"Diba si Romeo 'yon?" nguso ni Maggie sa lalaki.
"Oo nga no? Ano kayang ginagawa nya kasama ang bruhang si Maddi?" tanong ni China na nakahalukipkip at naniningkit ang mga mata.
"Lapitan natin tapos itanong natin!" suhestyon ni Michie sa mga pinsan habang kagat ang straw ng hawak nyang four seasons drink.
"Masyadong obvious? Lalapitan agad?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Maggie.
"Oo nga walang plano? Dapat mag-plano muna," saad ni China.
"Eh ano naman? Wala naman talaga tayong plano diba? Tara na lapitan natin dali!" sabi ni Michie na humakbang na palapit.
"Michie! Hwag!" tawag ni Maggie pero di sya narinig ng pinsan nya.
"Baliw talaga 'yon," nanlalaki ang mga mata na sabi ni China.
"Loka! Tayo din naman!" paalala ni Maggie sa kapatid. "Kaya nga tayo Crazy Trios diba?"
"Oo nga 'no? O sige na nga lapitan na natin!" pagpayag ni China.
Sumunod silang dalawa kay Michie.
"You know what you're useless!! Pangit ka na nga ang palpak mo pa!!" inis na inis na sabi ni Maddison kay Romeo.
"Hindi ko kasalanan kung hindi mo sya nasagot" bored na sagot ni Romeo.
"Just shut up loser! AAAAAAGH! I HATE HER!!" Umalis na si Maddison nang nagdadabog.
"Mutual naman 'yon eh" bulong ni Romeo sa hangin habang nakatingin sa babaeng nagdadabog paalis ng bar.
"Hi! Ikaw si Romeo di'ba? Stalker ka ni Audrey di'ba? Bakit mo kasama si Maddison?" inosenteng tanong ni Michie nang malapitan nya si Romeo. "Stalker ka rin ba ni Maddi? Alam mo mas maganda si Audrey. Tsaka hwag ka kay Maddi kasi ang pangit ng ugali nun. Mas mabait nang kaunti si Audrey."
"Uhh ehhh... Di'ba ikaw yung kaibigan nya?" tanong ni Romeo. Wala syang masyadong naintindihan sa sinabi ni Michie dahil sa mabilis nitong pagsasalita kanina.
Dumating sina China at Maggie bago pa makasagot si Michie. Nagtataka silang tinignan ni Romeo. May napansin syang kakaiba pero hindi nya alam kung ano ang meron. Kasama kaya nila si Audrey?
"Chins," tumingin si Maggie kay China.
"Mags," tingin ni China kay Maggie.
"AAAHHH! Teka! Teka! Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyooo?!" tanong ni Romeo. Nakakapit sa dalawang braso nya sina Maggie at China.
"We will drag you to hell," naka-smirk na sagot ng magkapatid na China at Maggie.
Ginaya ng magkapatid ang ngiti ng mga psycho-killer sa mga japanese movies. Napalunok ng laway si Romeo at nanlalaki ang mga mata. Dinala ng magkapatid si Romeo sa maliit na silid ng bar. Silid para sa mga lalagyan ng ilang boxes at mga gamit panlinis. Pinaupo nila si Romeo sa isang patong patong na boxes at pinalibutan nila.
"Umamin ka na sa kasalanan mo! Ikaw ang may sala! Umamin ka na!" sigaw ni China sa lalaki.
"A-Ano ang aaminin ko?" nagpapanic na tanong ni Romeo na nakatingala sa tatlong babae.
"Kung ganoon, maari mo bang isalaysay kung ano ang ginagawa mo sa bar kasama si Maddison Santana?" tanong ni Maggie.
Naglabas ng notepad si Michie at isang pink na ballpen. Nagsimula syang isulat ang mga nangyayari.
"H-Hindi ko p-pwedeng sabihin!" sagot ni Romeo.
Sinamaan ng tingin ng magkapatid ang kawawang si Romeo. Napangiwi ang lalaki at pinagpawisan sa tingin ng magkapatid.
Itinapat ni China ang hintuturo nya sa mukha ni Romeo. "Sabihin mo na bago ka pa namin pagtulungan! Umamin ka na! Magsalita ka na bago ka pa namin saktan!"
"B-Bakit ano ba ang plano nyong gawin sa akin?" takang tanong ni Romeo.
"Ibibitin ka namin nang patiwarik..." ngiting nakakatakot ni Maggie. "At idodonate sa mga bading na naghahanap ng sariwang laman. Kaya umamin ka na."
"Umamin ka na," gaya ni China sa ngiti ng kapatid saka nila nilapit ang mga mukha nila kay Romeo.
"Oo na sasabihin ko na! Sinusundan ko lang si Audrey at nakita ako ni Maddison 'yun lang!!" sagot ni Romeo na kinakabahan. Mas natatakot sya sa mukha ng dalawa kaysa sa pagbitin sa kanya ng patiwarik.
Tinignan ng magkapatid si Romeo. Pinag-iisipan kung maniniwala o hindi sa sinabi nito. Tumingin sila sa pinsan na nakatingin din kay Romeo habang nakadikit ang dulo ng ballpen sa baba nito.
"Ano sa tingin mo Detective Michie?" tanong ni Maggie.
"Hindi ko pa masabi pero..." sagot ni Michie at inamoy si Romeo. "Amoy sinungaling sya!!"
Nakigaya si China at inamoy rin si Romeo. Tumango sya. "Amoy kriminal sya."
"Wala akong amoy! Naliligo ako!" tumayo si Romeo. "Palabasin nyo na ako! Kailangan ko pang sundan si Honey! Baka kung ano ang gawin sa kanya ng hilaw na 'yon!"
Itinulak paupo ni Maggie si Romeo. Napaupo naman agad ang lalaki at gulat na tumingin kay Maggie dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya. Naalala nya na nasa volleyball team nga pala ito.
"At bakit? Para mai-report mo lahat ng ginagawa ni Audrey kay Maddison? I don't think so buddy. You're not going anywhere." Humalukipkip si Maggie.
Pinagalaw ni China ang light bulb na nakasabit saka nya tinignan nang masama si Romeo. "Si Maddison at ikaw ba ay may planong masama sa kaibigan namin?"
Sinusulat ni Michie lahat ng pinag-uusapan sa notepad nya.
"Wala. Wala! Wala akong kahit na ano'ng plano na masama para kay Audrey! Mahal ko sya, bakit ko sya gagawan ng masama?! At ano ba kayo?! Police?!" Habang tumatagal ay naiinis na sya sa tatlo.
"Ohoho! Nagsisinungaling ka ba Mr. Stalker?" tanong ni China.
"Pinagpapawisan sya, nagsisinungaling sya Chins," puna ni Maggie.
Tumango tango si Michie bilang pagsang ayon sa sinabi ng pinsan. Patuloy sya sa pagsusulat.
"Hindi ako nagsisinungaling! Mainit lang talaga dito! Ano ba?! Palabasin nyo na nga ako rito?! Hahanapin ko pa si Honey!"
"Nagpapanic sya Chins, halatang guilty."
"Meron ba kayong relasyon ni Maddison Mr. Stalker?"
"WALA NGA!!"
"Kung ganon ano ang ginagawa mo sa bar na kasama sya?"
"NASAGOT KO NA 'YAN!!"
"Hindi sya sumasagot ng diretso Chins, nagsisinungaling sya."
"PALABASIN NYO NA AKO!! KAILANGAN KO'NG HANAPIN SI AUDREY KO!! BAKA KUNG ANO NA ANG GINAGAWA SA KANYA NG HILAW NA 'YON!!"
"Ang anumang sasabihin mo ay maaaring magamit sa'yo laban sa korte Mr Stalker."
"Umamin ka na sa kasalanan mo para gumaan ang sentensya sa'yo."
"May mga kasabwat ka ba? Ilan? Ano ang mga pangalan? Contact number? Facebook? O nag-iisa ka lang? May facebook ka ba? Mas gusto mo ang twitter o tumblr? Nagfofollowback ka ba?"
"PALABASIN NYO NA AKOOO!!!!" tumayo si Romeo at nagpumilit lumabas. Mabilis syang gumalaw na tila nasa larong basketball at nalagpasan ang tatlo. Nabuksan nya ang pinto.
"Mags!" tawag ni China sa kapatid na malapit sa pinto.
Sa isang iglap ay nahatak ni Maggie sa buhok si Romeo. "HAH! Huli ka! Hindi ka maaring—AAAAAAAHHH!!!"
Napatingin ang Crazy Trios sa hawak ni Maggie. Hinabol nila ng tingin ang kalalabas lang ng silid na si Romeo. Si Romeo na may dilaw na buhok.