HINDI na mabilang ni Rob kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Lahat iyon ay casual sex lang. Pagkatapos ng sex, hindi na siya nanatili sa kama nang matagal. Nagbibihis na siya kaagad at umaalis. No hugging, no conversation. At lalong hindi siya nananatili para lang titigan ang natutulog na mukha ng babaeng kasama.
Subalit iyon mismo ang ginagawa ni Rob sa mga sandaling iyon. Nakatagilid siya ng higa sa kama sa tabi ni Daisy. Hindi niya maialis ang pagkakatitig sa mukha ng natutulog na dalaga. Sa katunayan, ganoon din ang ginawa niya noong unang gabing magkasama sila. For some reason, he never tired of staring at her peacefully sleeping form. Sa tingin ni Rob, kaya niyang gawin iyon buong maghapon at magdamag.
Sa unang pagkakataon ay maraming nararanasan si Rob dahil kay Daisy. Mga bagay na kung noon nangyari ay baka ikonsidera niya na distractions. Subalit dahil kay Daisy, tinatanggap niya nang maluwag ang lahat ng mga bagong karanasan at pakiramdam. Kahit pa masakit pa rin ang kanyang mukha matapos makipagsuntukan sa harap ng maraming tao. Kung nasa Amerika siya, sigurado na makakarating ang ginawa niya sa kanyang mga magulang. Sigurado si Rob na marami siyang maririnig mula sa ama. Nagpapasalamat siya na naroon siya sa Pilipinas, malayo sa radar ng ama.
Muli siyang napatitig sa mukha ni Daisy. Yes, nagpapasalamat siya na nasa Pilipinas siya. In more ways than one.
Umungol si Daisy at kumilos palapit kay Rob. Para bang kusang hinahanap ng dalaga ang presensiya niya kahit natutulog. Dahil nang maisubsob ni Daisy ang mukha nito sa kanyang dibdib at ipaikot niya ang braso sa katawan nito upang yakapin, bumuntong hininga ang dalaga at tila muling bumalik sa malalim na pagtulog. May mainit na pakiramdam ang pumuno sa dibdib ni Rob—another first for him—na dumeretso hanggang sa kanyang sikmura. Masakit na masarap na pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maipaliwanag kung ano ang tawag. Ang sigurado lang, kay Daisy lang niya nararamdaman iyon.
Bumuntong-hininga si Rob at akmang hihigitin pa payakap si Daisy nang marinig ang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Dahil tahimik sa loob ng silid ay malinaw niyang naririnig iyon. Maingat na inalis niya ang braso sa pagkakayakap kay Daisy upang hindi magising ang dalaga bago marahang bumangon sa kama.
Pinulot ni Rob ang kanyang pantalon na nasa sahig at dinukot sa bulsa ang cell phone. Muntik na siyang mapamura nang malakas nang makita na international number ang tumatawag. Tatlo lamang kung sino ang maaaring nasa kabilang linya. At lahat ay wala pa siyang balak na kausapin.
Napabuga siya ng hangin, saglit na sumulyap kay Daisy at nang makitang natutulog pa rin ang dalaga ay saka lamang sinagot ang tawag. "Rob Mitchell."
"Where in the world are you?" iritableng tanong ng tinig ng kanyang ama.
Napaderetso ng tayo si Rob kahit hindi naman siya nakikita ng ama. "Asia. Why?"
"Asia? What are you doing in Asia? Still following those entertainers again?"
Tumiim ang mga bagang ni Rob. Mag-iisang taon na yata siya sa Pilipinas ngunit tila ngayon lang nalaman ng ama na naroon siya sa Asya. "You know I don't care what you think about my job, father. Tell me what you want."
"I have a party two weeks from now. I want you to be there. All my associates are going to be there. Even the President of the United States."
"This is for the family picture again, right?" sarkastikong usal ni Rob.
"It's good for my image. You have to be there or else, I will ask someone to go wherever you are right now and drag you back. Your job is already a disgrace to my name. The least you can do is attend my events for publicity." Iyon lang at naputol na ang tawag.
Gigil na napatitig si Rob sa kanyang cell phone. Napabuga na lamang siya ng hangin at inilapag sa bedside table ang cell phone. Muli siyang bumaling sa kama at natigilan nang makitang gising na pala si Daisy. Nakatagilid pa rin sa kama ang dalaga subalit nakamulat na ang mga mata at nakamasid sa kanya.
"Are you okay?" bulong ng dalaga.
Rob suddenly felt uncomfortable. May nasaling na kung ano sa loob niya ang tanong na iyon ni Daisy at ang ekspresyon sa mukha nito. At nang magtama ang kanilang mga mata, nasiguro ni Rob na matatagpuan niya ang sariling sinasabi kay Daisy ang lahat ng tungkol sa personal niyang buhay. Isang bagay na hindi niya sinabi kahit kanino. Because he knew that doing so meant opening his heart to that person. Isang bagay na ipinangako niya noon na hinding-hindi gagawin, kapantay ng pangakong hindi siya magpapatali sa matrimonya ng kasal.
Bumalik si Rob sa kama at bumangon si Daisy upang bigyan siya ng espasyo. Hinigit niya palapit ang dalaga at hinalikan bago sumandal sa headboard ng kama.
"Rob?" nagtatakang sambit ni Daisy.
Humigpit ang yakap niya rito bago nagsalita. "I'm okay, sweetheart."
Ilang segundong hindi nagsalita ang dalaga subalit alam ni Rob na nakamasid at nakikiramdam ito. Nang tila hindi makatiis ay nagtanong na si Daisy. "Sino ang kausap mo sa cell phone?"
Bumuntong-hininga si Rob at sinulyapan ang dalaga. Nang magtama ang mga mata nila ay saka lang siya nagsalita. "My father."
BAGO pa magtanong si Daisy ay alam na niya kung sino ang kausap ni Rob sa cell phone. Nagising siya nang sandaling umalis ng kama ang binata. Naglakas-loob siyang magtanong kahit duda siya kung sasagot ito nang tapat. Kaya nang magsabi si Rob ng totoo, pakiramdam ni Daisy ay lumobo ang kanyang puso sa tuwa. Alam niya, big deal para sa binata ang magsabi ng kahit anong may kinalaman sa personal nitong buhay. And she felt as if she was slowly reaching his inner self.
"Ngayon mo lang nabanggit sa akin ang tungkol sa ama mo," maingat na komento niya.
Umangat ang gilid ng mga labi ni Rob subalit alam ni Daisy na hindi iyon ngiti. "Yeah. Well, hindi kami malapit sa isa't isa kahit noon. Hindi ba nasabi ko sa `yo noon, na perpekto lang ang aming pamilya sa harap ng ibang tao?"
Tumango siya.
Inalis ni Rob ang tingin sa kanya at itinutok sa kisame. "In reality, our family is a mess. Hindi mahal ng parents ko ang isa't isa at araw-araw silang nag-aaway. They're also had a string of affairs, both of them. Madalas pa nga, dinadala nila sa bahay ang mga lover nila. Pero hindi sila nag-divorce dahil masyado silang partikular sa image nila sa ibang tao.
"My father is a diplomat. Marami siyang koneksiyon sa political system ng Amerika. And my mother is the perfect trophy wife. She's half Filipino and has the most beautiful olive skin na kinaiinggitan ng mga Amerikana. Pareho silang nakikinabang sa isa't isa kaya kahit matagal nang hindi nagwo-work out ang marriage nila ay hindi sila naghiwalay. Can you imagine what it's like growing up with parents like these?"
Nakagat ni Daisy ang ibabang labi sa sakit na naramdaman para sa batang si Rob. Niyakap niya ang binata. Gusto niyang magalit sa sarili na noong bata pa, inisip niya na siya ang pinakakawawang nilalang nang iwan ng kanyang ina. Mas matindi pala ang naging childhood experience ni Rob. Masuwerte pa nga si Daisy na kahit masyadong mahigpit ang kanyang ama, ni minsan ay hindi niya ito nahuli na may babae. Kahit pa matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang.
Marahan siyang umiling. "How does it feel like?" bulong niya.
Humigpit ang yakap ni Rob sa kanya. "Hell. Masyado silang partikular sa imahen namin sa harap ng ibang tao. Mula pa pagkabata, isiniksik na sa utak ko kung paano ako dapat kumilos, kung paano dapat magsalita at maging perpekto sa lahat ng bagay. I was trained to control my emotions, to be observant and behave appropriately in front of other people. Kahit alam ko na alam nilang lahat na peke lang ang ipinapakita ng pamilya ko. Alam ko rin na alam nilang lahat kung ano ang nangyayari sa personal naming buhay. I hate it.
"Kaya natutunan kong huwag magsalita ng kahit ano tungkol sa pamilya ko. Hindi ko gusto ang binubusisi ang personal kong buhay kaya iniwasan ko ring mapalapit nang husto sa kahit na sino. At dahil napuno na ako sa pagiging controlling ng ama ko, umalis ako sa poder nila when I entered college. I took a course na iba sa gusto nilang kunin ko, joined the crowd they hated. The kind of crowd where people didn't ask personal things about me. Things like that."
Napatitig siya sa mukha ng binata. "Hindi ko naisip na nagkaroon ka rin pala ng rebellious stage."
Muling umangat ang gilid ng mga labi ni Rob. Sa pagkakataong iyon, alam ni Daisy na ngiti na iyon. "I did. And it was liberating. Sa isang lakad namin, may nakilala akong isang talent agent. I was in my last year of college. We hit it off at nadiskubre niya ang kakayahan kong mag-obserba ng mga tao. Nasa isang club kami when I saw this woman in the middle of the dance floor. Bigla ko lang nasabi sa talent agent na malakas ang appeal ng babaeng iyon at kung naghahanap siya ng talent, bakit hindi niya alukin ang babaeng iyon."
"And? Sumikat ba siya?"
Lumuwang ang ngiti ni Rob at tumingin sa kanya. "She has already starred in a lot of Hollywood films. Nanalo pa siya ng Best Actress sa Oscars."
Namilog ang mga mata ni Daisy. "Wow!"
"So I became a talent agent. Pero mas nag-focus ako sa music industry. Nagamit ko sa trabaho ko ang lahat ng itinuro sa akin noong bata pa ako. Alam ko kung paano makisama sa iba't ibang tao. I knew how to impress and convince different higher bosses. At the same time, naging mahigpit ako sa mga talent na nahawakan ko. At walang gusot na hindi ko nagawang ayusin."
Napangiti si Daisy at hindi nakatiis, ginawaran niya si Rob ng mabilis na halik sa mga labi. "You're great. Do you know that?"
Gumanti ng ngiti ang binata. "I know. But my father hates it. Pero wala na akong pakialam doon. Nagpapakita na lang naman ako sa mga magulang ko kapag may formal events na kailangan naming magkunwaring isang perpektong pamilya."
Kumilos si Rob at sa isang iglap, nakubabawan na siya nito at mariing hinalikan sa mga labi bago nagsalita. "Okay. Conversation over." Lumalim ang halik nito at muntik na siyang madala kung hindi lamang niya naalala ang kanina pa rin gustong malaman. Kaya nang dumausdos sa kanyang leeg ang mga labi ni Rob ay nagsalita na siya.
"Bakit daw tumawag ang ama mo?"
Napahinto ang binata sa ginagawa at naramdaman ni Daisy na na-tense ang katawan nito. Akala niya, hindi na sasagot si Rob nang muli nitong isubsob ang mukha sa kanyang leeg. Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali, bahagyang inilayo ng binata ang sarili upang magkapantay ang mga mukha nila at nagsalita. "Gusto niyang dumalo ako sa party niya two weeks from now."
Natigilan si Daisy at biglang kinabahan. "Saan?"
Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha ng binata. "I don't know yet. Basta sa States."
Lalong tumindi ang kanyang kaba. Kapag nagpunta si Rob sa Amerika, babalik ba itong muli sa Pilipinas o hindi na? Gusto niyang isatinig ang tanong na iyon subalit hindi nagawa. Sa halip ay marahan siyang tumango. "Siyempre, kailangan mong pumunta, right?" aniya sa pilit na pinagaan na tinig.
"Yes. I have to. Kung hindi, gagawin niya ang lahat para mapapunta ako. Believe me, he'll do anything."
Muli ay tumango lang si Daisy at pilit na ngumiti. Pagkatapos, ipinaikot niya ang mga braso sa batok ni Rob at hinigit ito palapit. "Okay. Now, kiss me."
Sa halip na tumalima, tinitigan ni Rob ang kanyang mukha na para bang binabasa kung ano talaga ang iniisip niya. At dahil ayaw ni Daisy na malaman ng binata kung ano talaga ang gusto niyang sabihin, nagkusa na siyang halikan ito na gumanti naman agad ng halik.
Their conversation ended and they started making love. At mas gusto na iyon ni Daisy, kaysa madulas pa siya at masabi kay Rob na, Don't go.