Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 1 - Marry Me Jeremy!

My Beautiful ... Me

🇵🇭trimshake
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.2m
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Marry Me Jeremy!

"Gusto ko pong sabihin na may gusto po ako kay Jeremy Alvarez!"

"I love you Jeremy ko!"

Tumitiling sigaw ni Eunice sa gitna ng stage sa harapan ng buong estudyante ng "AMES Academy".

Isa si Eunice sa contestant sa singing contest ng skuwelahan nila at nasa itaas sya ngayon ng stage para kumanta.

Pero bago kumanta, tinanong muna sya ng teacher host na si Teacher Anne, kung ano ang mensahe nya sa mga katunggali nya. Ito kasi ang unang beses na sasali si Eunice sa singing contest kaya naisip ni Teacher Anne na kinakabahan ito.

Pero hindi akalain ni Teacher Anne, pati na ng buong school, na ito ang sasabihin ng bata.

Speechless ang lahat ng madinig ang sinabi ni Eunice at sabay sabay na napatingin sila sa direksyon ni Jeremy.

Iba't ibang reaksyon ang makikita sa paligid. May natutuwa, may naiinis may napanganga at may gusto lang makapanood ng magandang show.

Pati ang principal na halatang sadyang nabigla sa ginawa ng bata ay napahinto sa kanyang paglalaro ng snake sa cellphone, hindi rin nakapagsalita. Hindi nya maubos maisip kung bakit ang lakas ng loob ng estudyanteng itong gawin at sabihin ang bagay na iyon.

"Uhmm... Salamat Ms. Eunice sa mensahe mo."

Inagaw na ni Teacher Anne ang nagiisang mikropono sa kanya at baka may masabi pa itong iba.

Sabay pasimpleng bulong kay Eunice.

"Sa susunod na ibigay ko sa iyo ang mic pwede ba, kumanta ka na lang at huwag ng magsalita pa ng kung anu ano! Maliwanag!"

Sinuklian lang sya ng ngiti ni Eunice.

At saka sya ipinakilala.

"Ladies and Gentlemen to sing, "BUWAN" please welcome contestant number one, EUNICE!"

"WOOHOO!"

Dumadagundong at nakakabingi ang sigawan ng lahat na hindi mo alam kung natutuwa o kinukutya sya. Lalo na ng magsimula itong kumanta.

"Ako sa'yo, ikaw ay akin,

Ganda mo sa paningin.....

Maganda talaga ang boses ni Eunice, namana nya ito sa kanyang ama.

"Ako ngayo'y nagiisa

Sana ay tabihan na.

At maganda ang pagkakanta nya dahil may halong lambing.

Pero hindi mo ito halos madidinig dahil natatabunan ng ingay at hiyawan sa paligid.

Sinasabayan pa nya kasi ng pag indayog ng chubby nitong katawan ang musika na tila inaakit ang kinakantahan.

Si Jeremy.

"Sa Ilalim ng puting ilaw...

Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan.

At kahit na dumadagundong ang hiyawan at pangungutya sa kanya, tuloy pa rin ito sa pagkanta na tila, wala itong nadidinig.

Naka focus lang ang tingin nya kay Jeremy na parang sila lang dalawa ang naroon at background lang ang lahat ng nasa paligid.

Wala syang pakialam kahit na pagtawanan pa sya ng lahat, ang mahalaga ay maparating nya kay Jeremy ang nararamdaman ng puso nya.

"Ikaw ang mahal

Ikaw lang ang mamahalin

"Pakinggan ang puso't damdamin

Damdamin, aking damdamin.

Lahat tuloy ng teacher hindi alam ang gagawin kung paano sasawayin ang mga estudyanteng nagtatayuan na at nageenjoy sa ginagawang pangungutya kay Eunice.

Sinasabayan pa nga ng ibang estudyante ang pagindayog nito sa stage habang pumapalahaw sa pagtawa.

Pagkatapos ng kanta hindi pa ibinalik ni Eunice ang mic sa host na si Teacher Anne.

Humupa naman agad ang mga hiyawan sa paligid ng mapansing hindi na ito kumakanta at lahat ng tingin ay na kay Eunice ... nagaaabang sa susunod na gagawin o sasabihin nito.

At muling nagsalita si Eunice.

"MARRY ME, JEREMY!!!!"

Sigaw ni Eunice na dinig na dinig sa buong eskwelahan.

"WOOOOT, WOOOOT!!!"

Nabuhay muli ang dumadagundong na hiyawan at tuksuhan sa paligid.

Nilapitan na sya ni teacher Anne at inagaw muli ang mic sa kanya.

Kanina pa kasi masama ang tingin ng principal sa kanya.

"Thank you Eunice for that very, very wonderful performance!"

Pero hindi pa rin ito agad umalis ng stage, nag flying kiss pa muna sya kay Jeremy.

Eunice: (Kinikilig) (Hanggang tenga ang ngiti)

Nauubusan na ng pasensya si Teacher Anne sa batang ito.

"Ehem!"

"Eunice, go back to your seat!"

Sabay turo nito sa baba ng stage.

'Jusko, mapapaanak ako kahit hindi ako buntis sa pinag gagawa ng batang ito!'

At buong ngiting kumaway si Eunice kay Jeremy habang bumababa ng stage at bumalik sa upuan na tila walang pakialam kung mananalo sya o hindi sa contest na sinalihan.

Basta feeling nya nagwagi na sya.

At si Jeremy.

Namula ito sa simula pa lang na mabanggit ni Eunice ang pangalan nya.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin, parang gusto na nyang maglaho sa mga oras na iyon dahil lahat ay nakatingin sa kanya.

At habang kumakanta si Eunice, pinagpapawisan sya ng butil butil lalo na sa tuwing dumadapo ang tingin nito sa kanya.

Gusto nya ang boses ni Eunice, lagi nya itong nadidinig sa tuwing nadadaan sya sa bahay nila. Maganda talaga kasi ang boses nito, masarap pakinggan.

Pero ang hindi nya gusto ang mga mapanuksong mata ng mga kaeskwela nya pati na ang lahat ng naroon na nakatingin sa kanya ngayon.

Nahihiya sya at nanliliit pa!

Kung pwede nga lang umalis na sa kinauupuan, ginawa na nya! Pero batid nyang hindi sya papayagan ng adviser nila kaya nanatili na lang sya at nagdasal na sana matapos na agad ang programa.

At ng matapos na ang kanta at madinig ang isinigaw ni Eunice .... namutla ito na tila naubos lahat ng kulay sa mukha nya.

Isiniksik nya ang sarili sa upuan at tinakpan ng tuwalya ang mukha matapos makitang nag flying kiss si Eunice sa kanya.

Pagkatapos ng programa, sinubukan ni Eunice na lapitan si Jeremy para kausapin. Hindi naman mahalaga sa kanya kung manalo sya o hindi pero nagpapasalamat pa rin sya at naging 2nd place sya. At least may ipapakita sya sa Mommy nya mamaya pag uwi.

Pero hindi na nya nasundan pa si Jeremy dahil nakakailang hakbang pa lang sya ng may humarang na sa kanyang apat na estudyante.

"Ang KAPAL naman ng mukha mong mag propose kay Jeremy!"

Boses iyon ng nasa gitna at nasa unahan na tila pinaka leader ng grupo nila. Si Miles.

"Feeling nya kasi papatulan sya ni Jeremy!"

Sabi ng nasa kanan na ni Miles na si Lena

"Hahaha!"

Napaurong si Eunice. Ayaw nya ng gulo. Mapapagalitan sya at baka mapalo pa ng Mommy nya kapag nasangkot sya sa gulo. Kaya sinubukan nyang umiwas.

Tumalikod sya para umalis pero hinabol sya at hinarang ng dalawang kasama pa ni Miles, hindi nya namalayan na napapalibutan na pala sya ng apat na babae.

'Nakupo, lagot na! Anong gagawin ko ngayon?'