Chereads / The Demon's Heart / Chapter 2 - "Fight for the Orb"

Chapter 2 - "Fight for the Orb"

Chapter 2. "Fight for the Orb"

Walang nakaalam kung kailan magyayari ang huling pagtutuos ng mga anghel at demonyo. But the only thing the demons know is how the heaven is prepared for that battle. At ang pagkuha sa orb ang nakikitang solusyon nila upang magwagi sa paparating na digmaan.

"Quid invenimus dux Draven, Domine?" (Bakit kailangan natin hanapin si Chief Draven, Panginoon?) tanong ni Alciel habang mabilis na naglalakad kasabay si Ethriel. Patungo silang dalawa sa base ni Draven.

"Alciel tu cogitas? Non possumus ad caelum vultus amo." (Nag-iisip ka ba Alciel? Hindi tayo pwedeng pumunta sa langit ng ganito ang hitsura.) iritang sagot ni Ethriel. Bakas ang pagkabalisa niya dahil sa misyon na kailangan niyang gawin. Maaaring ito na ang katapusan niya kay Satan kapag hindi niya nagawa ang kanyang misyong kunin ang orb sa mga anghel.

"Et nos sumus angeli cum spectant illa Oblitus sum, Domine." (Nakalimutan ko na ang hitsura natin noong mga anghel pa tayo, Panginoon.) ani Alciel. Napahinto si Ethriel dahil sa sinabi ni Alciel. Pinagmasdan niya ang kanang kamay mala sungay hanggang paa. Alciel appearance is definitely look like an angel. From his sharp-dark pointed horn, long-grayish hair, a demon mark from his forehead, his eyes filled with a black line around it and his red and black suit.

Ethriel look in Alciel's eyes where he can see his reflection. Kumpara kay Alciel, mas matikas ang pangangatawan ni Ethriel. You can also recognize him with his long-black curved horns, a black hair, and an his flaming eyes. Umaapoy ang kanyang mga mata kapag iritable o di naman labis na galit ang kanyang nadarama. Aside from that, he is a master of fire magic.

Nang makarating silang dalawa ay agad nilang kinausap si Draven na tulungan silang magpalit ng anyo bilang mga anghel. Draven helped them and do what they asked. Pagkasabi ng spell ni Draven ay agad na nagbago ang hitsura ng dalawa. Nagkagulo ang mga demonyo na nasa base ni Draven nang makita ang pagpapalit ng anyo nila Ethriel at Alciel. Malakas na liwanag ang bumalot sa buong kwarto at malalaking puting pakpak ang biglang bumuka mula sa liwanag. Their angel appearance is back. Pero ang puso at isip nila ay gawa na ng sa demonyo.

"Et similis tui in iustus quinque horis. Deinde iterum redire et in diaboli." (Magiging ganyan kayo sa loob lamang ng limang oras. Pagtapos noon ay babalik na kayong muli sa pagiging demonyo.) paliwanag ni Draven sa dalawa. Nagkatinginan si Ethriel at Alciel at sabay na tumango.

Dali-daling lumipad palabas ng impeyerno ang dalawa at nagtungo agad sa Gate of Heaven. Ang Gate of Heaven ay isang malaking pinto na kulay ginto. Papasok na sana ang dalawa nang harangin sila ng isang Archangel, si Michael. He is the angel of protection, guidance and strength.

"Novi facitis. Et Ethriel Alciel." (Alam kong gagawin niyo ito. Ethriel at Alciel." nakangising sabi ni Michael sabay hugot ng kanyang gintong espada.

Nagtinginan sina Ethriel at Alciel at binalik ang anyo nila sa kanilang pagiging demony.

"Et quod nihil percepisset sedem Michaele Archangelo." (Matagal din tayong hindi nagkita, Archangel Michael.) bati ni Ethriel saka ngumisi. Hahakbang na sana siya para sugurin ang anghel nang biglang dumating ang marami pang anghel.

"Domine, non ita faciemus." (Panginoon, hindi natin sila kaya.) ani Alciel sabay labas ng kanyang espada.

Tiningnan ng masama ni Ethriel si Michael na ngayon ay seryoso at nakahandang sumugod sa kanya.

"Ignavum nominare te, Michael!" (Duwag ka, Michael!" sigaw ni Ethriel sabay labas ng kanyang malaki at itim na pakpak saka naglaho.

Bumalik ng base sila Ethriel at Alciel ng walang napala. Ngunit pagbalik nila sa impeyerno ay nagsisimula na pala ang digmaan-ang armageddon.

Libo-libong anghel at demonyo ang nalalaban sa kalangitan. Mga nagliliparang bola ng apoy at liwanag ang bumabalot sa buong lugar. Mga tunog ng nagkikiskisang espada ang umaalingawngaw sa buong paligid. Ito na nga ang simula ng digmaan.

Mabilis na kumilos sina Ethriel at Alciel at nakipaglaban din sa mga anghel. Maging si Lucifer at ang iba pang mga demon chiefs ay nasa digmaan. Samu't saring hiyawan at labanan ang nangyayari sa buong kalangitan.

"Ethriel, Gabriel, qui in orbe sinus! Et ut inveniam!" (Ethriel, na kay Gabriel ang orb, hanapin mo at kunin!) ani Circe habang nakikipag-espadahan sa isang anghel.

Dali-daling hinanap ni Ethriel si Gabriel sa mga anghel. May mga sumusubok na pigilan siya ngunit binabato lamang niya ito ng apoy. Naikuyom ni Ethriel ang kamao at nagsimula nang umapoy ang kanyang mga mata.

"Gabriel venit e!" (Lumabas ka Gabriel!) sigaw ni Ethriel saka nagpakawala ng isang malakas na pagsabog. Pagtapos ng malakas na pagsabog ay lumabas ang isang anghel na may pana. Si Archangel Gabriel.

Mabilis na sinugod ni Ethriel si Gabriel at nagpalitan sila ng atake gamit ang kani-kanilang mga sandata.

"Da mihi orbis" (Ibigay mo sa akin ang orb) ani Ethriel habang patuloy sa pagsugod.

"Vos non habetis in orbe sinus!" (Hindi mo makukuha ang orb!) sigaw ni Gabriel kasabay ang pagbukas ng isang lagusan at dali-dali siyang pumasok roon. Nang magsasara na ang lagusan ay tumalon si Ethriel papasok rito at saktong nakapasok siya bago pa ito magsara.