Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 39 - Chapter Thirty-Nine

Chapter 39 - Chapter Thirty-Nine

"Sakay sa kotse," utos sa'kin ni Red matapos nya akong kaladkarin palabas ng bar.

Pero pano ang apat na naiwan ko sa bar?!!! TT3TT Naging successful kaya sila?

"Pero Jareeeed!!" nag-pout ako.

"Ano'ng gusto mo? Buhatin kita at ilagay sa compartment ng kotse o magkukusa ka sumakay sa front seat?" panakot nya sa akin. Seryoso ang mukha nya.

Tinignan nya ako nang masama. Yung tingin na parang sobra syang naiinis at konti nalang ay sasabog na sya. WAAAAAAAAAHHH!! Ayoko nang ganito!!

Noon sa Paris nagalit din sya sa'kin dahil lumabas ako nang mag-isa. At nang nakauwi ako nakita ko syang nakaabang sa steps ng bahay. Nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay. Galit na galit sya sa'kin noon at hindi nya ako kinausap nang isang buong araw. Napakahirap nyang paamuhin, samantalang si Timothy limang minuto lang okay na ulit kami.

"SAKAY!!" halos pasigaw na sabi nya.

"WAAAHH!! OO NA!!" sagot ko. Nakakatakot sya.

Sumakay na ako sa loob ng kotse. Ano ba kasi ang ginagawa nya sa bar? Eeesh! Nabulilyaso tuloy ang plano ko! Sana nagtagumpay ang Crazy Trios. Sumakay na rin sya sa driver's seat at nag-drive na. Teka, saan kaya ako dadalhin nito?

Ang tahimik sa kotse. As expected, ganyan talaga sya eh. Parang babaeng meron kung magalit. Tumingin ako sa kotse nya. Hmm. WAAAAAH!! Yung CD ni Vannesa Carlton! Nandon ang A Thousand Miles na kanta! Aabutin ko na sana pero sinampal ni Red ang kamay ko.

"Hanggang ngayon ba naman Samantha 'yan parin ang kanta na pinapakinggan mo?" tila pagod na tanong nya.

"Eeeeh! Maganda eh!" Inabot ko ulit yung CD kaso sinampal na naman ni Red ang kamay ko.

"Please lang Samantha, pakinggan mo na sa lahat ng lugar yan hwag lang sa kotse ko," nakasimangot na sabi nya sa akin. Ano ba ang nagawa ng kantang 'to sa kanya? Parang ayaw na ayaw nya.

"Bakit ka may CD nyan ah?" tanong ko. "Aayaw ayaw ka pa dyan may CD ka naman."

Nag-red light kaya tumigil ang kotse. Tumingin sa'kin si Red.

"Sa'yo yan," diretso ang tingin sa mga mata ko na sabi nya.

"Ano?" naguguluhan na tanong ko.

"Yang CD, sa'yo 'yan. Natatandaan mo pa ba noong nasa Paris tayo at nawawala ang CD mo? Yan 'yon," amin nya. Tsaka sya tumingin nang diretso sa harapan ng kotse.

Nanlaki ang mata ko. Nalaglag ang panga ko. Ang nawawala kong CD?! All this time nasa kanya lang pala?!

"ANOOOO??!! IKAW ANG KUMUHA?!! BAKEET?!!"

Bumuntong hininga sya na para bang ang bigat bigat ng problema nya. "Isang buong taon Samantha, wala kang ibang music na pinapakinggan kundi ang kanta na A Thousand Miles! Sino ang matinong tao na hindi makaget-over sa isang kanta?!" galit na sabi nya with hand gesture.

"Eh maganda eh!! At ang tawag don, LSS!! Last Song Syndrome no! Hindi ka ba updated?"

"LSS?! ISANG TAON?! LSS?! Okay lang kung isang buwan pero isang taon Samantha?!"

Umandar na ulit yung sasakyan. Ang higpit ng hawak nya sa manibela.

"Bakit ka ba nagagalit ah?! Eh kanta lang naman 'yon ah!" depensa ko.

"Kanta lang? Alam mo ba ang pakiramdam na may isang tao kang kasama na na-stuck sa isang music lang? Isang taon din akong nag-tyagang makinig ng kantang 'yan ah. Ang hirap non para sa isang lalaki!"

"Eh sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na makinig ka?! Di mo naman kailangan makinig eh!"

"At iwan ka na tulala at bigla nalang iiyak habang pinapakinggan mo 'yan? Sa tingin mo iiwan kita sa ganong sitwasyon? For God's sake, give me some credit Samantha!"

Natahimik ako. Oo nga. Napapaiyak ako sa kantang 'yan. Kasi na-mimiss ko sya. Miss na miss ko na si Tmothy! Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Kumain na kaya sya? Sana iniisip nya rin ako ngayon! Ang sakit parin ng puso ko dahil umalis ka Timothy! Alam ko kasi na dinala mo 'yon! Pero alam ko na nasa akin din ang puso mo kaya naman kakayanin ko!

"Hindi na ako umiiyak kapag pinapakinggan ko yan!" tanggi ko.

"Pero naaalala mo sya," sagot nya na mahinahon na.

"At masama ba na maalala ko sya?" tanong ko.

Binuksan nya ang bibig nya para sumagot kaso natigilan sya. Narinig ko syang mahinang nag-curse.

"Kapag naaalala mo sya. Diba nalulungkot ka?"

"Syempre! Kasi wala sya dito kaya nalulungkot ako!"

"That's the point, bakit hindi ka...I don't know. Gumawa ka ng ibang bagay, maging busy ka."

Ibang bagay? Gagawa ako ng ibang bagay para hindi ako masyadong malungkot? Yon ba ang gusto nyang sabihin?

"Jared!" nakangiti kong tawag sa kanya.

"Tsk! Sinabi nang hwag gamitin ang pangalan na 'yon."

"Jared! Mahal mo talaga ako 'no?"

Gumewang sandali ang kotse. Napahawak ako sa braso nya.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa daan, malayo naman ang sinusundan namin na sasakyan.

"May pusa na tumawid," sagot nya. Sandali syang napa-ubo. "Uh. Ano ulit 'yong tanong mo?" Nakatingin lang sya ng diretso sa daan habang nagmamaneho.

"Sabi ko mahal mo talaga ako no?" nakangiti ulit na tanong ko na hindi naman talaga tanong. Hindi ko na sya hinintay na sumagot. "Ako rin mahal kita!! BEEESSSTTT FRIEEEENDD!!!" Todo ngiti ako na nakatingin sa kanya.

Gumewang ulit ang kotse. May binulong sya na hindi ko maintindihan.

"Ano yon?!" tanong ko.

"May daga na tumawid, hinahabol yata 'yong pusa."

"Huh?" tumingin ako sa likod ng kotse at sinilip ang daga. Hindi ko makita. Madilim eh.

"Wala, ang sabi ko iuuwi na kita, hinahanap ka na ni Angelo sa bahay."

Oo nga pala si Angelo naiwan na naman sa bahay nila Red. May nilagay syang CD at pinatugtog. Pinakinggan ko ang kanta. Pamilyar pero hindi ko alam ang lyrics.

"Ano'ng title?" tanong ko.

"Starlight," nakangiti nyang sabi.

"Huh?"

"By Muse, kung saan ako LSS ngayon."

"Shucks! Ginagantihan mo ba ako?"

Tumawa sya at hindi sumagot. Tahimik lang syang kumanta. Ang comfy nya tignan. Napangiti ako at nakinig nalang din sa kantang gustong gusto nya.