Chereads / The Demon's Heart / Chapter 3 - "The Mortal Maiden"

Chapter 3 - "The Mortal Maiden"

Chapter 3. "The Mortal Maiden"

This is the first time Ethriel see the mortal world. Gabi ng mapadpad siya sa mundo ng mga mortal. Napakunot siya ng noo dahil ibang-iba ang mundonh ito sa langit at impiyerno. Mga matataas na gusali, maiingay na tunog ng sasakyan at mga nagkikislapang ilaw ang bumati sa kanya. Inilabas ni Ethriel ang malaki at itim na pakpak at lumipad ng mataas. Sa taas ay inilibot niya ang kanyang mata para hanapin si Gabriel.

Lumipad para libutin ni Ethriel ang himpapawid ng mundo ng mga mortal. Hanggang sa makita niya si Gabriel sa isang playground na nakatayo. Mabilis siyang bumaba at nakita ni Gabriel. Matalim na nagtinginan ang dalawa saka ayos at porma ng espada.

Naunang sumugod si Ethriel at sunod-sunod na pinaghahataw ng espada si Gabriel habang panay lamang ang sangga ng anghel. Puno nang lakas na hinahataw ni Ethriel ang espada sa pananabik na makuha ang orb kay Gabriel.

"Da angelus!" (Ibigay mo na anghel!) malakas niyang sigaw saka malakas na hataw ng kanyang espada na naglabas ng malakas na apoy dahilan para tumilapon si Gabriel nang sanggain nito ang atake ni Ethriel.

Napuruhan ang anghel sa ginawang iyon ni Ethriel at labis na itong nanghihina. Habang bakahandusay si Gabriel, isang mortal na babae ang lumapit sa kanya.

"Kuya, ayos lang po ba kayo?" tanong ng babae sa anghel. Bakas sa mukha ng babae ang pag-aalala at pagtataka sa nakitang nakahandusay na anghel. "Galing ka bang costume party?" dugtong na tanong pa ng babae nang makita ang hitsura ng anghel dahil sa suot nitong puting armor. "Nalasing ka no?" sabi pa nito saka hawak sa braso ng anghel para tulungang tumayo.

Nang makatayo si Gabriel ay hinarap niya ang babae at taimtim itong tiningnan. Bakas naman ang pagkalito ng babae sa titig na ginagawa ni Gabriel.

"Naku kuya ah, alam kong maganda ako pero no, hindi kita type." pataray na sabi ng babae. "Tara na ikukuha na kita ng taxi, saan ka ba nakatira?"

"Ego faciam. Ut iterum sumam eam ecce enim aliquando et nos." (Kailangan kong gawin ito. Balang araw hahanapin muli kita para kunin sayo ito.) ani Gabriel na pinagtaka ng babae. Napakunot ng noo ang babae sa sinabi ni Gabriel dahil hindi niya ito naintindihan.

"Langya, foreigner ka pala. Sabagay medyo blonde ang buhok mo at maputi ka." sabi ng babae na hindi naman naintindihan ni Gabriel. "I will take a taxi for you, okay? So you can get home now." marahan na sabi ng babae na may kasama pang pag-aksyon at parang naglalaro ng charade.

Hindi kumibo si Gabriel at tulala lang sa babae habang dinadaing ang pinansalang natamo. Napabuntong hininga ang babae.

"Hindi yata ako naiintindihan." sabi ng babae. Magsasalita na sana ang babae nang ilabas ni Gabriel ang "heaven's heart". Nabalot ng malakas na liwanag ang buong paligid at malakas na enerhiya. Kasabay ng paglabas ng orb ni Gabriel ay ibinuka nito ang kanyang mga puting pakpak at lumutang sa hangin.

Nanlaki ang mga mata ng babae sa nakita at hindi makapaniwala sa nangyayari. Kaunti siyang napauronh dahilan para mawalan ng balanse at mapaupo sa lupa dala ng pangangatog ng tuhod.

"Anong nangyayare?" naguguluhang tanong ng babae habang nakatitig sa anghel na nasa kanyang harapan. "Isa ka bang anghel?"

Kasabay ng tanong ng babae ay lumapit sa kanya si Gabriel at niyakap sa siya. Sa pagyakap na iyon ni Gabriel ay inilagay niya ang orb at binigkas ang isang spell.

"Dico vobis hunc terrarum orbem servanda est. Poprotektaha impius orbe potestas. Vos can utor orbis imperium inde ex altera ripa clade. Non praesto est, ut quis in orbis cunctis diebus vitæ tuæ."

Napasigaw ang babae nang maramdaman niya ang paglagay ng orb sa kanyang puso. Ramdam niya ang init at lakas ng enerhiyang pumapasok sa kanyang katawan. Naisin man niyang tumakbo at umalis ay hindi niya magawa.

Sa kabilang banda, ay nakita ni Ethriel ang malakas na liwanag. Dali-dali siyang lumipad patungo rito. Nanlaki ang mga mata ni Ethriel nang makita ang orb na hawak ni Gabriel at inilalagay sa babae.

"Gabriel!" malakas na sigaw ni Ethriel saka sugod kay Gabriel ngunit mabilis na nailagay ni Gabriel ang orb sa puso ng babae at saka sila naglaho.