Masayang nagtinginan ang Crazy Trios. Nagsasayaw na ngayon si Audrey kasama ang gwapong lalaki na nahanap nila para sa kaibigan. Successful ang mission nila. It's their ticket to Bora.
"WOOOHHOOO!! HELLO BORACAY!!" masayang sigaw ni Maggie.
"HELLO HOTTIES!!!" sigaw naman ni China.
"HELLO TAN SKIN!!" sigaw din ni Michie.
"CHEERS!" sabay sabay nilang sabi. Sabay sabay nilang inubos ang laman ng mga baso nila.
"Grabe ang gwapo ng nakuha natin para kay Audz!" komento ni China habang pinapanood ang kaibigan na masayang nagsasayaw.
"Nakita mo ba ang shape ng butt nya? SOOOO FIRM!!" biro ni Maggie.
"Hell yeah! Kung hindi lang sana sa dare na 'to hindi ko ipamimigay si Hottie! Severe ang pagnanasa ko na mahawakan ang butt nya! KYAAAAH!!" tawa ni China.
"Nasaan kaya si Sam?" hanap ni Michie sa kaibigan nila. Kanina pa sya palinga-linga sa magkabilang direksyon ng bar. Hindi nya makita sa sobrang dami ng tao.
"Oo nga, nasaan sya?" pansin ni China. Hinanap din nya sa paligid ang kaibigan.
"Ayun oh nasa—WAAAAH!!" biglang sigaw ni Maggie habang nakaturo sa isang direksyon.
"Bakit?!" tanong ni China sa kapatid.
"Si fafa Red!!" sagot ni Maggie.
"HAAA?!! NASAAANN?!!" sabay na tanong nina China at Michie.
"AYUN OH!! PALAPIT KAY SAMMY!!"
"OH NO!"
"HERE COME TROUBLE!"
Miracle Samantha Perez
"Hey! Ano ba?! Ayoko nga sabi eh! Bitiwan mo nga ako!" MANYAK!! WAAH!! TIMOTHY!!
"Sus! Pakipot!"
"TAKTE AYAW NGA SABI NYA EH!" may sumigaw na ikinagulat ko.
Nayanig yata ang eardrums ko. Bigla nalang nawala ang kapit sa'kin ng lalaking lasing.
"Kapag sinabi ng babae na ayaw nya, ibig sabihin 'AYAW NYA!'"
May nakita nalang akong likod ng lalaki sa harap ko. Teka, kilala ko ang likod na 'to ah! Pati ang pabango nya. Pati ang shiny nyang buhok na kasing lambot ng sa akin. Alam na alam ko ang shampoo at conditioner na ginamit nya para ma-achieve ang ganitong kaperpektong buhok! Si Red ito wala nang iba pa!
"EH SINO KA BANG P*****NA KA?!!" sigaw nung kausap ni Red.
Nakupo! Lagot 'yaaan. Hinawakan ko ang braso ni Red baka kasi sugurin nya eh. Tumigil bigla ang tugtog at tahimik ang paligid. Nakaramdam ang mga tao sa paligid. Nakapaligid sila at nanunuod sa mga nangyayari. Nag-aabang sila ng away.
"Dre, si Red Dela Cruz," sabi ng kaibigan ng lalaki.
"SINO'NG RED DELA CRUZ?!!" tanong ulit ng lalaking lasing.
Nagpapanic na ang mukha ng kaibigan ng lalaki na patuloy na nagwawala.
"Red Dela Cruz yung nasa grupong trese," nanginginig na paliwanag ng lalaki sa kaibigan nya. Hinawakan nya ang braso ng kaibigan at inilalayo.
Umikot ang bulungan sa paligid...
"Si Red? Yung Casanova? Wow!"
"Yung gangster?"
"Member daw ng grupong trese dude."
"OMG. He's hot!"
"Just look at his bod! Wow!"
"Look at his tattoos! Gaaahhhdd!! I'm so kiliiig!!"
Nagpa-tuloy na ulit ang music pero naka-ikot parin sa'min ang mga tao. May dumating na bouncer.
"May problema po ba tayo rito?" tanong ng malaking mama.
Nakakatakot ang katawan nya!! Ang dami nyang tattoo sa braso.
"W-Wala! Tayo na Dre!" hinila na ng lalaki ang lasing nyang kaibigan.
Mukhang nahimasmasan ang lalaking lasing dahil namumutla syang nagpahila sa kaibigan nya.
"Akala ko bibigwasan mo na eh," sabi ko. Nakahinga ako nang maluwag.
"Gusto mong magahasa? Kung hindi pa ako dumating malamang nyan na-poptart ka na ng gagong 'yon!" singhal sa'kin ni Red.
Pakiramdam ko lumiit ako bigla ng ilang inches dahil sa tingin nya. "Poptart?" sambit ko.
"POP!! POP THE CHERRY!!" naiinis na sabi nya sa akin.
Ang gulo nitong lalaking to. Ano'ng cherry?
"Ibig sabihin nakuha ang pagkababae mo! Tss!"
Bigla akong namula. POP? Gets ko na. Hinablot ni Red ang kamay ko at inilayo sa dance floor.
"UY! UY! Tekaaa saan mo ako dadalhin?!" nagpapanic na tanong ko sa kanya. Pinagtitinginan parin kaming dalawa.
"Ilalayo na kita bago ka pa maging POPTART!!" galit parin na sabi nya.
"WAAAH! Hindi ako pwede umalis! Crazy Trios!" lumingon ako pero hindi ko sila nakita. Saan ako dadalhin ni Red?! WAAAH! Sana nandito ka Timothy!