Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 43 - Chapter Forty-Three

Chapter 43 - Chapter Forty-Three

*Audrey Dela Cruz*

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Naalala ko na naman ang matagal ko nang ibinaon sa limot. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko.

'Kapatid lang ang turing ko sa'yo Audrey.' Ang eksaktong linya na sinabi nya sa'kin last summer. Pagkatapos nyang umarte na parang may interes sya sa'kin? Pagkatapos nya akong halikan?

'Kapatid lang ang turing ko sa'yo Audrey.' Sasabihin nya 'yon? Pinaasa nya ako sa wala. Pinagmukha nya akong tanga at ngayon naman nagawa na naman nya akong pagmukhaing tanga. Ano ba talaga ang problema nya?! Nakakainis! Kung makaarte sya parang ako ang nang-iwan sa kanya sa ere ah! Parang ako ang nagpaasa ah! Parang ako ang nagpakita ng motibo at biglang sinabi yung linyang 'yon pagkatapos ng ilang linggo. At nakuha pa nya talagang mag-disguise at makipag-close sa'kin?

Iyong panget na 'yon! Napaka-pangit nya talaga! Kumukulo ang dugo ko!

At isa pa 'yang si Santana. May alam sya rito, kasabwat sya sigurado ako. SANTANA. Tumayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa mini office ni Papa, pumasok ako nang hindi kumakatok.

"PAPA!"

"Oh?" tumingin sya saglit bago muling itinuon ang atensyon nya sa kanyang laptop. Nakakukot noo na naman sya habang nagbabasa. Sa negosyo na naman I'm sure.

"Gusto kong bilhin mo ang major stocks ng ELFEN," walang paligoy ligoy na sabi ko.

"ELFEN?" saglit nyang inisip kung ano 'yon. Nag-type sya sa laptop nya. "Yung maliit na kompanya ng mga..." Hindi tumitingin si Papa sa'kin at patuloy lang na nagta-type "Ah. Toy company."

"Yun nga, gusto ko'ng bilhan mo ako ng share don at gusto ko'ng maging major stock holder nila," demand ko kay Papa.

Tinignan nya ako nang matiim at sumandal sa kanyang swivel chair. "Pwede ko bang malaman kung bakit gusto ng anak ko ang kompanyang 'yon?" interesadong tanong ni Papa.

"Wala lang po Papa." Ngumiti ako nang sobrang tamis. "Bibilhin mo 'yon di'ba Pa? For me?"

Bumuntong hininga si Papa. "Ilang percent ang gusto mo?"

Ngumiti ako nang malapad. "Fifty."

"Kung minsan iniisip ko bakit hindi kayo gumagamit ng 'Po' sa akin. Kayo talaga ng Kuya mo."

"Thanks Papa! You're the best!" Naglakad na ako palabas.

"Sandali lang, Audrey. Maupo ka, may pag-uusapan pa tayo."

Napatigil ako sa paglalakad at nagtataka ako na tumingin kay Papa. Sinenyasan nya ako na maupo sa couch na malapit sa lamesa nya. Umupo ako doon.

"Hindi mo naman siguro iniisip na walang kapalit ang hiling mo sa akin hindi ba?" ngumiti si Papa. Ipinatong nya ang dalawang siko nya sa lamesa nya at ipinatong ang baba sa mga kamay nya na magkasalikop.

"Right, Pa. Ano ang kapalit ng hiniling ko?" tanong ko sa kanya. "And please don't tell me na kailangan ko rin magpakasal sa taong napili nyo for me because that's not happening. I won't be like Kuya."

"No. No," tumatawang sabi nya. Sumandal na sya ullit sa kanyang upuan. "This is about my successor Audrey. You, unlike your brother, I can see my self in you."

"You want me to manage our company? Tama ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "But what about Red?"

"Magtatrabaho parin sya sa kompanya. He'll have his own position and fair share. But you, I want you to take over the company after I retire."

This must be a joke. Me and not kuya.

"Why me? Bakit hindi si Kuya? Hindi ba dapat sya ang mamahala ng kompanya?"

"Ah. We both know that your brother can be easily...distracted."

Nakagat ko ang labi ko. "You don't know him. Pa, siguro nga maraming ginagawang kalokohan si Kuya pero hindi sya katulad ng iniisip nyo. I believe in him. Mas mapapatakbo nya ang kompanya nang mas maayos kaysa sa akin."

"This is not about trusting him Audrey. Kapag naikasal na ang kapatid mo at si Samantha, sila na ang magmamanage ng kompanya ng mga Perez. Ikaw ang magpapatuloy ng legacy ng mga Dela Cruz."

"Pero paano ang merger? Akala ko ba magiging isa nalang din ang mga kompanya natin?"

Huminga nang malalim si Papa. "Two kings cannot rule one kingdom Audrey. Always remember that." Bumalik na ulit ang tingin nya sa laptop nya. "At tutal interesado ka na sa pagbili ng shares sa ibang kompanya, bakit hindi ka mag-umpisa doon. Alagaan mo kung ano ang meron ka Audrey saka mo palaguin."

***

Naguguluhan parin ako sa mga sinabi ni Papa kanina. Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Akala ko wala nang magiging problema. Inaasahan ko naman na magkakaroon ako nang mataas na posisyon sa kompanya namin pero hindi bilang presidente. Palagi kong iniisip na si Kuya ang bahala sa posisyon na 'yon.

Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko 'yon mula sa bag ko na nasa sahig sa gilid ng kama.

"Yes this is Audrey what can YOU do for me?" sagot ko.

[AUDZ!! SUMAMA KA SA'MIN SA BORACAAAY!!!] excited na sigaw ni Michie.

"Boracay?" Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Hmm. Boracay.

[Oo pupunta kaming Boracay! Libre ni Sammy! Dali! Sama ka ah! Sasama ka di'ba?! OKAAAAY!! BUH-BYE!] Ibinaba nya na ulit ang phone.

Wala na. Pero Boracay? Hmm. Mukhang masaya 'yon. Kung aalis ako at pupunta ng Bora makakapag-relax ako at mawawala sa paningin ko ang panget na Ro—Omi na 'yon.

"EDWARD!!" tawag ko sa butler namin mula sa intercom. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko sya na nakatayo na sa tapat ng kwarto ko.

"Yes Miss?"

"Ihanda mo ang kotse ko, aalis ako."

"Yes Miss."

Mukhang kailangan ko ng bagong bikini.

***

Summer ang theme ng lahat ng stores na madadaanan ko sa mall. Puro summer dress o kaya naman ay bikini ang mga suot ng mga mannequins. Pumasok ako sa isang shop. Maganda ang nakita ko'ng bikini na naka-display. Tumingin tingin ako sa mga display. May kinuha akong hot pink two-piece. DARING.

"Honey hwag 'yan!"

AY LECHE! Lumingon ako sa likod ko.

"Ito nalang Honey mas bagay sa'yo 'to," sabi nung lalaki.

"Talaga Honey? Pero mas gusto ko yung isa," sagot nung babae sa boyfriend nya.

COUPLE. TSK! Akala ko kung sino na. Lumabas nalang ako ng store pagkatapos kong bilhin yung kung ano mang nadampot ko dun.

"HONEY!!" may sumigaw na lalaki.

Napalingon ako.

"Bilisan mo maglakad Honey!"

"Sandali may nakita lang kasi ako dun sa tindahan eh," sagot ng babae sa sumigaw kanina na lalaki.

"Ikaw talaga ang hilig mo mamili" sabi ng lalaki at inakbayan ang girlfriend nya.

Naglakad sila nang tumatawa at nilagpasan ako. Naramdaman ko ang kusang pagsimangot ng mukha ko. Lumakad na nga ako. LECHE ang daming mag-couple. Makaalis na nga. Dumaan muna ako sa Starbucks at bumili ng kape nang mahimasmasan ako. Ang daming mag-couple. Sobrang dami nila. Bakit dito sila natambay?! Kailangan ba nilang ipagsigawan sa mundo na may syota sila at ako wala?! Ay LINTEK! Makaalis na nga lang!

"HONEY!!" may tumawag.

Leche na 'yan bakit ganyang ang tawagan?! Kainis naman na Honey 'yan! Pumunta na ako sa parking lot. Nakakainis lang. Badtrip. Ipabili ko kaya kay Papa ang mall na 'yon at ipagbawal ang mga mag-syota? Kaasar! Kapag ako naging President ng kompanya ipagbabawal ko ang mga mag-couple na empleyado!

"HONEY!!"

HUNYETA!! Pati ba naman sa parking lot may naririnig parin akong ganyan?!! Mag-kano ba ang mall na 'to?! Ipa-demolish ko 'to eh!! Pumasok ako sa kotse at itinapon sa backseat ang mga pinamili ko. Nilagay ko ang seatbelt at ini-start ang kotse. Kailangan ko nang umuwi bago pa ako mabaliw dito.

*BOOOOGSSH!!*

May narinig akong tunog nang ireverse ko ang sasakyan ko. Parang may natamaan sa likod ng kotse. M-May nabunggo ako?! SHEEEEEETT!!

Bumaba ako sa sasakyan at nakita na may lalaki nga akong nabunggo. WAAA~~!! Namimilipit sya sa sakit, nakahiga sya sa sahig. A-Ano'ng gagawin ko?! Nilapitan ko sya.

"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Ngayon lang ako may nabunggo, ayoko makulong.

"M-Mamamatay na yata ako," humarap sya sa'kin habang nakahiga parin sa semento.

Si...Si R—Omi.

"IKAW NA NAMAN?!!" sigaw ko.

Umubo sya bigla. "May nakikita akong liwanag..." sabi nya.

"NAKU MISS MALALA NA YATA ANG LAGAY NG NABUNGGO MO!!" sigaw ng security guard. "DALHIN MO NA SA HOSPITAL!! BAKA MADAMAY PA ANG MALL KAPAG NAMATAY 'YAN DITO!!"

Mamamatay?

"TAHIMIK!!" sigaw ko sa guard. "LECHE INALALA MO PA ANG MALL NA YAN!! BILHIN KO 'YAN EH!!"

"H-Honey," umubo na naman sya. Pumikit sya.

"HOY ROMEO ESTE OMI HWAG KANG MAMAMATAY DITO!! LECHE!!"

"May nakikita akong anghel" nakatingin sya sa langit at tumingin sa akin. "Ang ganda nya."

"Hoy Omi sabihin mo sa'kin. Nabunggo ba talaga kita?"

"Oo naman, masakit ang *cough.cough* katawan ko," sagot nya saka sya bumaluktot ng higa sa semento na parang hipon.

"Mamatay ka man?" nakahalukipkip na tanong ko.

"Oo," mabilis nyang sagot.

"Mamatay man...ako?" tinaasan ko sya ng kilay.

Umihip ang hangin. Limang segundo nya akong tinitigan bago sya mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga nya sa semento. Pinagpagan nya ang sarili nya.

"Ito naman si Honey ko hindi na mabiro oh hahahahaha!"

"Kahit kailan isa ka talagang..." Naikuyom ko ang kamao ko. "MANLOLOKOOO!!!!!"

Sinuntok ko sya. Isang malakas na uppercut. Sumakay na ulit ako ng kotse ko at iniwan syang naka-upo sa sahig don. WALANGHYANG PANGIT 'YON AH! Natigilan ako. Sumilip ako sa salamin. Pero hindi na sya pangit ngayon. Nawala na ang disguise nya. Ang gwapo na naman nya. Nakita ko na naman ang gwapo nyang mukha. Nakakainis!

***

Tumingin ako sa paligid. White Sand. Sexy bodies. Deep Sea.

"Hello Boracay!!" sigaw ni Maggie na nakataas pa ang dalawang kamay.

"Hellooo Hotties!!" ginaya sya ng kapatid nyang si China.

"Tan skin!! Tan skin!! Weeeee!! TAN SKIN!!" Tumatalon talon naman si Michie.

Tumakbo sila papunta sa kabilang side ng balcony ng hotel suite namin. Nagtatalon silang tatlo doon at may pinag-aagawan na binoculars.

"Mas matanda ako, kaya ako una!" pangungumbinsi ni China sa dalawa.

"Not fair! Ako una nakakita nyan!" ganti naman ni Maggie.

"Ako naman ang unang nakahawak! Kaya ako muna!" pakikipag-agawan din ni Michie.

"Michie! May Mario Maurer ka na diba?! Hindi mo na kailangan nito para maghanap ng hottie!" sabi ni Maggie sa pinsan nya na patuloy sa paghigit sa binocular.

"Hindi si Mario 'yon, niloko nya lang ako! Poser lang pala sya! WAAAA~! Naalala ko na naman!" hinawakan ni Michie ang ulo nya.

"At nagpaloko ka naman?! Akina yan!" agaw ni China.

Mga baliw. Nagpatuloy sila sa pag-aagawan nila. Parang ngayon lang nakakita ng dagat 'tong mga to.

"Ate Pretty!" Nasa harap ko na pala si Angelo. Lumapit sya at kinuha ang kamay ko. Nakatitig sya sa akin at nakangiti.

"Eh? Angelo!" tawag ni Sam. Bitbit nya ang bag ng kapatid nya at inaayos ang gamit sa cabinet.

"Hayaan mo na kay Audrey si Angelo, crush yata nya kapatid ko eh," biro ni Kuya.

"KUYA!!" saway ko sa kanya.

Ano ba kasi ang ginagawa ni Red dito? Kainis naman! Hindi ako makakapang-boys nang maayos eh. Tsk! Hapon na kami nakarating sa Bora. Malapit na nga mag-six ng gabi.

"Sayang hindi tayo makakapag-swimming mamaya, malamig," saad ni Sam. "Summer na pero ang lamig parin ng hangin."

"Ayos lang may party naman mamaya, may fire dancing at malaking bonfire," kwento naman ni Red.

"Fire dancing? Bonfire?" lumapit si Michie sa amin.

"Mukhang masaya yan!!" Sali ni Maggie.

"Maraming boys dun! Hahaha!" excited na sabi ni China. "Sikat ang mga lalaking fire dancers dito!! Kyaaaaa~!!"

"Oo naman! Napanood ko 'yon sa TV! Grabe fafable!!" kwento ni Maggie.

Sinilip ko kung ano ang nangyari sa pinag-aagawan nilang binocular kanina. Naiwan syang nasa lamesa sa balcony. Mukhang rejected at pinagsawaan na.

"Nagugutom na yata si Angelo, kumain na muna tayo tsaka tayo mag-libot sa labas" Red

Kinuha ni Kuya si Angelo at kinarga. Spoiled naman ng batang 'to. Tumakbo papalabas ang tatlong baliw kasunod ni Kuya. May yumakap naman sa isang braso ko.

"Sabay tayo," malapad ang ngiting sabi sa akin ni Sam.

Ako at si Samantha. Nakayakap si Sam sa braso ko habang naglalakad kami. Mukha kaming malapit na magkaibigan. Something's wrong with this picture.

"Tayo na best frieeeeend!!" sabi pa nya.

What?! Nagulat ako. A-Ano'ng tinawag nya sa'kin? B-Best...friend? B-B-Best...friend? HAAAAA?!

***

"Wow! Puro seafoods!!" namamanghang sabi ni Michie habang nakatingin sa buffet table.

"Shrimps!" bulong ni Maggie.

"Crabs!!" bulong ni China.

"LOBSTERS!!" sigaw nilang tatlo.

Excited nilang pinuno ng kung anu-ano ang plate nila. Mabilis silang umupo sa table namin sa may glass window.

"KAINAN NA!!" Hanggang sa kinatatayuan ko rinig ko ang sigaw nilang tatlo. Nakakahiya sila.

Tapos na ako sa pagkuha ng pagkain ko sa buffet table. Umupo na ako sa pwesto ko sa isang table for six kasama ang Crazy Trios. Katabi ko si Samantha at nasa gitna nila ni kuya si Angelo.

"Angelo hwag masyadong kakain ng crabs ha? Bad 'yan for you if you eat too much, okay baby?" pagbabawal ni Samantha sa kapatid nya.

"Kumain ka rin ng carrots oh," naglagay ng gulay si kuya sa plate ni Angelo.

"But I don't wanna~!" Angelo pouted.

Bakit mukha silang pamilya?! Tinignan ko si Red, mukhang ang saya-saya nya. Tch! In-love na nga talaga sya kay Sam. Kawawa naman ang kapatid ko.

Kumain na nga lang din ako. Nakinig na lang ako sa usapan nila. Yung tatlong baliw ang ingay lang kumain. Sina kuya naman kung ano-ano ang ipinapakain kay Angelo. Ergh. Ayoko rin ng carrots eh. Poor baby Angelo.

~~

Saying I love you is not the words I need to hear from you

~~

May kumakanta sa stage ng restaurant.

~~

It's not that I want you not to say but if you only knew

How easy it would be to show me how you feel

~~

Nang napatingin ako nailaglag ko ang kubyertos na hawak ko. Nalaglag ang panga ko at namilog ang mga mata ko! SHEEEEET!! Ano'ng masamang hangin ang dinala dito ng global warming?!

~~

More than words is all I needed you to show

Then you wouldnt have to say that you love me

Coz I already know.

~~

Nakita nya akong nakatingin sa kanya, kinindatan nya ako. Napaubo ako. Agad akong uminom ng tubig. Tch! What the freakin' hell is the meaning of this?! Ano'ng ginagawa nya rito? Napahawak ako sa noo ko. Magkaka-migraine yata ako.

"Si Omi! Ano'ng ginagawa nyan dito? Hahaha! Ang loko nasa stage!" tawa ni kuya sa di ko malaman na dahilan.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko.

Hindi napansin ni Kuya ang matalim kong tingin sa kanya.

"Eh pano, may stage fright ang loko. Baka mag-suka 'yan mamaya dyan! HAHAHA!!" tawa ulit ni kuya.

Stage fright? Eh ano'g ginagawa nyan dyan?

"Pero ang galing nyang kumanta ha. Napanuod ko sya noong Christmas concert nyo," komento ni Samantha na nakatingin din kay Omi.

"Ah 'yon ba? Nakainom sya non. Hahaha! Natatakot syang umakyat sa stage kaya naman pinainom namin sya ng alak. Nagsuka nga yan sa back stage eh. HAHAHA!!" umiiyak sa tawa na kwento ni Kuya.

Hindi ko na napigilan ang inis ko. Nabatukan ko si kuya.

"Arekup-! Ang sakit non ha! Problema mo?" tanong ni kuya sa akin habang hawak ang ulo.

"WALA!" tumayo ako.

"Oy san ka pupunta?" tanong ni kuya

"Tapos na akong kumain. Maglilibot na muna ako." Umalis na ako. Kaasar! Ano ba ang ginagawa ng pangit na 'yon at pati dito sinusundan nya ako?! Hindi ba sya nag-iisip? Alam naman nyang nandito si Kuya, gusto yata nyang mabugbog!