito ang pangalan ng nobyo. Mukhang napansin agad ni Cole ang reaksyon niya dahil agad na nagbago ang bukas ng mukha nito. Napansin niya ang pagkamot ng mukha nito at pagkawala ng ngiti sa mga labi nito.

"Are you---"

"He is proud of what I become." Agad niyang sabi para matanggal ang hinala nito. Ngumiti din siya para matigo ang nararamdam ng mga sandaling iyon.

Ngunit hindi nagbago ang bukas ng mukha ni Lincoln. Kilala siya ng bestfriend niya. Alam nito kung kailan siya nagsisinungaling o nagtatago ng totoong nararamdaman. Kahit naman lumipas ang panahon ay wala pa rin naman nagbabago sa kanya. Kahit ang mga dating kaibigan ay ganoon ang sinasabi sa kanya.

Tumikhim siya. "So! Hanggang kailan ka dito sa Pilipinas?" Pag-iiba niya ng usapan.

"I'm staying for good. Now that I'm the CEO of Redwave, I need to focus to expand the company. You know what my father dream for our company," sagot ni Cole. Ganoon pa rin ang bukas ng mukha nito. Hinawakan ito ng Trixie sa braso. Napatingin dito ang kaibigan. Napansin niyang parang nag-uusap ang mga ito gamit ang mga mata.

"Is there something wrong?" tanong niya.

Tumingin ang dalawa sa kanya. "Nothing! I just want Aries to calm down. He seems irritated," sagot ni Trixie.

"I'm not," tanggi ni Cole ngunit kitang-kita niya ang maggalaw ng panga nito.

"Really?" Hinawakan ni Trixie ang mukha ni Lincoln at pinaharap rito. "Calm down." Masuyong sabi ng dalaga sa nobyo nito.

Nakita niyang unti-unting nagbago ang bukas ng mukha ni Lincoln. Nakaramdam siya ng inggit kay Trixie. Kurt seems to be in-love to her so much to be like that. Napapakalma nito si Cole gamit lang ang pagtitig rito at paghawak sa mukha. Habang hindi naman niya iyon magawa kay Kurt. Saka lang kumakalma ang nobyo niya kapag nakikita na nitong umiiyak siya dahil sa sama ng loob dito. Kurt never knows how much he hurt her everytime he forget their special day. Pagnagkikita sila ay parang wala lang dito ang tampo niya o ang galit niya. He seems doesn't mind about her feelings.

"Clara, we need to go." Sabi ni Trixie.

"Ha?"

"We need to go, Clara. May kailangan pa kasing gawin si Trixie."

"Okay." Hindi niya maitago ang lungkot na nararamdaman. Nais pa niyang makausap ng matagal ang kaibigan. May mga bagay siyang nais linawin dito.

"I am staying good here in the Philippines. We can talk anytime." Ngumiti si Cole.

"Clara, we can have a double date right?" tanong ni Trixie.

Pareho silang napatingin dito ni Lincoln. Nakangiti naman si Trixie sa kanya.

"Ahm.... I don't know. I ask Kurt first." Sagot niya. Hindi niya alam kung papayag ba ang nobyo dahil lagi naman itong wala. Ngayon nga ay hindi niya alam kung saan lupalop ito ng mundo para kumuha ng mga larawan.

"Okay. I will expect a double date from you. I'm sure Kurt doesn't mind." Sabi ni Trixie.

Ngumiti na lang siya sa dalaga. Hindi niya alam kung napansin nito ang pag-iiba ng bukas ng mukha niya ng banggitin nito ang pangalan ng nobyo. Pero mukhang wala naman dahil patuloy itong nangungulit sa kanya.

"Paano Clara? Aalis na kami. See you again." Sabi ni Lincoln.

Hindi siya nakapagsalita. Nais niyang pigilan ang kaibigan. Nais niya itong makausap at sabihin dito ang lahat ng nararamdaman. Ngunit bakit parang ayaw lumabas ng mga salita sa mga labi niya. Wala siyang lakas ng loob na pigilan ito dahil alam niyang minsan na niya itong sinaktan. Nagdulot pa iyon ng masama sa kaibigan.

Tumayo si Lincoln at inalalayan si Trixie na tumayo. Napatayo na din siya.

"Bye Clara." Lumapit sa kanya si Trixie para humalik sa kanyang pisngi. "Aries is a great boyfriend. Thank you for pushing him away before." Bulong nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Alam nito ang nangyari noon. Alam nitong may gusto sa kanya si Lincoln noon. Kung ganoon ay walang itinago si Lincoln dito. Ngumiti ng matamis si Trixie sa kanya bago lumapit sa tabi ni Cole at humawak sa braso nito. Malungkot siyang napatingin sa kamay nitong humawak sa braso ng kaibigan.

"Bye Clara." Paalam ni Lincoln.

"Bye."

Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Nakita niya ang maingat na pag-alalay ni Lincoln kay Trixie. Parang babasagin na pinggan si Trixie kung tratuhin ni Lincoln. Hindi niya napigilang mapahawak sa tapat ng dibdib niya ng makaramdam doon ng kirot. Nasaktan ang puso niya. Is she hurting because her boyfriend is not like Lincoln?

NAGBABASA ng libro si Marie ng tumunog ang phone niya. Nasa bahay siya ng mga sandaling iyon. Napaayos siya ng upo at kinuha ang phone na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi niya. Binuksa niya iyon at binasa.

'Marie, nagkita na ba kayo ni Kurt. I saw him earlier eating breakfast with his friends.'

Mensahe iyon mula sa isang kaibigan niya na si Sandy. Napatayo siya sa nabasa. Kailan pa bumalik ang nobyo? At bakit hindi manlang ito nagsabi sa kanya? Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa nalaman. Ano bang nangyayari sa kanila ni Kurt? Bakit naging ganito na ang noon ay magandang relasyon nila?

Agad niyang tinawagan ang number ng nobyo. Nakailang tawag siya bago ito sumagot.

"Hello..." Inaantok nitong bati sa kanya.

"Kurt?" sabi niya. Pinigilan niyang wag maiyak.

"Marie?" tanong nito na parang nagising ang diwa. Kung ganoon ay natutulog pa ito.

"Yes. Where are you?"

"At my penhouse."

"H-how long you been here?" hindi na niya napagilan ang mga luha niya. Sobrang nasasaktan na ang puso niya. Nasa penhouse lang ito tapos hindi pa siya nito magawang tawagan.

"Yesterday. Kakauwi ko lang kaya hindi pa kita na tawagan. Napagod ako sa flight ko. Pasensya na babe."

'Liar!' nais niyang isigaw dito. Pagod ito tapos nakipagkita agad sa mga kaibigan. "I understand." Sabi niya kahit hindi iyon ang tumatakbo sa isip niya.

"Babe, I call later. Ligo lang ako."

"Okay. I miss you, Kurt." Sabi niya.

Hindi agad nakasagot si Kurt sa kabilang linya. Parang sinasakal naman ang puso niya ng mga sandaling iyon. Bakit simpleng 'I miss you too' ay hindi nito masabi? Wala na bang nararamdaman sa kanya ang nobyo. Muling pumatak ang mga luha niya. "You saying something babe?"

Tinakpan niya ang bibig para piligan ang mapahagol-hugol. "I said, I miss you."

"I miss you too, Marie. See you later. Susunduin kita mamaya diyan sa bahay mo. Let's go on a date?" masiglang sabi ni Kurt.

"Okay. I love you." Pilit niyang pinipilan ang emosyong nararamdaman.

"Bye Marie." Sabi ni Kurt bago ito nawala sa kabilang linya.

Malakas siyang napahagolhol dahil hindi man lang nagawang gumanti ng 'I love you' sa kanya si Kurt. He used to say it everyday before but not anymore. Since he starts working, he changes day by day and it hurt her a lot. Lagi niyang tinatanong ang sarili, anong maling ginawa niya para maging ganoon ang relasyon nila ng nobyo?

UMIKOT sa harapan ng boyfriend si Marie. Nasa isang kilalang dress shop sila ng nobyong si Kurt. Sinamahan siya nitong magshopping kaya nga masaya ang araw niyang iyon. Minsan lang kasi sila magkita at magkasama dahil lagi nalang itong busy sa trabaho. Isa itong photographer at madalas ay nasa ibang bansa ito para kumuha ng mga larawan. Mahilig din sa adventure ang nobyo kaya naman madalas itong pumupunta sa mga bundok. Pinagsasabihan nga siya ng mga kaibigan na hiwalayan na ang nobyo dahil wala naman oras sa kanya ang lalaki. Ngunit hindi niya sinusunod ang mga ito. Mahal na mahal niya ang halos walong taon na niyang nobyo. High school palang kasi sila ay boyfriend na niya ito.

"Maganda ba?" tanong niya rito.

"Yes!" sagot nito pero nakatutok naman ang mga mata sa phone. Sinulyapan lang siya nito. Hindi man lang tumagal ng ilang segundo ang tingin nito sa kanya.

Sumama bigla ang loob niya. Hindi niya kasi maramdaman na totoo ang sinabi nito. Sumimangot siya at tumalikod nalang dito. Ayaw niyang makipag-away sa nobyo dahil minsan lang naman sila magkita. Pumasok siya sa fitting room at tiningnan ang suot na damit. Isa iyong pulang dress na umabot hanggang tuhod, wala iyong manggas kaya kitang kita ang maputi niyang balat. Maganda naman talaga sa kanya ang damit ngunit bakit pakiramdam niya ay ang pangit-pangit niya ng mga sandaling iyon.

Huminga siya ng malalim at itinaas ang noo. Hindi siya ganito kahit kailan ay hindi nawala sa kanya ang self-confidence. Alam niyang maganda siya at hindi pangit sa kanya ang damit na suot.

'Wag mong pansinin ang nobyo mo, Marie.' Ngumiti siya pagkatapos at lumabas ng fitting room. Sakto naman na may sales lady na naghihintay sa kanya.

"Ang ganda niyo ma'am. Bagay po sa inyo." Sabi nito na nasa mga mata ang paghanga.

"Thank you. Kukunin ko siya, Miss." Sabi niya rito.

Tumungo ang babae at tinuro sa kanya kung saan pwede magbayad. Hindi na niya hinubad ang damit. Susuotin nalang niya iyon. Lumapit siya sa nobyo pagkatapos magbayad.

"Are you done?" Wala sa mood natanong nito.

"Yes. Kain tayo?" tanong niya dito. Hahawak na sana siya sa braso nito ng umiwas ito.

"May pupuntahan ako. Okay lang ba na ikaw nalang ang magshopping?"

Biglang may kumurot sa puso niya. Aalis ito at iiwan siya. Akala ba niya araw nila iyon. Halos dalawang buwan din silang hindi nagkita dahil pumunta ito ng Africa tapos ngayon ay aalis na naman ito. Nais nang pumatak ng mga luha niya ngunit pinipigilan niya. Ayaw niyang gumawa ng eksena doon dahil baka magalit ito. Ayaw niyang mag-away sila.

"Saan ka pupunta?"

"Tumawag si Kane. Pupunta daw sila ng Baguio para mag ghost hunting. Mukhang masaya kaya sasama ako." Nakita niyang kumislap ang mga mata nito.

Napayuko siya. Alam niyang hindi siya pwedeng sumama. Takot siya sa mga ganoong bagay. She hates adventures and Kurt knows it. Kaya hindi na siya nito niyaya sa mga ganoong bagay. Ang raming bagay ang nagbago sa buhay nilang dalawa. Hindi na siya madalas na kasama nito sa mga bagay na nais nito.

"Sige. Basta mag-ingat ka doon." Pilit niyang pinasaya ang boses kahit ang totoo ay nais na niyang umiiyak.

Hindi man lang nito magawan ng importansya ang date nila. Parang dinururog ang puso niya sa kaalaman na hindi siya importante sa nobyo. Handa nitong ipagpalit ang mga oras na kasama siya sa mga kaibigan at hilig nito.

"Talaga babe." Masayang sabi nito at hinalikan siya sa pisngi. "The best ka talaga. Thank you. Ingat ka sa pag-uwi. Pupuntahan kita sa bahay mo pagkatapos nitong ghost hunting namin." Dagdag nasabi nito at tumakbo na paalis.

Bagsak ang balikat na sinundan niya ng tingin ang nobyo. Hindi maitago sa mukha nito ang excitement. Sinaksak naman ang puso niya dahil doon. Never niya pa kasi iyong nakita sa nobyo sa mga panahon na magkasama sila.

Naglakad na siya palabas ng dress shop. Pumunta nalang siya sa abangan ng taxi. Nawalan na siya ng ganang gumala at kumain. Nararamdaman niya pa rin kasi ang bigat sa dibdib niya. Gusto niya nalang ng mga sandaling iyon ay humiga sa kama at umiyak. Agad siyang sumakay ng taxi. Habang nasa gitna ng byahe ay may napansin siyang kakaiba sa dinadaanan nila ng driver.

"Kuya, mali po yata ang daan na tinatahak niyo?" sabi niya rito.

"Tama po ito ma'am. Umiiwas lang po tayo sa traffic." sabi ng driver.

Hindi siya umimik. Baka nga umiiwas lang talaga ang driver sa traffic. Hindi na niya pinansin ang driver at pinilit nalang magrelax. Siguro naman ay wala itong gagawin sa kanya. Maaga pa naman kaya alam niyang safe pa siya. Nawala ang kaba niya ng mapansin na tama na ang daan na tinatahak nila ng driver. Mukhang tama naman ang sinabi nitong umiwas lang ito sa traffic.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ng driver sa kanya. Nakatingin ito sa kanya gamit ang salamin sa unahan.

Tumungo siya bilang sagot. Iiwas na sana siya ng tingin ng may iniabot itong tubig sa kanya.

"Tubig muna kayo ma'am."

Napatingin siya sa tubig na iniabot nito. Isa iyong plastic bottle ng tubig. Nag-alangan siyang tanggapin iyon.

"Naku ma'am, wag po kayong mag-alala. Hindi ko pa po iyan nabubukasan."

Napatingin ulit siya sa bote ng tubig. Ngumiti siya ng bahagya bago iyon tinanggap. "Salamat po."

"Walang anuman ma'am. Inumin niyo po." Sabi nito.

Tiningnan niya ang hawak na tubig. Totoo ngang wala pa iyong bawas at nakasara pa. Halatang wala pang umiinum noon. Binuksan niya iyon at ininum. Muli siyang napatingin kay kuya at napansin niyang ngumisi ito. Hindi niya nalang pinansin at tumingin nalang sa labas ng kotse. Ilang saglit pa ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Parang umiikot ang paningin niya kaya napahawak siya sa kanyang ulo.

"Ma'am, okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong ng driver.

"Kuya, nahihilo po ako." Sabi niya sa mahinang boses.

Naramdaman niyang huminto ang taxi at tumingin sa kanya ang driver. Pilit niyang nilalabanan ang pagkahilo at pagsara ng mga mata. Ngunit wala siyang nagawa ng unti-unting kinain ng kadiliman ang kanyang paningin. At bago siya tuluyang mawalan ng malay-tao ay nakita niya ang isang ngisi mula sa driver ng taxi.

"Matulog kalang ma'am. Akong bahala sa'yo." Huli niyang narinig mula dito.

MARAHANG bumukas ang pinto ng rest house na iyon. Pumasok ang isang matangkad na lalaki. Agad naman tumayo ang matandang lalaki na nakaupo sa mahabang sofa. Magalang na yumuko ang matanda. Natatakot siya sa nakikitang aura ng lalaking ngayon ay nakatayo sa harap niya. Seryuso at walang ngiti sa labi ang lalaki. Napakagwapo ng lalaking ito para maging ganoon ang asta.

"Nasaan siya?" walang emosyong tanong ng lalaki.

"Nasa kwarto po, sir." Nakayukong sagot ng matanda.

Ngumisi ang lalaki. Mukhang maayos ang pagkakakuha sa kanya. His plan is working well. Iniangat niya ang kanang kamay na may hawak na isang paper bag.

"Kagaya ng napagkasunduan natin. One hundred thousand for the great job you done."

Agad na tinanggap ng matanda ang paper bag na iniabot ng lalaki. Ngumisi ang lalaki dahil sa asta ng matanda. Money can buy people to do the job he wants.

"You can go now. I don't want to see your face again. Kapag nagpakita ka sa akin o kahit sa babaeng na silid ngayon ay alam mo kung anong mangyayari sa iyo. Kaya mabuti pang magtago ka na." pagbabanta niya. Gusto niyang iparating sa matanda na hindi siya nito pwedeng gambalain pa.

"Makakaasa ka boss." Sabi ng matanda at umalis na.

Napatingala ang lalaki bago naglakad sa kwartong kung nasaan ang babaeng noon pa man ay minamahal na niya. Hindi niya mapigilan ang isang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi ng makita kung gaano kaganda si Marie. She looks so innocent on the red dress she wearing. Lumapit ang lalaki at masuyong hinawakan si Marie sa pisngi. Lumamlam ang mga tingin ng lalaki kay Marie. Puno iyon ng pagmamahal at pag-aasam na maging kanya ang babae.

"You are mine now, Marie Clara Alonzo. Hindi ako makakapayag na may ibang taong kukuha sa iyo sa akin. Ikaw ay nakalaan para lang sa akin." Marahan nitong hinawi ang buhok na tumakip sa mukha ng dalaga.

Wala naman kamalay malay si Marie sa nangyayari sa paligid nito. Mahimbing pa rin itong natutulog, malakas ang epekto ng pampatulog na inihalo sa tubig na kanyang ininum. Natigil ang lalaki sa paghaplos kay Marie ng tumunog ang phone nito. Agad na tumayo ang lalaki para sagutin ang tawag.

"May kailangan ka?" tanong ng lalaki.

"Nasaan ka na? Nandito na kami sa Baguio."

Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit agad din nawala ng maalala na may usapan pala sila ng mga pinsan. Napatingin siya kay Marie. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Kailangan na niyang isagawa ang plano. Marahan siyang pumikit.

"I will be there tomorrow. Bukas na lang tayo pumunta doon sa gusto niyong puntahan," sagot niya.

"Ano ba iyan?" narinig niyang palatak ng pinsan.

"May importante akong gagawin ngayong gabi. Bukas na tayo mag-usap." Pinatay niya ang tawag.

Lumapit siya kay Marie at muli itong marahang hinawakan sa buhok. Kunting tiis na lang magiging masaya ang babaeng iniibig sa piling niya.

"Oh!!! Kurt..." ungol ni Marie.

May munting ngiti na sumilay sa labi ng lalaki. Tumayo ito at marahang binuksan ang butones ng suot na polo shirt. Tonight, Marie will be him finally.