Chereads / The Demon's Heart / Chapter 1 - "Heaven's Heart

The Demon's Heart

🇵🇭BadReminisce
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 98.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - "Heaven's Heart

Chapter 1. "Heaven's Heart"

"Nescimus quid possum facere orbis!"

(Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng orb na iyon!)

Malakas na sigaw ni Satan kaharap ang 12 demon's chief. Kasalukuyang nag-uusap ang 12 demon chief kasama si Satan para paghandaan ang paparating na armageddon-ang huling pagtutuos ng langit at impiyerno at ang araw na nais sakupin ni Satan ang langit. Ngunit napag-alaman ni Satan na mas handa ang langit sa mangyayaring digmaan at dahil ito sa isang orb na "Heaven's Heart". This orb was made by the Gods to protect the heaven and the angels for the battle of armageddon. But nobody knows what is the power of this orb.

"Non modo colligunt usque eget orbe, et conteret"

(Kailangan lang natin kunin ang orb at sirain) Suhestisyon ni Draven, isa sa 12 demon chief na nasa ika-8 ranggo.

The 12 demon chied are the head of demon troops in different places of hell. Bawat isang demon chief ay may special na kakayahan sa pakikipaglaban at paggamit ng mahika. Mayroong ranggo ang bawat demon chief. Nasa ika-12 pwesto si Draven. Isang demonyo na bihasa sa pagkopya ng anyo ng tao at mga bagay. Bihasa rin siya sa paggamiy ng pana.

"Sed quo possumus invenire orbis Non possumus in caelum."

(Pero saan naman natin hahanapin ang orb? Hindi tayo makakapasok sa langit.)

tanong ni Gefion.

"Corrigere me geminos vehemens fortasse tutetur ab angelis." (Tama ang aking kambal at marahil protektado ito ng mga anghel.) pagsang-ayon naman ni Gehanna.

Sina Gefion at Gehanna ay ang kambal na demon chief. Minana nila ang kanilang katungkulan sa kanilang yumaong ama. They are both trained to be a fighter and magician demons. Bihasa sa pisikal na pakikipaglaban ang kambal ngunit mas nakakatakot silang kalaban kapag gumamit na sila ng mahika. Kaya nilang magsanib na dalawa na mas nagpapalakas ng kanilang kapangyarihan.

Natahimik ang lahat sa sinabi ng kambal. Mahihirapan nga sila lalo pa at wala silang alam na kahit anong impormasyon tungkol sa "heaven's heart". Naging seryoso ang lahat at tila nag-iisip sa kung ano ang maaaring gawing plano.

"Cur enim petere a Ethriel est dormienti." (Bakit hindi natin tanungin ang natutulog na si Ethriel.) natatawang wika ni Circe sabay turo kay Ethriel.

Bakas ang inis at pakaseryoso sa mukha ni Satan nang makita ang tulog na si Ethriel. Satan cleared his throat loudly to wake Ethriel up. Nagising si Ethriel at nilibot ng tingin ang mga kasama.

"Quod consilium est?" (Ano na ang plano?) pupungas-pungas na tanong ni Ethriel. Natawa si Circe sa ginawa ni Ethriel. Habang seryoso naman ang mga kasama maging si Satan na nakatingin sa kanya.

"Cur non addere ad Ethriel ad caelum appellare libuit lucrari?" (Bakit hindi si Ethriel ang utusan nating kumuha ng orb?) biglang sabi naman ni Lucifer sa mga kasama. Tiningnan siya ni Ethriel ng seryoso at naguguluhan sa suhestisyon niya. Ngumisi si Lucifer kay Ethriel. "An etiam unum angelum perspiciunt lapsum. Quod dum multo habitas in caelo. Vos scitis eductus est coluber tortuosus volvitur et loca ibi." (Hindi ba isa ka rin namang fallen angel. Mas nanatili ka ng matagal sa langit. Alam mo ang pasikot sikot at lugar doon.) dagdag pa nito. Sinamaan lang siya ng tingin ni Ethriel.

"Cur non tu accipere lucifer? Tu primus ordo noster possit." (Bakit hindi ikaw ang kumuha Lucifer? Ikaw naman ang una sa ranggo sa ating mga demon chief.) Sabat ulit ni Circe.

Si Lucifer ang nasa unang ranggo ng mga demon chief habang pangatlo naman si Ethriel. Both Lucifer and Ethriel are fallen angels. Ibig sabihin, dati silang mga anghel na nagbago at naging demonyo. Mas nauna si Lucifer na maging demonyo kesa kay Ethriel. Lucifer is three years older than Ethriel. Pero silang dalawa ang mortal na magkalaban sa mga demon chief nang minsang hamunin ni Ethriel s Lucifer sa isang laban kapalit ang ranggo nito. Ngunit nabigo si Ethriel.

Muling ngumisi si Lucifer saka pumaling ang tingin kay Circe na nakataas ang kilay na nakatingin kay Lucifer.

"Decretum est Satanae quid facere iubet." (Na kay Satan pa rin ang desisyon, kung ano ang utos niya iyon ang gagawin ko.) Sagot ni Lucifer kay Circe. Napatingin ang lahat kay Satan na halatang pinag-iisipan kung sino ang uutusang nakawin ang orb.

Huminga ng malalim si Satan at tiningnan isa-isa ang 12 demon chief. Hanggang sa binalik nito ang tingin kay Ethriel.

"Multi milites tenuit ut Ethriel lucifer orbe tulit." (Maraming kawal ang hawak ni Lucifer kaya Ethriel ikaw ang kumuha ng orb.) Anunsyo ni Satan sa lahat.

Yumuko si Ethriel kay Satan bilang pagtanggap sa utos nito saka tiningnan si Lucifer na nakatingin sa kanya at mapang-asar na nakangiti.

"Post me, satanas." (Masusunod po, Satan.) sagot niya.

Natapos na ang pagpupulong ng mga demon chief kasama si Satan. Naglakad na palabas ng kwarto si Ethriel nang sundan siya ni Circe.

"Tu eget auxilio?" (Kailangan mo ba ng tulong?) tanong ni Circe kay Ethriel. Kilala si Circe bilang isang matalinong demonyo. Likas sa kanya ang pagtutuklas sa iba't-ibang bagay at mahika. Isa rin sa tatlong babaeng demon chief si Circe kasama ang kambal na sina Gefion at Gehanna.

Ngumisi si Ethriel kay Circe. "Ne crede tibi? Ut sine ope luminis orbe, quod ego ex te." (Wala ka bang tiwala sa akin? Makukuha ko ang orb na iyon nang walang tulong mula sa inyo.) sagot ni Ethriel saka naunang maglakad kay Circe.

Pagdating sa base ni Ethriel agad niyang hinanap si Alciel, ang kanyang kanang kamay.

"Alciel!" Sigaw niya sa buong base.

"Dominus meus." (Panginoon ko) biglang litaw ni Alciel sa harap ni Ethriel. Bakas ang inis sa mukha ni Ethriel. Sa totoo lang hindi niya alam ang gagawin sa minsyon niyang kunin ang orb.

"Ut nos es subigo per orbem. Pedicabo ego matrem, est quod Lucifer!" ( Tayo ang naatasan na kunin ang orb. Putang inang, Lucifer iyon!) malakas na sigaw ni Ethriel.

"Quid primum faciemus est, Domine?" (Ano na po ang una nating gagawin, Panginoon?) tanong ni Alciel. Naging seryoso ang mukha ni Ethriel at napaisip kung paano niya sisimulan ang kanyang misyon na kunin ang orb.

"Nos determinare quis custodiet ipsos orbes." (Aalamin natin kung sino ang bantay ng orb.) Aniya. Nagtaka naman si Alciel sa tinuran niya. Nagtitigan ang dalawa at taimtim na nag-isip.

"Nos ire ad caelum." (Babalik tayo sa langit.) ani Ethriel na kinabigla ni Alciel na tulad ni Ethriel ay isa ring fallen angel.