MASAYA si Ross na nagdesisyon ang pinsang si Rob na manatili na sa Pilipinas for good. Nagulat lang siya na magpapakasal na ang kanyang pinsan. Subalit dahil kilala niya si Rob, alam niyang malaking desisyon para dito ang pagpapakasal. Rerespetuhin niya ang desisyon nito. Sigurado siya na hindi tulad ng ibang mga lalaki, hindi magtataksil si Rob kay Daisy kapag mag-asawa na ang dalawa.
Hindi katulad ng isang partner ng kanilang law firm.
Nasa lobby si Ross ng gusaling kinaroroonan ng kanilang law firm nang mapahinto siya dahil nakita niya ang babaeng kalalabas lamang ng elevator. Parang may sumuntok sa kanyang sikmura habang pinagmamasdan ang magandang babaeng pasalubong sa kanya. Lalo na at alam niya kung saan ito galing.
Nag-angat ng tingin ang babae at nagtama ang kanilang mga mata. May kumislap na kung ano sa mga mata nito na tumagos sa dibdib ni Ross ngunit agad ding nawala. Naging malamig ang ekspresyon sa mukha ng babae.
But that short exchange, when he saw attraction in her eyes, was enough to make his blood boil. Dahil kahit anong pagtanggi ang gawin ni Ross, hindi niya mapigilan ang atraksiyong nararamdaman para sa babae. She was the kind of woman he hated the most.
Nang ilang pulgada na lamang ang layo ng babae, tumiim ang mga bagang ni Ross at hinablot ang braso nito. "Bakit nandito ka na naman?" nanggigigigil na tanong niya.
Tumalim ang tingin ng babae at nagpumiglas subalit hindi niya ito pinakawalan. "Ano ba ang pakialam mo?"
Naningkit ang kanyang mga mata. "Alam ng lahat ng tao sa buong building na ito kung sino ka, Bianca. Do you really have to come here every time na parang pinangangalandakan mo pa kung ano ka?"
Defiant na itinaas ni Bianca ang mukha at kahit ayaw ni Ross, bumaba ang tingin niya sa mga labi ng dalaga. Mapula ang mga iyon at gustong-gusto niyang tawirin ang pagitan ng mga mukha nila at siilin ito ng halik. "Why are you even wasting your time on him?" usal niya.
"It's none of your business, Mr. Womanizer. Ikaw, bakit mo ba sinasayang ang oras mo sa pangingialam sa buhay ko? Maraming babae diyan ang sigurado akong naghihintay na mapansin mo. Pero hindi ako kasama sa mga babaeng `yon," sagot ni Bianca.
Nasaling ang ego ni Ross sa sinabi ng babae. Mukha namang sinamantala iyon ni Bianca dahil pumiksi ito at nagawang makalayo. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Natigilan siya nang makitang bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Bianca.
"I'm not worth wasting your time on, Ross. Maniwala ka sa akin," mahinang usal ng babae. Iyon lang at nilampasan na siya nito.
Naiwan si Ross na nakatiim ang mga bagang at nakakuyom ang mga kamay. Damn, do you think I don't know that? Hindi ko rin ito gusto!
Mariin siyang napapikit at pilit na pinalis sa isip ang mukha ni Bianca. Subalit katulad ng dati, mula nang makita ang babae, hindi na niya ito magawang kalimutan.
•••WAKAS•••
author's note: thank you for reading. if you enjoy this story please take time to give a good rating and review. it will be a huge help for me. <3 next volume coming up.