Chereads / The Demon's Heart / Chapter 4 - "Punished to be a Mortal"

Chapter 4 - "Punished to be a Mortal"

Chapter 4. "Punished to be a Mortal"

Dinala sina Gabriel at ang mortal na babae sa isang rooftop ng isang mataas na gusali. Bakas pa rin sa mukha ng babae ang pagkalito sa mga nasaksihan. Natapos nang maitago sa kanya ang orb ng "heaven's heart". Nawala na rin ang malakas na liwanag at ang malakas na enerhiya. Nakaupo sa sahig ng rooftop ang babae, tulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Tiningnan lamang siya ni Gabriel at saka tumayo ang anghel sa harap niya. Tumingala ang babae at tiningnan ang anghel na nakatayo sa harap niya habang bakas ang pagkamangha ngunit naguguluhang mukha nito.

"Anong ginawa mo sa akin?" mahinang tanong niya sa anghel ngunit seryoso lang na nakatingin ang mga asul na mata ni Gabriel sa kanya. Tahimik na magkatitigan ang anghel at ang babae nang muling ilabas ni Gabriel ang kanyang pakpak at buksan ang portal pabalik sa langit. Nagliwanag ang buong paligid at lumakas ang hangin.

Naglakad na papasok ng portal si Gabriel at naglaho na lang bigla. Naiwang nag-iisa at puno ng labis na kaguluhan sa isip ang babae dahil sa mga nangyari.

Sa kabilang banda, hinanap ni Ethriel si Gabriel sa mundo ng mga mortal ngunit hindi na niya ito nakita pa at nagdesisyong bumalik na sa impiyerno.

Pagbalik ni Ethriel sa impiyerno ay tapos na ang digmaan. Hindi sila nagwagi sa naganap na digmaan at sumuko sa lakas ng mga anghel. Ganito na kalakas ang sandatahan ng mga anghel kahit wala pa ang "heaven's heart", paano na lamang kung ginamit pa nila ito?

Sa pagbalik ni Ethriel, sinalubong agad siya ng kanang kamay na si Alciel na takot na takot.

"Domine, non est tibi bonum et retro." (Panginoon, mabuti at nakabalik ka na) bungad ni Alciel nang makita ang demon chief. Seryoso ang mukha ni Ethriel dahil alam na niya kung bakit siya hinahanap ng kanang kamay at kung bakit nagkukumahog ito sa takot.

Hindi na siya nagsalita pa at naglakad na lamang patungo sa base ng commander demon chief na si Satan. Ethriel has no right to hide. He knew that Satan knew what happened. He failed his mission to get the orb of the sacred "heaven's heart" and he is willing to accept his punishment.

Pagpasok ni Ethriel sa base ni Satan ay agad na bumungad sa kanya ang itim na apoy ni Satan na sinubukan naman niyang sanggain. Nabalot ng nagbabagsakang bato at pader ang buong base. Hingal na hingal si Ethriel sa ginawang pangsangga sa apoy ng commander demon chief.

"Dominus, Ethriel!" (Panginoon ko) ani Alciel at lumapit kay Ethriel. Galit na galit si Alciel nang makita ang panginoon. Tumayo si Alciel at humarang sa panginoon nito. "Dominus, Satan, in tenebris!" (Tama na po panginoong Satan!) sigaw niya ngunit isang malakas na itim na apoy muli ang hinagis ni Satan sa kanila.

Alciel make a shield to protect his Lord but Alciel loose the shield and drained his power. Napaluhod si Alciel at nanghina. Satan took his step and come closer to them. When Satan was in front of Alciel, Satan took his sword and was about to behead Alciel.

Nang malapit na kay Alciel ang espada ni Satan, agad itong sinangga ni Ethriel gamit ang kanyang espada. Malakas na nag-apoy ang mga mata ni Ethriel nang makitang tatapusin ang kanyang kanang kamay.

"Satanas prohibere!" (Tumigil ka Satan!) malakas niyang sigaw saka sugod sa commander demon chief. Satan used his power to defeat Ethriel that end Ethriel's fall.

Nakagapos na sina Ethriel at Alciel nang magising. Nasa harap nila ngayon ang lahat ng demon chief at si Satan. Nanghihina pa si Ethriel dahil sa laban na naganap sa kanila ni Satan. Si Alciel naman ay makikita ang nanlulumong mukha.

"Melius est ut vendatur facultas satanas." (Bigyan pa natin siya ng pagkakataon, Panginoong Satan.) ani Circe.

"Circa nondum satis clare potest Ethriel ukaubos missionem omnium!" (Circe, malinaw na hindi nagawa ni Ethriel ang kanyang misyon at muntik na nating ikaubos itong lahat!) sabat naman ni Belpheghor.

"Silentium!" (Tahimik!) sigaw ni Lucifer sa dalawa. Pumaling ang lahat kay Satan at naghintay sa magiginh desisyon nito tungkol kay Ethriel.

"Etiam angeli in orbe? Tu exaudi!" (Nasa mga anghel pa ba ang orb? Sumagot ka!) sigaw ni Satan kay Ethriel.

Inalala ni Ethriel ang laban na nangyari sa kanila ni Gabriel. Doon ay naalala niya na nilagay ni Gabriel ang orb sa isang mortal. Ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng taong ito.

"Angelus occulte absconderunt in cor virginem

mortalis ornatur potenti dextera." (Itinago ito ng anghel sa puso ng isang dalagang mortal ay nilagyan ng isang makapangyarihang spell.) Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ethriel.

"Ita ut facilius invenimus orbis." (Kung gayon mas madadalian na tayong kunin ang orb.) sabi ni Giefon.

"Geminae corrigere meis, quæ revera quaerere etiam angelis." (Tama ang aking kambal, at paniguradong hahanapin din ito ng mga anghel.) dagdag pa ng kambal nito.

Natahimik si Satan at ang lahat ng demon chief sa tinuran ng kambal.

"Et dimittere." (Pakawalan sila.) utos ni Satan sa mga kawal. Nakaluhod sina Ethriel at Alciel sa harap ng mga demon chief.

Tinaas ni Satan ang kanyang kamay at binuksan ang portal patungo sa mundo ng mga mortal. Nabuo ang pagtataka sa mukha ni Ethriel habang takot naman kay Alciel. Nagsalubong ang mga kilay ni Ethriel sa inis dahil sa mga nangyayari. Tiningnan niya si Lucifer at malaki ang ngiti ng demonyo sa kanyang labi.

"Cuius ego scelera visitabo vos et invenire mortalium orbem terrarum in orbe sinus! Mandata tantum habent cum pinapahanap me!" (Pinaparusahan ko kayo na magtungo sa mundo ng mga mortal at hanapin ang orb! Makakabalik lamang kayo kapag nasa inyo na ang pinapahanap ko!) bigkas ni Satan sa spell para ipatapon ang dalawa sa mundo ng mga mortal.

Binalot ng itim na liwanag ng lagusan ang dalawa at sa isang iglap lang ay naglaho sila mundo ng mga demonyo.