Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 42 - Chapter Forty-Two

Chapter 42 - Chapter Forty-Two

"Angelo baby na-miss mo ba ako?" tanong ko kay Angelo at binuhat sya. Ang bigat bigat na nya talaga. Ang bango nya. Amoy bagong paligo at powder.

"Yes Mommy! I missed you!" Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Hija kukunin mo na ba si Angelo?" tanong ng Mama ni Red.

"Opo Tita iuuwi ko na po muna sya sa'min. Salamat nga po pala sa pag-aalaga nyo sa kapatid ko."

"Ayos lang hija nakakatuwa nga si Angelo eh, sobra syang cute!" sabi ni Tita na halatang aliw na aliw sa kapatid ko. Sino nga ba ang hindi magugustuhan si Angelo? Super cute na bata at hindi gaanong pasaway.

"Angelo mag-paalam ka na kina Tita," sabi ko sa kapatid ko.

Bumaba si Angelo at yumakap kay Tita. Nakakatuwa silang tignan, para lang silang totoong mag-ina.

"Pwede mo naman syang iwan dito anytime na walang magbabantay sa kanya," alok ni Tito.

"Naku, nahihiya naman po ako sa inyo Tito baka po naiistorbo na po namin kayo ni Angelo masyado."

"Hwag ka nang mahiya hija, balang araw ay maikakasal rin naman kayo nitong si Jared," paliwanag ni Tito sa akin.

Nagulat ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako. Inaasahan parin pala nila na maikakasal kami ni Red.

"Pa," awat ni Red.

"Ano ba ang masama doon? Hindi ba at natigil lang naman ang kasal nyo sana ngayong taon dahil sa panganganak ni Selene kay Angelo?" tanong ni Tito.

"Oo nga kaya napagkasunduan nalang na pagkatapos ng college ay magpapakasal kayo," saad ni Tita.

Pero ang akala ko hindi na tuloy ang kasal. Napatingin ako kay Red. Hindi ko alam na itutuloy parin. Hindi pwede. Kung mangyayari 'yon paano na kami ni Timothy?

"Angelo," kinuha ni Red si Angelo at binuhat. "Ihahatid ko na muna sila," paalam ni Red sa mga magulang nya.

"Bye Tito, bye Tita." Humalik ako sa pisngi nila.

"O sige, mag-iingat kayo. Bye Angelo," paalam ni Tita.

"Bye-bye!" masayang kaway ni Angelo.

Lumabas na kami ng bahay.

"Red," matiim kong tawag sa kanya.

"Sam mamaya na ang tanong. Ihahatid ko muna kayo sa bahay nyo," sabi ni Red at ipinasok si Angelo sa loob ng kotse. Inayos nya ang strap nito bago nya buksan ang passenger seat para sa'kin. Sumakay ako. Tinignan ko si Angelo sa likod. Nakaupo sya sa baby-seat.

Nakasakay narin si Red at ini-start ang kotse.

***

"Nalaman ko rin lang ang tungkol sa kasal nang maka-uwi ako galing sa beach house," paliwanag ni Red. "Hindi ko alam na itutuloy pa nila 'yon kahit na may tagapag-mana nang lalaki ang pamilya nyo."

Oo nga. Ginawa lang naman ang engagement para ma-secure ang yaman ng pamilya namin at nila. Wala kasing lalaki sa pamilya ko maliban sa pinsan kong si Kuya Lee. Walang magdadala ng apilyido namin na Perez dahil babae ako.

Kaya naman ang saya namin dahil dumating si Angelo sa pamilya namin. Isang lalaking magdadala ng apilyido. At dahil din kay Angelo natigil ang kasalan na dapat sana ay ngayong taon, hinintay lang nila na mag-eighteen ako.

"Pero itutuloy nila after ng graduation?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah, that's the plan," sagot ni Red at uminom ng beer mula sa bote.

Nasa balcony kami ng main house ng pamilya ko. Ang Perez Estate. Magugulo na naman pala ang buhay namin dahil sa kasal na 'yon. Akala ko talaga wala na 'yon. Akala ko malaya na ako, hindi pa pala. Paano na si Timothy? Ano'ng gagawin ko?

"Hwag ka munang mag-isip Samantha, malayo pa naman 'yon. Three years? Marami pang pwedeng mangyari."

"Nag-take ako ng two years na Business Administration sa Paris remember? Kaya naman two years nalang ang kulang ko kung makukuha lahat ng credentials. Red two years nalang 'yon at hindi ko pa alam kung kailan babalik si Timothy, for all I know baka matagalan sya doon," nag-aalalang sabi ko. Pakiramdam ko nasasakal ako. Bumalik na naman ang pakiramdam na nakukulong ako. Hindi ako makahinga.

"Eh di hwag kang gumraduate. Ibagsak mo lahat ng subjects mo," biro nya.

"RED!"

"Kidding." Itinaas nya ang dalawang kamay nya. "Masyado kang tense Mommy, nakaka-wrinkles 'yan."

"Eh bakit ba masyado kang relax dyan Red?!" humalukipkip ako at sinimangutan ko sya.

"Dahil ikaw lang naman ang may problema sa kasalan na 'yon. Samantha look at me, I'm a Sex God, sino ang gugustuhing palampasin ito?" itinuro nya ang katawan nya. "Kung minsan nakaka-offend ka na, Tsk!"

"Red! Mababatukan na kita!" sita ko sa kanya.

"Fine! Fine!" Tumayo sya. "Titignan ko kung ano ang magagawa ko."

Lumapit sya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan nya ako sa mata. Lumapit ang mukha nya. Nang one inch nalang ang pagitan namin...napapikit ako. Tumawa sya nang mahina at humalik sa noo ko.

"Hwag ka nang masyadong mag-isip ah, bye"

Pag-mulat ko, wala na sya sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ang init init ng mukha ko!

*Jared Dela Cruz*

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito palabas ng bahay ng mga Perez. Samatha. Samantha. Samantha. Ang hirap mo naman alisin sa isip ko. Para kang virus na ang bilis kumalat sa sistema ko. Kahit ano'ng reformat di maalis!

Ano ba ang dapat ko'ng gawin para mabura 'tong nararamdaman ko? Mali eh. Takte naman. Sobrang mali eh. Pero pinakawalan na kita ng isang beses. Magawa ko pa kayang pakawalan ka sa pangalawang beses?