Pasimpleng huminga nang malalim si Daisy nang magtama ang kanilang mga mata bago tuluyang lumapit kay Rob. Umupo siya sa tabi ng binata at ipinatong ang medicine box sa pagitan nila. Habang binubuksan iyon at inaayos ang bulak at gamot, nararamdaman ni Daisy ang nakamasid na tingin ni Rob sa bawat kilos niya.
"Daisy," sa wakas ay basag ng binata sa katahimikan.
Hawak ang bulak ay nag-angat siya ng tingin. Hindi niya sinalubong ang tingin ni Rob at sa halip ay itinuon ang mga mata sa sugat nito. Tahimik na ginamot niya iyon. Bawat ngiwi ng binata tuwing pinapahid niya ang gamot ay sumisikip ang lalamunan niya. Siya ang dahilan kung bakit may sugat si Rob. Walang sinabi ang guilt na nararamdaman niya ngayon kompara sa guilt na dulot ng masasamang nagawa sa kanyang buhay noon. The fact that she was the cause of this man's pain made her heart ache. She loved this man so dearly.
Natigilan si Daisy sa naging takbo ng isip. Nanginig ang kanyang kamay at muntik nang mabitawan ang bulak. Oh, no. No, hindi puwede!
Napakurap siya nang hawakan ni Rob ang kanyang kamay. Tuluyan niyang nabitawan ang bulak at bumagsak iyon sa nakabukas na medicine box.
"Let's talk," seryosong sabi ni Rob.
Napalunok si Daisy at napasinghap nang hawakan ng malayang kamay ng binata ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha upang magtama ang mga mata nila. "Look at me, Daisy."
Sa totoo lang, ayaw niyang salubungin ang tingin ni Rob matapos madiskubre ang tunay niyang nararamdaman para dito. Paano kung makita ni Rob sa kanyang mga mata na nahulog na nang tuluyan ang kanyang damdamin dito? That she was in love with him? Ano ang magiging reaksiyon nito?
"What's bothering you?" tanong ni Rob.
Bahagyang umiling si Daisy. Kinalma niya ang sarili at pilit na pinaglinaw ang isip. "Ikaw yata dapat ang tanungin ko niyan," sa wakas ay nasabi niya.
Huminga nang malalim si Rob. Pinakawalan nito ang kanyang baba at hindi inaalis ang tingin sa mukha niya habang tinatanggal ang medicine box sa pagitan nila at inilapag sa sahig. Umisod si Rob hanggang halos wala nang puwang sa pagitan nila.
"That guy, who was he, exactly?"
Biglang naalala ni Daisy si Eric at ang mga sinabi nito kanina. Nag-init ang kanyang mukha subalit pinigilang mag-iwas ng tingin. "Eric used to be one of my friends."
Bahagyang pinisil ni Rob ang kanyang kamay at ipinatong ang magkahugpong nilang mga kamay sa isang hita nito. Hindi nagsasalita si Rob subalit halatang naghihintay na magpatuloy siya sa pagsasalita.
Pagak na natawa si Daisy. "What? Gusto mo bang malaman kung totoo ang mga sinabi niya kanina? Do you want to know whether I slept around like he said? Are you disgusted with me now? Kaya buong biyaheng hindi mo ako matingnan?"
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa naging tono. Kung bakit parang malapit na siyang maging hysterical. At mas matindi, na malapit na siyang maiyak. Tinangka niyang bawiin ang kamay subalit lalo lamang humigpit ang hawak ni Rob.
"Calm down, okay? I apologize sa inakto ko buong biyahe. Hindi ako sa iyo galit kundi sa lalaking `yon," mariing sabi ng binata.
Itinikom ni Daisy ang mga labi. Nagbaba rin siya ng tingin at nanghihinang isinandal ang noo sa balikat ni Rob. "Sorry," bulong niya.
Umangat ang kamay ng binata sa kanyang ulo at masuyong sinuklay ng mga daliri ang buhok niya. "I'm sorry, too."
Mariing pumikit si Daisy. "Totoo na may nangyari sa amin ni Eric. But that was a long time ago. At maliban sa kanya, hindi totoo na marami pang lalaking dumaan sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang nangyari sa amin ni Eric noon. Pareho kaming lasing and I just sort of went with the flow. Hindi ako… nag-enjoy. Wala akong naramdamang kahit ano maliban sa guilt. Mula noon ay nangako ako sa sarili ko na hindi ko na uli gagawin iyon basta-basta. That I wouldn't sleep with just anyone. Kahit pa alam ko na walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko that I only had sex once. At least, bago kita nakilala."
Napahinto ang kamay ni Rob na humahaplos sa kanyang buhok. Hindi siya kumilos dahil bigla siyang natakot na mag-angat ng tingin.
"You said you weren't going to sleep with just anyone. Why did you sleep with me?" seryosong tanong ni Rob.
Dahil siguro noon pa man ay mahal na kita. Ngayon ko lang nagawang aminin sa sarili ko. Pero siyempre, hindi iyon magagawang sabihin ni Daisy. Lalo na kung gusto niyang manatili pa rin si Rob sa kanyang tabi habang nasa Pilipinas pa ito.
Sa halip ay pinili niyang maging tapat nang hindi masasabi ang tunay na nararamdaman. Nagmulat siya at marahang inalis ang pagkakahilig sa balikat ni Rob bago nagsalita. "Dahil ikaw ang unang lalaki na nakilala ko na nakaapekto sa akin nang husto. I was extremely attracted to you, and I had never felt that way for anyone before. Kapag kasama kita, wala akong ibang gustong gawin kundi ang mapalapit sa iyo, closer than just simple physical contact. Whenever I'm with you, I feel electricity flowing through my whole body."
Lakas-loob na sinalubong ni Daisy ang seryosong titig ni Rob. "Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko kapag nasa malapit ka o kapag naiisip lang kita. Whenever you touch me, I want the time to stop completely. Kapag naghihiwalay tayo, pakiramdam ko ay may parte ko ang kasama mong nawawala. That's why I slept with you."
Nang hindi nagsalita si Rob at nanatili lamang nakatitig sa kanya, bahagya siyang ngumiti. "Ikaw, why did you sleep with me? Bakit ka nakipag-away para sa akin kahit alam ko na hindi ikaw ang tipong gagawa ng eksena sa harap ng maraming tao?"
Humugot ng hininga si Rob at humilig palapit sa kanya. "Hindi ko pa rin alam ang sagot diyan." Malumanay na ang boses ng binata. Ginawaran nito ng masuyong halik ang kanyang noo, pababa sa kanyang mga mata kaya napapikit siya, patungo sa ilong, sa magkabilang pisngi, hanggang sa kanyang tainga at saka bumulong. "All I know is that I can't get enough of you. Na nawawala ang kontrol ko basta may kinalaman sa `yo. Na ikaw lang ang tao na nakakaapekto sa akin nang ganito. That I want to have you, again and again and again. That sometimes, my attraction to you scares the shit out of me."
Nagliparan ang tila mga paruparo sa sikmura ni Daisy. Umangat ang malaya niyang kamay at napakapit sa balikat ni Rob. Nagmulat siya at nag-angat ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. She saw the desire in his eyes, at iba pang emosyon na alam niyang hindi aware si Rob na nasa mga mata nito.
"Sometimes, I wish… that I didn't have to leave you. Pero alam nating pareho na hindi `yon puwede, hindi ba?" bulong ni Rob.
Sumikip ang dibdib ni Daisy. Ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol doon. Binawi niya ang kamay na hawak ni Rob upang hawakan ito sa batok. Siya na ang unang humalik sa binata. She kissed him with a passion she had never felt before she met him. At agad na tumugon si Rob sa kanyang halik. Mas matindi ang intensidad kaysa sa kanyang halik. Naramdaman niya na pumaikot ang braso ng binata sa kanyang baywang at hinigit siya padikit sa katawan nito. Subalit hindi pa sapat iyon kay Daisy. Kumilos siya at sumampa sa kandungan ni Rob. Bumaba ang mga kamay ng binata patungo sa kanyang pang-upo at hinigit siya padikit sa ibabang katawan nito. Sabay silang napaungol at lalo pang pinalalim ang halik.
Matagal bago inilayo ni Rob ang mga labi nito sa kanyang mga labi. "Hindi ito ang dahilan kung bakit sumama ako dito sa silid mo, Daisy. I don't want you to think that this is all I want from you," hinihingal na usal nito.
Tinitigan niya ang mukha ng binata. "You are saying that, pero iba ang nakikita ko sa mukha mo, Rob." She moved her hips against him and he groaned. Humigpit ang hawak ni Rob sa kanya at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. "Don't tempt me, Daisy."
Napapikit siya sa sensasyong dulot ng mainit na hininga ni Rob sa kanyang balat. "I want you, Rob." I love you. Even if I know you're going to leave me soon.
Noon tila nawala ang alinlangan ni Rob. Muli nitong sinakop ang mga labi ni Daisy. His kiss went deeper, with more passion and hunger that it took her breath away. At nang kumilos si Rob upang ihiga siya sa kama at kumubabaw sa kanya ay hindi siya nagprotesta. Hinigit pa nga niya ito palapit sa kanya. Siya pa mismo ang naghubad ng suot ni Rob dahil gusto niyang madama ang katawan nito na walang nakapagitan na kahit ano sa kanilang mga balat. Mukhang ganoon din ang gusto ni Rob dahil sa isang iglap lang ay natanggal nito ang bestidang suot ni Daisy.
This time, their lovemaking was more intense and mind-blowing. Marahil dahil sa pagkakataong iyon, aware na si Daisy na mahal niya si Rob. Mas naging unrestrained siya. Mas pinalaya ang kanyang nararamdaman.
Kulang na lang ay isigaw ni Daisy na mahal niya ang binata, ngunit hindi niya sinabi iyon. Alam kasi niya na wala siyang maririnig na katugon mula kay Rob. Sa halip, paulit-ulit niyang inusal ang pangalan nito.